Kabanata 10
“Haha, nakalimutan mong dalhin ang iyong bank card? Napakagandang rason!” Malakas na tumawa si William at tumingin kay Samantha, “Nakalimutan mo rin bang dalhin yung iyo, tita Samantha?”

“Oo…”

“Hahaha!” Hindi na mapigilan pa ng lahat ang kanilang pagtawa. Isang dalaga ang biglang napasabi ng “Siguradong nakalimutan din ni Darryl yung card niya, nagpunta lang dito ang pamilyang iyan para makikain nang libre!”

Napakagat nang husto si Lily sa kaniyang labi dahil wala na siyang magawa pa sa pagkakataong ito. Dito na rin kumilos si Darryl.”

“Dala ko ang aking card, kaya lang…”

Bago pa matapos ni Darryl ang kaniyang sinasabi, mabilis na inagaw ni William ang kaniyang card at ipinasa ito sa waiter. “Halika rito, tingnan natin kung aabot bas a 300,000 dollars ang laman ng card na ito!”

Hindi mapakaling napapadyak na lang sa sahig si Lily habang iniisip kung paano magkakaroon ng 300,000 dollars ang card ng kaniyang asawa kung nasa 200 dollars lang ang allowance na ibinibigay niya rito araw araw.

Siguradong lolokohin lang ni Darryl ang kaniyang sarili.

Nakita ni Lily ang pagpipigil ng lahat sa kanilang pagtawa habang hinihintay ang napakagandang joke na mangyayari kay Darryl.

Sa mga sandaling ito, walang kahit na sinong nakapansin sa dahan dahang pagtayo ni Yvonne. Napuno ng pagkagulat ang napakaganda nitong mukha!

“Hindi naman ako nagkakamali hindi ba? Isa ba itong black card ng Amethyst Bank?!” sabi ni Yvonne.

Agad na naging kasing tahimik ng sementeryo ang kaninang maingay sa tawanang dining hall.

Mukhang naging bato ang lahat sa mga salitang binitawan ni Yvonne!

Napakaganda nga ng bank card na ito, isa itong kulay itim na may kulay gintong guhit na parang isang ribbon at isang diyamante na nakaukit dito. Dalawang nagagandahang mga salita ang napakagandang nakasulat sa bottom right na bahagi ng bank card na nagsasabing: Darryl Darby.

Isang black card ng Amethyst Bank!

Paano ito naging posible?! Maging ang platinum card ni William ay nangangailangan ng hindi baba sa 10 milyong dolyar magkaroon nito.

Sa taas nito ay ang diamond card na nangangailangan ng savings na hindi bababa sa isang daang milyon.

Sa itaas naman nito ay ang VIP card na mayroong laman na hindi bababa sa limang daang milyon!

At ang pinakamataas sa lahat ng mga card ay ang black card na nangangailangan ng lamang hindi bababa sa isang bilyong dolyar!

Mukhang hindi tataas sa tatlo ang bilang ng mga card na ito sa buong Donghai City! Walang sinuman sa loob ng hotel na ito maging ang boss na si Wayne ang may black card!

Pareho ring natigilan dito sina Lily at Samantha, hindi sila makapagbanggit ng kahit isang salita!

“Isa…isa lang itong sticker na para sa mga bank card hindi ba?” Biglang sinabi ng isa sa mga bisitang malapit nang matawa.

Nakahinga na rin ang lahat sa mga sandaling ito. Mukhang isa lang itong uri ng sticker! Imposibleng magkaroon ng black card ang isang napakadungis na tao.

“Haha, nakakadiri ka talaga Darryl.” Malakas na tawa ni William. “Kahit na hindi namin pansinin ang pagiging mahirap mo, nagawa mo pa ring umarte na parang isang mayaman.”

Hindi na nagsalita ng kahit na ano si Darryl at nagpakita na lang ng isang ngiti.

Lumapit si Lily at nakita ang waiter na kumuha ng card para bayaran ang kanilang bill. “Darryl, alisin mo nga ang sticker na iyan paguwi natin, hindi ka na ba nahiya? At…at… sapat ba ang laman ng card mo para mabayaran ang bill natin?” Hindi maiwasang maitanong ni Lily nang pabulong.

“Sapat na yung laman nito, inipon ko ang lahat ng allowance na ibinibigay mo sa akin araw araw. Kaya kung isasama yung naipon ko noon, sapat na ito para mabayaran ang bill natin.” Sabi ni Darryl.

Hahahaha!

Kahit na naging mahina ang boses ni Darryl, narinig pa rin ng lahat ang kaniyang sinabi at nagsimula muli sa pagtawa.

Matapos bayaran ang kanikanilang mga bill, nagsialis na ang mga miyembro ng pamilya Lyndon. Dito na patagong hinawakan ni Wayne ang braso ni Darryl at agad na isinakay sa kaniyang sasakyan.

“Sa wakas, nakita na kitang muli, ikalawang young master…” sabik na sinabi ni Wayne habang nagdadrive ng kaniyang sasakyan.

“Saan mo ako dadalhin?”

“Ipapakilala kita sa ilang mga tao, siguradong gustong gusto ka na rin nilang makita!” nanginig ang mga kamay ni Wayne sa mga sandaling ito. “Kaya kailangan mong sumama sa akin…”

“Sige, sige, sige. Sasama na ako sa iyo basta magingat ka lang sa pagdadrive.” Sabi ni Darryl.

Buwisit, bakit ba sabik na sabik ang lalaking ito? Hindi na niya mahawakan nang maayos ang manibela ng kaniyang sasakyan.

Mabilis na umandar ang sasakyan at agad na nakarating sa entrance ng isang bar.

Ang Moonlit River Bar, ang pinakamarangyang bar sa buong Donghai City!

Masasabing hindi bababa sa 10,000 dollars ang pinakamaliit na magagastos ng kahit na sino para sa dalawang tao na iinom sa bar na ito!

Maraming mga magagarang sasakyan ang makikitang nakapark sa entrance ng Moonlit River bar, kaya siguradong may kaya kahit papaano ang mga parokyanong nagpupunta sa bar na ito.

“Ano bang ginagawa natin sa lugar na ito?” tanong ni Darryl habang bumababa sa sasakyan.

Ayaw niya sa mga ganitong klase ng lugar dahil sa matinding ingay ng mga ito.

“Para bigyan ka ng isang surpresa.” Nakangiting sinabi ni Wayne. “Ikalawang young master, matagal niyo na ring kakilala ang boos ng Moonlit River Bar, ito ay si Samson Facey.”

Si Samson Facey?

Oh, naalala na ito ni Darryl. Noong una, isa lang itong all around na trabahador sa angkan ng mga Derby. Naisip ni Darryl na mayroon itong utak kaya pinromote niya ito sa isang managerial na posisyon. Matapos magtrabaho ng dalawang taon at makaipon ng malaki, umalis na siya sa angkan ng mga Darby para magsimula ng sarili niyang negosyo.

Hindi inasahan ni Darryl na si Samson ang nagtayo ng Moonlit River Bar. Mukhang hindi nga nito binigo si Darryl.

“Ikalawang young master, mauna ka na po sa loob, hintayin moa ko sa loob ng room number 888,” sabi ng nakayukong si Wayne. “Ihahanda lang naming ni Samson ang surpresa naming sa iyo na siguradong magugustuhan mo!”

Umalis na si Wayne bago pa man makasagot si Darryl.

Napabuntong hininga na lang si Darryl na pumasok sa Moonlit River Bar.

Kaya pala naging ganito kasikat ang bar na ito, maging ang mga usher nito sa entrance ay mga nagagandahang mga binibini.

Nakangiting pumasok si Darryl nang marinig nia ang nakabibinging tugtog sa loob ng bar.

Napakasigla ng eksena na masasaksihan ng kahit na sino sa loob ng bar na ito, makikita ang nagkukumpulang mga lalaki at babae sa dance floor na iniindak ang kanikanilang mga katawan sa malakas na tugtog ng bar…

Naramdaman na ni Darryl ang pagtanda niya kaya hindi na para sa kaniya ang mga ganitong klase ng lugar…

“Oh? Hindi ba ako namamalikmata, hindi ba iyon ang walang kuwentang si Darryl?” Biglang sinabi ng isang tao mula sa likuran ni Darryl. Dahil dito ay agad na napalingon si Darryl at nagulantang sa kaniyang nakita.

Nakatayo sa likuran niya ang isang napakagandang babae na nakasuot ng skinny jeans na nakapagpasexy nang husto sa kaniyang katawan. Ito ay walang iba kundi si Jade.

“Ano ba ang dapat mong itawag sa akin? Hindi ba’t dapat mo na akong tawagin na daddy?” Nakangiting sinabi ni Darryl.

“Ikaw!” Napakagat sa kaniyang labi si Jade, tuwang tuwa siyang nagpunta sa bar ngayong araw para makipagnegosasyon at gumawa ng isang deal kasama ng isang napakalaking kliyente! Siguradong kikita siya ng hindi bababa sa isang milyong dolyar na kumisyon sa sandaling pumirma siya at ang kliyente niyang ito ng kontrata!

Kaya inimbitahan niya ang kliyente niyang ito rito, para uminom nang kaunti at mapirmahan ang kontrata.

Pero hindi niya inasahang makikita niya si Darryl sa lugar na ito!

“Kahit na ang isang madungis na kagaya mo ay nakakapunta sa lugar na ito?” sabi ni Jade habang tinitingnan si Darryl mula ulo hanggang paa. “Nagawa mong magipon ng 200 dollars araw araw sa loob ng isang taon para lang gastusin itong lahat sa lugar na ito? Sulit na ba ito para sa iyo?”

“Hindi,” tawa ni Darryl. “Gusto ko lang malaman kung kalian mo ako tatawaging daddy?”

Sa mga sandaling ito, isang matipunonglalaki ang tumayo, naglakad sa tabi ni Jade at nagtanong ng “Sino siya, Miss Jade? Bakit parang tanga siyang magsalita? Gusto mo bang turuan ko siya ng leksyon?”

Tumawa si Jade at sinabing, “Kilala mo ba kung sino ang lalaking nasa tabi ko, Darryl? Siya lang naman ang head of security ng Moonlit River Bar. Iiyak ka kaya kung sasabihin ko sa kaniyang itapon ka sa labas?”

Hindi ako nagkakamali, ang matipunong lalaki na ito ang kaniyang kliyente na si Harry Crocker!

Titulo lang nito ang Head of Security, pero bouncer lang talaga ang tingin dito ng mga taong marunong makaintindi.

Sabagay, marami nga namang magsisimula ng gulo sa isang lugar na kagaya nito. Sikat si Harry sa buong Donghai City na mayroong 20 hanggang 30 na tauhang nagbabantay sa buong lugar na ito.

“Naririnig mo ba iyon palito? Umalis ka na sa lugar na ito.” Gigil na sinabi ni Harry habang umaabante palapit kay Darryl.

Ano bang problema ng mga usher na iyon para magpapasok ng isang madungis na tao sa bar na ito. Siguradong hindi manlang aabot sa dalawang libong dolyar ang sinasahod ng ganitong klase ng lalaki na nakasuto ng mumurahing mga damit, pero nagawa pa rin niyang magpunta sa lugar na ito?

Ngumiti lang dito si Darryl, hindi na niya pinansin ang mga sinabi ni Harry at dumiretso na lamang papunta sa room 888.

Gawa sa salamin ang lahat ng mga rooms dito. At ang Room 888 ay ang room na nakapuwesto sa gitna ng bar, kung titingnan mula sa labas, mukhang isang palasyo ang Room 888 na parang pinakaespesyal na room sa buong bar.

“Tumigil ka!”

Sigaw ni Harry nang makita niyang naglalakad si Darryl papunta sa Room 888. Naisip nitong pumunta sa bar na ito si Darryl para magsimula ng gulo!

Gawa sa ginto ang lahat ng gamit sa loob ng Room 888, kaya umaabot sa 800,000 dollars kada oras ang presyo ng pagpapareserve at paggamit nito.

Nakaupo na sa loob ng Room 888 si Darryl habang hawak hawak ang isang tasa ng tsaang pinaghahandaan na niyang inumin.

Hahaha! Siguradong ito na ang katapusan ni Darryl!

Nakaramdam ng matindi ng tuwa sa dibdib si Jade. Nasisiraan na ba ng bait si Darryl? Ang isang private room na kagaya ng Room 888 ay isang lugar na hindi para upuan ng isang walang kuwentang manugang na kagaya niya.

Nagusap na kanina sina Jade at Harry at nasabi ni Harry na kalahating taon na ang nakalilipas mula noong may huling gumamit ng room na ito!

Parang naging maginong ang naging naging pagtrato nina Harry at ang boos ng bar na ito, pero hindi pa rin nagawang pumasok ni Harry sa loob ng Room 888.

“Bingi ka ba? Hindi mo ba ako naririnig?” Sigaw ni Harry habang mabilis na lumalapit kay Darryl na kaniya ring kinuwelyuhan.

“Haha, nandito ang diyosang si Jade, kaya siguradong maipakikita ko kung gaano ako kalakas sa sandaling bugbugin ko ang hayop na ito tama?” isip ni Harry habang tinatawag si Darryl. Agad na nagsisugod ang nasa higit 20 mga matitipunong lalaki papasok sa Room 888. Silang lahay ay mga bouncer sa Moonlit River Bar.

“Anong problema, Harry?” sagot ng matitipunong mga lalaki.

Lumingon si Harry kay Jade at tumawa, “Ms. Jade, anong gusto mong gawin ko sa lalaking ito?”

Tumingin si Jade kay Darryl na tila wala pa ring pakialam sa mga nangyayari sa kaniyang paligid. Ito ang mismong gumalit kay Jade!

Ipinadyak ni Jade ang kaniyang mga paang nakasuot ng heels at sinabing. “Pilitin ninyo siya na tawagin akong mommy at saka niyo siya itapon sa labas.”
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP