Kabanata 3
"Ano?" sumimangot bigla ang mukha ni Sebastian, at nagmadali itong pumunta.

Wala nang tao sa banyo, may nakasulat na lang sa dingding gamit ang dugo. 'Mr. Ford, kahit na magkaibang magkaiba ang mundo natin, hindi ko gugustuhin pakasalan ka, paalam!'

Malinis at madiin ang pagkakasulat dito gamit ang dugo, ibig sabihin hindi na mapigilan ng nagsulat ang matindi nitong galit.

Natigilan si Sebastian sa nakita niya.

Posible kayang mali ang pagkaka-iimbestiga niya kay Sabrina?

Ilang segundo lang, nag-utos na siya,. "Hanapin niyo sa likod ng bundok!"

Hindi niya pwedeng hayaang mamatay ang nanay niya nang di natutupad ang gusto nito.

Lahat ng klase ng sanga at tinik sa likod ng bundok ay sumabit na sa damit ni Sabrina, pero kailangan niyang humawak sa mga sanga para makababa siya nang maayos at hindi siya mahulog nang tuluyan. Nagtago siya sa ilalim ng makapal na sanga at nagawang makatakas sa mga tauhan ng Ford family na pinaghahanap siya.

Nagtigil siya doon hanggang dumilim at umikot sa bundok habang gumagapang.

Nung kinaumagahan kinabukasan, nagpunta siya ulit sa Lynn Residence. Nagulat si Lincoln Lynn at Jade Sullivan at nagpanic sila nung makita nila si Sabrina.

"Ikaw, paano ka nakatakas sa kulungan?" nagtanong si Jade at mukhang guilty ito.

Sumagot si Sabrina at sinabi, "Mrs. Lynn, pinalaya na ko pagkatapos kong harapin ang sintensya ko."

"Hindi ka pa rin dapat pumunta dito sa bahay namin. Mabaho at marumi ka, sobrang lakas ng amoy mo! Lumabas ka na dito bilis!" Pinilit na paalisin ni Jade si Sabrina palabas ng bahay.

Hindi na ulit nakatingin pa si Sabrina kay Jade. Tiningnan niya na lang si Lincoln at nagtanong, "Uncle Lynn, dapat malaman ng pamilya mo kung paano ako nakulong dati, di ba? Nung nakaraang apat na araw, pumunta ka para bisitahin ako sa kulungan at sinabi mo sakin na pag pumunta ako sa address na binigay mo at sumama ako sa lalaki ng isang gabi, bibigyan mo ko ng pera para maligtas ko ang mama ko. Kaya pinuntahan ko yung lalaki at pumayag ako sa gusto niyang gawin sakin, pero namatay ang mama ko."

Na-guilty si Lincoln at sinabi, "Hindi natin alam ang kapalaran ng tao! Mabait ako at gusto ko din maligtas ang mama mo, pero maaga siyang namatay! Masisisi mo ba ako dahil dun?".

Galit na tumingin si Sabrina kay Lincoln.

Tinusok niya ang kuko niya sa sarili niyang balat, dito niya lang kasi mapipigilan ang pagsugod kay Lincoln para kagatin siya hanggang mamatay. Sa kasamaang palad, hindi niya pa kayang imbestigahan kung may kinalaman nga ba ang Lynn family sa pagkamatay ng mama niya, kaya kailangan niya munang magtiis.

Nakita sa ngipin niya ang panggigigil at kalmado itong nagtanong, "Saan nakalibing ang mama ko?".

Nagpaligoy ligoy pa si Lincoln, "Syempre dun siya nakalibing sa malupang sementeryo sa bayan niyo! Binayaran ko ang pag-aaral at paninirahan mo dito ng walong taon. Kailangan ko pa bang bumili ng mamahaling puntod para sa mama mo? Walang hiya ka talaga, umalis ka na!".

Nang isara ni Lincoln ang pinto, nagbato siya ng isang libong dolyar at sinabi, "Ito yung bayad sa serbisyo mo nung isang kagabi."

Parang sinasaksak si Sabrina sa puso niya tuwing nababanggit ang gabing 'yun.

Tinaas niya ang noo niya nang may aroganteng tingin at sinabi, "Kung meron mang dapat magbayad, hindi ba dapat yung lalaking 'yun ang magbayad sa akin? Dahil patay na siya, edi wala na rin palang kwenta! At saka, hindi ko naman binebenta ang sarili ko! Kaya lang ako nangako sayo, dahil una para iligtas ang mama ko, at pangalawa, para bayaran ang kabaitan mo sa pagpapalaki sakin. Kaya simula ngayon, wala na akong utang!"

Tapos na yung walong taong paninirahan niya sa loob ng bakod ng Lynn family!

Hinding hindi na siya babalik sa Lynn family kahit kailan.

Kung babalik man siya, ipaghihiganti niya lang ang mama niya.

Nung nakita niyang determinadong umalis ng bahay ang isang yagit na Sabrina, nakaramdam bigla ng sakit sa dibdib si Lincoln.

Matapang siyang pinagalitan ni Jade, "Bakit? Naaawa ka ba sa kanya at sa mama niya? Lincoln Lynn, wag mong kalimutan na sinumpa niya ang anak ko! Pinanganak sila sa parehong araw. Bakit siya ang nabuhay, at namatay ang anak ko pagkapanganak ko sa kanya?"

Sabi ni Lincoln, "Hindi... Hindi ako naaawa para sa kanya. Ang pinakaimportante na lang ngayon ay wala na siya sa kulungan. Kapag nalaman niya na hindi namatay yung lalaking sinamahan niya at naging head ito ng Ford family, malaking gulo ang haharapin natin!".

Napangiti si Jade at sinabi, "Ni hindi niya nga alam kung sino yung sinamahan niya. Anong kinatatakutan mo? Ang pinakaimportante ngayon ay dapat makasal ang pinakamamahal nating anak kay Sebastian. Kung si Selene ang magdadala ng magiging anak ni Sebastian, walang sino man ang gugulo satin."

Huminga nang maluwag si Lincoln at sinabi, "Malaking bagay ang family background para kay Old Master Ford, nag-aalala ako na baka hindi niya magustuhan si Selene dahil ampon lang natin siya."

Tumawa si Jade na parang baliw. "Hindi niya magugustuhan? Si Sebastian ay isang anak sa labas. Wala nga siyang karapatang magmana ng kapangyarihan, pero nagawa niya pa ring maghari sa buong Ford Group sa isang gabi lang.”

"Hanggat naniniwala si Sebastian na si Selene yung nagsakripisyo ng pagkababae niya para maligtas siya, walang makakapigil sa pagpapakasal nilang dalawa. Lincoln, hintayin mo na makasal ang pinakamamahal nating anak sa pinakamayamang pamilya dito South City at maging asawa siya ng mayaman!"

Masayang tumango si Lincoln.

Nawala na agad sa mukha niya ang awa na naramdaman niya kanina para kay Sabrina.

Sa oras na 'yun, 120 meters na agad ang nilakad ni Sabrina papalayo. Tapos, lumiko siya papunta sa main road, at isang matingkad na pulang sports car ang humarang sa kanya.

Bumaba si Selene Lynn ng kotseng 'yun nang nakatakong at mayabang na naglakad palapit kay Sabrina. "Ikaw ba yung babaeng mahirap na namamalimos sa bahay namin ng walong taon? Sabrina? Ilang lalaki na ba ang gumalaw sayo, at hindi ka pa rin naliligo? Mamamatay ako sa amoy mo. Galing ka ba sa bahay ko para mamalimos ulit? Binebenta ka rin naman. Bakit ang kapal pa rin ng mukha mo..."

Slap! Tinaas ni Sabrina ang kamay niya at sinampal si Selene sa mukha.

Nagkaron agad ng pamamaga ang mukha ni Selene at kita ang marka ng limang maruruming daliri.

Hinawakan ni Selene ang mukha niya, at umaalingasaw ito nung inamoy niya.

Punong puno ng galit si Selene at sumigaw, "Talagang... Sinampal mo pa ko?".

Nawalan ng pasensya si Sabrina sa tono ng boses nito. "Masaya na 'ko-- Kasing dumi at baho na rin kita ngayon."

Tumalikod na siya at umalis pagkatapos niyang magsalita.

Nagulat si Selene sa tapang ni Sabrina. Natigilan si Selene kaya hindi niya na hinabol si Sabrina para lumaban pa.

Pumunta si Sabrina sa pinakamarumi at hindi puntahing lugar sa South City at nagbayad siya ng isang kwarto para dito pansamantalang magpahinga.

Wala nga rin siyang pera para makabalik sa lugar kung saan siya galing. Gusto niyang makahanap ng trabaho sa South City at unti-unting makaipon, pero walang may gustong tumanggap sa kanya dahil kakalabas niya lang ng kulungan. Walang ibang paraan si Sabrina kundi gumawa ng pekeng identification card at magpanggap bilang si Layla Young.

Pagkatapos ng ilang araw, natanggap na rin siya bilang isang waitress sa isang fine dining restaurant gamit ang pangalang Layla Young. Maliit lang ang sahod, pero masaya na si Sabrina dito.

Nakita ng manager na seryoso, masipag, mabait, at magalang siya. Kaya na-promote siya bilang isang waitress na naka-assign sa VIP room pagkatapos lang ng tatlong linggo.

"Layla, yung VIP room at yung general floor ay hindi magkapareho-- sila ay mga espesyal na customer natin kaya dapat iwasan mo talagang magkamali." Tinawag ng manager si Sabrina sa pekeng pangalan niya at nagpaliwanag ito nang mabuti.

Tumango si Sabrina at sinabi, "Alam ko po."

Pagkatapos niyang magtrabaho ng isa pang linggo, lahat ay naging maayos sa trabaho niya.

Sa libre nilang oras, may ilang waitress na nakipag chikahan kay Sabrina.

"Ang swerte mo naman, Layla. Na-promote ka agad sa VIP room kahit ilang linggo ka pa lang. Pero, sa tangkad mong 170 centimeters, maliit na mukha, at mahabang binti-- at pati na rin yung na-promote kang VIP waitress, wala ka nang magiging problema kung gusto mong magtrabaho bilang air stewardess, model o kahit pumasok sa showbiz."

Hindi nagsalita si Sabrina at bigla itong umalis habang nakatungo.

Naging mabait sa kanya ang iba niyang kasamahan pero wala siyang imik sa kanila, kaya pagkaalis ni Sabrina, nagsalita sila sa likod niya, "Naging waitress lang sa VIP room, ang yabang na!"

"Ganda lang naman ang meron siya, anong kakaiba dun?"

"Parang di rin naman siya maganda para sa akin, siguro bago lang kasi ang mukha niya dito pero yung ugali niya ay suplada naman. Wala naman siyang pinag-aralan, pero masyadong mataas ang tingin niya sa sarili!"

"Hindi siya hambog, hindi lang talaga siya makwento, at mapagkakatiwalaan din siya. Kung di kayo naniniwala sakin, tingnan niyo..."

Isa sa mga kasamahan niya ay biglang tinawag si Sabrina, "Layla, ang sakit ng tiyan ko. Pwede mo ba akong tulungan dalhin 'tong order?"

Tumango si Sabrina. "Oo naman."

"Yung Platinum VIP Room na nasa third floor yung room ko, salamat!" Nagmamadaling umalis ang kasamahan niya pagkatapos magbilin.

Habang nakatingin ang iba sa kanya at napanganga, umalis siya at pumunta pataas ng third floor. Siya muna ang nagserve ng order na dapat gagawin ng kasamahan niya, tinulak niya ang pinto at pumasok sa kwarto.

Tumungo siya at nakatingin lang sa mga pagkaing nilalapag niya nang may biglang humawak sa kamay niya. Nanginig si Sabrina at tumingin sa customer. Natigilan siya agad.

Isang seryosong mukha na may nakakatakot at aroganteng tingin ang bumungad sa harap ng mukha niya.

"Paano mo nalaman na lagi akong nandito?" hinawakan ni Sebastian nang mahigpit ang kamay niya. Kung makatingin siya ay parang gusto siya nitong patayin.

Continue lendo no Buenovela
Digitalize o código para baixar o App

Capítulos relacionados

Último capítulo

Digitalize o código para ler no App