Nanliit ang mata ni Sabrina sa galit. Namutla ang babae sa takot at patuloy na nagpaliwanag nang mabilis. "Ano lang po...yung mga magulang ng kaibigan niyo ay nangutang talaga ng isang milyong dolyar sa amin. Sabi nila kailangan nila ang pera para isa pa nilang anak, na may sakit at kailangan magpagamot para mabuhay. Sabi nila ipapadala nila ang isa pa nilang anak dito sa akin at wala silang pakialam kung ibenta ko siya basta lang buhay siya. Ginagawa ko lang po ito dahil hindi nila ako mabayaran, hindi naman pwedeng mamigaw na ako ng isang milyong dolyar ng ganun lang, di ba? Kaya po-""Naintindihan ko na." Hindi na tumingin pa si Sabrina sa babae at hinigpitan ang pagkakayakap kay Ruth."Pa-pakiusap maawa kayo sa amin," nagmakaawa ang babae."Damit!" Sumigaw ulit si Sabrina."Mamadaliin ko na po sila!"Hindi nagtagal, bumalik ang babae na may dalang dalawang malalaking bag ng mga damit."Banyo!"Agad na dinala ng babae si Sabrina at Ruth papunta sa banyo."Ruth, maligo ka na
"Sabrina, ako...alam mo ba kung ano ang pakiramdam na lokohin, traydorin at ipagtabuyan ng sarili mong kamag-anak?" Nagtanong si Ruth habang umiiyak. Tapos umiling siya t nagpatuloy, "Hindi mo alam. Ang tatay mo ay wala na, pero minahal ka niya nang buong puso nung nabubuhay pa siya. Ang nanay mo ay nawawala, pero minahal ka rin niya. Hindi mo malalaman ang pakiramdam na maloko at ipagbili ng sarili mong magulang. Sa tingin ko hindi ko na kayang mabuhay pa nang ganito, Sabrina."Tinapik ni Sabrina si Ruth sa kamay nito. "Ikaw ang may hawak sa buhay mo, Ruth. Magpakatatag ka lang. Na...naiintindihan ko ang sinasabi mo, alam ko ang pakiramdam.""Alam mo?""Oo. Ang pagtataboy, pang-iinsulto at pananakit ng sarili mong ama, kaya kitang damayan sa nararamdaman mo," malungkot siyang sumagot. Tinaas niya ang tingin niya para tingnan si ang mga mata ni Ruth. "Sabihin mo sa akin, anong ginawa nila sayo?"Napaurong si Ruth nang alalahanin niya ang mga ginawa sa kanya ng mga magulang niya."
Pero alam niya din naman na hindi siya sapat para sa kanya. Nung tumungo si Ruth para itago ang pamumula niya at nahirapan na hanapin ang tamang salita, tinaas ni Ryan ang baba niya gamit ang nasugatan niyang braso. Ang mga daliri niya ay nakahawak sa panga niya at pinilit niya itong tumingin sa mga mata niya."Tumingin ka sa akin," sabi niya. Ang pamumula ni Ruth ay lalong tumingkad at ngumisi siya. "Hindi ka pwedeng magkunwari na hindi ito nangyari! Sinalba ko ang buhay mo kanina, kaya kailangan mo ako bayaran ng sarili mo. Wala kang karapatan para tanggihan ako ngayon, magiging asawa kita sa ayaw mo at sa gusto!"Bago pa makakilos si Ruth sa kahit anong paraan, binalot na agad ng lalaki ang isa niya pang braso sa bewang nito at hinila papalapit sa kanya. "Master Ryan, wag..."Ang isip niya ay na-blanko at nawala sa sarili sa mga sumunod nangyari. Wala siyang ideya nung nagawa ni Ryan na punitin ang mga damit niya at binuhat siya papunta sa kama, pero nung oras na nandun na siya,
Nang marinig na may sakit ang nanay niya, kumirot ang puso ni Ruth. "Si Mama...paano siya nagkasakit?""Dahil ginalit mo siya!" Sigaw ng tatay niya.Nanginig ang boses ni Ruth. "Pa, ano ba talaga ang ginawa kong mali? Ginagawa mo ba ito sa akin dahil lang tinanggihan kong tulungan ang pinsan ko? Kaya kong intindihin na gusto niyong maging mabuti sa kanya dahil nawalan siya ng mga magulang nung siya ay bata pa. Kahit kailan hindi ako nagprotesta na mas pinapaburan niyo siya kaysa sakin. Pero sumosobra na siya at umabot sa punto na inatake niya ako gamit ang sulfuric acid, tapos si mama sa akin pa nagalit? Kung ayaw niyo sa akin bilang anak niyo, sabihin niyo lang, pa. Lalayo na lang ako sa inyo simula ngayon. Wag kayong mag-alala, babayaran ko pa rin ang bawat isang kusing para suportahan kayong dalawa ni mama."Si Ruth ay hindi pa naging sobrang determinado hanggang sa dumating ang araw na 'to. Siya ay nawasak!Ang tono ng tatay niya ay humina sa mga salita niya. "Ang iyong mga mag
Paanong hindi mapapansin ng isang ama ang kanyang anak na namumula. Ano ang iniisip niya? At nasabi ng kanyang ama, "Kayo! Magkasama kayo?"Agad na namula si Ruth at sinabing, "Dad...papakasalan niya ako."Natahimik ang kanyang ama, nagdilim ang kanyang ekspresyon ng ilang segundo. Ngunit si Ruth ay masyadong nahiya kaya hindi niya ito napansin."Dad, tatawagan ko lang si Ryan at ipaalam ko sa kanya," sabi nito na naka tambo pa rin.Tumango ang kanyang ama. "Oo naman."Inilabas ni Ruth ang kanyang telepono at tinawagan si Ryan. Nagising lang si Ryan sa isang pulang sulat na hugis puso sa kanyang nightstand na may nakasulat na 'Hubby, bumaba ako para ipaghanda ka ng almusal. Kung magising ka sa message na ito, tawagan ako at ipaalam sa akin kung gusto mo ng anumang partikular na bagay'.Napangiti si Ryan sa nakakataba ng pusong sulat. "Tiyak na alam ng babaeng iyon kung paano ako alagaan."Nang matapos niyang basahin ang note ay biglang nag-ring ang phone niya at kinuha niya iyon.
"Anong gagawin natin?" Lumabas ang ina ni Ruth sa kanyang silid at sinipa si Ruth. "You little skank! Nasaan ang konsensya mo? Sino ka para apakan ang iyong kapatid para lang makapasok sa mga elitista? Huh? Paano mo nakakaya maging marawal? Gustong gusto mo talaga makapasok sa buhay ng mayayaman ano? Talagang gusto mong kunin ang mga kayamanan ng kapatid mo ng ganoon kalala? Hindi ba kayo magkapatid? Paano ka naging ganitong marawal? Walang hiya ka!"Sinipa ng kanyang ina si Ruth ng ilang beses, mas malupit pa. Napaungol si Ruth sa sakit, wala siyang makitang bagay na nakalagay ang ulo sa sako, kaya nakiusap na lang siya. "Inay, pwede bang alisin mo na lang muna ito sa akin? Palabasin mo ako at-at pwede mo akong pagalitan o bugbugin kung ano man ang gusto mo, okay?""Pwede ka naming palabasin!" sabi ng kanyang ama. "Ngunit hindi pa maari hanggang hindi pa namin nakukuha ang iyong telepono at bawat huling sentimo na pagmamay-ari mo sa iyong bag. Kailangan ka naming itali bago namin ta
"Nabaliw ka sa iyong sariling pag-iisip tungkol sa pag-akyat sa social ladder! Ngunit hindi ka kabilang doon! Isa kang Mann, hindi isang Shaw! Sa tingin mo ba ay maaari mong pamunuan ang South City at Kidon City dahil lamang sa mayroon kang suporta ng matandang Master Shaw? Gaano ka ba katanga? Gusto mong pakasalan ang magiging asawa ko, ngunit alam mo ba kung paano ka niya nakikita? Halos wala ka nang uod sa kanya! Ang mayayamang pamilya ay hindi kasing simple at gaya ng iniisip mo! Ang babaeng tulad mo, na sasaktan ang sarili niyang pinsan para lang sa pagkakataong makapag-asawa sa isang mayamang pamilya, ay hinding-hindi magiging babaeng may mataas na katayuan! Lagi kang magiging kaawa-awa!""Pumunta ka sana sa impiyerno!" Napabuntong hininga si Mindy. Nagulat siya sa kanyang sarili dahil talagang nakinig siya sa sinasabi ni Ruth tungkol sa kanya. Marahas niyang hinila ang buhok ni Ruth at tumahol, "Tito, tita, kuhaan mo ako ng kutsilyo, ngayon na! Wawasakin ko ang mukha niya, ting
"Sab, Sabrina..." Namamaga ang mga mata ni Ruth sa lahat ng pag-iyak sa puntong ito. "Magulang ko ba talaga sila? Lagi ko silang inaalagaan, plano ko pa ngang ibigay sa kanila ang halos lahat ng sahod ko kapag nakuha ko na, maliit na bahagi lang ang itinatabi ko para sa mga gastusin ko. Pamilya ko na sana sila, pero ngayon..."Matapos ang makitid na pagtakas sa isang kapalaran na mas masahol pa kaysa sa kamatayan, hindi alam ni Ruth kung dapat ba siyang mapoot sa kanila. Ang alam lang niya ay walang laman ang puso niya kundi sakit. Hindi alam ni Sabrina kung ano ang dapat niyang sabihin. Siya ay, masyadong nagdududa kung si Mr. at Mrs. Mann ay talagang mga magulang ni Ruth. Ngunit sino siya para magkomento tungkol dito? Ang kanyang sariling ama ay walang awa din sa kanya. Inabutan ni Sabrina ng tissue si Ruth at inaliw ito. "Huwag ka nang umiyak, Ruth, nakaligtas ka. Laging madilim bago mag-umaga, alam mo ba? Nasa hustong gulang ka na, marami pa ring balakid na naghihintay sa iyo sa h