Kabanata 18
”Basura?”

Natuwa si Yvonne nang marinig ang sinabing ito ng matanda. Kung tama ang kaniyang iniisip, maaring ito ang box na ginagamit ng palasyo noong Qianlong period ng dinastiyang Qing. Mamahalin ang mga materyalis na ginamit sa paggawa nito na mukha ring Golden-Thread Nanmu.

Kahit na makikitang kupas at sira na ang box na ito, mapapansin pa rin ang maingat na pagkakagawa sa box na nakalapag sa sahig kung titingnan nang maigi!

Ang box pa lang na ito ay nagkakahalaga nang daan daang libo pero itinuring pa rin nila itong basura?!

At dahil sa dami ng karanasan ni Yvonne pagdating sa antiques, kusa niyang binuksan ang kaniyang bag nang hindi niya namamalayan at kumuha ng isang kulay pastel green na magnifying glass.

Ilang henerasyon nang nasa antique business ng pamilyang Young at madalas din silang nakakakita ng mga kayamanan sa tabi tabi. Ito ang dahilan kung bakit parati nilang dala ang magnifying glass na maaari nilang magamit para masuri ang kanilang mga natitiyempuhang antique.

“Ano ang ginagawa mo, President Young?”

Hindi mapigilan ang matandang babae na sabihing, “Isa lang iyang basura. Pupulitin yan ng mga maglilinis mamaya para itapon sa basurahan.”

Nanatili namang tahimik si Yvonne habang sinusuro ang box na gawa sa kahoy gamit ang hawak niyang magnifying glass, makikita rin ang pagtulo ng pawis sa kaniyang noo.

Mayroong isang gintong dragon ang makikitang nakaukit sa box!

Kahit na mukhang dumaan ang box na ito sa ilang taon na pagkasira mula sa iba’t ibang bagay, tanging ang magnifying glass lang ang makapagsasabi na ito ang box na ginagamit noon ng emperador!

Noong feudal era, iilan lang ang mga taong nakakapagukit ng dragon sa kung ano anong bagay! Ito ang panahon kung kalian tanging ang emperyo lamang ang may hindi mapapantayang awtoridad sa lahat at tanging mga piling tagaukit lamang ng emperador ang maaaring gumawa ng mga ganitong klase ng box.

Naunderestimate ni Yvonne ang halaga ng box na ito matapos masabing nagkakahalaga ito ng ilang daang libong dolyar. Pero sa ang tunay nitong presyo sa kasalukuyan ay hindi bababa sa isang milyong dolyar!

“President Young? Halika na at maupo.” Naglakad si William palapit at nagbow bilang respeto kay Yvonne. “Magsisimula na ang handaan, President Young.”

Itinago ni Yvonne ang hawak niyang magnifying glass at bumulong ng, “Itong box na ito…? Kaninong regalo ito?”

“Walang may ari niyang Ms. Young!” Mabilis na ikinaway ni William ang kaniyang kamay, “Huwag mo sanang masamain ang sasabihin ko Ms. Young, pero mga nirerespetong tao ang mga bisita sa pagdiriwang na ito. Kaya hinding hindi sila magbibigay ng regalong napulot lang nila sa tabi ng kalsada. Haha!”

Sabagay, prestihiyoso pa rin naman kung maituturing ang pamilya Lyndon kaya hinding hindi nila sasabihing tumanggap sila ng ganitong klase ng regalo.

Habang nagsasalita, kinuha ni William ang box para itapon ito sa basurahan.

Nagpapasalamat namang tumingin ang matanda kay William. Napakabait talaga nitong apo niyang si William sa kaniya kaya hindi siya nagsisi na ito ang naging paborito niyang apo!

“Sandali.”

Muling nagsalita si Yvonne at kinuha ang hawak na box ni William. Naintindihan niya na ring hindi alam ng lahat ang tungkol sa bagay na ito! Isang bagay na pinulot lang sa tabi ng kalsada? Walang sinuman sa kanila ang nakaisip na isa talaga itong tunay na kayamanan!

Dahan dahang binuksan ng sabik na si Yvonne ang box. Dito na agad natulala at nanginig ang buong katawan ni Yvonne hanggang sa kaniyang mga buto!

Na iyon…ay walang iba kundi, maaari bang ito ang?! Naghahallucinate na ba siya sa mga sandaling ito?

Ang Boundless Universe Fan?!

Paano itong nangyari!

Napakagat nang husto si Yvonne sa kaniyang labi na na para bang malapit na itong magdugo sa sobrang tindi ng kaniyang pagkagulat!

Alam na ng lahat na mahilig ang Qianlong Emperor sa dalawang bagay. Una ay sa paguukit ng mga selyo. Masasabi na noong araw ay gumawa raw angh Qianlong Emperor ng libo libong mga selyo!

Ang ikalawa niya namang pinagkakaabalahan ay ang paggawa ng mga tula, nakagawa ito ng higit sa 40,000 mga tula sa buo niyang buhay. Pero kahit na ganoon, maituturing na substandard ang karamihan sa mga tulang ito ng emperor at kakaunti lang din ang mga taong nakakabisado sa mga ito nang husto. Pero mayroong isang tula na siguradong maaalala ng lahat.

Ang tulang ito ay ang: “Isang flake, dalawang flake, ikatlo at ika apat na mga snowflakes; lima anim, pito walo, siyam na mga flakes, sampu at higit pa; bumabagsak sa mga plum blossom, hindi na nakita pang muli ang mga snowflakes.”

Ang unang tatlong pangungusap sa tulang ito ay sinulat ng Qianlong Emperor, pero ang ikaapat nitong pangungusap ay isinulat naman ni Ji Xiaolan bilang pagpupulido rito.

Sinasabi rin sa mga kuwento noong araw na sinulat ng Qianlong Emperor ang tulang ito at sa sobrang tuwa ay agad nitong ipinatawag ang pinakamagaling na pintor para puminta ng isang eksena na siyang gagamitin din nito upang gumawa ng isang pamaypay.

At pagkatapos ay isinulat ng Qianlong Emperor ang tulang ito sa pamaypay na iyon kasama ng isang dosenang mga selyo na isa sa kaniyang mga paboritong gawin.

Nakilala ang pamaypay na ito bilang ang pinakamagandang pamaypay sa buong dinastiyang Qing! Kaya pinangalanan ito ng Qianlong Emperor bilang Boundless Universe Fan!

Itinago ang pamaypay na ito sa loob ng Forbidden City, pero matapos bumagsak ng dinastiyang Qing, mabilis na inubos ng mga banyaga ang mga laman ng forbidden city. At dahil dito wala nang naging balita pa ang kahit na sino tungkol sa pamaypay na ito.

Pero sa mga sandaling ito, nagawa niyang makita ang pamaypay ng emperador gamit ang sarili niyang mga mata!

Dito na napuno ng thrill ang dibdib ng nanlalambot na si Yvonne. Ang una niyang naisip ay ang pagkuha ng picture nito gamit ang kaniyang cellphone para ipadala sa kaniyang ama. Siguradong matutuwa ito nang husto sa sandaling makita nito ang pamaypay! Isang hindi mapapantayang kayamanan ang pamaypay na ito sa kahit na sinong kolektor na magmamayari nito, sigurado ring mararamdaman nila ang walang katapusang pagkakuntento sa sandaling makita nila ito.

“Itatapon ko na ang pamaypay na ito, President Young. Huwag mo nang dumihan ang iyong mga kamay.” Nakangiting sinabi ni William. “Alam kong isa kang eksperto sa mga antique. Kaya siguradong natatawa kana nang makita ang isang pekeng pamaypay na ito sa kaarawan ng aking lola.”

“Peke?” Napakaas ang kilay ni Yvonne nang marinig niya ito.

Pitong taong gulang pa lang si Yvonne nang maexpose siya sa mga antique at isang dekada na ring nasa business na ito para tumulong sa kaniyang pamilya. Kaya hinding hindi siya magkakamali sa pagtingin ng mga antique, sigurado siyang authentic ang isang ito!

“Nagkamali kayo siguro sa pagtingin nito, tama ba?” Mahinang sinabi ni Yvonne. “Ang pamaypay na ito…”

“Sa akin ang pamaypay na iyan.” Biglang tumayo si Darryl sa mga sandaling iyon para lumapit kay Yvonne at kunin ang pamaypay.

Alam ng lahat na ngayon ang kaarawan ni Grandma Lyndon pero ilang tao lang ba ang nakakaalam na ngayon din ang kaarawan ni Darryl?

Mahigpit na nagsara ang mga kamao ni Darryl. Pakialam niya ba kung walang nakakaalala sa birthday niya. Bakit nga ba kailangan pa niyang tiisin ang mga pangiinsulto ng mga ito sa kaniya? Kung hindi nila kayang kilalanin ang isang chalk sa isang keso, mas maigi nang huwag na niyang ibigay ang pamaypay na iyon!

“Sa iyo ito?”

Tingin ni Yvonne kay Darryl.

“Hindi ba’t si Darryl ang nagpaupo sa akin noon sa Oriental Pearl Hotel?”

Narinig niya na isa lang itong manugang na nakatira sa pamilya ng kaniyang asawa at isa ring talunan. Kaya paanong sa kaniya manggagaling ang pamaypay na ito?

“Oo, President Young, sa kaniya ang sirasirang pamaypay na iyan!” Sabi ni William. “Maliban sa isang talunang kagaya niya, sino pa bang may dignidad ang magdadala ng sirasirang pamaypay na iyan dito!”

“Kahit na gaano pa kasirasira ang regalong dinala ko, mas mahalaga pa rin ito kaysa sa peke mong nagliliwanag na perlas.” Nanlalamig na sinabi ni Darryl. “Mahal na mahal ka ng lola mo hindi ba, pero hindi ka manlang nahiya nang ibigay mo ang pekeng perlas na iyan na nagkakahalaga lang lang ng ilang libong dolyar? Hindi mo naappreciate ang ibinigay kong pamaypay hindi ba? Walang problema, kukunin ko na lang ito.”

Ibinulsa ni Darryl ang pamaypay habang nagsasalita.

“Nasisiraan ka na ba ng bait?!” Agad na nagngitngit sa galit si William. “Sino ka ba para akusahan akong nagbigay ng isang regalong nagkakahalaga lang ng ilang libo? Kung itutuloy mo pa yang mga paninira mo sa akin, kukuha na ako ng taong papatay sa iyo.”

“Tama na.” Dito na sumali sa usapan ang matanda. “Masaya dapat ang araw na ito para sa akin. Kaya tumigil na kayo sa pagtatalo. May gusto rin akong sabihin.”

Dumura si William sa direksyon ni Darryl at bumalik sa kaniyang kinauupuan.

Bilang isa sa mga nirerespetong bisita, sa harapan dapat nakaupo si Yvonne, pero sinundan nito si Darryl habang pabalik sa table nito.

“Puwede po ba akong umupo riyan, auntie?” nagtatanong na tingin ni Yvonne kay Samantha.

“Siyempre naman!” Nakangiting sinabi ni Samantha. “Tumayo ka na Darryl, ibigay mo ang upuan mo kay President Young!”

“Hindi, hindi po auntie, huwag niyo po sana akong masamain.” Bahagyang ngiti ni Yvonne. “Ang ibig ko pong sabihin, pupuwede po ba akong…umupo sa tabi niya?”

Tumuro si Yvonne kay Darryl habang nagrerequest.

Ano?!

Hindi naging ganoon kalakas ang boses ni Yvonne, pero malinaw pa rin itong narinig ng mga tao sa kanilang paligid.

Ano ang nangyayari?! Bakit gusto ng diyosang iyon na tumabi sa isang talunan?

Siguradong tatakbo ang ibang mga babae sa sandaling makita ng mga ito si Darryl, pero mas pinili ni Yvonne na umupo sa tabi niya?

Nagulat din dito si Samantha. Ang una nitong naisip ay baka nabastos ni Darryl si Yvonne kanina.

“Isang mangmang si Darryl, President Young kaya huwag ka na sanang magalit sa kaniya.” Sabi ni Samantha. “Huwag mo sanang seryosohin ang mga sinasabi o ginagawa niya sa kung sino sino.”

“Namisinterpret niyo po yata ako Auntie.” Bahagyang napangiti ang mga mapupulang labi ni Yvonne. “Gusto ko po sanang makipagusap sa kaniya.”

Matapos marinig ang mga sinabi nito, mas nagulat ang mga nakarinig na bisita sa paligid!

Mayroon ba silang dapat pagusapan ni Darryl? Nakakagigil siyang tingnan sa sobrang dungis ng kaniyang itsura! Kaya paanong magkakaroon ng topic na dapat pagusapan ang isang diyosa at isang talunan!

Nagdalawang isip muna si Samanta sa loob ng isang sandali bago tumango. Ibinigay niya ang kaniyang upuan at naglakad para umupo sa likuran.

Sa puntong ito, napatingin naman si Lily sa kaniyang tabi.

Sa kaniyang puso, nararamdaman niya na isa lang talunan si Darryl na hindi makakakuha ng atensyon sa kahit na sinong babae. Pero agad siyang nabagabag nang marinig ang biglaang pagrerequest ni Yvonne na makatabi ang kaniyang asawa.

Agad na nakaramdam ng natural na instinct ng mga babae si Lily na nagsabi sa kaniyang mayroong rason kung bakit gustong umupo ni Yvonne sa tabi ni Darryl.

At ngayon, tatlong mga diyosa sa kagandahang babae na ang nakaupo sa paligid ni Darryl – sina Yvonne, Lily at Elsa.

Halos kalahati sa mga bisita ang nakatitig sa kaniyang direksyon at nagpalipat lipat sa tatlong mga babae. Walang duda na may kaniya kaniyang angking kagandahan ang mga babaeng ito.

“Hello… Excuse me…” Tumingin si Yvonne kay Darryl at nagsalita, pero nilunok niya rin ang kaniyang mga sinabi bago pa man siya matapos sa pagsasalita. Dahil hindi manlang siya nilingon ni Yvonne!

Nakaramdam ng kaunting galit si Yvonne sa kaniyang loob. Siya na ang nagkusang magsimula ng usapan pero hindi manlang siya nito pinansin.
Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo