Kabanata 14
“Magisip ka nang mabuti Lily. Isipin mo na lang kung gaano karaming sermon at pagpapahiya ang kinakailangan mong harapin mula noong pakasalan mo si Darryl.” Nanlalamig na sinabi ni Samantha. “Binigyan natin siya ng makakain at masisilungan sa loob ng tatlong taon ninyong pagsasama. Pero atleast ay nagawa niyang matulungan ang ating pamilya sa pagpapahiram sa atin ng pera para maibangon ang ating kumpanya. Kaya pantay na kami ngayon ni Darryl at ang hinihiling ko lang ay ang pakikipaghiwalay mo sa talunang iyan.”

“Mom…” napakagat na lang sa kaniyang labi si Lily.

“Tinawagan din ako ni Ashton at sinabing dadalo raw siya sa birthday ni Grandma Lyndon.” Nagpatuloy si Samantha sa pagsasalita. “Naghanda raw siya ng magandang regalo na siguradong magugustuhan ni Grandma. Dapat lang na mapunta ka sa kaniya sa sandaling magustuhan siya ni Grandma.”

Habang nagsasalita, nakita ni Samantha ang isang lalaki na naglalakad mula sa malayo. Nakasuot ito ng isang suit at leather na sapatos habang dala ang isang suitcase. Ang lalaking ito ay walang iba kundi si Wentworth, ang ama ni Lily.

Lumapit din sina Lily at Samantha para salubungin ito. Nagusap usap silang tatlo at nagtawanan palabas ng airport.

Paguwi, agad na nagluto si Samantha ng isang mamahaling pagkain. Si Darryl ang palaging nagluluto para sa kanila at matagal na ring hindi nakakapagluto si Samantha kaya hindi na kataka taka kung bakit nagawa nitong panatilihin ang kaniyang itsura sa ganitong edad.

Habang nasa dinner table, tinanong ni Samantha si Wentworth kung kumusta ang buhay sa abroad.

Sinabi naman ni Wentworth na hindi naging interesante ang kaniyang buhay sa ibang bansa, maliban sa kaniyang pagkain sa loob ng mga high class hotels tatlong beses sa isang araw at ang araw araw na pakikipagusap sa pinakamayayamang tao sa rehiyon ng bansang iyon. Pinaganda niya nang husto ang kaniyang mga kuwento at habang nagsasalita, naglabas siya ng isang cheke na kaniyang sinulatan bago ibigay kay Samantha.

50 million!

Umabot hanggang tainga ang mga ngiti ni Samantha nang makita niya ang cheke!

“Hahaha, tapos na rin ang mga paghihirap natin! Nagawa mong maglabas ng cheke na nagkakahalaga ng 50 million na parang wala lang!”

“Narinig kong nagkaproblema raw ang kumpanya mo nitong mga nakaraang araw, Lilybud. Nangailangan daw ito ng five million?” tumingin si Wentworth kay Lily at sinabing, “Nagalala ako sa iyo noong tumawag ang mom mo nitong nakaraang araw, pero wala akong magawa dahil nasa stock market pa ang pera ko noon. Pero ok naman na ang lahat ngayon, nagawa ko nang makuha ang pera ko roon.”

Nagsulat muli si Wentworth ng isa pang cheke habang nagsasalita.

“Ito pa ang isa pang cheke na nagkakahalaga ng 50 million.” Tumawa si Wentworth at sinabing “Oo nga pala, hindi niyo agad mapapapalitan ang mga cheke na iyan. Mapapapalitan niyo lang yan matapos ang isang linggo dahil magiging valid lang iyan sa sandaling umalis ako ng bansa.”

Mayroon bang ganitong klase ng requirement?

Naniwala pa rin si Samantha sa mga sinabing ito ng kaniyang asawa kahit na nagkaroon ito ng ilang bagay na kaniyang ikinapagtaka at tumango na lang nang paulit ulit habang ngumingiti.

Sa wakas, makakaahon na muli sila matapos magtiis ng napakatagal na panahon. Gusto na nilang malaman kung mamaliitin pa rin ba sila ng lahat sa sandaling dumalo sila sa birthday ni Grandma Lyndon!

Ding-ding!

Masayang naguusap ang pamilya nang biglang magring ang phone ni Lily. Matapos tingnan ang caller ID nito, agad na nagtinginan ang buong pamilya.

Tawag mula kay Grandma Lyndon?

“Anong problema?” tanong ni Samantha.

Ang matandang ito ay ang personal na in charge sa lahat ng tungkol sa angkan ng Lyndon, kaya natural lang na malubog ito sa trabaho araw araw. Tanging mga nakatatandang miyembro lang ng pamilya Lyndon ang may contact kay Grandma Lyndon. Hinding hindi pa rin nito nagagawang tumawag sa kahit isang junior ng mga Lyndon kahit kalian, lalo na kay lily na may pinakamababang estado sa lahat ng nakababatang miyembro ng pamilya Lyndon.

“Ayoko nang malaman kung bakit.” Sagot ni Lily habang sinasagot ang tawag at inoon ang loudspeaker mode nito.

“Lilybud?”

Maririnig ang boses ng isang matandang babae sa kabilang linya ng tawag.

Kahit na nagdadalawang isip ito na tumawag sa isang miyembro ng pamilya na mas bata sa kaniya, wala na rin siyang magagawa. Nilinaw ng Platinum Corporation na dapat mainvolve si Lily sa anumang transaksyon ng kanilang pamilya sa kumpanya at wala nang iba pang tatanggapin maliban sa kaniya. Kaya wala ring magiging magandang resulta kung ipapahawak niya sa iba pang miyembro ang pakikipagnegosasyon!

“Lilybud, hihingi sana ang lola mo sa iyo ng pabor…” nagpatuloy sa pagsasalita ang matandang babae.

Natigilan silang tatlo nang marinig ang sinabing ito ni Grandma Lyndon!

Si Grandma Lyndon na ang naging in charge sa lahat ng napakaraming taon. Kailan ba siya humingi sa kahit na sino ng pabor?!

Nagmamadaling nagsalita si Samantha na nagsabi “Ano ang nangyayari, mom? Sabihin niyo lang po sa amin kung ano ang kailangan ninyo!”

“Gusto ko sanang tanungin si Lilybud…” natahimik ang matandang babae sa loob ng isang sandal pero nagpatuloy itong muli at sinabing “Gusto ko sanang humingi ng pabor sa kaniya na makipagnegosasyon sa Platinum Corporation para ipasa sa atin ang pagpapasikat kay Giselle.”

Naguluhan dito si Samantha. Ibinigay na ni Grandma Lyndon ang responsibilidad na ito kay William. Si Lily nga ang nakipagnegosasyon pero si William pa rin ang kinilala ng kanilang pamilya na gumawa nito. Kaya bakit muling ibinabalik ng matandang babae na ito ang responsibilidad kay Lily?

Kahit na nainis si Samantha dahil sa hindi pantay na pagtrato sa kanila, ngumiti pa rin ito at sinabing. “Huwag kang magalala Mom! Sasabihan ko po si Lilybud na magpunta riyan mamayang hapon.”

Sabagay, si Grandma Lyndon pa rin ang tumatayong head ng kanilang pamilya. Kaya naflatter si Samantha nang tawagan sila ng matanda para makiusap sa kanila! Hindi na nila ito magagawang tanggihan!

Maliban dito, nanginig muli ang buong katawan ni Lily! Kapapadala pa lang kasi ni Darryl ng message sa kaniya na nagsasabing tanggihan si Grandma Lyndon sa sandaling tumawag ito sa kanila!

Paano nalaman ni Darryl na tatawagan siya ni Grandma Lyndon? Isa ba siyang manghuhula…?

Napakagat si Lily sa kaniyang labi. Kusa nang kumilos ang kaniyang isipan nang kunin niya ang phone at sabihing “Pasensya na po Grandma Lyndon, pero tumatanggi po ako na gawin ito. At dahil ibinigay niyo na po ang responsibilidad na ito kay William, dapat lang po na siya ang makipagnegosasyon sa Platinum Corporation.”

“Ikaw!” Parang nabuhusan ng malamig na tubig sa sobrang gulat ang matandang babae. “Tumigas na talaga ang ulo mo, Lilybud. Maniniwala ka ba na hindi magagawang makipagpartner ng mga Lyndon sa Platinum Corporation kung hindi dahil sa iyo?! Napakaarogante mo nang bata ka!”

Ibinaba na ni Lily ang tawag bago pa man matapos sa pagsasalita ang matandang babae!

Nagtinginan sina Samantha at Wentworth sa ginawang ito ni Lily na sinundan ng panenermon ni Samantha.

“Anong ginagawa mo Lilybud?!” galit na hinampas ni Samantha ang lamesa. “Paano na natin maiaahon ang ating mga sarili sa ating pamilya matapos mong bastusin ang lola mo?! Pinapaboran nga ni Grandma si William pero hindi mo rin maikakaila na competent si William sa mga ginagawa niya! Hindi mo ba siya papakitaan ng paggalang ngayong isinantabi niya ang kaniyang dangal para tawagan ka at humingi ng pabor sa iyo na makipagnegotiate?!”

Napakagat na lang nang husto si Lily sa kaniyang labi dahil naunang magtext sa kaniya si Darryl kanina. Naging misteryoso ang kaniyang isipan at naisip kung bakit niya pinaniwalaan ang mga sinabi ni Darryl nang kausapin siya ng nakatatandang miyembro ng kanilang pamilya.

Matapos makinig sa mga reklamo ni Samantha, tahimik na nilabas ni Lily ang kaniyang cellphone at walang kamalay maya na nagpadala ng text message kay Darryl “Tinanggihan ko na ang pabor ni Grandma, ano na ang dapat kong gawin.”

TInatawag ng lahat na talunan si Darryl, at nagalit din sa kaniya si Lily dahil wala siyang ginagawa na kahit ano para subukang iimprove ang kaniyang sarili. Pero kahit na ganoon, magtataka ang kahit na sino sa mga ginagawa ni Darryl nitong nakaraan, dahil palagi siyang nakasuporta kay Lily sa mga kritikal na sandali kung saan nangangailangan si Lily ng tulong na imposibleng maibigay ng iba. Kaya masyado nang malayo ang narating ng kaniyang iniisip na umabot na sa punto kung saan nagawa niyang sundin si Darryl.

Hindi nagtagal nagreply si Darryl ng ilang maiiksing sentence: “Hindi ka titigilan ni Grandma kaya hindi ka rin titigil sa pagtanggi. Hindi kikilalanin ng Platinum Corporation ang kahit na sino maliban sa iyo. Maniwala ka sa akin.”

Nakaramdam si Lily ng sense of security matapos mabasa ang huling sinabi nito.”

Nang biglang kunin sa kaniya ni Samantha ang kaniyang phone!

“Perfect! Tinanggihan mo ang matanda! At si Darryl ang nagsabi sa iyong gawin mo ito, tama?!” nanginig ang dibdib ni Samantha habang nakaturo kay Lily at sumabog sa sobrang galit “Nahihibang ka na ba? Naniniwala ka talaga sa mga sinasabing ito ni Darryl! Sinasabi ko na s aiyo na mas maigi kung makikipagdivorce ka na sa kanya pagkatapos ni birthday ni Grandma!”

“Pero nahulaan ni Darryl na tatawagan ako ni Grandma…” sagot ni Lily.

Dito na mas nagalit si Samantha na napahampas sa lamesa nang napakalakas. “Tatandaan mo ito, walang kahit na anong halaga si Darryl! Tingnan mo nga ang iba nating mga kamag anak. Mayroon ba silang manugang na kagaya niya? Mayroon bang pamilya na mayroong manugang na walang milyon milyong pera o ari arian!”

Unti unting tumindi ang galit ni Samantha habang nagsasalita at sinasabi ang pangalan ni Darryl.

“Kinahapunan, ipinadala ni Grandma Lyndon si Stefan Lyndon para makipagnegosasyon.

Si Stefan ay isa sa mga kilalang miyembro ng mga Lyndon at may katayuang pumapangalawa lamang kay William, pero sa huli, pinaalis pa rin siya sa Platinum Corporation ng mga security guard nito bago pa man nagawang makapagsalita.

Nagsimula nang magpanic ng matandang babae nang bumalik si Stefan. Ano ang nangyayari? Si Lily lang ba talaga ang tatanggapin ng Platinum Corporation?

Umupo si Grandma Lyndon at nanigarilyo nang sunod sunod.

“Mayroon po akong plano, Grandma.” Dito lang naglakad papalapit si William na nakipagusap sa kaniyang lola.

“Grandma, naiisip ko po na dahil sa magandang itsura ni Lily kaya niya nagawang mapapayag ang Platinum Corporation.” Isip ni William “Kaya kung titingnan, mukhang mahilig sa babae ang bagong presidente ng Platinum Corporation. Hindi lang naman si Lily ang magandang babae sa ating pamilya! Maganda rin naman si Elsa kaya bakit hindi po natin siya subukang papuntahin doon.

Walang duda na dalawang babae nga na miyembro ng pamilya Lyndon ang kilala sa kanilang kagandahan.

Isa na rito si Lily habang ang isa naman ay si Elsa.

Ayon sa kanilang edad, kinakailangang tawagin ni Lily si Elsa bilang nakatatanda niyang kapatid.

Sumangayon ang lahat sa suhestiyong iyon. Mukhang may sense naman angmga sinabimg ito ni William kaya sigurado silang nagustuhan lang ng bagong presidente ng Platinum Corporation si Lily nang dahil sa maganda nitong itsura.

Kinabukasan, magisang pumunta sa Platinum Corporation si Elsa.

Hindi maikakailang mapapatigil ang kahit na sino sa sandaling makita nila si Elsa, isa siyang crème de la crème na mayroong magandang korte ng katawan at itsura!
Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo