Kabanata 21
Ngumisi si Sabrina at inirapan si Selene.

Paano kung nalaman niya?

Paano naman kung hindi niya rin alam?

Matagal nang alam ni Sabrina na kilala ng pamilya Lynn ang lalaking ito at alam niya rin kung sino ito! Siguro ay kalaban ito ng pamilya Lynn na gusto nilang mamatay pero hindi nila mapatay kaya naman hinayaan nilang samahan muna ito bago siya mapunta sa hukay.

Namatay ang lalaki dahil sa sobrang sabik sa pansariling kasiyahan.

“Ayaw ko.” Sabi ni Sabrina.

“Ikaw…” tinaas ni Selene ang kanyang kamay at sinampal sa mukha si Sabrina. “Kahit na ayaw mong alamin, kailangan mo pa rin malaman. Sasabihin ko ang katotohanan sa’yo ngayon. Kailangan mong matauhan bago ka mamatay. Alam mo ba kung bakit ka tumira nang walong taon sa pamilya Lynn? Alam mo ba kung bakit ayaw sa’yo ng nanay ko? Sa tingin mo bakit ka kaya tumira sa bahay namin, pinakain at dinamitan? Sabrina, wala ka bang naiisip na dahilan?”

Tiningnan ni Sabrina si Selene.

Gustong gusto niya malaman kung bakit siya pinadala ng nanay niya sa pamilya Lynn para ampunin noong 12 na taong gulang pala siya. Atsaka, bakit siya pinalayas ng pamilya Lynn at kinamuhian sa bawat galaw niya kung nangako ang pamilya Lynn sa nanay nito na aampunin siya?

Ang dahilan din kung bakit namatay ang nanay niya! Gustong gusto malaman ni Sabrina lahat nang ‘yon.

Tumingin si Selence kay Sabrina na para may tinatago, “Dahil kasi…”

Bang! Ang pintuan ng warehouse ay bumukas nang malakas.

Maraming lalaki na may armas at sandata ang pumasok. Isang lalaki na nakaitim ang nakatayo sa gitna nila.

“Mahal ko…Sebastian?” natakot si Selene. Namutla siya.

Ang mga tao na dinala si Sebastian ay pinatumba lahat ng kumidnap kay Sabrina sa isang iglap lang. Lahat sila ay sumisigaw sa sakit.

Walang nasabi si Selene dahil takot na takot siya.

Pinuntahan ni Sebastian si Sabrina at tumigil sa harapan niya. Tiningnan niya at babae na nakatali sa poste na walang ekspresyon ang mukha. Namumutla ang mukha ng babae at makikita ang lungkot sakanya. Gayunpaman, noong nakita niya na papunta sina Sebastian kasama ang mga tao niya, nagulat siya. Namula siya at natuwa sa nakita niya. Hindi matigil ang pagtulo ng luha sakanyang mga mata.

Hindi niya malaman kung anong mararamdaman niya sa sandaling ‘yon.

Parang nakahinga siya nang maluwag matapos niyang malampasan ang isang pagsubok sa buhay niya.

Nagalit ang lalaki at tinanggal ang tali ni Sabrina. Muntik nang malaglag si Sabrina pero nasalo naman siya agad ni Sebastian.

Hinakwana niya si Sabrina at pumunta sa harap ni Selene at parang nag aapoy ang kanyang mga mata katulad ni Hades. Tinaas niya ang kanyang paa at gustong sipain si Selene na walang pasabi.

Nakasuot si Sebastian ng isang bota at mabilis niyang inangat ang kanyang paa dahil sa lakas nito. Kung nasipa niya si Selene, baka ngayon ay hindi na ito makagagalaw.

Subalit, noong malapit na masipa ni Sebastian ang katawan ni Selene, ang malamig at galit niyang pagtingin ay nakita ni Selene. Naramdaman niya na may pagkadesperado at agrabyado ito.

Tumigil ang paa niya.

Ang hinlalaki ng paa niya ay nasa harapan na ng ilong ni Selene.

Binaba niya ang kanyang paa. Habang karga ni Sebastian si Sabrina palabas ng pintuan, sabi niya, “Bukod sa babaeng ‘to, putulin niyo ang mga dila at basagin niyo ang mga buto ng katawan nila bago sila ipadala sa law enforcement.”

“Opo, Pinunong Sebastian!” pinapanood ng mga tao na umalis si Sebastian habang karga niya si Sabrina.

Sumunod naman ang sigawan at iyakan sa pangyayari.

Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP