‘Makinig ka!’ Ang mahinang salita ng lalaki, at malamig na boses ay naipahayag ang mga sumusunod na ilang salita. ‘Pumasok ka sa loob ng kwarto ko nang walang pahintulot, patay ka sa’kin!"Si Sabrina ay tila nagmukang isang nawawalang usa, ang mahaba nitong kulot na pilik mata ay mabilis na pumikit pikit, at tumango siya ng buong lakas.Tumalikod ang lalaki at kinuha ang emerald green bracelet mula sa bedside table. Dinala niya si Sabrina, itinulak ang pinto, pumasok sa silid ni Sabrina at inilapag ito. Pagkatapos nito, ibinalik niya muli ang pulseras sa pulso nito at sinabing, ‘Isusuot mo ito bukas sa pag bisita mo sa aking ina, mas magiging masaya siya.’‘Nakuha ko na.’ Ang kanyang maliit at mahinang boses ay napahawak sa kanyang lalamunan nang sagutin siya nito ng magalang.Tumalikod ang lalaki at umalis.Pagkatapos ay pumunta na rin si Sabrina upang isara ang pinto ng silid at isinandal ang kanyang buong katawan sa pintuan. Wala nang lakas ang kanyang mga binti upang masuport
Ngumisi si Sabrina at inirapan si Selene.Paano kung nalaman niya?Paano naman kung hindi niya rin alam?Matagal nang alam ni Sabrina na kilala ng pamilya Lynn ang lalaking ito at alam niya rin kung sino ito! Siguro ay kalaban ito ng pamilya Lynn na gusto nilang mamatay pero hindi nila mapatay kaya naman hinayaan nilang samahan muna ito bago siya mapunta sa hukay.Namatay ang lalaki dahil sa sobrang sabik sa pansariling kasiyahan.“Ayaw ko.” Sabi ni Sabrina.“Ikaw…” tinaas ni Selene ang kanyang kamay at sinampal sa mukha si Sabrina. “Kahit na ayaw mong alamin, kailangan mo pa rin malaman. Sasabihin ko ang katotohanan sa’yo ngayon. Kailangan mong matauhan bago ka mamatay. Alam mo ba kung bakit ka tumira nang walong taon sa pamilya Lynn? Alam mo ba kung bakit ayaw sa’yo ng nanay ko? Sa tingin mo bakit ka kaya tumira sa bahay namin, pinakain at dinamitan? Sabrina, wala ka bang naiisip na dahilan?”Tiningnan ni Sabrina si Selene.Gustong gusto niya malaman kung bakit siya pinadala
Binaon ni Sabrina ang sarili niya sa takot sa dibdib ni Sebastian. Nanginginig ang buong katawan niya. Alam niya kung gaano kasama si Sebastian pero hindi pa ito nakikita ng dalawang mata niya. Ngayong araw, nakita na niya kung gaano kasama si Sebastian.Gayunpaman, karapat-dapat naman ang nangyari sa mga tao.Walang dapat kaawaan sakanila.Si Sabrina, sa kabilang dulo ay muntik nang patayin ni Selene.Si Sabrina na nakapatong ang ulo sa balikat ni Sebastian ay dahan-dahang inangat ang kanyang ulo at tiningnan si Selene gamit ang kanyang inosenteng mga mata.Pumunta si Sabrina sa ospital at sabi ng doktor matapos ang pagtingin sakanya, “Galos lang naman ang nangyari, hindi ito malala.”Huminga nang malalim si Sabrina at kumalma na siya matapos ang pangyayari. Nakidnap siya nang ilang araw kaya naman naisip niya kung anong nangyari kay Grace sa mga lumipas na araw.“Manong Ford, maraming salamat sa pagligtas sakin. Okay lang po ba si Tita Grace?” masayang tiningnan ni Sabrina si
“Ma, pasensya ka na.” tumulo ang luha niya Sabrina sa gilid ng kumot ni Grace. Namamaos ang boses niya dahil sa pag-iyak. “Kakasali ko lang sa kompanya kaya kailangan kong sundin ang mga utos ni boss. Huli na niyang napagdesisyunan na ipadala ako sa business trip nang ilang araw kaya hindi kita nabibisita sa tamang oras.”“Ako ang may mali. Lalong lumalala ang kondisyon ko.”Ang mga tubo sa katawan ni Grace ay hindi pa rin natatanggal. Tiningnan niya ang kanyang katawan at sinabing, “Hindi ko alam kung kaya ko pang buksan ang mga mata ko pagsinara ko na ito…”“Ma, wag mo ngang sabihin ‘yan. Hindi ko kayang mawala ka. Kapag iniwanan mo ako, mag-isa nalang ako. Wala akong pamilya sa mundong ‘to.” Niyakap ni Sabrina si Grace at umiyak.Kakaligtas lang kay Sabrina pero hindi pa siya nakakabalik sa lugar ni Sebastian. Ginugol niya ang buong araw sa ospital dahil sa pag-aalaga niya kay Grace. Tinulungan ni Sabrina si Grace maligo at mag gupit ng kuko. Bumabalik na ulit ang sigla at kulay
“Umuulan?” pumunta si Sebastian sa balkonahe at tumingin sa labas. Umuulan nga. Tumingin pa siya sa baba at nakita ang isang babae na nakaluhod sa ulan habang nakatingin kung nasaan siya.Kumuha ng payong si Sebastian at bumaba.“Master Sebastian… Master Sebastian… Pinuntahan moa ko…” ang mga labi ni Selene ay naninigas na sa lamig. Lumuhod at gumapang si Selene papunta sa mga binti ni Sebastian at niyakap ito. “Master Sebastian, makinig ka sakin. Kapag pinatapos mo ako magsalita, wala akong pakialam kung papatayin mo ako. Pakiusap, bigyan mo ako nang pagkakataon para depensahan ang sarili ko.”Habang nakatingin siya sa babae na nakaluhod sa harapan niya, parang may kumurot sa puso niya. Muntik na niyang sipain ang babaeng ‘to hanggang sa mamatay siya.Gayunpaman, dahil ginamit niya ang katawan niya para iligtas ang buhay niya na naging dahilan para kontrolin niya ang Ford Group.Tumigil ang mga paa niya sa sandaling sisipain na niya dapat ito.Ang inis na nararamdaman niya sa pu
Ang tawag ay galing kay Henry.Ang boses ng matanda ay kapwa mag-utos at mag-konsulta, “Sebastian, dahil sinabi mo na ang babae na ‘yan ay nandyan para pasiyahin ang nanay mo, napagdesisyunan namin ng Lola mo na magkaroon nang salo-salo ngayong linggo. Ang mga babae na galing sa mayaman at kilalang pamilya na galing sa South City at Kidon City ay pupunta rin.”“Hindi ako pupunta!” tumanggi si Sebastian bago pa matapos ng matanda ang sinasabi nito.Wala nang nagawa ang matanda at hininaan niya nga pa ang kanyang boses, “Sebastian, wag mong ibababa ‘to. Pwede bang patapusin mo muna magsalita ang Lolo mo?”Hindi sumagot si Sebastian.“Sebastian?”“Nakikinig ako!”“Kapag dating sa mga bagay tungkol sa pamilya Ford, hindi ako makikisali. Pero, 96 na taong gulang na ako sa taon na ‘to, wag mo namang hayaan na hindi kita makitang ikasal at magkaanak bago ako mamatay. Kapag may nagustuhan ka sa handaan na mangyayari, mas maganda ‘yon, pero kung wala naman, hindi kita pipilitin.” Sabi ng
Tinawag siyang muli ni Selene, “Master Sebastian…”Kinuha agad ni Sebastian ang kanyang telepono at pinindot ang numero, “Kingston, pumunta ka rito at hatid mo sa bahay si Manang Lynn.”Walang nasabi ni Selene.Matapos niyang ibaba ang telepono, malamig na sinabi ni Sebastian, “Maghintay ka rito, darating si Kingston maya-maya at ihahatid ka sa bahay.”Mag-isa siyang pumunta sa elevator at pinindot ang pataas na button, agad namang nagsara ang elevator.Natigilan si Selene at naiwang mag-isa sa ulan.Matapos ang tatlong minuto, dumating si Kingston. Pinark niya ang kotse sa harapan ni Selene, binaba ang bintana at sumigaw, “Manang Lynn, dalian mo pumasok, wag kang magpa-basa.”“Alam mo ba kung anong ginagawa mo?” biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Selene. Naguluhan si Kingston sa sinabi ni Selene.“Ako ang mapapangasawa ni Pinunong Sebastian. Bilang driver niya, hindi ba dapat bumaba ka, buksan ang pinto para sakin, at ilagay ang binti mo para maging tapakan ko?”Wal
Hindi tinanggal ni Sebastian ang malamig niyang tingin dahil sa sigaw ni Sabrina. Sinuri niya si Sabrina nang seryosong tingin. Tinulak ni Sabrina si Sebastian, pinulot ang bathrobe at binalot ito sa sarli niya. Mabilis siyang tumakbo papunta sa maliit na kwarto.Tumulo ang luha sa mga mata niya sa sandaling sinara niya ang pintuan.Ang pakiramdan nang kahihiyan, siya lamang ang nakakaalam kung paano ito pipigilan.Pinunasan niya ang mga luha niya na hindi na niya makontrol ang kanyang kamay sa pagpunas at noong kukuhain na niya ang mga damit niya, ang pintuan sa likod niya ay biglang bumukas. Nanginig siya sa gulat.Tumingin siya at nakita na may dalang first aid kit si Sebastian.Ginamit ni Sabrina ang tuwalya niya para takpan ang katawan niya, “Ikaw… Anong ginagawa mo?”Wala nang sinabi si Sebastian pero inangat niya ang kamay niya para hilahin si Sabrina. Ihiniga niya ito sa kama. Isang gamot ang nilagay niya sa likod nito bago pa siya makapagsalita.Ang likod ni Sabrina ay