Namalikmata si Sabrina. Hindi niya maalala kung sino ang lalaki sa unang tingin. Matapos ang ilang segundo, kinagat niya ang kanyang labi at sinabing, “Master Nigel.”Bigla namang umimik ang design director na para bang may dumating na prinsipe. Ang desigining director ay tumayo sa pagkauupo, pumunta sa harapan ni Nigel at yumuko, “Master Nigel, bakit ka narito? Narito ka ba para mag inspeksyon?”“Anong problema sakanya?” tanong ni Nigel.“Bago lang po siya rito, hindi nakapag-aral, walang karanasan pero hindi pumapasok sa trabaho ilang araw na. Para sa isang tao, hindi na siya dapat tanggapin ng kompanya.” Sabi niya.“Hindi… Hindi na po mauulit. Magta-trabaho ako nang mabuti para ilipat ang mga laryo sa construction nsite.” Sabi ni Sabrina. Gustong gusto niya talagang magtrabahong muli.“Architectural assistant lang naman, hindi ba? Malaki naman ang kompanya namin kaya dapat ay nahahabag kami. Dapat kaming magbigay ng pangalawan pagkakataon sa mga bago. Lahat naman ng tao nagkaka
“Kahit bilhan mo nalang ako…” tumingin si Nigel sa malilit na restaurant sa paligid. Kung hindi madilim dito ay mausok naman o kaya naman maraming kumakain sa labas.Kinurot niya ang kanyang ilong. Kailangan niyang magpalakas para sa matigas na babaeng ‘to!“Kahit anong mangyari, kailangan mo akong bilhan ng pagkain na naghahalagang sampung dolyar, hindi ba?”“Sige.” Sagot naman ni Sabrina.Bumili silang dalawa ng dalawang lunch box na may gulay at karne sa loob.Busog na si Sabrina sa tinapay na kinain niya. Umupo siya sa tapat ni Nigel at tinitigan ito habang kumakain.Hindi siya mapakali sa nangyayari.Mas hindi mapakali si Sabrina na nakaupo siya sa tapat ni Nigel. Hindi nalang niya ito pinapansin. Habang kinakain niya ang kanyang tanghalin na walang lasa parang wax, gusto na lumapit ni Nigel sa kanyang para kurutin ang mga pisngi nito.Mas maganda kung hihilahin niya ito sa kanyang mga braso at kumilos na sakanya.Hindi siya naniniwala na matigas at hindi namamansin ang b
“Paano kayo nakapunta rito? Umalis nga kayo!” galit na galit si Sabrina. Wala na siyang pakialam kung sasaktan siya nina Jade at Selene pero pumunta sila sa kwarto ni Grace para saktan ito.Kinuha ni Sabrina ang kanyang bag at hinampas ito kay Jade.Subalit, tinawag siya ni Grace, “Sabbie…”Tumalikod si Sabrina at tiningnan si Grace, “Ma, wag kang matakot. Sasaktan ko sila at paaalisin agad.”“Sabbie, may tinawagan na ako para pumunta rito.” Sabi ni Grace.Nalilito si Sabrina.Noong tumalikod si Sabrina, nakita niya si Jade at Selene na nakatingin kay Grace na nakahiga sa kama at natatakot.“Ma? Ikaw ang nagdala sakanila rito?” hindi makapaniwala si Sabrina habang nakatingin kay Grace.Namumutla ang mukha ni Grace pero nagkaroon siya nang awtoridad na hindi pwedeng suwayin, “Jade Sullivan, Selene Lynn!”“Madam Ford…” kinakabahang tumingin si Jade kay Grace na para bang malakas ang kanyang kalaban.Nagsalita si Grace, “Kahit na hindi ako totoong kinasal sa pamilya Ford sa buh
“Sampalin mo ang mukha ng anak mo. Titigil ka lang kapag sinabi ko. Kapag nagdalawang isip kang sampalin siya o kaya naman hindi malakas ang sampal mo, tatawag ako ng dalawang malaki at malakas na lalaki para sampalin siya nang isang daang beses gamit ang ilalim ng sapatos nila.”Natigilan si Jade, “Madam Ford, ano… Ano pong sinabi niyo?”Mas natakot si Selene dahil baka maging lumpo siya sa gagawin sakanya at bumagsak sa sahig ang mukha niyang umiiyak.Hindi na inulit ni Grace ang kanyang sinabi at tinanong lang si Jade, “Gagawin mo ba o maghahanap ako ng ibang tao para gawin ‘to para sa’yo?”“Ako! Ako na ang gagawa!” gumapang si Jade at pumunta sa harapan ni Selene. Tinaas niya ang kamay niya at binigyan nang malakas na sampal si Selene.“Ma…” umiiyak si Selene habang nakatingin sa nanay niya.“Mas okay na ‘to kaysa dalawang malaking lalaki ang sasampal sa’yo gamit ang ilalim nang kanilang sapatos.” Tinaas ni Jade ang kanyang kamay at binigyan ulit nang isa pang sampal si Selen
Hindi makita ni Kingston ang ekspresyon ni Sebastian, pero ang tagal niyang walang narinig mula rito.“Master Sebastian? Master Sebastian?” tinatawag siya ni Kingston.Sa kabilang dulo, ang boses ni Sebastian ay nanglalamig, “Ah okay.”Sabi ni Kingston, “Young Master Sebastian, may mga iuutos pa po ba kayo?”“Magiging busy ako sa mga susunod na araw. Ang araw matapos ang bukas, siguraduhin mong masusundo mo si Selene at hintayin niyo ako sa labas ng bahay ng mga Ford.” Gustong gamitin ni Sebastian si Selene dahil lamang sa Old Master.“Masusunod po, Young Master Sebastian. Alis na po ako.” Sabi ni Kingston.“Mayroon pa pala.” Tinawag muli ni Sebastian si Kingston.“Sundan mo siya.” May kaunting galit sa tono ng boses ni Sebastian.“Sino pong susundan ko?” sabi ni Kingston. Noong sinabi niya ang mga salitang ‘yon, pinalo niya ang ulo niya at sinabing, “Sige po, Young Master Sebastian, susundan ko po agad si Manang Scott!”Pagkatapos niyang umalis, nagmaneho si Kingston at sinus
Dumating ang sasakyan ni Nigel sa harapan ni Sabrina, “Sabrina, sakay ka na. Pabalik na ako, hatid na kita.”Tiningnan ni Sabrina ang marumi niyang sarili, umiling siya at ngumiti. “Hindi na. Hintayin ko nalang ang bus.”“Gabing gabi na. Wala nang dadaan na bus dito, kung meron man, baka nasa ibang lugar na ‘yon. Hindi kita iiwanan dito maliban kung tatawag ka ng taxi.”Tatawag ng taxi?Wala nang pera si Sabrina.“Sumakay ka na.” binuksan ni Nigel ang pintuan para kay Sabrina, sumakay na si Sabrina nang walang pag-aalinlangan.“Saan kita ihahatid?” tanong ni Nigel.“Sa Harmony Hospital.” Matipid na sumagot si Sabrina at hindi na nagsalita matapos ‘yon.Tiningnan ni Nigel si Sabrina nang ilang beses sa buong paglalakbay nila. Tahimik siyang nakatingin sa bintana at hindi nagsisimulang makipag-usap kay Nigel hanggang sa pagbaba niya ng kotse.Gayunpaman, hindi nag-aalala si Nigel.Kapag lalo siya hinahamon sa isang bagay, mas lalo niya itong gusto at umaasa sa mga gusto niyang
“Master Sebastian…” gustong umiyak ni Selene pero hindi nalang niya ito ginawa kaya naman mas naging pangit ang mukha niya. “Alam kong hindi mo ako magugustuhan at ako naman ang may gusto sa’yo. Hindi na ako muling magpapakita sa’yo.”Tumalikod si Selene at umalis.Hinila ni Sebastian ang kanyang mga braso.Mas nainis pa siya kay Selene.Pero, may responsibilidad siya. Niligtas ni Selene ang buhay niya gamit ang katawan niya kaya naman kinain na niya ang nararamdaman niyang inis kay Selene at sinusubukan na huminahon, “Bakit naging ganyan ang mukha mo?”Umiyak si Selene at umiling.“Magsalita ka!” nawalan na nang pasensya si Sebastian.“Si Mama… Sinampal ako ni Mama…” sabi ni Selene.“Ha?!”Nanginig si Selene habang sinasabi, “Ang nanay mo.. May pinadala ang nanay mo para sunduin kami. Sabi niya gusto niyang ipaghiganti ang manugang niya kaya naman hiniling niya sa nanay ko na sampalin ako. Kung hindi ako sinampal ng nanay ko… ipasasampal niya ako sa dalawang lalaki gamit ang
Hinila ni Sabrina ang kamay niya pabalik at sumagot, “Gusto ko lang kumita nang pera.”“Ano ba ‘yan? Anong pagpapanggap ‘yan?!” ngumisi ang isang katulong tinanggal ang kamay ni Sabrina.Natulala si Sabrina at nahulog.Tumingala si Sabrina at nakita si Sebastian na nakatayo sa hindi nalalayong lugar.Nakatingin si Sebastian sakanya at walang ekspresyon sa mukha pero nararamdaman ni Sabrina na hindi siya masaya.Hindi talaga siya masaya.Dahan-dahan siyang naglakad at nahulog sa likod ng grupo ng mga taga-silbi. Tapos, tahimik siyang pumunta kay Sebastian. May ipapaliwanag sana siya pero kinurot ni Sebastian ang baba niya.Nanginig sa takot si Sabrina.Mabilis na nilagay ni Sebastian ang kamay niya sa likod para mahawakan siya, walang babala, yumuko siya at hinalikan si Sabrina.Ang halik na ito ay may halong galit at utang na loob pero mapaglaro rin ito at may pagparusa.Naramdaman ni Sabrina ang kahihiyan. Nahirapan siya bago siya pumiglas at tumakbo agad palayo.Dalawang ko