Kabanata 1728
Biglang kumunot ang noo ni Hana, “Tessa Caven, nakalimutan mo na bang Caven ang apilyido mo at Sharpe naman ang akin? Kung pagiging mag ina lang ang koneksyon natin, ako na mismo ang nagsasabi sayo na mula noong pagbuhatan mo ako ng kamay ay pinutol ko na yun. Saan nanggagaling ang kakapalan ng mukha mo na tanungin pa ako ng mga ganyang bagay? Akala mo ba hindi kita kayang labanan? Kung kinakailangan kitang patayim para ipagtanggol ang sarili ko ay hindi ako manghihinayang.” Sobrang lamig ng tono ng boses ni Hana at nasabi niya yun dahil tuluyan na siyang nawalan ng pag asa na magkakaayos pa sila ni Tessa.

Sa kabilang linya, hindi inaasahan ni Tessa ang naging sagot ni Hana kaya nauutal siyang sumagot, “A-ah-a… tinatanong ko lang naman. Bakit ba galit na galit ka?”

“Wag mo na akong tatawagan ulit.” Walang emosyong sagot ni Hana, sabay baba.

Umiiyak si Hana kaya pinunasan ni Zayn ang kanyang mga luha, “Huwag mo nang sasagutin ulit ang tawag niya. Iblock mo na ang number niya.”

Hi
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP