Kinabukasan, pakiramdam ni Chad ay sasabog ang utak niya sa sobrang sakit ng ulo niya. Tinignan siya ni Elliot at nagtanong, “Ano ba nangyari sayo?”“Pinainom ako ng pinainom ni Mike kagabi kaya bago pa man ako makapag tanong ay lasing na ako! Wala akong nakuhang impormasyon sakanya pero may natuklasan ako!” May peklat pala siya sa ulo.”“Paanong peklat? Malaki?” “Oo, parang nag craniotomy siya noon.” Binuhat siya ni Mike kagabi papasok sa hotel at doon niya nakita ang peklat nito. Kaninang umaga, pag gising niya, magkatabi nanaman sila, pero sa pagkakataong ito, hindi siya nagalit, at kinuha niya ang pagkakataon na yun para tignan ang pekla nito. Pinicturan niya ito at sigurado siya na tahi yun!“Tignan mo.” Pinakita ni Chad kay Elliot ang picture na kinuha niya. “Yang bilog na peklat na yan. Sigurado ako na dahil yan sa craniotomy!” “Hindi matuturing na minor surgery ang craniotomy.” Tinitigan ni Elliot ang picture at sinabi, “Itanong mo sakanya sa susunod kung saan niy
Si Chad ang tumatawag. “Ang sabi ni Mike, mayroon daw siyang malignant tumor noon sa utak niya. Sobrang lala daw na nahihimatay siya palagi. Si Professor Hough daw ang nagtagal ng tumor niya.” Report ni Chad.“Eh nasagot na ba niya kung bakit daw siya nagtatrabaho kay Avery?”“Oo. Ang sabi niya, mahilig daw talaga siya sa mga done. Matagal na pala silang magkatrabaho. May system na naguumpisa noon ang daddy ni Avery na si Mike ang umayos at dahil natuwa sakanya si Avery, niyaya siya ulit nito noong napagdesisyunan ni Avery na buuhin ulit ang Tate Industries. Sobrang perpekto ng pagkakasagot, hindi maiisipan ng kung ano man.Pagkatapos nilang mag’usap, bumalik ulir si Elliot sa loob ng restaurant. Sa totoo lang, gusto na sana niyang umalis dahil ayaw na niyang makita ulit si Wanda, nirerespeto pa rin niya kahit papaano si Zoe. Pagkabalik niya, nahihiya siyang sinalubong ni Zoe, “Elliot, pasensya ka na. Ngayon ko lang din nakita si Wanda. Hindi ko alam na siya pala ang stepmothe
Gusto na sanang umamin ni Shea pero natatakot siya na baka magalit ang kuya niya kaya yumuko nalang siya.Sa loob ng mansyon ni Avery, pinagyayabang ni Mike kung paano niya nalasing si Chad ng ganun ganun nalang at tinatawanan niya rin kung gaano ito kauto-uto. “Anong masasabi mo Avery? Ang galing ko no! Sigurado akong nareport na ni Chad yun sa boss niya! Wga ka mag’alala, Avery, hinding hindi ka pagdududahan ni Elliot.”Pagkatapos magbalat ni avery ng mansanas, binigay niya ito kay Mike, “Oh. Buti naman at nagkautak ka na rin kahit papaano.”“Hoy! Bantay-bantayan mo yang bibig mo ha! Matagal na akong may utak no!” Naiinis na sabi ni Mike habang kinukuha ang mansanas, sabay kagat dito. “Ayoko lang talagang mag’isip, pero kapag nagiisip ako, walang binatbat uang Sherluck Helmes na yan!”Habang naguusap ang dalawa, biglang sumingit si Layla na may dalang album. “Mommy, sino ‘to? Ang gwapo niya naman! Crush ko siya!” Galing si Layla sa kwarto ni Avery at nang sandaling makita n
Noong panahong nawala si Shea, handang maglabas si Elliot ng fifty-five million dollars bilamng ransom kaya nagkagulo ang buong bansa para hanapin ito. Ni isang beses, hindi niya pinagdudahan na si Avery ang kumidnap sa kapatid niya.Hindi napaghandaan ni Avery ang naging salubong sakanya ni Elliot. Base sa tono ng pananalita nito, mukhang kumbinsido ito na talagang kinidnap niya si Shea. Noong araw na yun, hindi niya alam kung anong gagawin niya. Sobrang taas ng lagnat ni Shea. ‘Kung binalik ko si Shea noong gabing yun habang inaapoy siya ng lagnat, hindi kakayanin ng konsensya ko yun.’“Oo!” Sigaw ni Avery, “Masayang masaya ako na makita kang nahihirapan!” Bigla, namatay ang lahat ng ilaw. “Ah!” Takot na takot si Shea kaya naghanap siya ng mayayakap.Napatalon si Mike. “Bakit mo ako niyayakap? Bitawan mo ako!”“Natatakot ako! Natatakot ako!” Naiiyak na si Shea sa sobrang takot. Nang marinig yun ni Mike, huminga siya ng malalim at naisip na wala namang problema kung yayaki
Padabog na binalibag ni Avery ang pintuan niya at naglock sa loob ng kwarto. Agad namang dinala ni Mike si Shea pabalik kay Elliot. “Hoy! Foster!” Gusto sanang ipagtanggol ni Mike si Avery. Pero tinignan siya ni Elliot ng may mga nanlilisik na mga mata. “Tumahimik ka.”Napalunok nalang si Mike. Hinawakan ni Elliot si Shea at lumabas na ang mga ito ng mansyon.Nang maramdaman ni Elliot na umaabon, pinatong niya ang jacket na suot niya sa ulo ni Shea. Pagkasakay nila sa sasakyan, nakatingin si Shea sa mansyon nila Avery. Sinuotan siya ni Elliot ng seatbelt at sinabi, “Shea, wag mo na silang tignan.”“Kuya… sorry…” Hindi na napigilan ni Shea na umiyak. “Shea, wala kang ginawang mali. Hindi galit sayo si kuya. Okay?” Pinunasan ni Elliot ang luha ng kapatid habang pinapatahan ito. Pero lalo lang itong umiyak, “Kuya, sasabihin ko na po ang totoo… Ako talaga ang may kasalanan. Natatakot kasi ako sa surgery kaya tumakas ako. Nagmakaawa ako kay Hayden na itakas niya ako…”Mata
Paglabas ni Avery ng kwarto niya, sabay-sabay na nagtinginan sakanya ang lahat pero wala ni isa ang nagsalita.“Sobra ba yung nagawa ko kanina?” Naglakad si Avery papunta sa sala at umupo sa sofa. “Hindi ko dapat yun sinabi kay Shea.”“Wala kang kasalanan! Yung g*g*ng Elliot na yun ang sumugod dito. Alam kong gusto mong magpaliwanag pero anong ginawa niya? Pinatigil ka niya diba? Sa tingin ko nga masyado ka pang mabait eh! Kung ako yun, baka hindi lang si Shea ang nasabihan kong baliw! Baka sinumpa ko na ang buong angkan niya!” Pampalubag loob ni Mike. Medyo nagulat si Avery sa mga sinabi ni Mike.Pati si Laura ay hindi rin napigilang makisawsaw, “Avery, galit ka lang. Kung nagiisip talaga siya, alam niyang hindi mo yun sinasadya.”“Wala akong pakielam sa iisipin ni Elliot, ang inaalala ko ay baka damdamin yun ni Shea.” Huminga ng malalim si Avery at malungkot na napayuko. “Hindi naman galit sayo si Shea. Diba nga siya pa mismo ang nagsabing baliw siya.” Pagpapatuloy ni Mike.
“Oo Shea! Tita ka!” Kinikilig na sabi ng yaya ni Shea. “Pero sa tingin ko hindi pa alam ng kuya mo kasi hindi ko rin naman sigurado kung talaga bang anak ng kuya mo si Hayden.”“Eh parang ayaw niya naman kay kuya.” Malungkot na sagot ni Shea. “Eh kasi may girlfriend ang kuya mo! O siya, wag na nga nating pag’usapan ‘to! Baka may makarinig sa atin.”Hindi interesado si Shea sa mga kumplikadong bagay kaya muli niyang tinignan ang painting na binigay sakanya ni Hayden. Noong weekend ng linggong yun, pumunta sina Tammy at Avery sa mall para mag shopping. “Kapag nagging okay ang lahat, baka kina Jun ako mag celebrate ng New Year.” Halata sa boses ni Tammy na nininerbyos siya. “Nabalitan ko na pinagusapan daw ng mga daddy namin ang tungkol sa kasal namin.”“Oh, hindi ba magandang balita yun? Medyo matagal na din naman kayo, sa tingin ko tama lang na ikasal na kayo.” Nakangiting sagot ni Avery. “Pero ang bata bata pa namin! Gusto pa naming mag’enjoy!” Hinila ni tammy si Avery papu
Nagpatuloy si Avery sa pagbabasa ng magazine, na para bang wala siyang naririnig, hanggang sa may biglang umagaw nito sakanya.“Okay ka lang ba dito?” Hinila ni Tammy si Avery at naiinis na nagpatuloy, “Haay… pag minamalas nga naman! Dito pa tayo nakakita ng pangit.”Sinadya ni Tammy na lakasan ang boses niya para marinig ni Zoe.“Ano ka ba, mall ‘to kaya kahit sino pwedeng pumasok.” Sgaot ni Avery.“Kaya nga hindi na tayo babalik dito kahit kailan! Tara, umalis na nga tayo.” Hinila ni Tammy si Avery pero hindi pa man din sila nakakalayo ay pumiglas ito. “Bakit ba ang duwag mo?” Nagulat si Tammy sa sinabi ni Avery. ‘Kung hindi ka duwag, bakit tayo umalis? Natatakot ka kay Zoe? Eh di dapat siya ang umalis.’ Isip ni Avery.Kumuha si Tammy ng kahit anong damit na madampot niya at nagbayad sa cashier. Pagkatapos, muli niyang hinila si Avery.“Nakakaganda ba yung pagsswipe ng card ng ibang tao? Eew… para sa akin kasi sobrang nakakahiya yung wala ka naman palang pambili tapos asa ka