Kabanata 2
Hindi tumingin si Sebastian kay Sabrina. "Narinig mo 'ko."

Hinawakan ni Sabrina ang dulo ng marumi niyang damit at nagsalita ito ang mahina, "Sir, hindi po ito nakakatawang biro."

Ngumiti si Sebastian at sinabi, "Di ba matagal mo ng planong magpakasal sa akin?"

Tumingin nang deretso si Sebastian sa mukha ni Sabrina na mukhang lugmok and tumitig ito sa mga mata niya. Nanginig si Sabrina at umiwas ng tingin, pero hinawakan ni Sebastian ang baba niya at pinilit itong tumingin sa kanya.

Napansin ni Sabrina na yung mukha niya sa ilalim ng shades ay parang malamig at maganda. Talagang pinagpala siya ng Diyos dahil mukhang gwapo talaga siya. Bukod dito, yung mga maliliit niyang balbas ay mas nagpaganda pa sa pagkalalaki niya.

Yung suit niya ay talagang maganda ang pagkakagawa at mamahalin.

Masasabi ni Sabrina na talagang kilala itong taong 'to.

Samantala, siya naman ay nakasuot ng maruming damit na puro amag, magulo ang buhok, madungis na mukha, mabaho ang amoy, at hindi pa siya naliligo ng ilang araw.

Kukuha daw silang dalawa ng marriage certificate?

Tumungo si Sabrina at nagsalita nang mahina, "Sir, sa tingin niyo ba porket nakulong ako ng dalawang taon at hindi pa ulit nakakita ng kahit sinong lalaki, eh papayag na lang ako sumama sa kahit sinong lalaking pangit at hindi ko pa kakilala?"

Hindi napigilan ni Sebastian na tumingin ulit sa kanya.

Medyo bata pa siya, pero matalim ang dila niya at kalmado lang ito. Hindi niya napigilan na mas mandiri pa siya sa kanya, "Ginagamit mo ba 'tong paraan para galitin ako o para mas maging interesado ako sayo?"

Pagkatapos niyang magsalita, hindi niya na hinintay pang sumagot si Sabrina at inutos agad sa driver, "Sa munisipyo tayo!"

"Pakawalan mo na ko! Ni hindi nga kita kilala!" Natakot si Sabrina at gusto nang lumabas ng kotse.

Pinapirmi siya ni Sebastian gamit ang siko niya patalikod, at tinignan niya ito nang nakakatakot, malamig ang boses nang magsalita ito, "Ikaw babae, makinig ka--! Kung gusto mo nang mamatay, pwede na kita patayin ngayon."

Natakot si Sabrina. Tumulo ang luha sa mga mata niya, at nagsalita ito nang mahina, "Ayaw ko pang...mamatay."

"Dumeretso ka na sa munisipyo!" utos ulit ng lalaki.

"Young Master Sebastian, sa munisipyo na po ba talaga tayo dederetso?" tanong ng assistant niya na nakaupo sa harapan.

Parang napaisip si Sebastian.

Tumingin ang assistant kay Sabrina at sinabi, “Punit punit at luma na ang damit ni Young Mistress, at mukhang na rin siyang marumi..."

"Balik tayo sa Ford Residence!" nag-utos ulit ang lalaki.

"Opo, Master Sebastian." pinaandar na ng driver ang kotse.

Tumigil ang kotse pagtapos ng isa't kalahating oras.

Lumabas si Sabrina ng kotse at nakita ang Ford Residence na isang malaking mansyon. Makikita ito sa gitna ng bundok.

Malaki ang pagkakaiba nito kumpara sa lumang mansyon na nakita niya nung nakaraang tatlong araw sa kabilang gilid ng burol. Ito ay mukhang palasyo, pero yung isang mansyon naman nung isang araw ay parang lumang kulungan. Siguro isang preso na hahatulan ng kamatayan yung lalaking nagsamantala sa pagkababae niya.

Hindi pa rin siya makapaniwala nang biglang hinawakan ni Sebastian ang kamay niya.

Mas maliit si Sabrina sa kanya, at malalaki ang mga hakbang niya. Mukha siyang tutang gala na pinulot lang habang hinihila siya ni Sebastian at pilit siyang tumakbo sa likod nito.

Ang mga katulong sa mansyon ay magalang na tumungo pagkakita sa lalaki. "Welcome back po, Young Master Sebastian."

Dinala ng lalaki si Sabrina sa main house papunta sa mga mababang kwarto doon. Binilin niya si Sabrina sa mga katulong at sinabi, "Hanapan niyo siya ng malinis na damit, at paliguan niyo na din."

"Opo, Master Sebastian." Sumagot ang mga katulong at dinala si Sabrina sa banyo.

Dapat makatakas na siya dito.

Hindi siya pwedeng sumama sa lalaki na gusto siya sanang patayin pero gustong pa rin siyang pakasalan pagkalabas niya ng kulungan para magkaroon sila ng marriage certificate.

Malalim ang iniisip ni Sabrina at hindi niya na napansin na tinanggal na ng mga katulong ang lahat ng mga damit niya.

Huminga nang malalim ang mga katulong.

"Parang hickey yung mga pasa niya sa leeg ‘no?"

Nang bumalik na sa sarili niya si Sabrina, kinagat niya ang labi niya at sinabi, "Hindi ako sanay na may nagpapaligo saking ibang tao. Pwede na kayong umalis, ako na ang bahala dito."

Isa sa mga katulong ang nagtanong, "Ano ka ba ni Young Master Sebastian..."

Mabilis na sumagot si Sabrina at sinabi, "Katulong."

"Edi paliguan mo na ang sarili mo." Tumalikod ang mga katulong at umalis.

Nang makalabas sila, isa sa mga katulong ang nagsalita at bumulong ito, "Akala ko babae siya ni Young Master Sebastian. Yun pala katulong lang din siya. Mukhang nagalaw na siya ng maraming lalaki. Sino ba siya sa akala niya para paliguan pa natin siya?"

Nang tumingala ang katulong, nakita niya si Sebastian na nakatayo sa labas ng banyo. Tinikom agad ng katulong ang bibig niya sa takot.

Sa loob ng banyo, tinignan ni Sabrina ang sarili niya sa harap ng salamin at namumula ang mukha niya.

Nakuha na ng unang lalaki ang virginity niya at hindi niya pa ito kilala. Hindi niya na malalaman kung anong itsura niya.

Pinikit niya ang mata niya, at tumulo ang luha sa pisngi niya papunta sa leeg.

"Isa ka talagang maruming babae!" sabi ng isang boses ng lalaki.

Napadilat ang mata ni Sabrina dahil nag-panic ito.

Nakatingin si Sebastian sa leeg niya at nandidiri ito.

Nagmadaling tinakpan ni Sabrina ang katawan niya ng mga damit. Tumulo ang luha niya sa mukha dahil sa galit at hiya. "Kakalabas ko lang ng kulungan, at kinidnap mo ko dito. Hindi naman kita kilala. Kahit gaano ako karumi, wala ka na dapat pake dun, di ba? Lumabas ka na!"

Ang nandidiring tingin ni Sebastian ay napunta sa mukha ni Sabrina, pero hindi niya masabi kung nagdadrama lang ba siya.

Magaling talaga sa panloloko ang babaeng ito.

"Sumama ka na sakin para makakuha na tayo ng marriage certificate pagkatapos mong maligo. Pagkalipas ng tatlong buwan, ididivorce din kita, at ibibigay ko sayo ang hati mo. Pag dumating ang oras na yun, kung gustuhin mo pa sa tabi ko kahit isang segundo, hindi na pwede yun!" Pagkatapos niyang magsalita, sinara niya ang pinto at umalis.

Hindi na sinubukan pang huminga nang malakas ng mga katulong doon dahil nandun lang si Sebastian.

Pang-apat na lalaking anak siya ng tatay niya, at ang tatay naman niya ang panganay na anak ng Ford family. Magkaiba ang nanay ng tatlong lalaking kapatid niya sa kanya. Anak siya ng tatay niya sa ibang babae. Kahit daang taon nang kilala ang Ford family, ang isang bastardong anak na katulad ni Sebastian ay walang karapatan na magmana ng kahit maliit na parte sa mga ari-arian ng Ford family.

Mas inuuna pa nga ang mga kamag-anak nila na bigyan ng mana kaysa sa kanya.

Nung nagbibinata pa siya, pinatapon siya sa ibang bansa. Pero, lumaban ito para makauwi balang araw at nagawa niya ngang makabalik sa bansa niya, pero niloko ang nanay niya at pinakulong ito. Simula noon, pinagplanuhan niya na nang maigi ang bawat hakbang na gagawin niya at may mga ginawa siya para itago ang totoo niyang motibo na mapalayas ang mga kalaban niya.

Nitong huli, pineke niya ang pagkamatay niya tatlong araw na ang nakalipas at ginamit niya ito para lituhin at makaganti ng diretso. At ang resulta nito, napaalis niya ang mga kalaban niya at nagtagumpay na siya sa paghahari ng buong Ford family.

Sa Ford family ngayon, na kay Sebastian ang huling desisyon.

Hindi naman talaga ginusto ng nanay niya na maging kabit sa mag-asawa. Ginamit lang siya ng unang asawa ng tatay niya para hindi ito makipaghiwalay..

Nung nalaman ng nanay ni Sebastian na meron palang pamilya ang tatay niya, siyam na buwan na itong buntis.

Inapi nang matindi ang nanay niya, pero nagdusa ito nang tahimik. Pinagbintangan pa nga ito at kinulong nung hindi pa siya katandaan. Sa wakas nakamit na rin ni Sebastian na pagharian ang Ford family at napalaya niya na rin sa kulungan ang nanay niya, pero tatlong buwan na lang ang taling ng buhay nito..

Isa lang ang hiling ng nanay niya. Gusto niyang ipakasal kay Sebastian ang kasama niya sa kulungan na si Sabrina Scott.

Wala nang magawa si Sebastian kundi tuparin ang gusto ng nanay niya dahil nakikita niyang nauubos na ang oras nito sa mundo.

Nung gabi bago niya pinag desisyunan na palabasin si Sabrina sa kulungan, gumawa siya ng matinding imbestigasyon tungkol sa kanya.

Nakita sa imbestigasyon niya na ang babaeng ito ay may tinatagong motibo sa pagiging malapit sa nanay ni niya.

"Young Master Sebastian, may problema po!" Naabala ang pag-iisip niya nang biglang sumigaw ang katulong.

Biglang naging seryoso ang tingin ni Sebastian. "Bakit ka ba nagpapanic?"

"Yung babae po... tumalon sa bintana para makatakas," takot na sinabi ng katulong.

Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo