Kabanata 1724
Hindi lang si Hana ang nagulat sa sinabi ni Zayn. Maging ang mga kapitbahay na nakikiusyoso ay hindi rin makapaniwala.

Gulat na gulat sina Tessa at Hector.

Naunang mahimasmasan si Tessa at galit na galit niyang sinabi, “Zayn Smith! Anong pinagsasabi mo jan! Bakit gusto mo siyang pakasalan?! Hindi mo siya pwedeng pakasalan! Hindi!”

Tumingin si Zayn kay Tessa. “Miss Caven, sinong nagbigay sayo ng karapatan na utusan ang sinuman? Hindi rin tama na dinuduro-duro mo ang sarili mong ina. Isa pa, labas ka na sa magiging desisyon niya!”

Hindi nakapagsalita si Tessa. Si Zayn ay si Zayn at kahit kailanman ay hindi siya pwedeng diktahan ni Tessa kaya walang anu-ano siyang nagdesisyon na pakasalan si Hana. Kahit siya, hindi niya rin maintindihan kung bakit pakiramdam niya ay sobrang konektado nilang dalawa na para bang ito na talaga ang babaeng matagal niya ng hinahanap.

Tumingin si Zayn ng diretso sa mga mata ni Hana. “Miss Sharpe, payag ka bang pakasalan ako? Hindi kita mabibigyan ng ana
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP