Kabanata 1725
Siguro isa nalang yung pangarap na kahit kailan ay imposible ng matupad… Mula noong ipinanganak niya si Tessa, dito na umikot ang mundo niya kaya sa tuwing may haharapin siyang problema ay wala siyang ibang iniisip kundi ang araw na magkakasama na sila ulit. Pero anong napala niya? Sampal at panlalait, na kung saan wala naman siyang ibang hiniling kundi ang kilalanin lang siya bilang ina nito… Kaya mas mabuti pa nga siguro na isipin niyang wala nalang siyang anak…

Tumatanda na siya at hindi niya ikinakaila na kailangan niya ng taong makakaagapay sa buhay at isang lugar na pwede niyang uwian. Nagkataon na parehas sila ni Zayn ng hinahanap kaya sobrang saya niya na sa wakas ay nakita niya na rin ang taong pinipili siya at gusto siyang makasama.

“Zayn, hindi ba parang sobrang tanda ko naman na ata para sayo? Forty years old na ako…”

“Ang ganda mo,” sabi ni Zayn.

“Pero…” nag aalangang sagot ni Hana.

“Alam ko. Hindi ako makakabuo ng bata pero pwede naman tayong mag ampon. Ilan ang gu
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP