Kabanata 16
Pagkatapos ng higit sa kalahating oras, naipakita na ng lahat ang kanilang mga regalo sa matanda. Kahit na hindi mamahalin ang ilan sa mga ito, hindi pa rin naman ito maituturing na mumurahin, dahil hindi bababa sa 200,000 dollars ang halaga ng karamihan sa mga ito.

Maaari rin nating sabihin na pansin pansin ang regalong ibinigay ni Elsa sa matanda.

Isa itong pares ng jadeite bracelets na mayroong flawless na kalidad. Hindi maipapaliwanag ng kahit na sino kung gaano ito kaganda sa kanilang paningin.

Agad itong nagustuhan ni Grandma Lyndon habang paulit ulit na binabati matapos makita ang regalo nito sa kaniya. Matapos tanggapin ang jadeite bracelets, sinabi ni Grandma Lyndon sa lahat na “Siya ng apala, si Elsa ang pinakamatanda sa mga batang miyembro ng Lyndon Family. Pero wala pa siyang boyfriend, kaya kung sinuman sa inyo ang may gustong magpakasal sa kaniya, magsabi lang kayo sa akin. Hindi pa rin siyempre puwede ang matigas ang ulo at suwail sa akin. Sabagay, kung gusto niyo nga naman na maging asawa niya, patunayan niyo na isa kayong husband material para sa kaniya.”

Agad na namula ang itsura ni Elsa matapos marinig ang mga sinabi ng matanda. Marami na rin sa mga bisita ang nakakaisip na magpropose sa kaniya.

Maganda si Elsa at mayroon ding mataas na estado sa pamilya Lyndon. Siguradong nasa level na ng pagkadiyosa ang kaniyang ganda kung ilalarawan ito ng kahit na sino.

Sa mga sandaling ito, nakaupo si Elsa sa tabi ni Darryl dahil nakaayos ang mga upuan para sa birthday party nang naaayon sa katayuang mayroon ang mga Lyndon sa kanilang pamilya. Siguradong itinuturing nang suwerte nang sinumang makakakita sa kaniya si Darryl matapos mapagitnaan ng dalawang mga nagagandahang binibini, nakaupo ang asawa niyang si Lily sa kanan habang si Elsa naman ang katabi niya sa kaliwa.

Napatango na lang si Darryl sa kaniyang sarili nang ilabas at ibigay ni Elsa ang bracelet sa matanda kanina.

“Nakuha ng bracelet na ito ang interes ko.” Bulong ni Darryl sa kaniyang sarili, “Ito ay ang Ice Green Lao Hang Imperial Jade. Maganda na ito para sa marunong tumingin.”

Ice Green Lao Hang Imperial Jade ang pangalan ng isang pambihira at mamahaling jadeite. Natural na pampihikan ang kalidad ng pagkakagawa nito, translucent at napakadulas na texture na napakasarap sa pakiramdam sa sandaling hawakan ito ng ating mga balat, at makukuha rin nito ang atensyon ng sinumang makakakita rito. Ang mga bracelet na ito ay mayroong halaga na hindi bababa sa 400,000 dollars sa merkado.

Nakaupo na si Elsa nang marinig niya ang bulong ni Darryl. Agad na kumunot ang kaniyang noo habang napapatingin dito.

Maituturing na nakatayo sa magkabilang dulo ng mundo sina Darryl at Elsa, si Elsa bilang isang natural na diyosa habang si Darryl na isang manugang na nakikitira lamang sa pamilya ng kaniyang napangasawa. Naisip ni Elsa na hindi niya pa ito nakakausap mula noong magpakasal ito kay Lily at maging parte ng pamilya Lyndon.

Pero hindi na nakapagpigil sa puntong ito si Elsa at napatanong sa sobrang curiosity na bumabalot sa kaniyang isipan “Alam mo na isa itong Ice Green Lao Hang Imperial Jade?”

Nasurpresa rito si Elsa nang husto. Walang sinuman sa kanilang pamilya maliban kay Darryl ang nakakilala sa pinagmulan ng jadeite bracelet na kaniyang binigay.

Tumango naman si Darryl at nagtanong ng, “Magkano mo nabili ang mga bracelet na iyan?”

“Six hundred thousand,” sagot ni Elsa.

Iniling naman ni Darryl ang kaniyang ulo at sinabing. “Masyado na itong mahal. Nasa higit 400,000 dollars lang dapat ang presyo niyan sa merkado.”

“Bakit?”

Dito na mas tumindi ang curiosity na bumabalot kay Elsa. Ibinenta ng isa sa mga close friend niya ang bracelet na ito sa kaniya at sinabing hindi na nito tutubuan ang presyong iooffer nito sa kaniya.

Mahina namang nagpaliwanag si Darryl, “May ilang mga bagay na dapat tayong malaman sa sandaling tumingin tayo sa isang imperial jade: ito ay ang purity, kulay, texture, at uniformity. Naging mataas ang score ng bracelet na ibinigay mo sa unang tatlong criteria, pero nagkaroon ito ng problema sa naging uniformity nito. Hindi naging pantay ang pagkakadistribute ng kulay nito, kaya maaaring magkaroon lang ito ng market price na nasa 450,000 dollars. Makakakuha ka rin nito sa halagang 400,000 kung kakilala mo ang nagaalok nito. At kung lumampas na ito sa mga sinabi kong presyo, siguradong kumita nang malaki ang nagbenta nito sa iyo.”

Napatitig nang husto si Elsa kay Darryl!

Maging ang isang eksperto ay hindi magsasabi nang ganito kasiguradong mga pahayag!

Isa lang talunan si Darryl sa mata ng lahat, pero alam niya pa rin ang tungkol sa mga ganitong klase ng bagay?

“Ito na po ang aking regalo, Grandma Lyndon!” Isang binatang nasa early twenties ang pumunta sa gitna.

Ang binatang ito ay ang pinakamatanda sa mga apo ng pamilya White na si Zachary White.

Nagulat ang karamihan sa mga bisita nang buksan nito ang dala niyang box ng regalo.

Isa itong cheke!

1,314,520!

Kahit na makikita ang numerong ito sa Chinese homonym na “I’ll love you for the rest of my life” [1], hindi inaasahan ng lahat ang naisip niyang iregalo sa matanda, lalo na’t lumalampas na sa isang milyon ang halaga nito!

“Grandma, gusto ko po sanang magpropose kay Elsa ngayong araw. Matagal ko na po siyang gusto.” Malinaw na sinabi ni Zachary.

Gasp! Agad na napatingin ang lahat sa nakaupong si Elsa!

Sa mga sandaling ito, kasalukuyan siyang nasa gitna ng usapan nila ni Darryl tungkol sa jadeite na kaniyang niregalo, habang magkatabi ring nakaupo sa isang table.

Hindi na napigilan pa ni Zachary ang kaniyang sarili. Nagpropose na siya ng kasal kay Elsa sa harap ng lahat pero hindi pa rin ito tumigil sa pakikipagusap kay Darryl! Ok lang sa kaniya kung sa ibang tao ito nakikipagusap, pero nagawang makipagusap ni Elsa kay Darryl na nakilala sa pagiging talunan!

“Lumayo ka kay Elsa!” Tinuro ng galit na si Zachary si Darryl at sumigaw nang malakas.

Bahagyang napangiti naman dito si Darryl. Pero bago pa man siya makapagsalita, tumayo na si Elsa at sinabing. “Pagiisipan ko pa po ang proposal na ito, Grandma.”

Masyadong marami ang mga bisitang dumalo sa party ni Grandma Lyndon at hindi rin maaari na tanggihan ni Elsa nang direkta ang proposal ni Zachary. Maaaring madiskarte nga ito lalo na sa pagnenegosyo, pero masyado pa ring makitid ang isip nito bukod sa hindi pagiging type ni Elsa.

Agad na naintindihan ng matanda si Elsa at nakangiting sinabi na, “Maaari nating pagusapan ang tungkol sa iyong proposal pagkatapos ng party na ito.”

Tumitig nang husto ang mga namumulang mata ni Zachary kay Darryl.

Maituturing ni Zachary na love at first sight ang kaniyang naramdaman noong una niyang makita si Elsa.

Isa siyang tahimik na uri ng babaeng hindi halos makikitang nakikipagusap sa mga lalaki. Kaya agad an nakaramdam nang galit si Zachary nang makita itong masaya habang kinakausap si Darryl.

“Narito na po si Ashton, Grandma!” Sabi ng isa sa mga bisita.

Agad na napatingin ang lahat sa pintuan ng hall!

Suot ng isang suit at may buhok na nakasuklay patalikod, makikita ang punong puno ng enerhiyang si Ashton na pumapasok sa hall. Mayroon itong dala na isang mahabang box sa kaniyang kamay habang mabilis na lumalapit sa matanda.

“Ashton,” Nakangiting bati ng matanda.

Mabilis na kumalat ang mga usap usapan na naghanda si Ashton ng isang kamanghamanghang regalo dahil gusto na nitong magpropose kay Lily.

Kaya napatitig ang lahat sa box na kanyang dala, kanina pa sila nacucurios sa kung ano ba ang ibibigay nito. Sinasabi rin na magugustuhan nang husto ni Grandma Lyndon ang dadalhing regalo ni Ashton, kaya ng tanong ng lahat ay kung ano ba ang regalo niyang ito na nagbigay sa kanya ng matinding confidence na sabihin ito?

Bahagyang yumuko si Ashton. Nagmukha itong glamoroso at swabe pero sa totoo lang, nasa dulo na talaga siya ng kaniyang career matapos alisin ng pamilya Derby ang lahat ng kanyang negosyo at patalsikin sa hinahawakan niyang kumpanya.

Ginamit niya ang mga natitira niyang pera para bumili ng isang napakagandang suit at umattend sa Birthday party ni Grandma Lyndon. Wala na siyang inaasahan kundi magtagumpay sa pagkakataong ito!

“Grandma, may gusto po akong sabihin at gusto ko na po sana kayong direktahin tungkol dito.” Dahan dahang sabi ni Ashton. “Noong una pa lang ay nainlove na po ako kay Lily, pero nagpakasal ito sa isang talunan! Kahit tatlong taon na silang kasal, itinuturing pa ring biro ng buong Donghai City ang pagsasama nilang dalawa! Sapat na siguro ang lahat ng tiniis ni Lily sa loob ng tatlong taon na ito, hindi ko na rin siya kayang makita na nahihirapan! Kaya kahit ano pa man ang mangyari ngayong araw, gusto ko sanang malaman ninyo ang aking nararamdaman.”

Huminga nang malalim si Ashton at sinabing. “Gusto kong pakasalan si Lily!”

Whoa!

Agad na uminit ang usapan ng lahat matapos nilang marinig ang sinabi ni Ashton!

Hindi naman siya ganoon kadirekta hindi ba? Hindi manlang siya nagpakita ng kahit kaunting respeto kay Darryl!

Pero bakit nga ba kailangan pang irespeto ang isang basura na kagaya ni Darryl? Hindi naman natatakot dito ang lahat na bastusin siya.

“Nitong mga nakaraang taon, tanging si Lilybud lang ang naging laman ng isipan ko.” Nagpatuloy sa pagsasalita si Ashton. “Nakahanda akong ibigay ang lahat para sa kaniya. Kahit ang mga 30 million dollar assets na pinaghirapan ko ng maraming taon ay nagawa kong isakripisyo dahil sa walang hanggang pagmamahal ko kay Lilybud, ibinenta ko ang aking kumpanya para mabilhan siya ng orihinal na Worship of Crystal!”

Ano?!

Agad na napatingin ang lahat sa mga paa ni Lily sa sobrang gulat.

Isang pares ng napakarangya at napakagandang heels ang naging sentro ng atensyon ng lahat sa mga sandaling ito! Nahilo ang lahat sa sobrang ganda at pino ng pagkakagawa rito! Hinding hindi mapapantayan ang ganda ng mga heels na ito na talagang bumabagay sa isang napakagandang babae!

“Ito pala ang Worship of Crystal na nagkakahalaga ng 30 million. Grabe…”

“Oo, at 99 pares lang nito ang ginawa sa buong mundo. Kaya hindi pa rin sapat ang pera para mabili ang mga ito. Kailangan mo rin ng mga kuneksyon.”

“Nakakainggit naman! Siguradong susuotin ko hanggang pagtulog ang ganiyan kagandang Worship of Crystal kung mayroon lang ako niyan…”

Hindi na natigil ang kuwentuhan ng mga babae tungkol sa Worship of Crystal. Ang sinumang babae na nagsasabing hindi sila naiingit ay isang malaking sinungaling!

Sa loob ng isang sandali, kuminang ang mata ng mga kababaihan sa paligid ni Ashto habang nakatitig sa kaniya.

Walang tigil namang tumango sina Samantha at Wentworth. Masaya kung titingnan ang itsura ng mga ito habang nakatingin kay Ashton.

Agad namang napasimangot ni Darryl. Mayroon bang mali sa Ashton na iyan? Masyado nang makapal ang kaniyang mukha para sabihin na siya ang bumili ng mga heels na iyan. Nahihibang na ba siya?

Sa puntong ito, muling nagbow si Ashton at sinabing. “Dahil birthday niyo po ngayon, Grandma, dapat lang na magbigay ako ng magandang regalo sa inyo matapos kong magpropose ng kasal kay Lily. Tanggapin niyo po ito!”

Binuksan ni Ashton ang dala niyang box habang nagsasalita sa harap ni Grandma!

Wow!

Sa loob ng isang iglap, agad na natigilan ang lahat ng bisita!

“Ito… Ito ay ang…”

Natulala ang lahat! Maging ang matanda ay biglang napatayo at napalapit kay Ashton!

Makikita ang isang scroll sa loob ng box!

Binuksan ito ni Ashton at nagmamalaking sinabi na “Ang scroll na ito ay mula sa Ping’an Tie ni Wang Xizhi. Nabili ko ito sa napakamahal na halaga matapos magmakaawa sa isa sa aking mga kaibigan. Alam kong gusto niyo ng mga antiques, Grandma, kaya ang scroll na ito ay ang magiging simbolo ng napakataas kong pagrespeto sa inyo.”

Ano?!

Agad na napatayo maging si Darryl sa kaniyang kinauupuan.

Ang Ping’an Tie ni Wang Xizhi?

Ito rin ang Ping’an Tie na niregalo sa kaniya nina Samson noong muli silang magkita kita hindi ba?

Agad na maiisip ng kahit na sinong makaalam sa totoong background ni Darryl na hindi siya magagawang bigyan ng peke nina Samson, Wayne at iba pang mga taong natulungan niya noon! Kaya kung nasa pagaari ni Darryl ang orihinal na scroll, ang isang ito ay…

“Ito… Ito ay… hindi naman ako namamalikmata hindi ba?” Nakangangang lumapit ang kinikilalang ama ng pamilya White na si Claude White!

Bilang kinikilalang ama ng pamilya White, maituturing nang maalam si Claude pagdating sa mga ganitong bagay, kaya natural din na mapakabog ang kaniyang dibdib matapos makita ang scroll na hawak ni Ashton! Isa ito sa mga kaligrapiyang ginawa ni Wang Xizhi na itinuring na Sage ng Kaligrapiya! Kaya ang ganitong klase ng kaniyang gawa ay siguradong magkakaroon ng halaga na hindi bababa sa 20 million dollars!

Isang note mula sa Translator:

[1] Ang isang Chinese romantic cliché na 1,314,510 (一三一四五二零) ay katunog ng 一生一世我爱你, na ang ibig sabihin ay “I’ll love you for the rest of my life”.
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP