Kabanata 8
Natigilan din si Sebastian habang nakatingin sa babaeng nasa harap niya.

Walang saplot ang katawan ni Sabrina, at namula nang kaunti ang balat niya pagkatapos maligo. Magulo at basa pa ang maikli niyang buhok, at ang maliit niyang mukha ay basang basa pa rin ng tubig at steam.

Makikita na agad ang buong katawan niya sa isang tingin palang habang nakatayo siya sa harap ni Sebastian. Nanginig siya at tinakpan na lang sarili niya dahil wala na siya nagawa.

Wala rin masyadong suot na damit si Sebastian.

Matangkad siya, maganda at malaki ang katawan na kita ang muscles nito, makinis na balat, makisig ang balikat, at maliit ang balakang. Ang kamay niyang matigas at parang bakal ay merong dalawang nakakatakot na peklat, pero dahil dito mas nakita ang pagkakalaki niya at malakas ang dating nito.

Nung nakita ni Sabrina ang mga peklat niya, parang tumiklop ang puso niya at natakot ito.

Pero, nahiya din siya dahil nakita na ni Sebastian ang buong katawan niya.

Nagpanic siya at tinakpan ang hinaharap niya, pero kahit anong pilit niyang takpan ito, may mga parte pa rin na kita. Inunat niya ang nanginginig niyang braso para abutin ang bathrobe dahil gusto na niyang isuot ito, pero sobrang nanginginig ang mga kamay niya.

"A...Akala ko hindi ka babalik dito. Bakit...Bakit ka bumalik?" Nanginginig din ang ang mga ngipin niya at ang mukha niya pulang pula na parang pinatungan ng plantsa.

Nakuha niya na ang bathrobe, pero hindi niya ito masuot nang maayos.

Pagkatapos siyang mahirapan na suotin ang bathrobe, napansin niya na sobrang haba pala nito at ang dulo ay nakasayad na sa sahig.

Naisip niya na din na pang lalaki pala yung bathrobe. Malapad, malaki at mahaba ito.

Basta niya na lang binalot sa sarili niya ang bathrobe at umalis na, pero habang mas kinakabahan siya, lalo pa siyang sinusundan ng kamalasan. Natapakan niya ang laylayan ng bathrobe, at muntik na siyang madulas nang tuluyan.

"Ah...!". napasigaw ulit si Sabrina.

Tinaas ni Sebastian ang isang kamay nito at hinila niya si Sabrina at para bang niyakap ito para hindi siya tuluyang mahulog sa sahig.

Napansin ng lalaki ang isang pamilyar na amoy at naisip niya na nakaamoy na siya ng ganito dati. Pinikit niya ang mata niya at tumungo ito hanggang sa tumapat sa batok ni Sabrina.

Umiyak si Sabrina sa takot. "Bitawan mo ko..."

Nagising bigla si Sebastian.

"Damn," sabi niya. Kumuha siya ng tuwalya at binalot niya kay Sabrina. Binuhat niya to papuntang second floor at hinagis siya sa malaking kama bago siya tumalikod at umalis.

Bang! Sumara nang malakas ang pinto.

Pumunta siya sa banyo niya, binuksan ang malamig na shower, at galit na galit siyang naligo.

Nakatiklop ang katawan ni Sabrina sa kama ng pangalawang kwarto, yakap niya ang hita niya at sinisisi maigi ang sarili. Bakit hindi sumama ang loob niya sa yakap ni Sebastian?

'Sabrina Scott, gusto mo ba talagang mapabilang sa isang mayamang pamilya?'

'Masyado kang walang kahihiyan!'

'Sobrang nandidiri sayo si Sebastian. Paano siya magiging interesado sayo, isang babae ka lang naman na kakalabas lang ng kulungan at ngayon eh may ipinagbubuntis pang bata?'

'Hindi ka dapat magpaapi hanggang sa wala ng matira sayo, kahit patay ka na!'

Hindi siya nakatulog nang maayos sa guest bedroom. Maaga siyang nagising kinabukasan at wala siyang nakita tao sa sala. Kaya kinuha niya na lang ang notepad at nag-iwan ng sulat.

Madiin, malinis ang pagkakasulat niya katulad ng dati. 'Pasensya ka na sakin, Mr. Ford, akala ko kasi hindi ka na babalik dito para magpahinga, at nadismaya pa kita dahil ginamit ko ang banyo mo kahapon. Katulad ng dati, kunwari na lang walang nangyari, at sana ganun din ang gawin mo.'

Pagkatapos niyang iwan ang sulat, pumunta na sa ospital si Sabrina para bisitahin si Grace.

Hindi niya nakita ang kasambahay nung umagang yun, kaya alam niya na si Grace ang maingat na nagplano at nag-ayos ng lahat. Gusto niyang maging magkasama sila nung gabing yun.

Nung dumating siya sa ward, tiningan agad ni Grace si Sabrina pagpasok pa lang nito ng kwarto. "Sabbie, bakit ang aga mong nagpunta dito? Hindi ka dapat bumangon ngayon. Kailangan mo pa magpahinga."

Nahiya si Sabrina at sinabi, "Ma...wag na natin pag-usapan."

"Sabihin mo nga sakin. Masaya ka ba kagabi?" tanong ni Grace habang nakangiti.

"Opo." tumango lang si Sabrina, tapos bigla siyang lumapit at yumakap kay Grace.

Niyakap siya ni Grace at sinabi, "Alam mo ba kung gaano kayo kabagay ni Sebastian sa isa't isa? Hindi ako nagkamali sa inyong dalawa. Bibigyan ko talaga kayo ng maganda at magarbong kasal..."

"Thank you, Mama." Kahit na nagkukunwari lang sila, malaki pa rin ang pasasalamat niya kay Grace.

Para kay Grace, hindi ‘to pagkukunwari lang.

Gusto niya talagang bigyan ng magandang buhay si Sabrina.

Buong umaga nakaupo lang si Sabrina sa loob ng ward ni Grace para masamahan niya ito. Nakipagbiruan at tawanan lang siya dito. Dahil may sakit pa rin naman si Grace, kailangan niyang ipikit muna ang mga mata niya pagkatapos ng tawanan at kwentuhan nila.

Umalis na si Sabrina nung nakatulog na si Grace.

Kailangan niyang magmadali at makahanap ng trabaho.

Habang naglalakad siya sa daan, hindi niya sinasadyang makakita ng isang advertisement sa may bus stop.

Nag-aral si Sabrina ng architectural engineering nung college, pero natigil ang pag-aaral niya dahil sa pag-aresto sa kanya nung second year pa lang siya. Isa pa, talagang maganda ang samahan nila ni Grace sa kulungan, siguro dahil si Grace ay isang ring Architecture Designer na may mataas na professional standards.

Silang dalawa ay madalas na nag-aaral ng architecture nang magkasama pag wala na silang magawa sa kulungan.

Nakakaawa lang na hindi na nga nakatapos si Sabrina, kakalabas pa lang din ng kulungan, at ngayon buntis pa siya. Hindi siya magugustuhan ng mga kumpanyang naghahanap ng empleyado sa gantong posisyon.

Pero, nilakasan niya pa rin ang loob niya para lang masubukan niya.

Gumawa si Sabrina na ng ilang structural diagrams na mas praktikal gawin gamit ang ballpen at papel. Pumunta siya sa printing company at nagbayad para kunan ng litrato ang gawa niya. Pagkatapos niyang matanggap ang mga ito sa inbox niya, pinindot niya na ang send button.

Pagkatapos niyang gawin ang lahat ng kailangan, nakatanggap siya ng tawag galing sa hindi niya kilalang number. "Hello?"

"Sabrina." dinig na dinig ang mayabang na boses ni Selene galing sa kabilang linya.

"Paano mo nalaman ang number ko?" nagtatakang tanong ni Sabrina.

"Hah!" tumawa si Selene, "Nahanap ko nga kung saan ka nakatira eh. Hindi ba sobrang dali na lang sakin na malaman yung number mo?"

"Anong meron?!" tanong ni Sabrina.

"Kasalanan ko yung nangyari kahapon. Badtrip kasi ako nun. Pwede kang pumunta dito ng mga four or five o’clock ng hapon para makuha mo na ang mga litrato ng mama mo." Madalas na masungit ang boses ni Selene.

Wala nang nasabi si Sabrina.

Hindi niya na naisip yung kaibahan ng ugali ni Selene kahapon saka ngayon. Gusto niya na lang makuha doon sa kanila ang mga litrato ng mama niya.

Nung mga alas kwatro o alas singko na ng hapon, pumunta na ulit si Sabrina sa Lynn Residence.

Pumasok siya ng bahay at nakatingin lang sa reyna ng pamamahay na si Jade. "Nasaan na yung mga litrato ng mama ko? Ibigay niyo sakin, para makaalis na din ako agad dito."

"Bakit ka naman nagmamadali, Sabrina? ngumiti si Jade na parang ang bait nito sa kanya. "Andito ka na rin lang, maupo ka na muna."

"Pasensya na, hindi ako interesado!" kalmadong sagot ni Sabrina.

"Wow ha!" sabi ni Jade sa kakaibang tono ng pananalita, "Masyado na yatang mataas ang tingin sa sarili ng isa dito. Ni hindi man lang gustong bumisita sa bahay kung saan siya pinalaki ng walong taon? Mukhang hindi mo na yata kailangan ng pera galing samin ngayon? Malapit ka na bang ikasal sa mayaman?

"Tama ka nga! Nakahanap na ko ng asawa na mas mayaman pa sa Lynn family ng isang daang beses. Siguro magbibigay na lang ako sa pamilya niyo pagdating ng panahon." Tinaas ni Sabrina ang noo niya at mayabang na tumingin kay Jade.

Walang nasabi si Jade, pero halos masira ang ngipin niya sa gigil at galit.

"Sabrina, talagang niyabangan mo pa kami nang ganyan? Edi sige dalhin mo yung mayaman mong asawa dito, para naman magkakilala tayong lahat." Narinig ang boses ni Selene galing sa pinto.

Tumalikod si Sabrina at nakitang pumasok ang isang babae at lalaki. Si Selene ang babae.

Nagulat siya na si Sebastian ang lalaki.

Leia este capítulo gratuitamente no aplicativo >

Capítulos relacionados

Último capítulo