Todos los capítulos de Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig: Capítulo 81 - Capítulo 90
2077 chapters
Kabanata 81
Hindi alam ni Sabrina ang kanyang sasabihin.Gustong mapag-isa ni Sebastian kaya naman sa labas kumakain si Sabrina. Ito rin ang dahilan kaya hindi na masyadong pumupunta si Tita Tianna.Hindi niya inaasahan na makikita niyang naghihintay ito sa dining room.Nakangiti si Tita Tianna habang may dala siyang maliit na palayok galing sa kusina, naglalakad siya habang sinasabi, “Ang manok na ito ay sariwa galing sa lugar ko at kanina pa ito pinakuluan buong hapon. Subukan mo, mainit pa at kagagaling lang sa palayok.”Ngumiti si Sabrina, “Sige, salamat Tita Tianna.”Matagal na siyang hindi nakakakain ng lutong bahay at ang pinakuluan na manok ay maganda para bata sa tyan niya.Gutom na gutom na rin siya.Nahuli siya na nakipag-away kay Lincoln, hindi niya ito napansin.Nabusog siya sa masarap na hapunan. Noong una ay malungkot siya pero salamat sa masarap na pagkain dahil sa pagtatrato sakanya ni Sebastian buong araw, nakatulog siya nang mahimbing sa unang pagkakataon.Noong nagisin
Leer más
Kabanata 82
Kakaiba si Sebastian.Malamig na nga si Sabrina pero mas malamig pa rin siya.Para bang hangin lang si Sabrina sa tabi niya. Hindi niya nga ito tinitingnan.Hindi napansin ni Sabrina na hinihila niya ang damit niya, nawawala na siya sa sarili. Sa sandaling ‘yon, lumingon sakanya si Sebastian at sinabing, “Pwede ba akong manigarilyo?”Ginusot ni Sabrina ang kanyang damit, hindi niya alam ang sasabihin at tumango nalang, “Sige.”Binuksan ni Sebastian ang bintana bago siya kumuha ng sigarilyo at sinindihan ito.Ginawa niya ito nang walang pagkakamali, nanigarilyo siya. Napagtanto ni Sabrina na hindi niya binubuga ang usok sa sigarilyo niya.Habang pinapanood niya ito, natigilan siya at napansin niya sa gilid ng mga mata niya na hindi dahil hindi niya binubuga ang usok pero imbis na ibuga niya ito, pinalabas nalang niya ito sa ilong niya, sinadya niya ito. Bilang isang lalaki, nanatili siyang kalmado at hindi gumagalaw.Unang beses palang nakakita si Sabrina ng isang lalaki na ha
Leer más
Kabanata 83
Umiiyak si Sabrina habang nakayakap siya kay Sebastian. Mahigpit ang yakap niya rito at natakpan ng dibdib niya ang mga mata ni Sabrina para wala siyang makita.Nakaramdam siya nang pagiging ligtas na hindi niya naman naramdaman dati.Kasunod nun, naramdaman niya na tinakpan ni Sebastian ang kanyang tenga.Apat o limang tunog ng baril ang narinig, naalala niya rito ang mga paputok.Humigpit ang hawak niya kay Sebastian.Naramdaman niyang nawala ang takip sa tenga niya nang marinig niya ang boses na inuutusan si Kingston, “Magmaneho ka.”Mabilis na tumakbo ang kotse nang ito ay pinaandar.Unti-unting inalis ni Sabrina ang sarili niya sa yakap ni Sebastian. Namumula ang kanyang mukha at hindi na siya nagtangkang tingnan si Sebastian. Nagnakaw siya ng tingin sa rear view mirror, napansin niya na isang lalaki ang nahimatay kung nasaan ang kotse nila kanina.Alam niya na ang tunog ng baril na parang tunog din ng paputok ay tunog talaga ng putok ng baril.Sa hindi sadya, lumingon si
Leer más
Kabanata 84
Si Jade na nasa tabi nila ay punong-puno ng pagkamuhi habang hinampas niya ang asawa niya sa balikat, “Lincoln, hindi ba nakipag usap ka na sakanya kahapon?”Nagdidilim ang paningin ni Lincoln, ang mga mata niya ay punong-puno nang pagkamuhi at mukhang gusto niyang patayin sa tingin si Sabrina. “Oo, hinamon ako niyang babae na ‘yan. Mukhang matigas na ang pakpak iya ngayon dahil nandyan si Sebastian para suportahan siya!”“Kung hawak lang natin sa leeg ang babaeng ‘yan, mapipilitan si Sabrina na lumuhod sa harapan natin!” nagsasalita si Jade habang kagat ang kanyang ngipin at tinanong si Lincoln, “Ang dami mong ginagastos na pera para sa mga pribadong detective para imbestigahan kung nasaan ang babaeng ‘yan, may nakuha na kayong balita?”Huminga lang nang malalim si Lincoln.Hindi siya sumagot pero masasabi mo sa tono nila Jade at Selene na wala na silang pag-asa.Makikita mo kung gaano kasakit at namumuhi ang kanyang asawa at mga anak, nakaramdam siya nang pagkakasala at galit. “
Leer más
Kabanata 85
Nagulat si Sabrina.Ito ay bagong model, ang pinakamagandang laptop na ginawa talaga para sa design work. Bilang manipis ito at maganda, bakit hindi niya ito magugustuhan?Para sakanya, mas mahal ang mga laptop kaysa sa camera. Sa pinakadulo, sa loob ng kalahating taon o noong nakaraang taon, kahit na sa huling dalawang taon, hindi niya maiisip na bumili ng laptop.“Gusto…gusto ko.” Hindi mapakalma ni Sabrina ang sarili niya. Hindi pa siya natatapos magsalita bago siya nagsimulang lumunok ng laway.Medyo nadismaya siya sa sarili niya.Hindi sinasadyang kamutin ni Sabrina ang ulo niya. Hindi niya napigilan ang sarili niya na kagatin ang labi niya at ngumiti siya, “Ang tanga ko ba?”Walang nasabi si Sebastian. Hindi niya pa nakitang ganon si Sabrina. Sa wakas ay umasta siya na parang 20 ang edad niya. Kung paano siya ngumiti ay makulit at sweet, para siyang inosenteng bata.Hindi sumagot si Sebastian, tinulak niya lang ang laptop papunta kay Sabrina at sinabing, “Sa’yo na ‘yan.”
Leer más
Kabanata 86
Maagang gumising si Sabrina kinabukasan, kumakatok sa pintuan. Ang mukha niya ay puno nang lakas habang inaangat niya ang ulo niya para tingnan siya.“Magagamit mo ‘tong laptop at mabilis ‘yan. Ang software ay para talaga sa design at lahat ito ay maganda. Salamat. Mas magagamit pa ‘tong laptop kaysa sa mga damit na binili mo sakin.”“Ang gusto kong sabihin, kahit na hindi ka pumirma ng kontrata sakin, papakasalan pa rin kita. Ituturing ko pa ring Nanay si Tita Grace at mananatili sa tabi niya hangga’t buhay pa siya.”“Simula ngayon, hindi mo na kailangan ang kontrata para sa ikabubuti ko.”“Salamat muli, papasok na ako sa trabaho.”“Oo nga pala, kung busy ka, hindi mo kailangang magmadali para pumunta sa umaga kay Tita Grace, ako na ang mag aalaga sakanya.”“Alis na ko.”Noong sinabi niya ‘yon, tumalikod na siya at umalis.Wala nang nasabi si Sebastian. Naisip niya na masungit ito at walang pakialam, kulang sa pagkabata at maraming iniisip. Hindi niya inaasahan na ang isang
Leer más
Kabanata 87
Ang iyak ni Selene sa kabilang linya ay lumakas, “Young Master Sebastian, hindi na kita aabalahin sa hinaharap. Pakiusap, nagmamakaawa ako. Hayaan mong buhayin ko ang anak ko. Pupunta ako sa malayo kasama ang anak ko at hindi na kita hahanapin pang muli. Hindi ko ipapaalam sa anak ko na ikaw ang tatay niya, okay lang ba ‘yon? Nagmamakaawa ako.”“Nasaan ka?!” natatarantang tanong ni Sebastian.Sa likod niya, ang mga executive ay naghihintay para simulan na niya ang meeting. Napansin ni Kingston na may kakaiba sa nangyayari, kaya naman nagsalita na siya, “Tapos na ang meeting!”Umalis na kaagad ang mga executive.Tiningnan ni Kingston si Sebastian, “Master, anong nangyari?”Hindi niya tiningnan si Kingston. Sa halip, patuloy siyang nakikinig sa telepono, ang ekspresyon niya ang malamig at taimtim. Ang boses ni Selene ay nakakatakot, “Hindi, Young Master Sebastian, wag kang pupunta rito..”Kinuha agad ni Lincoln ang telepono, “Young Master Sebastian, narito kami ngayon sa Hillside H
Leer más
Kabanata 88
“Ikaw… Totoo ba ‘yang mga sinasabi mo?” tiningnan ni Selene si Sebastian.“Oo, totoo ang mga sinasabi ko.”“Pero hindi mo ako mahal, ang mahal mo ay si Sabrina. Hindi ko pipilitin ang kamay mo at ayaw ko rin na gawin ‘yon ng anak ko. Ayaw kong ipalaglag ang bata. Hindi kita susundan, lalayo ako.” Sabi ni Sabrina.“Sinabi ko naman na pakakasalan kita at ikaw lang ang magiging asawa ko. Ang bata sa tyan mo ang magiging tagapagmana ng Ford Group.” Noong sinabi niya ‘yon, dinala siya ni Sebastian sa kwarto.Hindi na nakapagsalita si Selene, iyak siya nang iyak.Pero, yakap siya ni Sebastian, alam niyang panalo na siya.Alam niyang panalo na siya sa sandaling ‘yon.Sa likod nila, naintindihan ng mga magulang ni Selene ang nangyayari.Ang resulta matapos ang check-up sa gynecology department ay nilabas makalipas ang ilang oras. Buntis talaga si Selene at sampung buwan na ito. Nangyari ito matapos nilang magsama ni Sebastian noong gabing ‘yon.Sinabi ng doktor kay Sebastian na maayos
Leer más
Kabanata 89
“Naiintindihan ko.” Binaba niya ang tawag matapos niyang sabihin ito. Habang ang malamig niyang tingin ay napunta kay Selene, mas naging mainit ito at naging mahinahon ang boses niya, “Nasa’yo ang anak ko. Bakit hahayaan kitang umuwi?”“Hindi!” sabi ni Selene. “Hindi, Young Master. Hindi pa naman tayo kasal kaya hindi pa tayo mag-asawa. Ngayon na nanay na ako, magiging mabuting ehemplo ako sa anak ko. Hindi ko guguluhin ang asawa ko. Kailangan kong matutunan ang pagiging matapang at maprinsipyo. Kaya naman, bago tayo ikasal, hindi ako mananatili sa tabi mo. Wag kang mag-alala, aalagaan kong mabuti ang anak natin.”Mukhang desidido siya sa mga sinabi niya. Naramdaman ni Sebastian na nagbago ang ugali ni Selene, bigla nalang siyang naging matapat.Tumigil sandali si Sebastian bago siya pumayag, “Okay, sige.”Tiningnan niya si Lincoln at Jade. “Alagaan ninyong mabuti si Selene. Pakakasalan ko siya matapos ang isang buwan. Sa hinaharap, siya lang ang magiging asawa ko. Ang anak namin a
Leer más
Kabanata 90
“Ang tagal na noong natapos ang bangketa, nakapag isip ka na ba? Sinong babae ang interesado ka?” tanong ni Henry sa apo niya.Ang apo niya ay mag 32 na edad na. Kapag pangkaraniwang lalaki siya, ang anak niya ay malapit na ring mag-aral sa paaralan!Malamig pa rin ang pakikitungo ni Sebastian, hindi pa rin siya nagsasalita. Naguguluhan na si Henry pero takot din siya sa kanyang apo, hindi lang nito pinapakita na galit siya. Masasabi mo talagang, “Sa ngayon, wala masyadong pamilya ang kayang pantayan ang pamilya Ford. Ang prinsesa ng Smith Group, ang kapatid ni Zayn na palaging sumasama kay Nigel, ay 22 na taong gulang. Mayroon ding Horst Family galing sa Kidon City pero sa tingin ko ang bagay sa’yo ay ang galing sa Shaw Family.”Marami nang nasabi si Henry pero hindi pa rin kumikibo si Sebastian.Pero, kahit na hindi pa rin siya nagsasalita, hindi rin naman siya tumututol, kaya naman nagpatuloy lang si Henry. “Ang pamangkin ni Melanie Shaw, ang mistress ng Shaw Family. Sa pagkakaa
Leer más