Kabanata 20
Si Harry Crocker ang lalaking ito!

Kahit na hindi siya kilala ni Lily sa personal, madalas nang nababanggit ang pangalan nito ng kaniyang mga kaibigan sa kanilang mga usapan!

Marami ang nagsasabi na kilalang tao si Harry sa buong Donghai City dahil una sa lahat, bata pa siya, matapang, walang awa at higit sa lahat, hawak ng maimpluwensiyang tao na si Samson.

Si Samson ang may ari ng Moonlit River Bar, ang pinakamarangyang bar sa buong Donghai City.

Kitang kita ni Lily ang mabagsik na mukha ni Harry habang may hawak na itak. At kung magawa nitong maabutan si Darryl, siguradong mapaparalisa o mapapatay niya ito.

“Dalian mo nang umalis!” Nabagabag na nang husto sa mga sandaling ito si Lily. Napatayo siya sa kaniyang upuan para hatakin si Darryl sa kinatatayuan nito pero agad siyang pinigilan ng kaniyang mga kasama sa table.

Hindi na rin maintindihan ni Lily ang kaniyang mga iniisip sa mga sandaling ito. Kahit na mababa lamang ang kaniyang tingin kay Darryl, hindi pa rin niya maiwasang magkaconcern dito nang makita niya na mabubugbog si Darryl ng grupo ni Harry.

Pero hindi ganito ang naging pananaw ng mga tao sa kaniyang paligid at sa halip ay nasabik pa ang mga ito nang makita nila ang nalalapit na pambubugbog kay Darryl!

Ang pinakanaalarma sa ginawang ito ni Lily ay si Ashton na agad humila sa kaniya. “Ano ba ang dapat mo pang ikaconcern sa talunang ito Lilybud? Hindi niya alam kung paano lumugar at nagawa pang hamunin si William. Kaya dapat lang na mabugbog siya!”

Itinaas ni Harry ang kaniyang itak at tumakbo papasok sa villa!

“Huwag kang magalala, William.” Idinura ni Harry ang sigariyo sa kaniyang bibig habang sinasabi na “Gustong gusto ko nang makita kung sino ang mangmang na nagkaroon ng lakas ng loob na hamunin ang aking kinakapatid! Sisiguraduhin kong patay na ang magiging turing sa iyo ng lahat sa sandaling magpangabot tayo!”

Tumango nang husto si William at aroganteng naglakad papunta kay Darryl. Natuwa it nang husto dahil sa pagkakaroon ng ganito kagandang reputasyonna nagbigay sa kaniya ng kakayahang papuntahin si Harry sa sandaling mangailangan siya ng tulong!

Pero sa totoo lang, isang beses pa lang sila nagkikita ni Harry sa personal.

Isang beses noong mapaaway si William sa isa pang driver. Nagresulta ito sa pagkakasundo nilang dalawa na magkipagaway sa ibang lugar, dito na tinawagan ng nakaaway na driver ni William si Harry.

Halos mapatay na ni Harry si William noong mga sandaling iyon. Natakot sa kaniya nang husto si William kaya ginawa nito ang lahat para kaibiganin ang bumugbog sa kaniya.

Nalaman niyang mahilig magsugal si Harry at madalas ding mawalan ng pera nang dahil dito. Kaya naisip ni William na pahiramin nang malaking pera si Harry buwan buwan. Kahit na pagpapahiram ang naging tawag nila rito, hindi pa rin siya nagagawang mabayaran ni Harry.

Wala ring intensiyon si William na maningil ng mga naipautang niya kay Harry! Hindi naman masama na bigyan niya ang lalaking ito ng pera buwan buwan kaya magagawa niyang makahingi ng tulong dito sa sandaling kailanganin niya ito.

Wala nang kahit na sinong kumalaban kay William mula noong makilala nito si Harry. Malayo layo na rin kasi ang inabot ng reputasyon ni Harry sa buong Donghai Cirt kaya walang sinuman sa mga bagong henerasyon ang nagkaroon ng lakas ng loob para harapin ito nang direkta!

10 metro na lang ang layo at ni Darryl at ni Harry sa isa’t isa nang magkatinginan silang dalawa.

At sa kasamaang palad, malabo labo na rin ang mat ani Harry kaya hindi niya pa rin nakilala si Darryl kahit na isingkit niya ang kaniyang mga mata! Dito na itinaas ng agresibong si Harry ang kaniyang itak at mabilis na sumugod kay Darryl!

“Takbo Darryl! Takbo!” Sigaw ni Lily na kasalukuyang hinaharang kaniyang mga kasama.

Ipinikit ni Lily ang kaniyang mga mata, pero nagawa pa rin niyang makita ang pagbagsak ni Darryl habang naliligo sa sarili nitong dugo.

Pero hindi inasahan ni Lily na titigil si Harry sa kaniyang pagsugod nang isasaksak na sana nito ang dala niyang itak kay Darryl!

Nakagiting tumingin si Darryl kay Harry. Nasa kalahating metro na lang ang layo nilang dalawa sa isa’t isa sa mga sandaling ito!

Agad na nakaramdam ng pagkabagabag si William nang makita niya ang pagtigil ni Harry sa pagtakbo.

“Siya ang mangmang na sinasabi ko sa iyo Mr. Harry!” Sigaw ni William. “Siya iyon kuya Harry! Paluhurin mo siya para sa akin!”

Nagsisigaw si William habang namumula ang kaniyang mga mata.

“Ikaw… ito ba ang batang gusto mong bugbugin naming?” Dito na nagreact si Harry sa pamamagitan ng pagtatanong kay William.

“Oo, siya iyon!” Sagot ng tumatangong si William.

Kasalukuyang nanonood ang mga sabik na miyembro ng pamilya Lyndon na nagtuon ng buo nilang atensyon sa dramang nagaganap sa kanilang harapan.

Naglakad si Grandma Lyndon at sinabing “Huwag ka sanang sumobra sa pambubugbog William. Huwag mo siyang bugbugin nang husto.”

“Huwag ko pong bugbugin nang husto?” Ngiti ni William. Ipinahiya siya ni Darryl sa harap ng buo niyang pamilya. Kaya kung hindi niya maipaghihiganti ang ginawang ito ni Darryl sa kaniya, ano pa ang mukha na kaniyang ihaharap sa kaniyang pamilya sa hinaharap?!

“Sige po. Huwag po kayong magalala, susuntukin ko lang po siya hanggang sa lumuhod siya sa harapan ko.” Nakangiting kindat ni William.

Dito lang nakita nang tuluyan ni Harry ang mukha ni Darryl, halos maihi si Harry sa kaniyang pantalon dahil sa sobrang pagkagulat.

Mabilis na tumulo ang malamig na pawis sa noo ni Harry dahil tinatawag si Darryl na ikalawang young master maging ng kaniyang ninong sa bawat sandaling magkita ang dalawang ito!

“Siya ba talaga ang tao na gusto mong ipabugbog sa akin?!” Muling nagtanong ang nagulat na si Harry para kumpirmahin ito.

“Oo, siya nga iyon!”

Sigaw ni William. Mabilis na kumulo ang dugo ni William nang makita niya ang pagtayo lamang doon ni Harry kaya siya na ang naunang lumapit kay Darryl para simulan ang pagsuntok dito!

Pero nang ibibigay na niya sana ang una niyang suntok kay Darryl, biglang nagbago ang ihip ng hangin, dito na sumigaw si Harry at dinampot si William gamit ang buhok nito!

Slap!

Dito na biglang sinampal nang malakas ni Harry si William sa mukha!

Agad na namutla ang buong katawan ni William sa sobrang lakas ng pagsampal na ginawa ni William sa kaniya.

Nagsalita ang nagulat na si William habang hinahawakan ang pisngi niyang tinamaan ng sampal ni Harry “Anong mali ang nagawa ko sa iyo?! Mr. Harry!”

Maliban kay William, nagulat din ang lahat ng mga taong nanonood sa kanilang paligid!

Ano ang nangyari? Hindi ba’t magkakampi sina Harry at William?

“Gusto mo ba akong pataying hayop ka?!” Agad na tumindi ang galit ni Harry. Muli niyang sinampal si William na nakapagpatalsik dito sa lupa bago niya sinimulan ang pagsipa rito nang paulit ulit.

“Ano ang ginagawa mo , Mr. Harry!”

Wala nang nagawa ang naghihinanakit na si William habang nagpapagulong gulong sa lupa dahil sa sakit na kaniyang tinatamo mula sa mga sipa ni Harry.

Walang sinuman sa pamilya Lyndon ang nagtangkang pumigil sa ginagawang ito ni Harry. Hindi na rin kaya pang makita ni Grandma Lyndon ang nangyayari sa kaniyang apo kaya ikinaway na nito ang kaniyang kamay sa ilang mga batang miyembro ng pamilya.

Pilit namang naglakad ang mga binata habang iniipon ang kanilang lakas ng loob para sumigaw ng “T…T…Tigil…”

“Huwag na huwag kayong lalapit!” Sabi ng galit na galit na si Harry. Itinutok nito ang hawak niyang itak sa mga binata at sumigaw ng “Tatapusin ko ang sinumang pipigil sa akin ngayon!”

Natigilan ang lahat sa mga sinabing ito ni Harry. Walang sinuman ang magagawnag lumaban dito nang harapan!

“Bugbugin niyo siya. Akong bahala sa inyo!” Sigaw ni Harry sa mga maskuladong tauhan niya sa likod. Dito na pumaligid ang isang grupo ng mga matitipunong lalaki kay William at nagsimula sa walang humpay na pagtadyak dito.

“Mr. Darryl…” Sa mga sandaling ito, nagpakita si Harry ng nahihiyang ngiti at nagpapakumbabang naglakad papunta kay Darryl. “Huwag po kayong magalala, Mr. Darryl. Ito ang hayop na naglakas loob na kalabanin kayo hindi po ba? Siguradong patay siya sa akin ngayon!”

Ano?!

Nablangko ang isip ng lahat nang marinig ang mga sinabing ito ni Harry!

Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit naging ganito kagalang si Harry kay Darry na para bang tatay niya ito!?”

Paano naging ganito katindi ang impluwensya ng isang talunan na katulad niya!

Natigilan din dito si Lily. Agad na napalitan ng pagkagulat ang pagkabagabag na kaniyang nararamdaman kanina! Isang napakatinding pagkagulat na para bang tinamaan siya ng kidlat ang kaniyang naramdaman!

“Hindi ko po alam na kayo pala iyon, Mr. Darryl, hindi na sana ako nagpunta rito kahit na mabugbog pa ako kung alam ko lang na kayo pala ang tinutukoy ng isang ito.” Agad na namutla si Harry nang hindi sumagot dito si Darryl. Nagpatuloy si Harry sa kaniyang pagpapaliwanag at sinabing “Nagmamakaawa po ako sa inyo, Mr. Darryl. Huwag na po kayong magalit, parang awa niyo na po. Hindi ko po alam na kayo pala iyon…”

“Sige, sige na.” Naiinip na ikinaway ni Darryl ang kaniyang kamay. Hindi mapakali si Darryl dito noong una, pero nang marinig niya ang mga pinagsasabi ni Harry, nainis na siya rito kaya tumalikod na siya para umalis.

Natapos na rin ang lahat…

Dito na tila napatigil sa pagtibok ang puso ni Harry. Hindi naman galit sa kaniya si Darryl, hindi ba?

“Bugbugin niyo pa ang isang iyan!” Galit na sigaw ni Harry.

Nagtinginan na lang sa mga sandaling ito ang mga miyembro ng pamilya Lyndon pero walang sinuman ang pumigil sa grupo ni Harry. Nang malapit nang makita ni William ang liwanag papunta sa kabilang buhay, tumigil na sa pambubugbog ang mga tauhan ni Harry.

Makikita ang pamamaga ng ilong at buong mukha ni William. Umiiyak niyang sinabi na “Bakit mo ako nagawang bugbugin, kuya Harry…”

Nasa kaniyang mga baiwang ang dalawang mga kamay ni Harry, muli niyang tinadyakan ng isa pang beses si William sa sobrang irita niya rito. “Bakit kita binugbog? Hindi mo ba alam kung gaano katindi si Mr. Darryl?!”

“Ano bang ipagmamalaki niya? Isa lang siyang nakikitirang manugang ng pamilya Lyndon!” Naistress nang husto si William matapos maisip ang pambubugbog na ginawa sa kaniya ng taong hiningan niya ng tulong! Pero ito pa rin ang katotohanan na kailangan niyang tanggapin.

“Nakikitirang manugang?” ngiti ni Harry. Sasabihin na sana nito na si Darryl ang ikalawang young master ng pamilya Darby nang maalala niya ang mga sinabi sa kaniya ng kaniyang ninong na matagal nang umalis si Darryl sa pamilya Darby.

Kaya hindi na niya alam kung ano na ba ang kasalukuyang estado ni Darryl sa kaniyang buhay!

Umikot ang mga mat ani Harry habang sinasabi kay William na “Pero kahit na ano pa ang mangyari, ito ang tatandaan mo: sa sandaling gawin mo ito ulit sa harapan ni Mr. Darryl, sinisiguro ko sa iyong hindi ka na makakalabas nang buhay.”

“Tara na!”

Ikinaway ni Harry ang kaniyang kamay at parang cowboy na umalis kasama ng kaniyang mga tauhan.

“Ok ka lang ba William?!”

Sa mga sandaling ito lang nagawang lumapit at pumaligid kay William ng lahat.

Naging miserable ang pakiramdam ni William matapos ng mga nangyari!

Inilagay siya ng pangyayaring ito sa isang matinding kahihiyan!

“Grandma, dumating po si Wayne! Ang boss ng Oriental Pearl!”

Sinabi ito ng isang boses na nakapagpatingin sa lahat sa pintuan papasok sa venue.

Limang Rolls Royce na sasakyan ang pumarada sa harapan ng villa at bumaba ang isang middle aged na lalaki mula sa passenger seat sa unahan ng nauunang sasakyan. Nakasuot ito ng isang tunic suit habang naglalakad gamit ang kaniyang tungkod.

Ito si Wayne!

“Kilalang kilala na nga talaga ang pamilya Lyndon para magawang imbitahan si Mr. Wayne dito.”

“Oo nga…”

Nag usap usap ang isang grupo ng mga bisita sa Venue. Sabagay, isa si Wayne sa mga pinakaimportanteng tao sa buong Donghai City. Mayroon na itong bilyon bilyong net worth at hindi rin dumadalo sa kaarawan ng kahit na sino kailanman! Kaya nasurpresa ang lahat nang magawa itong maimbitahan ng matandang Lyndon sa kaniyang kaarawan!

"President Woodall!"

Nagtaka rin sa kaniyang nakita si Grandma Lyndon, wala siyang kaideideya kung ano ang nangyayari at kung bakit naririto si Wayne dahil hindi niya ito nagawang imbitahin.

“Excuse me, Madam Lyndon, nandito po ba si Mr. Darby?” Nakangiting tanong ni Wayne. Sinundan ito ng sampu o higit pang mga nakaitim na lalaking sumunod sa kaniya papasok sa villa.

“Sinong Mr. Darby?”

Iniling ng matandang Lyndon ang kaniyang ulo at sinabing. “Wala akong kilalang Mr. Darby. Mayroon ba sa inyong nakakakilala sa kaniya?”

Mukhang nablangko ang lahat nang marinig ito. Sino ang Mr. Darby na tinutukoy ni Wayne?

Isa lang ang may Darby na apilyedo sa kanila at iyon ay walang iba kundi si Darryl, pero sigurado ring hindi si Darryl ang unang papasok sa kanilang mga isipan.
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP