“Oo siya.” Sagot ni Elliot. “Osige, tatandaan ko ‘tong pangalan na ‘to!”Sa loob ng mansyon ng ni Elliot, nakaupo si Avery sa lamesa niya at kasalukuyang binubuksan ang kanyang laptop. Gusto sana niyang mag log in sa mga social media account niya para mag post ng status na nawawala ang kanyang phone. Ilang minuto ang lumpisa, nakatulala lang siya.‘Sana lang talaga dinelete ng magnanakaw na yun ang lahat ng laman ng phone ko kung sakali mang may balak siyang ibenta.’Ang kinatatakutan niya lang naman ay ang may kumalikot na ibang tao ng kanyang phone dahil kung ganun ang mangyayari parang nainvade naman masyado ang privacy niya. Napahawak nalang siya sa ulo at napa buntong hininga ng malalim. ‘Haaay kung alam ko lang talaga na mangyayari ‘to, sana hindi nalang ako lumabas ng mansyon…‘O kaya naman sana pala nagpasama ako!’Dismayadong tumayo si Avery mula sa kinauupuan niya at naglakad papunta sa CR. Nag shower lang siya ng mabilisan at dumiretso na rin s
Sa puntong ito, hindi na talaga kinaya ni Avery at galit na galit siyang naglakad palabas ng station. Hindi niya pinirmahan ang release papers at hindi niya rin kinuha ang phone niya kay Elliot. Kaya si Elliot nalang ang pumirma ng mabilisan bago siya kumakaripas na lumabas para sundan si Avery. Habang nasa sasakyan, inabot ni Elliot ang phone ni Avery at sinabi, “Hindi ko binuksan.”Kinuha ni Avery ang phone niya at humahagulgol na sumagot, “Pero… pero… alam mo na kung anong laman…”“Bakit? Ganun ba kaimportante yung mga pictures na yun para sayo?” Gusto sanang sumagot nio Avery ng pasinghal pero pinilit niyang pigilan ang sarili niya na wag.Narealize niya na sobra naman na ata ang nagawa niya lalo at tinulungan na nga siya nito. Napahawak siya ng mahigpit sakanyang phone at nagtanong, “Kung sasabihin ko ba sayo na yung baby ko na pinilit mong ipilaglag ay hindi kay Cole, kundi sayo… anong mararamdaman mo? Makokonsensya ka ba?” Tinignan ni Elliot si Avery.
Sa dining table kinaumagahan, parehong nandoon sina Elliot at Avery pero wala ni isa sakanila ang nagsasalita. Eggs and toast para kay Avery, cereal naman para kay Elliot. “Salamat pala sa pagkuha mo sa phone ko kagabi,” sabi ni Avery, na siyang bumasag ng katahimikan. “Sorry sa ginawa ng mommy ko,” Sagot ni Elliot. Sa wakas, nasabi niya na ang matagal ng bumabagabag sakanya. Hindi inaasahan ni Avery na maririnig niya ang mga salitang sinabi ni Elliot kaya napayuko siya at sumagot ng may halong kilig at hiya, “Hindi naman ikaw ang sumampal sa akin, bakit ikaw ang nagsosorry?” “Wala naman talaga siyang karapatan na sampalin ka,” Huminto ng halos tatlong segundo si Elliot bago siya nag’aalangang nagpatuloy, “Kung may gagalaw ng mukha ko, talagang-”Pero bago pa man matapos si Elliot sa sinasabi nito nang biglang itinaas ni Avery ang kamay niya para himasin ang pisngi nito. Kagaya ng inaasahan, sobrang kinis ng kutis nito..Nanlaki ang mga mata ni Elliot sa sobrang
Kung nabanggit lang ni Ben kung kailan siya makakarating sa bahay, hindi sana napadapd si Avery sa kanyang sasakyan. "Mr. Schaffer, alam kong lahat kayo ay gustong makuha ang magandang panig ni Elliot-" nagsimulang sabihin ni Avery. "Anong ibig mong sabihin? Hindi ka pa ba nakakatanggap ng mga regalo sa mga kaibigan mo?" Singit ni Ben nang may ngiti. "Lagi niya tayong binibigyan ng kung ano sa mga kaarawan natin." "Kaya, hindi mo siya binibigyan ng mga regalo dahil sinabi niya sa'yo na hindi? Nagpapakita na hindi mo siya nakikita bilang kaibigan pero isang boss," sambit ni Avery. "Hindi ko maisip na dadalhin mo ako sa ganito. Kung tatanggapin ko ang mga regalo mo sa ngalan niya, parehas lang bilang ako na tumatanggap ng regalo mula sa kanya. Kung iyon ang kaso, hindi ko malugod na pagsabihan siya kung gagalitin niya ako sa hinaharap."Naguguluhan si Ben. Malugod na pagsabihan siya?Paano ba tinatrato ni Avery si Elliot araw araw?Nagsimulang manghinala si Ben na ang kanyang
Nagambala si Avery hanggang may lumitaw sa kanyang ulo. "May kinalaman ba si Elliot sa kung anong nangyari kay Cole Foster?" tanong niya.Natameme si Ben. "Bakit? Sa tingin mo mayroon? Hindi ba na si Cole Foster mismo ang nagpahamak sa sarili niyang sugal? Anong kinalaman ni Elliot doon?"Humigop si Avery mula sa tubig at sinabi, "Siya ang nagplano 'non. Sinabi niya rin siya akin na lumuhod ako at magmakaawa."Naubusan ng salita si Ben.Kinuha niya ang sariling baso ng tubig at uminom, sinabi niya, "Ano bang ginagawa niyong dalawa? Bakit lagi na nag-aaway ang mga nasa relasyon katulad niyong dalawa... Mukha tuloy na sinasadya niyo. Nahahanap niyo ba ang kaligayahan sa away niyo?!"Natural na tumanggi si Avery na aminin iyon. "Wala akong kakaibang libangan. Siya lang ang palaging napapansin ako." "Natampok mo! Paniguradong ganoon din ang nararamdaman niya!""Kaya paniguradong 'di kami magbabati," sinabi ni Avery, sumimsim ulit sa kanyang tubig. "Ang hindi pagsang-ayon ay
Sigurado si Avery na hindi nila binili ang kwintas noong umagang iyon. Paanong nangyaring nandito ito sa harapan niya ngayon?Lumabas siya sa kanyang kwarto at nakita si Elliot pababa ng hagdanan, Sinubukan niyang ikalma ang kaba sa loob niya at tinanong, "Anong mayroon sa kwintas?"Sa labas mukhang wala lang iyon para sa kanya pero taliwas ang sinasabi ng kanyang sarili. Sigurado siya na sinabi ni Ben ang tungkol dito. Kaunting nahirapan ang ekspresyon ni Elliot habang sumagot siya, "Binili ni Ben."Matapos ang ilang saglit, dagdag niya, "Tiningnan ko ang presyo, at sobrang mura nito. Walang may gusto rito kaya binalik ko na lang sa'yo."Pinagtagpi-tagpi ni Avery ang mga salita sa kanyang utak at sinusubukang alamin kung paano ibabalik ang kwintas sa kanya pero naging blangko ang utak niya. Binigay niya ito sa kanya dahil mura at walang gustong tumanggap dito, Ang galing!Sa kasong iyon ay tatanggapin niya ito!"Sabay na tayong kumain," tawag sa kanya ni Elliot. Gu
"May kakayahan kang tumanggi," sinabi ni Elliot. "Kainin mo na lang ang pagkain mo!" sinabi ni Avery. "Kahit na magdesisyon siyang magtrabaho kay Charlie Tierny, hindi ibig sabihin na mahuhulog siya sa kanya. Anong sa tingin mo ang ibibigay niyang motibo? Mukha bang madali lang akong kuhain para sa iyo?"Nanahimik si Elliot. Bumalik si Avery sa kanyang kwarto pagkatapos ng hapunan, binubuksan ang mensahe ni Charlie at tiningnan ang nilalaman nito. Ang alon ng hindi komportable ay bumalot sa kanyang pagkatapos itong mabasa. Hindi niya alam ang bagay tungkol sa pagpapatakbo ng kompanya, pero naiintindihan niya nang mabuti ang panukala ni Charlie. Kung pupunta sila sa direksyon kung saan niya gusto, ang Tate Industries ay malamang na babalik mula sa kamatayan. Kung hindi lang dahil sa katotohanang kapatid ni Charlie si Chelsea Tierney, agad siyang papayag na makipagtrabaho sa kanya. Pinatay ni Avery ang kanyang laptop at nahiga sa kama. Kinuha niya ang kanyang telepono at
Tumango si Jun at sinabi, "Siya nga! Nakilala ko siya sa ibang bansa. Mas matanda siya ng walang taon sa akin. Magkapit bahay kami nang nasa kolehiyo siya. Sinusundan ko siya noon palagi.""Kinikita mo pa rin kahit na mataas ang agwat ng edad niyo?" tanong ni Tammy."Oo! Sa kanya ako pumupunta kapag napapahamak ako," sagot ni Jun. Bumaling si Tammy sa kanyang mukha at tinukso, "Anong klaseng pahamak ang posibleng mangyari sa isang batang lalaki na gaya mo?""Gusto kong magsimula ng sariling negosyo pero tutol ang pamilya ko rito. May matagumpay silang karera. Kahit ang tatay ko ay hinahangaan siya kaya kailangan kong tulungan siyang pilitin ito."Agad na nasabik si Tammy."Anong pangalan niya? Sigurado akong narinig ko na siya noon kung isa siyang matagumpay na negosyante.""Malamang ay narinig mo na ang pangalan niya," sinabi ni Jun habang sumisimsim sa kanyang tubig. "Si Elliot Foster."Nanlaki ang mga mata ni Tammy sa pagtataka. Binitawan niya ang kamay ni Jun at sumigaw,