“Subukan mong magsugal ulit, at ako na mismo ang pupuol sa kamay mo! Galit na galit na sigaw ni Henry. “Bakit mo ba pinapagalitan ang anak ko?! Kakagising niya lang! At sa tingin ko hindi lang naman siya natalo kasi sobrang imposible naman na ganun talaga kalaki ang ipinusta niya! Sigurado ako na yung brat na Cassandra Tate ang may kasalanan ng lahat ng ‘to!” Mangiyak-ngiyak na sigaw ni Olivia. Pagkatapos, galit na galit siyang lumabas para tawagin si Cassandra. Hiyang hiya si Cassandra kaya noong nasa loob na siya, tinignan niya lang si Cole ng isang beses at yumuko na. “Mommy… Bakit niyo po sinisisi si Cassandra? Malakas po ang kutob ko na may nag set up talaga sa akin kagabi para makuha lahat niya lahat ng pera na ‘yun!” Halatang mahina pa si Cole base sa tono ng boses niya, pero kumpara noong mga unang minuto matapos niyang dumilat, medyo mas nahimasmasan na siya ngayon. “Si Uncle Elliot… Wala namang ibang gagawin nito kundi siya! Sigurado ako na noong nalaman n
Halos malaglag ang panga ni Chelsea sa sobrang pagkagulat. “Actually, hindi naman ako one hundred percent sure pero siguro nasa eighty hanggang ninety. Hindi ko sinasabi sayo noon kasi okay pa kami dati, at naisip ko lang naman din na yung mga napala niya sa buhay ay sapat na para icompensate ang nagawa niya.” Kinilabutan ng sobra si Chelsea at hindi niya alam kung paano ba dapat ang maging reaksyon niya. Ilang minuto ang lumipas na nakatitig lang siya kay Charlie bago niya nanginginig na kinuha ang kanyang wine glass para uminom. “Oo, magaling siya sa lahat ng bagay pero may matinding baho siyang tinatago kaya itigil tigil mo yang pagpapantasya mo sa ganung klaseng tao. Isipin mo nga… Osige sabihin natin na magustuhan ka niya at magpakasal kayo, hindi ka ba natatakot sa mga pwedeng mangyari sayo?” Pagpapatuloy ni Charlie habang hinihiwa ang kanyang steak.“Sigurado ako na may rason siya kung bakit niya nagawa yun… Hindi ako naniniwala na masama siyang tao.” Bulong ni Che
Siguro sa ngayon kailangan niya munang malampasan yung mga ganitong klase ng pagsubok, tapos kapag medyo nasanay na siya, magiging sisiw nalang sakanya yung mga ganito….“Hmm siguro mas maganda nga kung wag ka nalang magtanong sakanya at isurprise mo nalang siya.” Suggestion ni Ben. “Tama! Bigyan mo kaya siya ng alahas! Sigurado akong magugustuhan niya yun! Lahat ng babae mahilig sa alahas.”“Hindi niya gusto yun. Hindi ko pa siya nakitang nagsuot ng kahit anong alahas.” “Eh beauty products kaya? Lahat ng babae gumagamit ng ganun, diba?” Ambag ni Chad. “Hindi rin siya gumagamit ng ganun. Noong pumusok ako sa kwarto niya, cleanser lang ang nakita ko.”Hindi naman siguro magandang ideya na magbigay ng face cleanser bilang regalo ang isang Elliot Foster, tama?Hindi naisip ni Ben na bilang isang babae, sobrang kakaiba pala ni Avery. Pero ang mas hindi niya naisip ay yung narinig niya na ang presidente ng Sterling group na si Elliot Foster ay talagang pumasok sa kwarto ng
Pakiramdam ni Avery ay para bang tumigil ang paligid niya. Pero nang sandaling mahimasmasan siya, bigla siyang tumakbo ng mabilis para habulin ang mga magnanakaw hanggang sa puntong naalala niyang buntis nga pala siya kaya huminto siya at nagakad pabalik sa mansyon.Makalipas ang halos isang oras, tinawagan ni Mrs. Cooper si Elliot para mag report. “Master Elliot, nanakawan po si Maadam Avery ng phone noong naglakad siya sa labas ng mansyon kanina. Pumunta na po kami sa police station para magreport, pero ang sabi po sa amin ay imposible na raw na makuha ulit ang phone niya. Nako sir… mugtong mugto na ang mga mata ni Madam kasi kanina pa siya iyak ng iyak!” Alam ni Mrs. Cooper ang mga kayang gawin ni Elliot kaya sinamantala na niya ang pagkakataon na tulungan si Avery!Sa totoo lang, wala naman talaga siyang ideya kung umiiyak ba si Avery o hindi, pero sinabi niya yun dahil alam niyang hindi matitiis ni Elliot si Avery. Noong gabing yun, may appointment si Elliot kay
“Oo siya.” Sagot ni Elliot. “Osige, tatandaan ko ‘tong pangalan na ‘to!”Sa loob ng mansyon ng ni Elliot, nakaupo si Avery sa lamesa niya at kasalukuyang binubuksan ang kanyang laptop. Gusto sana niyang mag log in sa mga social media account niya para mag post ng status na nawawala ang kanyang phone. Ilang minuto ang lumpisa, nakatulala lang siya.‘Sana lang talaga dinelete ng magnanakaw na yun ang lahat ng laman ng phone ko kung sakali mang may balak siyang ibenta.’Ang kinatatakutan niya lang naman ay ang may kumalikot na ibang tao ng kanyang phone dahil kung ganun ang mangyayari parang nainvade naman masyado ang privacy niya. Napahawak nalang siya sa ulo at napa buntong hininga ng malalim. ‘Haaay kung alam ko lang talaga na mangyayari ‘to, sana hindi nalang ako lumabas ng mansyon…‘O kaya naman sana pala nagpasama ako!’Dismayadong tumayo si Avery mula sa kinauupuan niya at naglakad papunta sa CR. Nag shower lang siya ng mabilisan at dumiretso na rin s
Sa puntong ito, hindi na talaga kinaya ni Avery at galit na galit siyang naglakad palabas ng station. Hindi niya pinirmahan ang release papers at hindi niya rin kinuha ang phone niya kay Elliot. Kaya si Elliot nalang ang pumirma ng mabilisan bago siya kumakaripas na lumabas para sundan si Avery. Habang nasa sasakyan, inabot ni Elliot ang phone ni Avery at sinabi, “Hindi ko binuksan.”Kinuha ni Avery ang phone niya at humahagulgol na sumagot, “Pero… pero… alam mo na kung anong laman…”“Bakit? Ganun ba kaimportante yung mga pictures na yun para sayo?” Gusto sanang sumagot nio Avery ng pasinghal pero pinilit niyang pigilan ang sarili niya na wag.Narealize niya na sobra naman na ata ang nagawa niya lalo at tinulungan na nga siya nito. Napahawak siya ng mahigpit sakanyang phone at nagtanong, “Kung sasabihin ko ba sayo na yung baby ko na pinilit mong ipilaglag ay hindi kay Cole, kundi sayo… anong mararamdaman mo? Makokonsensya ka ba?” Tinignan ni Elliot si Avery.
Sa dining table kinaumagahan, parehong nandoon sina Elliot at Avery pero wala ni isa sakanila ang nagsasalita. Eggs and toast para kay Avery, cereal naman para kay Elliot. “Salamat pala sa pagkuha mo sa phone ko kagabi,” sabi ni Avery, na siyang bumasag ng katahimikan. “Sorry sa ginawa ng mommy ko,” Sagot ni Elliot. Sa wakas, nasabi niya na ang matagal ng bumabagabag sakanya. Hindi inaasahan ni Avery na maririnig niya ang mga salitang sinabi ni Elliot kaya napayuko siya at sumagot ng may halong kilig at hiya, “Hindi naman ikaw ang sumampal sa akin, bakit ikaw ang nagsosorry?” “Wala naman talaga siyang karapatan na sampalin ka,” Huminto ng halos tatlong segundo si Elliot bago siya nag’aalangang nagpatuloy, “Kung may gagalaw ng mukha ko, talagang-”Pero bago pa man matapos si Elliot sa sinasabi nito nang biglang itinaas ni Avery ang kamay niya para himasin ang pisngi nito. Kagaya ng inaasahan, sobrang kinis ng kutis nito..Nanlaki ang mga mata ni Elliot sa sobrang
Kung nabanggit lang ni Ben kung kailan siya makakarating sa bahay, hindi sana napadapd si Avery sa kanyang sasakyan. "Mr. Schaffer, alam kong lahat kayo ay gustong makuha ang magandang panig ni Elliot-" nagsimulang sabihin ni Avery. "Anong ibig mong sabihin? Hindi ka pa ba nakakatanggap ng mga regalo sa mga kaibigan mo?" Singit ni Ben nang may ngiti. "Lagi niya tayong binibigyan ng kung ano sa mga kaarawan natin." "Kaya, hindi mo siya binibigyan ng mga regalo dahil sinabi niya sa'yo na hindi? Nagpapakita na hindi mo siya nakikita bilang kaibigan pero isang boss," sambit ni Avery. "Hindi ko maisip na dadalhin mo ako sa ganito. Kung tatanggapin ko ang mga regalo mo sa ngalan niya, parehas lang bilang ako na tumatanggap ng regalo mula sa kanya. Kung iyon ang kaso, hindi ko malugod na pagsabihan siya kung gagalitin niya ako sa hinaharap."Naguguluhan si Ben. Malugod na pagsabihan siya?Paano ba tinatrato ni Avery si Elliot araw araw?Nagsimulang manghinala si Ben na ang kanyang