Kabanata 6
Nang lumabas sila ng munisipyo, nagpaalam na si Sabrina kay Sebastian. "Mr. Ford, hindi na pwede ang mga bisita sa hapon sabi ng mga doctor, kaya hindi na ako susunod sayo. Bibisitahin ko na lang si Auntie Grace bukas ng umaga."

Matino naman talaga siyang kausap.

Kapag wala siya sa harap ni Auntie Grace, magkukusang na siyang ilayo ang sarili niya kay Sebastian.

"Ikaw ang bahala," kalmadong sagot ni Sebastian.

Umalis na nang mag-isa si Sabrina.

Sa loob ng kotse, nagtanong si Kingston, "Young Master Sebastian, hindi ka ba natatakot na baka tumakas siya?"

Ngumiti si Sebastian na parang nang-iinsulto. "Tumakas? Kung gusto niya talagang tumakas, bakit siya magtatrabaho bilang waitress sa restaurant na lagi kong kinakainan? Bakit din siya pupunta sa nanay ko para mangutang? Kaya lang siya tumakas ng dalawang beses eh para tumaas ang halaga niya."

Sabi ni Kingston, "Wala namang kumukontra..."

"Magmaneho ka na lang dyan," sabi ni Sebastian.

Lumagpas ang kotse kay Sabrina, pero hindi man lang siya tiningnan ni Sebastian.

Inuwi na ni Sabrina ang pagod niyang katawan pauwi sa tinitirhan niya.

Merong humarang sa kanya nang palapit na siya sa pintuan. "Sabrina! Dito ka nga talaga nagtatago."

Si Selene yun!

Dalawang taon na ang nakalipas, dahil sa magulo niyang pribadong buhay, pinagsamantalahan si Selene ng isang matanda at bastos na lalaki. Nang komportable na ang lalaki sa gitna ng pagtatalik nila, ginamit ni Selene ang takong ng sapatos niya para ipalo sa ulo ng lalaki, at napatay niya ito agad. Kaya binalak ng Lynn family na lasingin si Sabrina at patago siyang dinala sa pekeng lugar ng krimen na pinagplanuhan nilang maigi.

Kaya ang nangyari, hinatulan si Sabrina ng sampung taong pagkakakulong dahil sa hindi na sinasadyang pagpatay ng tao.

Si Selene naman, sa kabilang banda, ay nakaligtas sa ginawa niya at hindi siya nakulong.

Sa tuwing naiisip niya ito, gustong sakalin ni Sabrina si Selene hanggang sa mamatay ito.

Suplada siyang tumingin kay Selene. "Paano mo naman ako nahanap?"

Mas nagmataas si Selene. "Sabrina, alam mo bang ang tawag sa ganitong klaseng lugar? Urban village. Ito lang ang nag-iisang urban village dito sa South City. Yung mga nakatira dito ay halos puro mga pokpok. Pwede kang magpasama sa pokpok ng isang gabi sa halagang limang dolyar lang. Isang gabi lang na maraming customer, kikita ka na ng isang daang dolyar, ang laking pera na nun."

"So, kaya mo ba ko pinuntahan dito para ipagyabang na kinaya mong kumita ng isang daang dolyar sa isang gabi lang? masungit na tanong ni Sabrina.

"Ikaw!" tinaas ni Selene ang kamay niya at gusto niya na sanang sampalin si Sabrina, pero pinigilan niya din ang kamay niya.

Ngumiti siya at sinabi, "Muntik ko nang hindi mapigilan ang sarili ko. Sasabihin ko nga pala sayo, malapit na kong ikasal at kailangan ayusin ang bahay. Nakakita ang mga katulong ng kaunting mga litrato mo at ng nanay mo habang nililinis ang basura..."

Nagtanong agad si Sabrina, "Litrato ng mama ko? Wag mong itapon, pupunta ako at kukunin ko yun."

Namatay na ang mama niya, kaya sobrang importante sa kanya nung mga naiwang litrato.

Kalmadong nagtanong si Selene, "Kailan mo kukunin ang mga yun?"

"Bukas ng hapon."

"Okay sige bukas ng hapon. Kung hindi, lahat ng basurang yun ay susunugin ko kapag tinago pa sila ng isa pang araw sa bahay ko!" Pagkatapos niyang sabihin yun, umalis na si Selene nang nakatakong at puno ng kayabangan.

Hindi pa matagal na nakaalis si Selene, natulog na agad si Sabrina.

Nasa first trimester na siya ng pagbubuntis at talagang napagod siya sa araw na 'to dahil sa mga nilakad niya kaya gusto niyang magpahinga nang maaga at gumising ng mas maaga bukas para pumunta sa ospital at magpacheck-up.

Kinabukasan, dumating nang maaga si Sabrina para pumila sa ultrasound room ng ospital. Nung meron na lang isang nakapila bago siya, nakatanggap siya ng tawag galing Sebastian at sinagot ito. "Ano yun Mr. Ford?"

Ang malamig na boses ni Sebastian ay rinig na naman sa kabilang linya. "Namimiss ka ng nanay ko."

Nakita ni Sabrina na isa na lang tao harap niya, kaya inisip niya yung tagal ng oras at sinabi, "Andyan na ko sa ospital ng mga isa't kalahating oras."

"Sige." Maikli lang sinagot ni Sebastian.

Lumunok si Sabrina at sinabi, "Uh... Gagawin ko ang makakaya ko para pasayahin si Auntie Grace. Pwede mo pa ba kong bigyan ng allowance? Pwede mo bang ibawas na lang yung sa divorce settlement fee?"

"Pag-usapan natin yan pag nandito ka na." Binaba agad ni Sebastian ang tawag.

Pinakaayaw niya talaga yung mga taong nakikipag-bargain sa kanya!

Tinuloy lang ni Sabrina ang paghihintay sa pila.

Nung papasok na sana siya, isang emergency patient ang siningit doon para ipa-ultrasound, at nagtagal pa ito ng mahigit sa kalahating oras. Nung si Sabrina na dapat ang kasunod, doon niya lang naisip na kailangan niyang gumawa ng medical record dahil ito ang una niyang check-up. Na-delay ng isa pa ulit na kalahating oras ang ultrasound niya.

Nang makarating siya sa ward ni Grace, narinig niya na umiiyak ito sa loob ng kwarto. "Bakit ka ganyan anak, nagsisinungaling ka ba sakin? Tinanong kita kung nasaan si Sabrina!"

"Ma, nakuha na namin yung marriage certificate kahapon." Binigay ni Sebastian ang certificate sa nanay niya.

"Gusto kong ibalik mo na dito sa Sabrina ngayon!" tinulak ng matandang babae ang anak niya nang malakas.

"Aalis na ko para hanapin siya." Tumayo si Sebastian at lumabas ito.

Sa may pintuan, nakita ni Sabrina ang nakakatakot na titig ni Sebastian.

Tumungo siya, at naglakad papunta sa harap ng kama ni Grace na may hawak na bag, at sinabi nito, "Auntie Grace ako po talaga yung late. Naalala ko dati madalas mong sinasabi na paborito mo ang cream puffs nung nasa kulungan pa tayo, kaya binilhan kita ng isang box."

Tumigil sa pag-iyak si Grace at ngumiti, "Sabbie, naalala mo pa pala na paborito ko ang cream puffs?"

"Opo naman." nag-abot ng isang cream puff si Sabrina kay Grace at sinabi, "Tikman mo po, Auntie Grace."

Masayang nakatingin si Grace kay Sabrina. "Sabbie, pwede mo na akong tawaging "Mama" ngayon.

Sabi ni Sabrina, "... Mama."

"Oo," sinabi ito ni Grace at ramdam ang pasasalamat niya, "Ngayong nasa tabi ka na ni Sebastian, mapapanatag na ko kapag nakatawid na ko sa kabila."

Naluha bigla si Sabrina. "Mama, wag ka namang magsalita ng ganyan. Pwede ka pang mabuhay nang mahaba..."

Pagkatapos niyang mapapayag si Grace na matulog muna, pumunta ulit si Sabrina kay Sebastian at napakagat sa labi niya. "Mr. Ford, pwede ba akong makahingi allowance?"

Hindi nagbago ang mukha ni Sebastian, at kalmado niya lang na sinabi, "Nangako ka sakin na darating ka sa loob ng isa't kalahating oras, pero tatlong oras na ang lumipas saka ka lang nakarating. Kapag nalaman ko na iiwan mo lang ulit ang nanay ko, hindi lang pera ang mawawala sayo."

Nanginig bigla si Sabrina. Nararamdaman niya sa aura nito na kaya nitong pumatay kahit kalmado lang ang pagsasalita niya.

Alam niyang hindi lang yun ang sinasabi niya.

Ngumiti si Sabrina at sinabi. "Hindi madaling kitain ang pera ng mga mayayaman. Naintindihan ko yun! Hindi na ko magtatanong ulit-- Gusto ko lang din siguraduhin sayo, gagawan mo ako ng account sa isang malaking city, di ba?"

Sumagot si Sebastian, "Wala kang matatanggap na mas mababa pa sa mga kondisyon na nakasulat sa kontrata."

"Salamat. May mga gagawin pala ako sa hapon, kaya aalis na rin muna ko ngayon." Malungkot na umalis si Sabrina.

"Sebastian..," tinawag siya ni Grace na nasa kwarto.

Pumasok agad sa kwarto si Sebastian. "Ma?"

"Alam kong hindi mo gusto si Sabrina, pero anak, maraming gulo at hirap ang hindi ko kinaya sa loob ng kulungan pero tinulungan ako ni Sabrina sa lahat ng yun. Siya ang pinaka kilala ko sa lahat. Isa siyang napakabuting tao na pinapahalagahan ang pamilya at mga kaibigan niya higit pa sa kahit ano. Ilang beses tayong inapi ng Ford family, hindi pa ba yun sapat? Gusto ko lang hanapan ka ng makakasama na hindi ka iiwan. Naiintindihan mo ba yung mga ginagawa ko para sayo?

"Opo naiintindihan ko, Ma." tumango si Sebastian

Gustong bumangon ni Grace sa kama habang nagsasalita siya, "Gusto kong tawagan si Aunt Quinton para tanungin kung sa bahay mo na titira si Sabrina. Mapapanatag lang talaga ako kapag nasa tama ang pagiging mag-asawa niyo.

Walang nasabi si Sebastian.

Sa oras na yun, tumunog ang phone niya. Sinagot niya agad ang tawag at nagtanong, "Ano?"

Sa kabilang linya naman, parang bata at naglalambing ang boses ni Selene. "Darling Sebastian, gusto kitang imbitahin sa bahay ko para pag-usapan yung kasal natin, makakapunta ka ba? Please?"

"Hindi ako pwede ngayon!" tumanggi agad si Sebastian.

Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo