“Naiintindihan ko.” Binaba niya ang tawag matapos niyang sabihin ito. Habang ang malamig niyang tingin ay napunta kay Selene, mas naging mainit ito at naging mahinahon ang boses niya, “Nasa’yo ang anak ko. Bakit hahayaan kitang umuwi?”“Hindi!” sabi ni Selene. “Hindi, Young Master. Hindi pa naman tayo kasal kaya hindi pa tayo mag-asawa. Ngayon na nanay na ako, magiging mabuting ehemplo ako sa anak ko. Hindi ko guguluhin ang asawa ko. Kailangan kong matutunan ang pagiging matapang at maprinsipyo. Kaya naman, bago tayo ikasal, hindi ako mananatili sa tabi mo. Wag kang mag-alala, aalagaan kong mabuti ang anak natin.”Mukhang desidido siya sa mga sinabi niya. Naramdaman ni Sebastian na nagbago ang ugali ni Selene, bigla nalang siyang naging matapat.Tumigil sandali si Sebastian bago siya pumayag, “Okay, sige.”Tiningnan niya si Lincoln at Jade. “Alagaan ninyong mabuti si Selene. Pakakasalan ko siya matapos ang isang buwan. Sa hinaharap, siya lang ang magiging asawa ko. Ang anak namin a
“Ang tagal na noong natapos ang bangketa, nakapag isip ka na ba? Sinong babae ang interesado ka?” tanong ni Henry sa apo niya.Ang apo niya ay mag 32 na edad na. Kapag pangkaraniwang lalaki siya, ang anak niya ay malapit na ring mag-aral sa paaralan!Malamig pa rin ang pakikitungo ni Sebastian, hindi pa rin siya nagsasalita. Naguguluhan na si Henry pero takot din siya sa kanyang apo, hindi lang nito pinapakita na galit siya. Masasabi mo talagang, “Sa ngayon, wala masyadong pamilya ang kayang pantayan ang pamilya Ford. Ang prinsesa ng Smith Group, ang kapatid ni Zayn na palaging sumasama kay Nigel, ay 22 na taong gulang. Mayroon ding Horst Family galing sa Kidon City pero sa tingin ko ang bagay sa’yo ay ang galing sa Shaw Family.”Marami nang nasabi si Henry pero hindi pa rin kumikibo si Sebastian.Pero, kahit na hindi pa rin siya nagsasalita, hindi rin naman siya tumututol, kaya naman nagpatuloy lang si Henry. “Ang pamangkin ni Melanie Shaw, ang mistress ng Shaw Family. Sa pagkakaa
Tiningnan siya ni Sebastian, ngumiti si Sabrina.Ang ngiti niya ay taos-puso na parang gusto mong mabuhay pag nakita mo ito.Ang trabaho ni Sabrina ay naging maayos noong araw na ‘yon. Posibleng dahil ito sa laptop na binigay sakanya ni Sebastian, mas naging mabilis ang pagtatrabaho niya. Noong sinubmit niya ang kanyang mga ginawa sa mga designers sa opisina, nagulat silang lahat.Akala nila na isang tao si Sabrina na gumagawa ng mga kakaibang trabaho, akala rin nila na hindi ito marunong gumamit ng computer. Hindi nila inasahan na ang mga gawa nito ay maganda, sa sobrang ganda nito ang mga notes sa gilid ay detalyado at magagamit talaga.Hindi na nila binigyan ng marami pang trabaho si Sabrina noong araw na ‘yon.Umalis siya nang maaga sa trabaho, dumiretso siya kaagad sa ospital. Habang nag-uusap sila, sinabi ni Sabrina na maayos ang pagtrato sakanya ni Sebastian nitong mga nakaraang araw. Hindi lang siya nito binilhan ng mga magandang damit, binigyan pa niya ito ng laptop.Hin
Kaya naman hindi na nagsusuot si Kingston ng gloves buong taon. Kahit na pinakamalamig na panahon ang tag-lamig, hindi pa rin siya nagsusuot nito. Pero hindi niya inaasahan na may isang tao na magbibigay sakanya ng maliit na hand warmer para mainitan ang kanyang mga kamay.Ang kabaitan ng babaeng ito ay pinasaya ang puso niya.Nagsimula rin siyang magsuspetya. Paano mabubuntis ang isang babae na ito sa kulungan?May tinatago ba siyang mga nakaraan na masakit?Nangako si Kingston na bibilisan niya ang pag iimbestiga rito at tutulungan niyang maayos ang hindi magandang relasyon na ito!Binuksan niya ang pintuan ng kotse bago niya sabihin kay Sebastian at Sabrina, “Sir, Madam, pumasok na po kayo.”Namula si Sabrina at nakangiti niyang sinabi, “Salamat.”Sa loob ng kotse, pinapanood niyang binubuksan ni Sebastian ang laptop niya para magtrabaho. Tumahimik nalang si Sabrina. Nang makabalik sila sa bahay, nagtanong si Sabrina, “Gutom ka ba?”Tiningnan siya ni Sebastian, nag-aalinlang
Sumagot si Sabrina, “Kailan? Anong oras?”“Alas kwatro nang hapon!”“Sige, pupunta ako sa isang kondisyon.” Sabi ni Sabrina, “Wag mong guguluhin si Tita Grace kung hindi lagot ka sakin!”Tumawa si Selene, “Haha! Sabrina, akala mo talaga nanay mo si Grace. Wag mong kakalimutan, ikaw ang peke, ako ang totoo. Nanay si Grace nang mapapangasawa ko, bakit ko siya sasaktan?”“Mabuti naman at naalala mo na manugang mo siya. Pupunta ako dyan ng alas kwatro.” Binaba ni Sabrina ang telepono matapos niyang sabihin ang mga ito.Noong aayusin na niya ang lamesa niya sa opisina bago maghanap nang makakainan, tumunog ulit ang telepono ni Sabrina. Inisip niyang si Selene ito ulit kaya naman nagsimula siyang mainis. Tiningnan niya ang telepono niya, subalit, napagtanto niya na hindi kilalang numero ang tumatawag. Inayos niya ang sarili niya bago ito sagutin, “Hello, sino ‘to?”“Madam.” Narinig niya ang boses ni Kingston sa kabilang linya.Namula si Sabrina, ang tono niya ay naging masaya nang mar
Limang putahe.Tiningnan ito ni Sabrina, ngumiti siya habang umiiling.Mygosh! Ang dami namang ulam nito… Paano mauubos ni Sabrina ang mga ito?Gayunpaman, sabik na sabik na siyang kumain.Habang kinukuha niya ang pagkain niya, nakangiti siya habang pabalik sa employee cafeteria para kumain. Bago siya pumasok, bumangga siya kay Nigel at ang kaibigan nitong si Zayn.“Yo! Sobrang busy mo ba nitong mga nakaraang araw, Sabrina?” sabi ni Nigel.Tumingala siya at ngumiti kay Nigel.Ang mga ngiti niya ay kumikinang.Natigilang muli si Nigel.Pangalawang beses na niyang nakitang ngumiti si Sabrina. Ang unang beses ay noong nakalipas ang tatlong araw habang kumakain siya sa construction site.“Nigel, dalawang araw na kitang hindi nakikita, busy ka ba?” masama ang tingin ni Sabrina kay Nigel.Tumango naman si Nigel.“Kahit gaano ka pa ka-busy, wag mong kalilimutan na kukuhain ko ang sweldo ko sa mga susunod na araw. Sabi ko sa’yo na ililibre kita pagkakuha ko ng sweldo ko at kailanga
Sa likod, nakatingin nang masama sakanya si Sebastian.Noong sinampal niya si Selene ngayon lang, tagaktak na ang pawis ni Kingston sa gilid.Ang malas naman nang babaeng ‘to?Naramdaman ni Kingston ang saya noong nakita niyang sinampal ni Sabrina si Selene pero alam niya rin sa sandaling ‘yon, na pwedeng…Galit na galit ang mukha ni Sabrina. Tumulo ang luha niya habang naglalabas siya nang galit kay Selene, “Selene, makinig ka! Ako pa rin ang asawa ni Sebastian! Gustong gusto ako ni Tita Grace at ako lang ang tanging kikilalanin niya na manugang! Ikaw… Para kay Tita Grace… ay wala lang! Habang nanonood, sa mga natitirang buwan na mayroon si Tita Grace.“Sisiguraduhin kong gagawin ko ang mga sinasabi ko!”Galit na galit si Sabrina kay Selene.Matagal na niyang kinakamuhian Lynn family. Kung hindi dahil sakanila, hindi na siya magsasayang ng dalawang taon sa kulungan at hindi na rin niya kailangang ibigay ang katawan niya sa isang lalaki na malapit nang mamatay, sa huli nabuntis
Bumagsak si Selene sa mga yakap ni Sebastian, umiiyak siya habang tumitingin kay Sebastian, “Young Master…”Walang nasabi si Sabrina.Malamig at masama ang mga tingin ni Sebastian habang nakatingin siya kay Sabrina.Sa likod ni Sebastian ay nakatayo ang Old Master ng Ford family at ang Old Mistress. May mga tao rin sa likod nila. Hindi alam ni Sabrina kung sino pa ang iba pero may isang tao siyang nakilala.Ito ay si Nigel.“Mr… Mr Ford..” Nahirapan si Sabrina hanapin ang mga gusto niyangsabihin, “Siya… Siya ‘yon… si Se… Si Selene ang nag imbita sakin dito. Akala ko… akala ko may gusto siyang gawing masama kay Tita Grace.“Ako ang nagsabi sakanya na kitain ako rito.” Kalmado ang boses ni Sebastian.Ang rason kaya lumabas si Selene sa harapan ng ospital ay dahil pinatawag siya ni Sebastian.Araw bago ito, si Old Master Ford ay humiling sakanya na pumili ng isang babae na mapapangasawa pero hindi pumayag si Sebastian.Pero, alam niya rin na hindi na ito pwedeng magtagal.Pagkat