Kabanata 12
“Ikaw…” Napasimangot si Lily nang banggitin ni Ashton ang tungkol sa kaniyang marriage proposal. “Huwag mo na itong ituloy dahil hindi pa ako divorced.”

Kahit na isang talunan si Darryl, nagsumikap naman ito para gawin ang walang katapusan nitong mga gawain sa bahay. At agad din itong nakakatanggap ng walang awang mga sermon mula sa kanila sa sandaling magkamali ito nang kahit kaunti sa kaniyang mga ginagawa pero hindi pa rin niya nagawang magreklamo rito.

Maging ang aso ay mayroon ding damdamin, paano pa kaya ang tao.

Nagawa siyang pahiramin ni Darryl nitong nakaraan ng limang milyon para maibangon ang kanilang kumpanya. Maliban pa rito, ginastos din ni Darryl ang ilang taon niyang ipon para makaiwas sila sa kahihiyan nang magyabang si William sa Oriental Pearl Hotel.

Buong puso siyang tiningnan ni Ashton. “Ano bang mayroon kay Darryl na wala ako? Isa siyang talunan! Huwag kang magalala, maghahanda ako ng magandang regalo para sa birthday ni Grandma para batiin siya ng happy birthday! Siguradong magugustuhan niya ito. Magpopropose ako sa tamang oras kaya siguradong hindi ito matatanggihan ni Grandma.”

Walang pakialam hinigop ni Lily ang kaniyang kape. Napakastrikto ng naging mga rules sa mga Lyndon at si Grandma Lyndon lang ang may final say sa lahat. Kaya sa sandaling magustuhan nito si Ashton, siguradong uutusan nito si Lily na makipagdivorce kay Darryl.

Talunan din ang tingin ni Lily kay Darryl pero hindi naman tumigas nang tuluyan ang puso niya rito. Sabagay, tatlong taon na silang kasal kaya hindi niya masasabi na wala siyang nararamdaman para rito.

“Matanong nga kita.” Biglang nagsalita si Lily.

“Ano iyon? Sige magtanong ka lang, Lilybud.”

“Tungkol ito sa pares ng Worship of Crystal. Hindi mo naman ako binigyan ng orihinal na pares nito hindi ba?” Hindi maiwasang itanong ni Lily.

“Nagagalit ako sa sandaling nababanggit mo ang tungkol diyan Lilybud!” Buntong hininga ni Ashton habang bumabagsik ang mga mata nito. “imitations lang ang pares ng mga sapatos na ibinigay ko sa iyo, pero nagkakahalaga na ito ng 300,000 dollars. At nagawa itong itapon ng talunan mong asawa! Nakita kong nasira niya rin pala ang mga ito nang iuwi ko ang ibinato niyang mga sapatos.

Nakinig si Lily sa mga reklamo ni Ashton at napakagat na lang sa kaniyang labi.

“Ang tinutukoy ko ay ang orihinal na pares ng Worship of Crystal. Hindi ba ikaw ang nagbigay nito sa akin?” mahinang sinabi ni Lily.

Ano?!

Napaatras dito si Ashton. Ang una niyang ginawa ay ang mapatingin sa ilalim. At nakasuot nga rin si Lily ng isang pares ng mamahalin at eleganteng high heels. At ito ay walang iba kundi ang Worship of Crystal.

Dito na napanganga si Ashton habang tinitingnan ang suot na heels ni Lily! Parang ibang level ang itsura ng orihinal na pares ng Worship of Crystal maging sa isang high grade imitation na nagkakahalaga ng 300,000!

Maaaring lalaki rin si Ashton pero alam niyang orihinal ang heels na iyan! Mukhang mas lalo pa nitong pinaganda ang sinumang babae na magsusuot sa mga ito.

Gulp!

Napalunok si Ashton. 30 million! Ang isang pares ng orihinal na Worship of Crystal ay nagkakahalaga ng 30 million!

Sa sobrang espesyal nito, 99 pares lang ng Worship of Crystal ang ginawa sa buong mundo. Kaya hindi ito mabibili ng kahit na sinong may pera nang walang koneksyon sa mga taong may access sa mga ito.

“Ikaw ba ang nagregalo ng pares na ito sa akin?”

Nagpupumilit na tanong ni Lily.

Hindi na siya makaisip ng kahit na sinong magbibigay sa kaniya ng ganito kamahal na bagay!

Marami ngang mga lalaki na nanliligaw sa kaniya, pero sa totoo lang, alam din ni Lily na hindi gaano kayaman ang karamihan sa kaniyang mga manliligaw. Maaaring mayaman nga ang mga ito pero hindi sila gagastos ng 30 million para lang sa isang regalo!

Paano naman si Ashton?

Kahit na bagsak na bagsak siya ngayon matapos itigil ng mga Darby ang kanilang suporta sa kaniya, hindi pa rin magkakamali ang kaniyang mga mata pagdating sa detalye. Kung tama ang kaniyang iniisip, siguradong may nagbigay ng pares na ito kay Lily, pero hindi ito nagpakilala sa kaniya!

“Haha, may mga tao pa pala na gaya nito? Mga misteryosong tao na nagreregalo sa mga taong gusto nila? Hahaha! Kung ayaw mong ipakilala ang sarili mo, edi ako na lang!”

Natuwa rito nang husto si Ashton. Inalis na niya ang lahat ng natitira niyang konsensya at ngumiti na parang nahihiyang manliligaw. “Hahaha, nahuli mo rin ako sa wakas, Lilybud. Ako nga ang nagbigay ng mga ito sa iyo.”

“Ah? Talaga?” Nagtataka siyang tiningnan ni Lily. “Pero bakit hindi mo pa ito inamin noong tinanong kita noon?”

Kinamot ni Ashton ang kaniyang ulo at sinabing. “Hindi naman sa gusto kong itago ito sa iyo, Lilybud. Natatakot lang ako na baka sermonan mo ako sa sandaling sabihin ko ito sa iyo.”

“Bakit naman kita sesermonan?” tanong ni Lily.

Buong pagmamahal na tumingin si Ashton kay Lily. “Dahil alam kong gustong gusto mo na magkaroon ng mga heels na ito. Binili ko ito para sa iyo, Lilybud, pero sigurado naman ako na alam mo rin na nasa 30 million na lang ang halaga ng aming kumpanya. Ito ang dahilan kung bakit kita binilhan ng high quality imitation noon. Pero naramdaman ko na hindi mo gaanong nagustuhan ang mga ito.”

Nilabas niya ang kaniyang cellphone at pinindot ang screen nito ng ilang beses at sinabing, “Kaya napagdesisyunan kong ibenta ang aking kumpanya para bilhan ka ng orihinal na set ng heels. Nagaalala lang ako na baka sermonan mo ako matapos maging tanga. Pero, Lilybud, ikaw ang pinakaimportanteng tao sa puso ko. Hindi naman ako tanga. Mahal na mahal lang kita! Kaya gagawa at gagawa ako ng paraan para maibigay sa iyo ang mga gusto mo dahil mahal kita.”

Ibinigay ni Ashton ang kaniyang cellphone habang nagpapaliwanag.

Isang picture ang makikita sa screen nito, ito ay ang kontrata ni Ashton para umalis sa kumpanya.

Natawa si Ashton sa kaniyang sarili. Dahil kahit na totoo ang kontratang ito, ang totoong rason kung bakit niya ito natanggap ay dahil sa pagpapaalis sa kaniya ng mga Darby na siya ring nagsabing hindi na siya makakabalik pa sa kumpanyang ito!

Hindi pa rin alam ni Ashton hanggang ngayon kung sino ang kaniyang nabastos at kung bakit siya biglang pinaalis ng mga Darby.

At wala ring kaalam alam si Lily sa kahit na anong tungkol dito. Kaya naniwala siyang ibinenta talaga ni Ashton ang kumpanya para bilhan siya ng orihinal na pares ng Worship of Crystal!

Kahit na hindi naging romantic ang nararamdaman niya kay Ashton, naantig pa rin ang kaniyang damdamin noong mga sandaling iyon at napatingin na lang kay Ashton.

“Ikaw…” halos magdugo na ang mga labi ni Lily matapos niya itong kagatin nang husto. “Bakit ka nagpakatanga.”

“Hindi ako tanga!”

Agad na kinuha ni Ashton ang pagkakataon na ito para hawakan ang napakagandang kamay ni Lily. “Handa akong gawin ang lahat para sa iyo, Lily.”

Nanginig si Lily. Kahit na kaantig antig ang sandaling ito sa kaniya, inalis niya pa rin ang kaniyang kamay na hawak ni Ashton at tiningnan ito nang may magkahalong nararamdaman. At sa huli ay kinuha niya ang kaniyang bag at umalis.

Tinitigan naman ni Ashton ang payat at balingkinitan nitong korte mula sa likuran.

“Makukuha ko rin ang babaeng ito.”

Napangiti nang bahagya si Ashton habang iniimagine ang makapigil hiningang katawan ni Lily.

Sa Moonlit River Bar.

Napakatagal na panahon na rin ang lumipas mula noong huling malasing si Darryl, at nawala na rin ang kaniyang control sa sarili ngayong araw.

“Marami rami pa rin ang nagagawa mong mainom, ikalawang young master.” Sinabi ni Samson habang itinataas ang kaniyang wine glass.

“Huwag niyo na akong tawagin bilang ikalawang young master kahit kalian.” Tumingin si Darryl sa kaniyang paligid at ibinaba ang kaniyang wineglass. “Hindi ako sanay na tinatawag akong ganiyan.”

Tatlong taon na ang nakalilipas nang pangunahan ng kaniyang hipag ang pagpapatalsik sa kaniya sa kanilang angkan. Kaya mula sa puntong iyon ng kaniyang buhay, hindi na siya kumportable sa titulong ikalawang young master.

At agad na napapasara na lang ng kaniyang mga kamao si Darryl sa bawat sandaling maalala niya ang tungkol sa bagay na iyon.

Nagawa niyang maginvest noon sa Southeast Petroleum ng 8 million dollars pero walang kahit na sinong nagakala na tutubo ito nang ganito kalaki. Pero nagawa siyang sumbatan ng kaniyang hipag na gusto niyang solohin ang pera ng kaniyang angkan, at dahil sa mga sinabing ito ng kaniyang hipag, agad na itinakwil si Darryl ng kaniyang angkan.

Pero ang 8 million na iyon ay mula sa sarili niyang pocket money na kaniyang inipon para magkaroon ng sarili niyang pera!

Alam din ni Darryl kung bakit ito ginawa ng kaniyang hipag. Mayroong dalawang kandidato para sa pagkilala bilang ama ng kanilang angkan. Una rito ay si Florian na nakatatandang kapatid ni Darryl.

At ang ikalawa ay walang iba kundi si Darryl.

Ginawa ito ng kaniyang hipad para wala nang maging kalaban si Florian sa pagiging kinikilalang ama ng kanilang angkan.

“Kung ganoon, ok lang ba kung tatawagin ka na naming Mr. Darby mula ngayon?” Tanong ni Wayne na gumising sa isipan ni Darryl.

Tumango rito si Darryl. Sumama nanaman ang kaniyang mood matapos alalahanin ang kaniyang nakaraan.

Dito na niya nakitang papalapit si Emily. Mahina nitong sinabi na “May gusto po sana akong sabihin sa inyo, Mr. Darby.”

“Ano iyon?” Inubos ni Darryl ang inumin na kaniyang hawak at tumingin kay Emily.

Maaamin niya sa kaniyang sarili na mas gumanda ang itsura ngayon ni Emily kung ikukumpara sa Emily na una niyang nakita noon. At naging sikat na rin ang itinayo nitong negosyo sa industriya ng cosmetics na mas nakapagpaganda pa sa itsura nito.

“Tungkol po ito sa inyong hipag.” Sabi ni Emily sa kaniyang tainga.

“Ano ang tungkol dito.”

Tumango si Emily at dahan dahang nagsimula “Nitong nakaraang taon, kumontrata ang inyong hipag ng isang tao na kokontak sa akin. Gusto niyang bumili ng isang piraso ng mga limited edition kong cosmetics. Matapos ko itong dalhin para sa kaniya at makipagusap na rin dito, hindi ko po sinasadyang mapansin ang napakataas niyang ambisyon.

Napangiti rito nang bahagya si Darryl. Matagal na niyang napansin kung gaano kaambisyosa ang kaniyang hipad. Bakit nga ba ito gagawa ng paraan para itakwil siya ng sarili niyang angkan kung hindi ito ambisyosa?

Sa isang masiglang bahagi ng Donghai City.

Kasalukuyang naglalakad kasama ni Phoebe si Lily na kaaalis alis lang sa date nila Ashton.

“Ano nanamang gumugulo sa iyo Lily?” Tanong ni Phoebe habang naglalakad sila palabas ng isang tindahan.

Iniling ni Lily ang kaniyang ulo at sinabing. “Wala lang ito.”

Sa puntong ito, punong puno ang kaniyang isipan ng kahit na anong tungkol kay Ashton. Hindi niya maimagine na ibebenta ng lalaking ito ang kaniyang kumpanya para lang ibili siya ng isang pares ng heels.

“Siya nga pala, Lily, narinig mo ba ang naghihinanakit na cosmetics bradn ngayon?” Nasasabik na tanong ni Phoebe.

Dito na nagkaroon ng interes ang nagiisip na si Lily. “Ito ba Crown line ng Poesia Eleganza?”

“Oo, oo, oo!”

Magkasabay na tumawa ang dalawa. Maraming iba’t ibang mga topic ang pinaguusapan ng mga babae, pero ang pinakainteresante para sa mga ito ay ang tungkol sa mga cosmetics o mga damit.

At ang isang partikular na bradn ng mga cosmetic na sumikat nitong nakaraan ay ang Poesia Eleganza!

Malapit nang sumapit ang Valentine’s Day kaya naglaunch ang Poesia Eleganza ng isa pang series na tinawag nilang Crown Line!

520 sets lang ang Crown sets na kanilang ginawa sa buong mundo!

At ang bawat set nito ay nagkakahalaga ng 520,000 dollars at itinuturing na pinakamarangya sa lahat ng mga cosmetic brands! Kaya sigurado na gustong gusto ito ng bawat isang kababaihan sa buong mundo! Kahit na hindi ganoon kamahal ang 520,000 dollars, marami pa ring mga mayayaman ang nakipagagawan para sa mga ito kaya ang sinumang walang sapat na koneksyon ay walang kahit na anong tiyansa para makabili nito.
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP