Si Ruth ay miserableng umiiyak sa kabilang linya ng tawag. "Sabrina, dalian mo pumunta ka na at iligtas mo na ako pakiusap.""Wag kang umiyak, Ruth. Sabihin mo sa akin ang address at pupunta na ako dyan para kunin ka," Agad na sinabi ni Sabrina."Isa itong tagong hostel sa lugar ng mga iskwater, tumira ka dito nung anim na taong nakalipas. Sinabi nila sa akin isa lang itong tagong hostel pero ang totoo, puno talaga ito ng tao na magaling sa trafficking. Sabi nila ibebenta daw nila ako sa isang matandang lalaki, at isang oras na lang andito na siya.Kumirot ang puso ni Sabrina habang nakikinig sa naghihirap na boses ng kaibigan niya. "Pupunta na ako agad dyan. Kung mas naunang dumating ang matandang yun kaysa sakin, kailangan mo siyang labanan gamit ang lahat ng meron ka. Magpalipas ka muna ng oras, naintindihan mo ba?""Sige."Binaba ni Sabrina ang tawag, kinuha ang bag niya at nagmadaling bumaba nang hindi tumitigil para magsabi sa Design Director. Pumasok siya sa kotse niya at n
At kumpara naman sa kanya, si Selene ang totoong kabaliktaran. Si Selene ba ay nagpakita ng kahit kaunting bahid ng integridad? Si Mindy, ang pinsan na matagal siyang pinalaki sa layaw sa mahigit na dalawampung taon, ay wala ring pagkakaiba. Sa tuwing mas tinitingnan niya si Mindy, mas lalo pa siya nandidiri dito. Pero, ang pag-iisip kay Mindy ay nagpaalala sa kanya kay Ruth, at ito ang dahilan kung bakit nagdesisyon siya na tawagan si Sabrina para magtanong tungkol sa kanya."Pasensya na, Sabrina," sinabi niya na parang humihingi ng tawad. "Sa tingin ko masyado ko yatang pinapangunahan ang sarili ko, gusto kong humingin ng tawad sayo tungkol doon. Hindi na kita pipilitin doon. Magkaibigan pa rin naman tayo, di ba?" "Oo. Palagi kitang ituturing na mabuting kaibigan ko. Ito ba ang dahilan kung bakita ka tumatawag?" Lumuwag ang tono ni Sabrina."Hindi naman. Nakatanggap ka ng tawag galing sa kaibigan mong si Ruth ngayon lang bago ka umalis. Ilang araw na din ang nakalipas simula nung
Sa maliit na kwarto na medyo madilim ang ilaw, si Ruth ay talagang hubad at nanginginig na parang dahon. May isang matanda na nakahubad at nakahiga sa sarili niyang dugo."Ruth?" Sumigaw si Sabrina.Si Ruth ay hirap na hirap na nagmadali at tumakbo papunta kay Sabrina, habang humahagulgol. Agad na nilabas ni Sabrina ang panyo niya galing sa bag para ipangtakip kay Ruth hanggang sa kaya niya."Ruth, ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?" nag-aalala siyang nagtanong."Sabrina...Hindi ako nasaktan. Ginawa ko ang sinabi mo na lumaban ako gamit ang lahat ng meron ako. Pero nung pumalag ako, hinubaran nila ako at tinapon pa nga ang mga panloob ko. Ang matandang ito ay pumasok at hinampas ako sa ulo pero nabuhayan ako doon. Hinintay ko na mahubaran niya ang sarili niya at kinuha ko ang belt niya at hinampas ang ulo niya gamit ang buckle nang paulit-ulit. Sobra akong takot...makukulong ba ako?"Hinila at niyakap ni Sabrina si Ruth at pinatahan siya. "Tama lang ang ginawa mo, Ruth. Magaling ang
Nanliit ang mata ni Sabrina sa galit. Namutla ang babae sa takot at patuloy na nagpaliwanag nang mabilis. "Ano lang po...yung mga magulang ng kaibigan niyo ay nangutang talaga ng isang milyong dolyar sa amin. Sabi nila kailangan nila ang pera para isa pa nilang anak, na may sakit at kailangan magpagamot para mabuhay. Sabi nila ipapadala nila ang isa pa nilang anak dito sa akin at wala silang pakialam kung ibenta ko siya basta lang buhay siya. Ginagawa ko lang po ito dahil hindi nila ako mabayaran, hindi naman pwedeng mamigaw na ako ng isang milyong dolyar ng ganun lang, di ba? Kaya po-""Naintindihan ko na." Hindi na tumingin pa si Sabrina sa babae at hinigpitan ang pagkakayakap kay Ruth."Pa-pakiusap maawa kayo sa amin," nagmakaawa ang babae."Damit!" Sumigaw ulit si Sabrina."Mamadaliin ko na po sila!"Hindi nagtagal, bumalik ang babae na may dalang dalawang malalaking bag ng mga damit."Banyo!"Agad na dinala ng babae si Sabrina at Ruth papunta sa banyo."Ruth, maligo ka na
"Sabrina, ako...alam mo ba kung ano ang pakiramdam na lokohin, traydorin at ipagtabuyan ng sarili mong kamag-anak?" Nagtanong si Ruth habang umiiyak. Tapos umiling siya t nagpatuloy, "Hindi mo alam. Ang tatay mo ay wala na, pero minahal ka niya nang buong puso nung nabubuhay pa siya. Ang nanay mo ay nawawala, pero minahal ka rin niya. Hindi mo malalaman ang pakiramdam na maloko at ipagbili ng sarili mong magulang. Sa tingin ko hindi ko na kayang mabuhay pa nang ganito, Sabrina."Tinapik ni Sabrina si Ruth sa kamay nito. "Ikaw ang may hawak sa buhay mo, Ruth. Magpakatatag ka lang. Na...naiintindihan ko ang sinasabi mo, alam ko ang pakiramdam.""Alam mo?""Oo. Ang pagtataboy, pang-iinsulto at pananakit ng sarili mong ama, kaya kitang damayan sa nararamdaman mo," malungkot siyang sumagot. Tinaas niya ang tingin niya para tingnan si ang mga mata ni Ruth. "Sabihin mo sa akin, anong ginawa nila sayo?"Napaurong si Ruth nang alalahanin niya ang mga ginawa sa kanya ng mga magulang niya."
Pero alam niya din naman na hindi siya sapat para sa kanya. Nung tumungo si Ruth para itago ang pamumula niya at nahirapan na hanapin ang tamang salita, tinaas ni Ryan ang baba niya gamit ang nasugatan niyang braso. Ang mga daliri niya ay nakahawak sa panga niya at pinilit niya itong tumingin sa mga mata niya."Tumingin ka sa akin," sabi niya. Ang pamumula ni Ruth ay lalong tumingkad at ngumisi siya. "Hindi ka pwedeng magkunwari na hindi ito nangyari! Sinalba ko ang buhay mo kanina, kaya kailangan mo ako bayaran ng sarili mo. Wala kang karapatan para tanggihan ako ngayon, magiging asawa kita sa ayaw mo at sa gusto!"Bago pa makakilos si Ruth sa kahit anong paraan, binalot na agad ng lalaki ang isa niya pang braso sa bewang nito at hinila papalapit sa kanya. "Master Ryan, wag..."Ang isip niya ay na-blanko at nawala sa sarili sa mga sumunod nangyari. Wala siyang ideya nung nagawa ni Ryan na punitin ang mga damit niya at binuhat siya papunta sa kama, pero nung oras na nandun na siya,
Nang marinig na may sakit ang nanay niya, kumirot ang puso ni Ruth. "Si Mama...paano siya nagkasakit?""Dahil ginalit mo siya!" Sigaw ng tatay niya.Nanginig ang boses ni Ruth. "Pa, ano ba talaga ang ginawa kong mali? Ginagawa mo ba ito sa akin dahil lang tinanggihan kong tulungan ang pinsan ko? Kaya kong intindihin na gusto niyong maging mabuti sa kanya dahil nawalan siya ng mga magulang nung siya ay bata pa. Kahit kailan hindi ako nagprotesta na mas pinapaburan niyo siya kaysa sakin. Pero sumosobra na siya at umabot sa punto na inatake niya ako gamit ang sulfuric acid, tapos si mama sa akin pa nagalit? Kung ayaw niyo sa akin bilang anak niyo, sabihin niyo lang, pa. Lalayo na lang ako sa inyo simula ngayon. Wag kayong mag-alala, babayaran ko pa rin ang bawat isang kusing para suportahan kayong dalawa ni mama."Si Ruth ay hindi pa naging sobrang determinado hanggang sa dumating ang araw na 'to. Siya ay nawasak!Ang tono ng tatay niya ay humina sa mga salita niya. "Ang iyong mga mag
Paanong hindi mapapansin ng isang ama ang kanyang anak na namumula. Ano ang iniisip niya? At nasabi ng kanyang ama, "Kayo! Magkasama kayo?"Agad na namula si Ruth at sinabing, "Dad...papakasalan niya ako."Natahimik ang kanyang ama, nagdilim ang kanyang ekspresyon ng ilang segundo. Ngunit si Ruth ay masyadong nahiya kaya hindi niya ito napansin."Dad, tatawagan ko lang si Ryan at ipaalam ko sa kanya," sabi nito na naka tambo pa rin.Tumango ang kanyang ama. "Oo naman."Inilabas ni Ruth ang kanyang telepono at tinawagan si Ryan. Nagising lang si Ryan sa isang pulang sulat na hugis puso sa kanyang nightstand na may nakasulat na 'Hubby, bumaba ako para ipaghanda ka ng almusal. Kung magising ka sa message na ito, tawagan ako at ipaalam sa akin kung gusto mo ng anumang partikular na bagay'.Napangiti si Ryan sa nakakataba ng pusong sulat. "Tiyak na alam ng babaeng iyon kung paano ako alagaan."Nang matapos niyang basahin ang note ay biglang nag-ring ang phone niya at kinuha niya iyon.