Kabanata 11
Habang malakas na ipinapadyak ang kaniyang mga paa nakasuot ng high heels na mas nakapagpaganda pa rito, sinabi ni Jade na “Pilitin ninyo siya na tawagin akong mommy at saka niyo siya itapon sa labas.”

“Narinig mo ba ang sinabi ni Ms. Jade, palito? Tawagin mo na siyang mommy kung ayaw mong…” sigaw ni Harry.

Nang marinig niya ito, binunot ng higit 20 matitipunong lalaki sa kanilang likuran ang kanilang mga nakatiklop na batuta.

“Kung hindi, huwag mo akong sisihin na hindi kita binigyan ng kahit isang pagkakataon para isalba ang sarili mo. Ito na ang pagkakataon mo kaya tawagin mo na kasi siyang mommy.” Kumikindat na sinabi ni Harry bago muling magpatuloy sa pagsasalita. “At pagkatapos, kung luluhod ka sa harap niya para aminin ang mga ginawa mong pagkakamali ngayon gabi, hahayaan ka naming lumabas ng bar nang hindi nasasaktan. Pero kung hindi, sisiguraduhin ko na lalabas ka rito nang nakastretcher.”

Hindi na mapigilan pa ni Jade ang kaniyang pagtawa. Humakbang siya ng dalawang beses paabante at agad na hinanap ang kaniyang cellphone sa dala niyang bag.

Dahil kung titiklop na nang tuluyan si Darryl at tawagin siyang mommy, sisiguraduhin niyang nakarecord ito para isend kay Lily!

“Paano kung ayaw ko?” Natuwa rito si Darryl na tumingin kay Jade mula ulo hanggang paa nang paulit ulit.

Agad na sumimangot si Jade matapos makita ang pagmamatigas ni Darryl. “Mr. Crocker, hampasin mo siya hanggang sa lumuhod siya sa harapan ko!”

“Walang problema, Ms. Jade!” Itinaas ni Harry ang dalawa niyang braso. Hawak nito sa isang kamay si Darryl sa kuwelyo habang naghahanda namang sumuntok ang kabila niyang kamao!

“Itigil mo iyang hayop ka!”

Isang sigaw ang maririnig sa buong bar at agad na sinipang pabukas ng apat hanggang limang tao ang pinto papasok sa room 888.

Natigilan ang lahat nang makita ang grupong ito.

Si Samson Facey, ang boss ng Moonlit River!

Si Wayne Woodall, ang boss ng Oriental Pearl Hotel!

Si Felix Blakely, ang may ari ng Black Tiger Real Estate!

Si Emily Dickinson, ang may ari ng Poesia Eleganza!

At si Siegfried Yates na general manager ng Southeast Petroleum sa Donghai City!

Hindi bababa sa ilang bilyon ang net worth ng bawat isa sa mga ito, at ang taong sumigaw kanina ay walang iba kundi si Samson!

Nagpakita ng ngiti ang mukha ni Darryl nang makita ang mga ito.

Sila ang mga dati niyang kaibigan na tinulungan niyang makabangon sa kahirapan. Mukhang nagtagumpay nga ang mga ito na maging successful sa kanilang mga pinasukang negosyo.

“Hayop ka!” Halos mahimatay si Samson sa kaba nang makita niya ang eksenang ito. Paano nagawa ng hayop na iyang pagbuhatan ng kamay ang ikalawang young master? Mabilis siyang lumapit kay Harry para sampalin ito nang malakas!

Slap!

Literal na ginamit ni Samson ang lahat ng kaniyang lakas para sampalin si Harry na humawak sa kaniyang pisngi na nagsisimula nang mamaga.

“Ninong!” Sigaw ng paiyak na si Harry. “Nagsisimula ang dukhang ito ng gulo sa ating bar, Ninong. At nagawa niya ring umupo at tumambay sa loob ng Room 888!”

Slap!

Muli siyang sinampal ni Samson na sumigaw pa ng. “Ano namang problema mo sa dukhang iyan? Hinamon ka ba niya ng away? Nakatikim ka lang ng kaunting karangyaan pero nagawa mo nang mangmaliit ng iba? Iyan ba ang itinuro ko sa iyo?!”

“Ninong!”

Namamaos na sumigaw si Harry na may namumula ring mga mata. “Pero isang outsider ang batang ito, ninong. Kaya bakit moa ko sasaktan para lang sa kaniya…?”

Nanginig si Samson sa galit bago ituro si Darryl at muling magsalita “Isang outsider? Hindi mo ba alam na wala ako sa kinatatayuan ko ngayon kung hindi dahil sa taong iyan! Siya ang ikalawang master ng mga Darby! Kulang pa buong kikitain mo sa loob ng sampung taon para mapantayan ang natatanggap niyang pocket money araw araw!”

Ano?!

Agad na natahimik ang buong room 888!

Natulala si Harry sa kaniyang mga narinig. Madalas siyang nakakarinig ng mga kuwento tungkol sa pagtatrabaho ng kaniyang ninong noon sa pamilya ng Darby bago itayo ang Moonlit River. At sinuwerte rin ang kaniyang ninong dahil nakita ng ikalawang young master ng mga Darby ang kaniyang potensyal! At hinding hindi papasok kailanman sa kaniyang isip na ang dukhang lalaki na kaniyang hawak hawak ngayon ay ang ikalawang young master ng mga Darby!

Natigilan din si Jade sa kaniyang mga narinig!

Sa mga sandaling ito, hindi na niya naramdaman ang dalawa niyang mga binti na napaatras ng dalawang beses.

Nakita niya nang buo ang respeto ng mga tanyag na negosyanteng ito habang nakatayo sa harapan ni Darryl!

Paano ito naging posible, isa lang siyang manugang na nakikitira sa pamilya ng kaniyang asawa!

Ginagawa ng talunang iyan ang lahat ng mga gawaing bahay sa bawat pagkakataong magpunta siya sa bahay ni Lily! Maging ang kaniyang mga lalabhan na hindi niya magawang malabhan ay ipinapadala niya sa bahay ni Lily para lang labhan ng talunang iyan.

Pero… Pero… Paanong siya pala ang ikalawang young master ng mga Darby?!

“Nagkamali po ako, Mr. Darryl, nagkamali po ako. Nagkamali po ako sa naging asal ko sa inyo kanina…” Malapit nang tumulo ang luha sa mga mata ni Harry habang nakayuko at walang tigil na humihingi ng tawad sa harapan ni Darryl.

“Sisihin mo ang babaeng iyan, Mr. Darryl!” Biglang sigaw ni Harry bago ituro si Jade. “Dahil itong lahat sa iyo! Hindi ko sana mababastos si Mr. Darryl kung hindi dahil sa iyo! Umalis ka na ngayundin!”

Nanginig si Jade at sinabing. “Pero hindi pa tayo pumipirma ng kontrata…”

Nagtatrabaho si Jade sa isang renovation company, at tiyempo namang nangangailangan ang Moonlit River Bar ng ilang mga renovations. Isa itong napakalaking kontrata na mayroong kumisyon na hindi bababa sa isang milyon sa sandaling mapirmahan ito. Kaya hindi na ito pinaubaya ni Jade sa kumpanya at nagdesisyon na gawin ito nang magisa. Minimum lang kung ituturing ang isang milyong dolyar na kumisyon, maaari pa itong umabot ng hanggang dalawang milyon! Kaya isa itong uri ng trabaho na hindi niya basta bastang tatalikuran! Isa hanggang dalawang milyon ang nakataya rito!

“Pirmahan mo mukha mo!” Sabi ni Harry na may namumulang mga mata. Tinuro niya si Jade at nagmura nang malakas. “Kung hindi lang dahil sa iyo, hindi ko sana mababastos si Mr. Darryl! Isaksak mo sa baga mo ang kontrata mong iyan. At sisiguruhin ko ring malalaman ng kumpanya mo ang mga ginagawa mong deal nang hindi nila nalalaman! Alam kong pinagbabawalan kayo ng inyong kumpanya na makipagkasundo nang personal sa mga ganitong projects kaya maghintay ka lang na sampahan ka nila ng kaso!”

Dito na tuluyang namutla ang napakagandang mukha ni Jade!

Napakagat na lang siya nang husto sa kaniyang labi. Sa sandaling malaman ng kaniyang kumpanya ang tungkol sa ginawa niyang ito at tuluyang magsampa sa kaniya ng kaso, maituturing nang suwerte kung hihingi lang ito ng danyos sa kaniya. Pero malaki pa rin ang tiyansa na bumagsak siya sa kulungan dahil sa laki ng project na ito!

“Mr. Darryl…” Sa mga sandaling ito, kinagat ni Jade ang kaniyang labi at naglakad palapit kay Darryl. Hinila niya ang bagsak niyang mga braso at nagdadalawang isip na itinaas ang mga ito.

“Nagkamali po ako, Mr. Darryl…” Imposibleng marinig nang kahit na sino ang kaniyang boses sa sobrang hina ng ginawa niyang pagsasalita.

Hindi niya naisip na darating sa kaniya ang araw kung saan kakailanganin niyang humingi nang tawad para lang sa wala! At halos hindi na pumasok sa kaniyang isipan na yuyuko at magmamakaawa siya sa walang kuwentang talunan na ito!

Wala pa ring kahit anong emosyon ang makikita kay Darryl na ngumiti habang tinitingnan si Jade. “Hindi ba gusto mong lumuhod ako s aiyo para tawagin kang mommy?”

“Nagkamali po ako. Alam ko na pong nagkamali ako.” Halos dumugo na ang mga labi ni Jade sa sobrang lakas ng pagkakakagat niya rito.

“Luluhod ako sa harapan niyo.” Pinagdikit nang husto ni Jade ang dalawa niyang mga kamay. Wala na siyang pakialam sa anumang dignidad o self-esteem na mayroon siya sa mga sandaling ito. Dahan dahan niyang ibinend ang kaniyang mga tuhod hanggang sa makaluhod siya sa harapan ni Darryl.

“Nagmamakaawa ako sa iyo, Mr. Darryl. Patawarin mo po ako.” Mahinang sinabi ni Jade habang nakakapit nang husto sa pantalon ni Darryl. “Siguradong magiging seryoso ang parusang matatanggap ko sa sandaling malaman ng aking kumpanya ang tungkol dito. Kaya nagmamakaawa po ako sa inyo, bilang kaibigan ni Lily…”

“Sige,” walang pakialam na sagot ni Darryl “Pero ano nga muna ang itatawag mo sa akin?”

Habang sinasabi ito ni Darryl, nilagay niya ang isa niyang kamay sa kaniyang tainga at tumingin pababa kay Jade.

Nangingi ang mga buto ni Jade habang nakaluhod siya sa harapan ni Darryl. Paanong hindi niya malalaman ang tungkol sa sinasabing ito ni Darryl?

“D…d…daddy,” napakagat muli si Jade sa kaniyang labi habang bumubulong.

Namula na ang kaniyang mukha sa mga sandaling ito. Si Darryl ang taong pinakaminamaliit niya sa lahat. Kaya sapat nang makita niya ito para sumama ang kaniyang pakiramdam! Pero sa mga sandaling ito ay nagawa niyang tanggalin ang lahat ng dignidad na mayroon siya sa harapan ni Darryl.

“Iyan na ang itatawag mo sa akin sa susunod, naiintindihan mo?” kumikindat na sinabi nI Darryl.

Walang tigil na yumuko rito si Jade.

“Ayoko ring malaman ni Lily ang tungkol sa tunay kong pagkatao.” Kumuha si Darryl ng isang sigarilyo, sinindihan ito at hinithit nang malalim. “Alam mo na rin ang dapat mong gawin hindi ba?”

“Opo, opo.” Sagot ni Jade habang nakatingin kay Darryl. “Huwag kang magalala Daddy dahil wala akong pagsasabihan na kahit sino tungkol sa mga nangyari ngayong araw.”

Tumango si Darryl dito at ikinaway ang kaniyang kamay na nagsasabing makakaalis na siya.

“Pasensya na, ikalawang young master, hindi ko naturuang rumespeto ang aking inaanak…”

Yuko ni Samson kay Darryl matapos umalis ng lahat.

Kasabay nitong yumuko sina Wayne, Felix, Emily at Siegfried matapos magsilapit kay Darryl.

“Walang wala po kami noong mga panahong iyon ikalawang young master.” Naunang sinabi ni Emily “Wala po kami sa kinatatayuan namin ngayon kung hindi po dahil sa inyo. Kaya matapos kong malaman na narito raw po kayo ngayong araw, naghanda po ako ng isang regalo para sa iyo.”

Naglabas siya ng isang box habang nagsasalita.

Cosmetics business ang pinasok ng Poesia Eleganza ni Emily, at nagawa nang magtagumpay ng brand na ito sa paggawa ng pangalan sa pinasok nitong industry.

Tatlong taon na ang nakalilipas, isa pa lang siyang promoter noon na nagaabot ng mga flyers sa kalye. Isang araw, hindi niya sinasadyang magasgasan ang sasakyan ni Darryl, pero imbes na umalis, naghintay siya nang buong gabi hanggan sa bumalik si Darryl.

Nang makita siya ni Darryl, naramdaman niya na kung gaano kaganda ang loob ni Emily kaya binigyan niya ito ng 300,000 para magsimula ng isang negosyo. Parang kisapmata lang na lumipas ang oras at limang taon na ang nakalipas mula noong insidenteng iyon.

Binuksan ni Emily ang box na naglalaman ng isang scroll.

Napahinga nang malalim si Darryl habang binubuksan ito ni Emily.

Isa itong lumang kaligrapiya na mayroong nakaukit na inion na nagsasabing: Wang Xizhi!

Iyan ba… Iyan ba… ang Ping’an Tie ng Wang Xizhi?! [1]

Napabalitang inauction ng isang mayaman at misteryosong Chinese ang scroll na ito!

“Alam po naming na mahilig kayo sa mga antiques, painting at calligraphy, ikalawang young master kaya nagambagan kami para bilhin ang scroll na ito mula sa isang kolektor,” Natatawang sinabi ni Felix. Siguradong makukuha ng kaniyang mapuputi niyang ngipin ang atensyon ng iba dahil sa kayumanggi niyang balat.

“Tatlong araw na lang po at birthday niyo na po ikalawang young master, hindi po ba? Ito na po ang regalo namin sa inyo.”

Birthday?

Napafacepalm na lang dito si Darryl. Nakalimutan na niya nang tuluyan ang tungkol sa kaniyang birthday.

Kabirthday niya si Grandma Lyndon na gaganapin din sa ikatlong araw.

Walang sinuman ang nakaalala sa kaniyang birthday nitong mga nakaraang taon. At tuloy tuloy na ipinagdiwang ng lahat ang birthday ni Grandma Lyndon habang parang nakikibirthday na rin si Darryl sa pamamagitan ng pagdalo sa mga pagdiriwang na to.

Kaya agad siyang nasurpresa nang malamang may mga tao pa ring nakakaalala ng kaniyang birthday.

Sa loob ng isa sa mga café na matatagpuan sa Donghai City.

Makikitang umupo sa harapan ni Lily si Ashton.

Hindi pa niya binabalita ang tungkol sa kaniyang pagkalugi kay Lily.

“Nakapagdesisyon na ako, Lilybud. Magpopropose na ako sa iyo at ipapaalam ko na rin sa lahat ang tungkol sa inaayos kong marriage proposal sa darating na Birthday ni Grandma Lyndon!” Buong pusong tingin ni Ashton kay Lily.

Translator’s note:

[1] Ang 平安帖 – ay tinatranslate gamit ang Romanisasyon ng mga Chinese character sa Ping’an Tie, na literal na nangangahulugan bilang ‘Peace Scroll’. Isa itong parte ng scroll na naglalaman ng tatlong mga passage, ito ay ang: Ping-an, He-ru, at Feng-ju (平安何如奉橘三帖) na ginawa ni Wang Xizhi (王羲之).
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP