Kabanata 9
Nasaktan nang kaunti ang puso ni Sabrina.

Syempre, hindi mawawalan ng girlfriend ang isang lalaking katulad ni Sebastian na galing sa mayaman at marangal na pamilya. Kaya lang naman nagpakasal si Sebastian sa kanya ay para pagbigyan ang kagustuhan ng nanay niya na malapit nang mamatay.

Pero, hindi talaga inakala ni Sabrina na ang girlfriend pala ni Sebastian ay si Selene.

Para kay Sabrina, napakarami talagang nangyayari sa buhay na di inaasahan.

Yung mga taong umapi sa kanya ay mas lalo pang sumasaya at nagiging marangal. Sa kabilang banda, si Sabrina naman sira na ang kinabukasan, buntis at hindi kasal, at hindi nga rin alam kung anong pangalan ng ama ng anak niya.

Pakiramdam ni Sabrina ay para siyang payaso habang nakatingin siya sa dalawa na para bang itinadhana talaga para sa isa't isa.

Para bang ginawa lang dahilan ni Selene ang pagsabi niya kay Sabrina na kunin ang mga litrato ng mama niya. Ang totoong intensyon ni Selene ay para harapan niyang ipagmalaki ang boyfriend niya kay Sabrina.

Pagkatapos niyang itago ang lungkot na nararamdaman niya sa puso, kalmadong sinabi ni Sabrina, "Paano ba makakahanap ang isang maruming babaeng katulad ko ng isang mayamang asawa? Nagbibiro lang naman ako ngayon. Dahil may bisita kayo, hindi ko na kayo aabalahin pa. Pakidala na sakin yung mga litrato ng mama ko, para makaalis na din ako agad."

Hindi na niya masyadong tiningnan si Sebastian na parang hindi talaga sila magkakilala.

Wala namang reaksyon si Sebastian.

Ayaw niya talagang pumunta sa bahay ng Lynn family, hindi niya lang talaga maalis sa isip niya na niligtas ni Selene ang buhay niya dati. Kaya naglaan siya ng oras para pumunta dito ngayon.

Hindi niya rin inaasahan na makikita niya si Sabrina dito.

Palihim na nasasabik si Lincoln at Jade pagkatapos nilang makita na hindi talaga magkakilala si Sebastian at Sabrina.

Walang kaalam alam si Sabrina na yung lalaking sinamahan niya ay hindi naman talaga na namatay at naging pinaka marangal na tao pa sa South City sa isang iglap lang.

Nagkatinginan si Selene at ang mga magulang niya saglit, tapos sinabi nito, "Sabrina, kakarating lang ng boyfriend ko, at gusto mo na agad umalis? Nakakabastos naman yata yun. Baka isipin ng boyfriend ko hindi maganda ang pakikitungo namin sayo."

Tumalikod si Selene at sinabi kay Sebastian, "Alam mo ba, Darling Sebastian. Ang pamilya ko ang gumastos ng pag-aaral at pagpapalaki sa kanya simula nung teenager pa siya, pero nagloko pa rin ang babaeng to! Nakulong siya nung second year palang siya..."

Tumingin na parang nainis si Sebastian kay Sabrina, tapos sinabi kay Selene, "Sa susunod wag kang magdidikit sa mga taong kasuklam-suklam."

"Kung yan ang gusto mo, Darling Sebastian, pero kailangan pa rin niyang sumabay satin sa hapunan ngayon. Kahit ganyan siya, walong taon pa rin naman siyang tumira dito samin, at mahal siya ng buong pamilya ko," mahinahong sabi ni Selene.

Tumingin si Selene kay Sabrina habang hindi kita ni Sebastian ang itsura niya, at nginitian niya si Sabrina na para bang wala siyang pake sa nararamdaman nito.

Ang gusto ni Selene ay ipakita kay Sabrina kung gaano sila ka-sweet ni Sebastian.

Kung hindi lang siya takot na malaman ni Sebastian ang lahat, siguro sasabihin ni Selene nang diretsahan kay Sabrina, 'Yung lalaking niligtas mo dahil sa pagsasakripisyo mo ng isang pinaka importanteng bagay sa pagkababae mo ay isa nang pinaka marangal na tao ngayon sa South City, at siya ay asawa ko na.'

Gusto niyang makita sa mga mata niya kung paano mamatay si Sabrina dahil sa galit.

At dahil hindi nababanggit ng buong Lynn family ang mga litrato, sinabi agad ni Sabrina, "Sige, dito na ko maghahapunan."

Nag-alala din naman siya na baka wala rin siyang lugar na makakainan.

Wala na siyang pake kung third-wheel siya o kung minamaliit siya ng mga tao, basta makuha niya lang ang mga litrato ng mama niya, hindi sayang ang punta niya dito.

Pagkatapos niyang umupo, doon lang inabot ni Jade kay Sabrina ang dalawang litrato. Tiningnan ni Sabrina ang litrato ng mama niya, at halos tumulo na agad ang luha niya.

Hindi na nga rin niya nalaman kung paano ba namatay ang mama niya, pero ngayon, kailangan niyang kumain dito. Hindi maipaliwanag ang kahihiyan sa puso niya.

Kailangan makuha niya ang perang ibibigay sa kanya ni Sebastian. Kapag nakuha niya na ang pera, magsisimula na siyang imbestigahan ang dahilan ng pagkamatay ng mama niya.

Kung nagkataon na ang Lynn family ang nagpahamak sa mama niya, pagbabayarin niya sila ng isang daang beses!

Tinago niya na ang mga litrato sa bag niya at umupong mag-isa sa dulo ng sofa.

Hindi na siya pinansin ng mga miyembro ng Lynn family dahil naging tutok na sila sa pakikipagkwentuhan kay Sebastian.

"Young Master Sebastian, anong masasabi mo tungkol sa kasal niyo ni Selene?". Sinubukan ni Lincoln na gawin lahat para matuwa sa kanila si Sebastian katulad ng kung gaano kababaw ang mga tao noong unang panahon kapag gusto nilang matanggap ng mayamang pamilya ang anak nila bilang asawa.

Talagang sinadya ni Lincoln at Sebastian na ipakita ito sa harap ni Sabrina.

"Papakasalan ko ang anak niyo! Pero pagkatapos na ng dalawang buwan." malamig ang tono ng boses ni Sebastian.

Ayaw niya na pinag-uusapan nila ng Lynn family ang tungkol sa kasal sa harap ng isang outsider.

At saka, kay Sabrina!

Siya naman talaga ang legal na asawa niya pero kung kumilos si Sabrina ay parang wala siyang pake sa pinag-uusapan nila.

Magaling talaga siya magkunwari at magmanipula sa ganitong edad pa lang.

Dahil nakikita niya na si Sebastian ay parang hindi natutuwa, si Lincoln, na mas matanda sa kanya, ay hindi na kumontra pa sa kanya. Nakisama na lang siya at sinabi, "Lahat ay nakasunod sa mga kagustuhan mo..."

Pero, si Selene ay parang nag-asal bata at sinabi, "Darling Sebastian, hindi na ko makapaghintay. Lalamig na ang panahon sa loob ng dalawang buwan. Hindi na ko magiging maganda sa wedding gown ko nun. Baka pwede nating gawin ang kasal ngayong buwan, sige na please?"

Ayaw din ni Sebastian sa mga babae na peke at maarte. Kung hindi lang sinakripisyo ni Selene ang sarili para sa kanya dati, baka umalis na agad si Sebastian.

Sumagot siya at sinabi, "Gaganapin ang kasal pagkatapos ng dalawang buwan."

Ngumiti si Selene at parang na-awkward ito. "Sige...Sige."

Lumingon siya sa kabila at tumingin nang masama kay Sabrina.

Si Sabrina ay nakatingin sa direksyon ng dining room at hindi siya nakikinig sa mga pinag-uusapan nila. Meron ba siyang pake sa kung kailan ang petsa ng kasal nila?

Nagugutom na siya.

Buntis siya kaya mabilis siya laging magutom.

Napansin ni Sabrina ang masamang tingin sa kanya kaya humarap siya at tinanong si Selene, "Hindi pa ba tayo kakain?"

Walang nasabi si Selene. Pakiramdam niya ay isang cotton candy lang ang sinapak niya.

Si Sebastian naman, sa kabilang banda, ay hindi napigilang magnakaw ulit ng tingin kay Sabrina.

Ang kakayahan ni Sabrina na tumayo sa sariling paa at pagiging matibay ang loob ay walang katulad at parang naantig nang kaunti ang puso niya dito.

Inihain na ng katulong ang mga pagkain, at nakatutok agad ang mata ni Sabrina sa peach pudding cake.

Yun ang paboritong dessert ni Selene.

Pagkalapag ng cake sa ibabaw ng mesa, kinuha agad ito ni Sabrina at kinain ito bago pa makakuha si Selene.

"Ikaw..." tiningan siya ni Selene na parang hindi makapaniwala.

Si Jade ay mas nagalit pa, pero hindi niya maipakita dahil nandyan si Sebastian, kaya ngumiti na lang siya ng peke at sinabi, "Sabrina, hindi ko alam na mahilig ka pala sa dessert?"

"Mm, matagal ko nang gustong tikman pero ni minsan hindi ako nakatikim. Ngayon, nakakain na din ako sa wakas." tumango si Sabrina habang kumakain.

"Hoho!" tumawa si Jade at kita ang panggigigil. "Ano pang gusto mong kainin?"

Tumingala si Sabrina at tumingin ito sa mesa. "Salmon, shrimp balls, broccoli…”

Alam niyang pinagmumura na siya ng mga ito sa loob loob nila ng daan at libong beses.

Pero, sila naman ang nagpumilit na dito na siya maghapunan.

Yung bata sa tiyan niya na lang ang nag-iisa niyang pamilya, kaya ang pinaka importante sa lahat ay makakain nang maayos ang bata.

Wala nang ibang tao dito sa mundo ang nagmamahal sa kanya, kaya sinusubukan niya na lang mahalin ang sarili niya.

Sa ilalim ng mga matang nakatingin sa kanya, binaba niya ang kubyertos niya at sinabi, "Busog na ko, kaya aalis na din ako."

Wala nang pake si Selene kung hindi na siya magmukhang mabait sa harap ni Sebastian. Kaya ginalit niya na lang si Sabrina, "Gabi na nga pala 'no, kaya babalik ka na para simulan ang trabaho mo, tama ba?"

Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo