Nang marinig ni Avery ang tanong ni Elliot, medyo nahimasmasan siya. ‘Akala niya ba aamin ako porket lasing ako?’ ‘Aha! Nagkakamali ka Elliot Foster!’ Oo nakainom siya pero beer lang yun at hindi wine. Malinaw pa rin ang isip niya. Hindi sumagot at natulog. Imbes na sagot, paghinga ni Avery ang narinig ni Elliot. Napangiti nalang siya habang nakatitig sa screen ng kanyang phone. Wala siyang balak na ibaba dahil ngayon nalang ulit ito tumawag sakanya at hindi niya alam kung mauulit pa ‘to. Pagsapit ng alas otso ng umaga, nagmamadaling bumangon si Avery. Sobrang sama ng panaginip niya… panaginip na nagpaalala sakanya noong araw na namatay ang kanyang daddy.Dahil dun at sa naging pagkalugi noon ng Tate Industries, nagpalaboy sila ng mommy niya. Tandang tanda niya na may isang beses na halos mamatay na siya sa uhaw pero wala silang kahit sincong duling.Pawis na pawis at hinihingal siya nang magising. Huminga siya ng malalim at sinabi sakanyang sarili,, “Tapos na yun, Avery
Habang pinapakinggan kung paano magalit si Wanda, sobrang saya ni Avery.“Sa tingin mo, paano mo naman gagawin yun?” Pang’asar niyang sagot. “Dalawa lang naman yan eh. Kasabwat ka niya o kinunsinti mo siya. Kahit ano dun, damay ka. Isa pa, hindi ka na ba talaga nahihiya? Sobrang laki ng ninakaw niyo sa amin tapos may gana ka poang tumawag sakin?” “Dahil sayo, namatay si Cassandra! Hindi pa kita nasisingil dun!”“Oh… Sino pa? Sino pang mga namatay sa pamilya niyo? Isisi mo na sa akin kaya lahat? Sa tingin mo ba ako pa rin yung dating Avery na pwede mong apak apakan? Wanda, matagal ka ng talo. Noong hindi mo ako napatay five years ago!”Walang emosyon pero sobrang nakakapanindig balahibo ng tono ng boses ni Avery. Tama… ibang iba na talaga siya sa Avery five years ago. Galit na galit na pinutol si Wanda ang tawag. Hindi niya palalampasin ang ginawa ni Avery at hindi siya papayag na matalo dito kaya agad-agad, nag book siya ng flight pabalik sa Aryadelle.Ang headline noong hapon
Kung tooo na may mga taong pinanganak na performer, isa na si Eric dun. Sa tuwing nasa entablado ito, kuhang kuha nito ang puso ng lahat. Noong gabing yun, sabay ng pumunta sina Avery at Wesley sa venue na nireserve ni mike.“Wesley, wag kang mag’alala. Puro kaibigan lang namin ni Mike ang mga invited kaya wag kang mahihiya ah.” Nakangiting sabi ni Avery habang naglalakad sila papasok ng hotel. “Gusto lang talaga naming icelebrate ang pagkakahuli kay James kasi ang tagal ng sumasakit ng ulo ko dahil dun.”“Oo, nabanggit mo nga yan noon.” Nakangiting sagot ni Wesley. “Halatang halata na iba ang saya mo ngayon.”Nagpatuloy silang maglakad hanggang sa makarating sila sa event hall at hindi pa man din sila nakakapasok sa loob nang biglang matigilan si Avery. ‘Ha? Sino ‘tong mga to? Tama ba ‘tong pinuntahan namin? Pero–si Mike yun. Oo, sigurado ako na buhok niya yun!’ Isip ni Avery. Nang makita ni Mike si Avery, masaya itong lumapit. “Avery! Buti naman at nandito ka na! Welcome, We
“Hinila siya ni Elliot doon oh.” Tinuro ni Mike kung saan niya nakitang pumunta ang dalawa. Nang tignan ni Avery ang direksyon na sinasabi ni Mike, nakita niya sina Elliot at Wesley na isnag lamesa. May mga bodyguard na nakapalibot sakanila at may mga bote ng alak sa lamesa. Mukhang nagiinuman lang ang dalawa. Galit na galit si Avery.Alam niya kung gaano kahina ang alcohol tolerance ni Wesley kaya sigurado siyang hindi ito tatagal sa ganun karaming alak!“Ha! Parehong amateur! Sige nga.. Tignan natin kung sino ang unang babagsak sakanila.” Natatawang sabi ni Mike.Naalala ni Avery na hindi rin mahilig uminom si Elliot. “Avery, hayaan mo lang silang mag contest jan!” Pagpapatuloy ni Mike habang tinatapik ang balikat ni Avery. Naiinis na hinawi ni Avery ang kamay ni Mike. “Kasalanan mo ang lahat ng ‘to!”“Bakit ako? Si Chad! Wag ka mag’alala, next time sasabihin ko sakanya na siya lang talaga ang invited.”“Wala ng next time!” Nag walk out si Avery at pumunta siya kay Tammy.
“Okay… dahil stepmother pa rin kita, bibigyan kita ng hanggang bukas para makapag isip.” Pagkatapos magsalita, tuluyan ng lumabas si Avery. Samantalang sa loob ng event hall, halatang lasing na sina Elliot at Wesley kahit kaunti palang ang naiinom nila. “Mr. Brook, balita ko may secret student daw si Professor Hough, kwentuhan mo naman ako ng tungkol dun.” Tanong ni Elliot habang nilalagyan ng laman ang wine glass ni Wesley. Lasing na lasing na tinignan ni Wesley si Elliot. “Saan mo naman narinig yan Mr. Foster?”Nakipag toast si Elliot kay Wesley, “Sasagutin mo lang naman ng oo o hindi, Mr. Brook eh”Uminom si Wesley ng bahagya at sumagot, “Pasensya ka na. Hindi ko pwedeng sabihin ang tungkol dun. Pagdating kay Professor Hough, lahat ng impormasyon ay hindi pwedeng maidisclose.”“Patay naman na si Professor Hough! Isa pa, ano namang nakakahiya dun. Ibig sabihin nga ay sobrang galing niya!”“Eh paano kung yung mismong taong yun ang ayaw magpakilala?”Abot-tenga ang nagging n
Naramdaman ni Avery ang init ng hininga ni Elliot. Amoy alak ito. Oo, naniniwala siyang lasing na talaga si Elliot Foster dahil kung hindi, hindi naman siya yayakapin nito sa harap ng maraming tao.“Bakit kasi inom ka ng inom kung hindi mo naman pala kaya!” Sinubukan ni Avery na tumayo pero lalong hinigpitan ni Elliot ang pagkakayakap sakanya. “Avery, uminom tayo.” Kinuha ni Elliot ang bote ng alak at nilagyan ang isang wine glass. “Kaya ka ba nag lasing kagabi kasi nahuli na si James?” Bahagyang lumuwag ang yakap ni Elliot at kinuha yun ni Avery na pagkakataon para tumayo. Nang tignan niya ang pwesto ni Wesley, nawala na ito. “Elliot! Nasaan si Wesley?!” Nakunot ang noo ni Avery habang nakatingin sa lasing na lasing na mukha ni Elliot. Ang iniisip niya ay mukhang kinuha ng mga tauhan ni Elliot si Wesley habang nakayakap ito sakanya. “Kita mo naman na lasing na lasing siya diba? Malamang nagmagandang loob lang ang mga tauhan ko na dalhin siya sa isang lugar kung saan siya pwed
Kung sinabi ni Wanda na pagiisipan nito ang tungkol sa fifty billion, malamang may ganung halata talaga ito.Kinabukasan sa loob ng director’s office ng Sterling Group, inisa-isa ni Elliot ang listahan ng mga estudyanteng tinuran ni Professor Hough. Base sa sinabi sakanya ni Wesley kagabi, hindi raw lalaking nasa thirthies ang secret student ni Professor Hough kaya sa mga babae siya nag focus. Nang makita niya ang pangalan ni Avery, napatulala siya rito. Alam niyang estudyante rin ni Professor Hough si Avery, pero hindi nito linya ang pagdodoktor kaya nag focus ito sa negosyo. Alam niyang wala siyang makukuha pero tinignan niya pa rin ang laman ng portfolio nito. Sinubukan niyang isearch ang isa sa mga ginawa nitong academic paper, pero wala siyang maintindihan ni isa kaya hindi niya na tinuloy. Sigurado siya na hindi basta-basta si Avery dahil hindi naman ito tatanggapin ni Professor Hough kung ordinaryo lang ito. Ang sabi ni Wesley, hindi raw ito karapat-dapat na maging estu
Kahit kailan, hindi niya naisip makipag areglo. Sinabi niya lang yun para paasahin si Wanda. Gusto niyang matikman nito kung paano ang hinganti ng inapi. “Ang galing! Ang galing galing mo talaga Avery!” Galit na galit si Wanda. “Sa tingin mo ba gusto ko ring magbigay sayo ng fifty billion? Asa ka! Hindi ko yun pinaghirapan para ibigay lang sayo no!” “Ah… sige, sa tingin ko naman walang plano ang kapatid mong multuhin ka sa oras na mamatay sa sa loob ng kulungan. Haay paano niyo ba pinaghatian ang twenty billion na ninakaw niyo sa amin?” Kumukulo ang dugo ni Wanda sa sobrang galit.“Avery Tate… maghintay ka lang… Hindi kita palalampasin. Maghihiganti ako para sa kapatid at sa anak ko!”“Oh… so may balak ka palang ipa assassinate ako? Gusto ko nga palang ibalita sayo na ibang iba na ang surveillance network ng Aryadelle kumpara sa naabutan mo five years ago. Hindi naman kita pinipigilang gawin pero ang gusto ko lang sabihin sayo na death penalty ang katumbas ng pinaplano mo.”H