Kabanata 69
“Subukan mong magsugal ulit, at ako na mismo ang pupuol sa kamay mo!

Galit na galit na sigaw ni Henry.

“Bakit mo ba pinapagalitan ang anak ko?! Kakagising niya lang! At sa tingin ko hindi lang naman siya natalo kasi sobrang imposible naman na ganun talaga kalaki ang ipinusta niya! Sigurado ako na yung brat na Cassandra Tate ang may kasalanan ng lahat ng ‘to!” Mangiyak-ngiyak na sigaw ni Olivia. Pagkatapos, galit na galit siyang lumabas para tawagin si Cassandra.

Hiyang hiya si Cassandra kaya noong nasa loob na siya, tinignan niya lang si Cole ng isang beses at yumuko na.

“Mommy… Bakit niyo po sinisisi si Cassandra? Malakas po ang kutob ko na may nag set up talaga sa akin kagabi para makuha lahat niya lahat ng pera na ‘yun!”

Halatang mahina pa si Cole base sa tono ng boses niya, pero kumpara noong mga unang minuto matapos niyang dumilat, medyo mas nahimasmasan na siya ngayon.

“Si Uncle Elliot… Wala namang ibang gagawin nito kundi siya! Sigurado ako na noong nalaman n
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP