Kabanata 1721
Balak din sanang bigyan ni Zayn ang kapatid niya, pero medyo nag alangan siya. Paano kung marami pala ang maging mga anak ng kapatid niya? Paano kapag nadagdagan pa ang mga anak ni Sabrina? Syempre hindi niya naman pwedeng hindi mabigyan ang iba niya pang mga pamangkin. Habang nasa kalagitnaan ng pagmumuni-muni kung kani-kanino niya hahatiin ang kanyang mga ari-arian, hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.

Maaga siyang nagising kinabukasan. Maganda ang gising niya kaya kumpara kahapon, hindi hamak na mas masigla siya ngayon. Pagkatapos niyang bumangon, nagtoothbrush, nag hilamos at kumain ng mabilisan bago siya bumalik sa ospital

Sa hindi inaasahang pagkakataon, wala siyang nadatnan na pasyente sa ward na dinadalaw niya nitong mga nakaraang araw kaya nagpapanic niyang tinawag ang nurse, at kagaya niya, sobrang nagulat din ito.

Nasaan ang pasyente?! Bakit nawawala ang pasyente?!

Nang sandaling yun, sakto ring nakita ni Zayn si Cecilia na naglalakad papunta sakanya at u
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP