Kabanata 1723
Yumuko si Hana sa sobrang hiya. “Pasensya ka na, Mr. Smith. Pumunta ako dito para sabihan ang anak ko na ibalik sayo ang mga pera mo. Nakakahiya lang na hiwalay na kayo pero ang dami niya pa ring kinuha sayo.” Ramdam sa tono ng boses ni Hana ang sobra sobrang hiya. “Pasensya na po talaga.” Pagkatapos, tahimik siyang tumalikod at naglakad papalayo.”

"Saan ka pupunta?" tanong ni Zayn.

Hindi makapaniwala si Tessa sa eksenang nakikita niya. Maging si Hector ay gulat na gulat rin. “Hindi na ako babalik dito. Mula ngayon, hindi ko na hahabulin si Tessa at kakalimutan ko na rin na anak ko siya. Kahit pa magkasalubong kami balang araw, hindi ko na siya papansinin at kahit hanggang sa mga huli kong sandali, hinding hindi ako lalapit sakanya.”

Sobrang bigat ng puso ni Hana. Dalawampu’t dalawnang taon niyang minahal si Tessa. Maiintindihan niya kung may sama ito ng loob sakanya pero ang hindi niya matanggap ay ang umabot pa sa punto na walang awa siyang sinampal at sinumpa nito na para bang
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP