Kabanata 19
Nang ipapagpatuloy na sana ni Yvonne ang pakikipagusap kay Darryl, ngumiti si Grandma Lyndon at naglakad papunya kay Lily habang may hawak na wine glass.

Napatigil ang lahat sa pagkain nang makita nilang papalapit ang matanda sa kanila.

“Lilybud, may gusto sana akong itanong sa iyo.” Dahan dahang nagsalita ang matandang babae.

“Ok lang po, ano po iyon, Grandma?” sabi ni Lily.

Tumango si Grandma Lyndon at nagsalita. “Birthday ng lola mo ngayon, Lilybud, kaya maipapangako mo ba sa akin na pupunta ka sa Platinum Corporation para makipagnegosasyon? Malaki ang kikitain ng pamilya natin sa sandaling ipahawak nila sa atin si Giselle. Ok lang ba sa iyo ito?”

“Ito ay…”

Hindi na alam ni Lily kung ano ang dapat niyang isipin nang palihim siyang tumingin kay Darryl.

Kay William napunta ang lahat ng effort na ginawa niya para mapapayag ang Platinum Corporation na makipagpartner sa kanila, ito ang uminis nang husto sa nagiisip na si Lily.

Sinabihan din siya ni Darryl na huwag siyang pumayag sa request na ito ni Grandma Lyndon.

Hindi na kataka takang nakita niyang iniiling ni Darryl ang kaniyang ulo.

Nagngitngit ang mga ngipin ni Lily. Kakailanganin niyang tanggihan ang pakiusap sa kaniya ng matandang nagdiriwang sa kaniyang kaarawan kung pakikinggan niya ang talunang iyon.

“Oo naman, Ma.” Biglang tumayo ang ina ni Lily na si Samantha. “Si Lily na po ang bahala rito. Siguradong hindi ka niya po bibiguin!”

“Mabuti kung ganoon!” Ngiti ng matandang babae.

Pero sa mga sandaling ito, walang ni isang nagakala na bigla ring tatayo ang tahimik na nakaupo sa isang tabi na si Darryl.

“Huwag na kayong umasa.”

Naging matindi ang mga salita na kaniyang binitawan!

“Si Lily naman talaga ang unang nakipagnegosasyon para sa kontrata, pero agad itong inangkin ni William.” Nanlalamig na sinabi ni Darryl. “Ngayon niyo lang ulit naalala ang asawa ko ngayong ayaw nang kilalanin ng Platinum Corporation si William, tama?”

“Ikaw… Anong sinabi mo?” Tumuro ang galit na galit na matanda kay Darryl.

Tumingin ang mga miyembro ng pamilya Lyndon kay Darryl na para bang nakatingin sila sa isang taong wala sa kaniyang tamang pagiisip.

Nasisiraan na ba siya? Naiisip niya pa ba kung ano ang katayuan niya sa pamilya Lyndon? Siya lang naman ang nakikitirang manugang ng pamilya Lyndon! Kaya mas naging masarap pa ang buhay ng aso na pagmamayari ng mga Lyndon kaysa sa kaniya!

“Matagal na akong nagpipigil sa iyo!” Hidni na nakapagpigil pa si William na biglang pumasok sa eksena. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon? Sino ka nga ba para diktahan ang mga dapat at hindi dapat gawin ni Lily? Nagsisimula ka ba ng gulo sa birthday ng lola namin? Nagsuot ka ng mumurahing mga damit, nagregalo ng basurang pamaypay at ngayon ay nagsisimula ka namang makialam sa usapan ng aming pamilya? Papatayin talaga kita!”

Agad na sumuntok nang malakas ni William pagkatapos na pagkatapos nitong magsalita!

Mukhang ibinigay niya na ang lahat ng kaniyang lakas sa suntok na iyon! Paboritong paborito si William ni Grandma Lyndon kaya naispoil na ito noong bata pa lang siya. Ang pagiging spoil na ito ang naging ugat kung bakit siya nagkaroon ng maiksing pasensya. Kaya kilala siya sa pakikipagaway at pagiging number 1 bully sa kanilang school. Pero kahit isa sa siyang matanda ngayon na palaging busy sa kaniyang negosyo, kilala pa rin siya bilang isang tao na kayang dalhin ang kaniyang sarili at kakilala ng karamihan sa mga big boss sa komunidad.

“Siguradong lagot na si Darryl. Nakasisiguro akong lalabas ito ngayon nang nakastretcher.”

“Dapat lang sa kaniya iyan! Walang kahit na sinong aawat kay William habang binubugbog siya nito.”

Maririnig ang usap usapan sa paligid at pinigilan ng lahat ang kanilang pagtawa habang sabik na pinapanood ang mga susunod na pangyayari.

Siguradong makakapagpabagsak ng bear ang suntok na iyon ni William.

Mabilis na lumiit ang mga pupil sa mat ani Darryl. At sa halip na umiwas sa papalapit na suntok, nanatili pa rin si Darryl sa kaniyang kinatatayuan nang hindi gumagalaw!

“Tumakbo ka na dali!” Hindi inasahan ni Lily na bibigyan niya ng tulong ang talunang iyon.

Siguradong hindi magiging masarap sa kaniyang pakiramdam kung makikita niyang mabugbog ang isang tao na nagawa niyang makasama sa loob ng tatlong taon…

“Alam mo nang hanggang diyan ka lang pero nagawa mo pa ring makipagaway?” nanlalamig na sinabi ni Darryl.

“Parang isang gangster sa kalye ang estilo sa pakikipagaway ni William. Maaaring puno nga ng lakas ang suntok na iyon, pero nananaginip siguro siya kung iisipin niyang masasaktan niya ako nang gamit ito.”

Bahagyang napangisi si Darryl. Kailangan ng mga batang miyembro ng pamilya Darby na panatilihing fit ang kanilang mga katawan. Pitong taon pa lang si Darryl nang magaral siya ng Wing Chun sa ilalim ni Li Shan na ika 23 henerasyon ng mga practitioner ng Wing Chun na nagturo sa kaniya nito sa loob ng isang taon.

Kahit na hindi niya masabi na magagawa niyang talunin ang sampung katao nang sabay sabay, hidni magiging problema para sa kaniya ang pagtalo sa dalawa o tatlong mga ordinaryong maskulado na kumalaban sa kaniya!

Thud!

Itinaas ni Darryl ang kaniyang braso para sumalag, pero agad din itong nalampasan ng direktang suntok na ginawa ni William! Pero sa loob ng mga sandaling iyon, agad na napasigaw nang malakas si William!

"Aghh!"

Naramdaman ni William na para bang Tumama sa bakal na armor ang kaniyang kamao, kaya agad niyang naisip na nabalian na siya nang buto habang nanghihina nang husto sa kaniyang kinatatayuan. Dito na siya bumagsak sa sahig at magpaikot ikot dahil sa sakit na kaniyang dinanas.

Ano?!

Nablangko ang isip ng lahat sa kanilang nakita! Walang sinuman sa kanila ang nakakita kung paano bumagsak si William sa sahig ng venue.

Nagawa ba ni Darryl na tanging babad lang sa mga gawaing bahay ng tatlong taon na magkaroon ng ganoong kakayahan? Sino bang magaakala ng ganito sa kaniya?!

“Maghintay ka lang, Darryl, maghintay ka lang hayop ka!” Sigaw ng puno sa desperasyong si William. Nilabas nito ang kaniyang cellphone at tumawag sa isang number bago sumigaw ng “Bro, magdala ka ng dalawang sasakyang tao rito. Ngayon, ngayon! Dalhin mo na ang mga bata mo!”

Pagkatapos ng tawag, nagngitngit ang mga ngipin ni William habang tumatayo at tumuturo kay Darryl. “Huwag na huwag kang aalis, maghintay ka rito! Makikita mo kung paano kita patayin ngayong araw!”

Napatahimik ang lahat sa kanilang nakita. Dahil alam din nila na mahilig magtanim ng sama ng loob si William. Kaya siguradong mamasamain si Darryl sa sandaling hamunin niya ito ng away.

Hindi pananakot ang dahilan ni William nang gawin niya ang tawag na iyon!

Pero kahit na ganoon, nakahanda pa rin ang isipan ng lahat habang pinapanood ang mga susunod na pangyayari. Agad na gaganda ang palabas na kanilang pinanonood sa sandaling tumaas ang tensyon nito! Walang sinuman ang may pakialam sa nakikitirang manugang na iyan!

Pero hindi pa rin pinansin ni Darryl nang kahit kaunti si William. Tumingin siya sa matanda at sinabing “Hindi ba’t unfair ito para kay Lilybud? Ang lahat ng pagkilala sa ginawa niya ay napunta lahat kay William, at ngayon lang muli pumasok si Lilybud sa inyong isipan ngayong siya lang ang kinikilala ni Platinum Corporation dahil sa kaniyang mga ginawa. Hindi tatanggapin ni Lily ang ipinapagawa niyong ito sa kaniya. Maghanap na lang po kayo ng iba kung gusto niyo pa rin pong ipagpatuloy ang pakikipagnegosasyon sa Platinum Corporation!”

“Ikaw… Ikaw… Anong sinabi mo!” Turo ni Grandma Lyndon kay Darryl. “Ano ka ba rito? Sino ka para gumawa ng mga desisyon para kay Lilybud? Anong karapatan mo para gawin ito?”

“Ako po ang asawa niya.”

Nanlalamig na sinabi ni Darryl na nagsimula ng bulungan sa kanilang paligid!

Makikita sa mga sandaling ito ang panginginig ng buong katawn ni Lily!

Habang natutulala, hindi naiintindihang tumingin ang lahat kay Darryl.

Paano masasabi ng isang talunang nakikitira lang sa pamilya Lyndon ang bagay na iyan?!

“Ikaw ang asawa niya?” Napatawa rito nang malakas ni Grandma Lyndon. “Sige, tanungin natin si Lilybud kung kinikilala ka ba niya bilang kaniyang asawa? At kung sasagot siya ng oo, hindi ko na siya kikilalanin pa bilang apo mula sa araw na ito! At kung hindi, mas maigi kung umalis ka na na sa lalong madaling panahon!”

Agad na napatingin ang lahat kay Lily nang sabihin ito ni Grandma Lyndon!

Naging simple at direkta ang tanong na ito ng matanda: Sino ba ang pipiliin ni Lily, Si Grandma Lyndon ba? O ang talunan niyang asawa.

Napasara nang husto ang mga kamao ng hindi makapagsalitang si Lily na para bang may nakabara sa kaniyang lalamunan.

Slap!

Habang nakatingin ang nasasabik na mga tao sa paligid, tumayo si Samantha at bigla nitong sinampal nang malakas si Darryl!

Sa tindi ng biglaang pagsampal na ito, nawala sa balanse ang katawan ni Darryl na muntik nang mitumba sa sahig. Namula nang husto ang parte ng kaniyang pisngi na sinampal ni Samantha.

“Tama nga si Grandma. Sino ka ba sa tingin mo?” Tumuro si Samantha kay Darryl at sumigaw. “Aso ka lang ng pamilya Lyndon, Darryl. Kaya sinong nagbigay sa iyo ng karapatan para gumawa ng ganito kalaking iskandalo? Ipinagmamalaki mong asawa ka ni Lilybud hindi ba? Kung ganoon, tatanungin kita, ano pa bang meron ka maliban sa marriage certificate? Ni hindi mo nga nahawakan ang kamay ng anak ko sa tatlong taon ninyong pagsasama, hindi ba? Masyado nang mataas ang naging tingin mo sa iyong sarili! Kaya sino ka para magturo rito! Umalis ka na!”

Hahaha!

Sinubukan ng lahat na pigilan ang kanilang tawa habang unti unting gumaganda ang mga nangyayari na kanilang nasasaksihan.

Kung nangyari ito noon, hihingi na lang ng tawad si Darryl sa lahat.

Tumingin ang lahat sa kaniya, pero ang tanging nakita nila ay ang maliit na ngiti ng bibig ni Darryl na unti unting nabubuo sa kaniyang mukha.

TInitigan nito nang husto si Samantha na para bang isa siyang kinatatakutang tao!

Hindi rin makapaniwalang napatingin si Lily kay Darryl. Matapos ang tatlong taon ng kanilang pagsasama, hindi niya aakalahin na magiibang anyo ang palaging nagmumukhang kawawa na si Darryl sa harapan ng lahat.

Ngumiti si Darryl at tumingin kay Samanta. “Tatlong taon na kaming kasal ng anak ninyo. At sa loob ng panahong ito, walang sawa akong nagsumikap na gawin ang lahat ng ipinapagawa ninyo sa akin kahit alam ko na wala kong mararating na kahit kung susundin ko ang mga ito. Pero Nagreklamo ba ako sa tatlong taon ng pangaalipin ninyo sa akin? Kung ganoon, kung hindi mo talaga naaalala ang mga magagandang bagay na nagawa ko sa inyo, bahala na kayo sa mga buhay ninyo!”

Nagsara nang husto ang mga kamao ni Darryl habang nageecho ang kaniyang boses sa buong venue. “Mukhang dahil nga siguro sa akin kung bakit kayo nagawang maliitin ng iba niyong mga kapamilya! Pero ngayong nasampal mo na ako nang malakas, patas na tayo. Paulit ulit mong sinasabi na umalis na ako hindi ba? Kung ganoon, sige, aalis na ako.”

Nanlalamig na tumingin pabalik si Darryl. Tumayo siya at agad na umalis matapos niyang magsalita!

Nagulat ang lahat sa ipinakitang ito ni Darryl!

Walang sinuman ang nagakala na magagawa ng isang talunan ang ganitong klase ng mga bagay!

Pero wala ring pumigil sa kaniya dahil gusto na rin siyang paalisin ng buong pamilya Lyndon sa kanilang mga buhay.

Pero agad na humarang si William nang papunta na si Darryl sa pintuan at agad nitong dinuro habang sumisigaw ng “Aalis ka nang ganoon ganoon na lang? Hindi pa tayo tapos Darryl! Makakaalis ka naman, pero kailangan mo nga lang lumabas dito nang nakastretcer!”

Nagtapos ang mga sinabi niyang ito sa pagtigil ng dalawang mga itim na van sa entrance ng villa.

Bumukas ang mga pintuan nito at higit 20 matitipunong lalaki ang bumaba habang may dalang mga baseball bat at tubo na gawa sa bakal.

“Mr. Harry!” Sigaw ni William habang mabilis na naglalakad papalapit sa lider ng grupo.

Tumango naman ang lalaking may hawak na itak at nagtanong ng “Sino ang umagrabyado sa iyo rito?”

“Itong mangmang na ito, Mr. Harry. Bugbugin niyo siya hanggang sa mapaluhod siya sa lupa!” Sigaw ni William.

Hindi inaasahang nagkaroon ng eye contact si Darryl at ang lider ng grupo na iyon, agad na pinigilan ni Darryl ang kaniyang sarili sa pagtawa nang malakas.

Si Harry? Harry Crocker?

Walang duda na ang inaanak ni Samson na si Harry Crocker ang tinatawag ni Bro ni William sa tawag, siguradong maaalala pa rin nito nang malinaw ang mga nangyari sa kanila noon sa Moonlit River Bar.

Agad na nabuhay ang dugo ng lahat na napatayo sa tindi ng excitement na kanilang nararamdaman. Wala sa kanilang nagakala na umaabot pala kay Harry ang mga kuneksyon ni William!

Kilala sa kawalan ng awa si Harry sa kaniyang mga nakakaawak at siguradong matatalo ng mga ito si Darryl kahit saang anggulo pa nila tingnan!

“Umalis ka na Darryl!”

Hindi na rin nakapagisip pa nang matino si Lily. Agad siyang tumayo at sumigaw para balaan si Darryl.
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP