Padabog na binalibag ni Avery ang pintuan niya at naglock sa loob ng kwarto. Agad namang dinala ni Mike si Shea pabalik kay Elliot. “Hoy! Foster!” Gusto sanang ipagtanggol ni Mike si Avery. Pero tinignan siya ni Elliot ng may mga nanlilisik na mga mata. “Tumahimik ka.”Napalunok nalang si Mike. Hinawakan ni Elliot si Shea at lumabas na ang mga ito ng mansyon.Nang maramdaman ni Elliot na umaabon, pinatong niya ang jacket na suot niya sa ulo ni Shea. Pagkasakay nila sa sasakyan, nakatingin si Shea sa mansyon nila Avery. Sinuotan siya ni Elliot ng seatbelt at sinabi, “Shea, wag mo na silang tignan.”“Kuya… sorry…” Hindi na napigilan ni Shea na umiyak. “Shea, wala kang ginawang mali. Hindi galit sayo si kuya. Okay?” Pinunasan ni Elliot ang luha ng kapatid habang pinapatahan ito. Pero lalo lang itong umiyak, “Kuya, sasabihin ko na po ang totoo… Ako talaga ang may kasalanan. Natatakot kasi ako sa surgery kaya tumakas ako. Nagmakaawa ako kay Hayden na itakas niya ako…”Mata
Paglabas ni Avery ng kwarto niya, sabay-sabay na nagtinginan sakanya ang lahat pero wala ni isa ang nagsalita.“Sobra ba yung nagawa ko kanina?” Naglakad si Avery papunta sa sala at umupo sa sofa. “Hindi ko dapat yun sinabi kay Shea.”“Wala kang kasalanan! Yung g*g*ng Elliot na yun ang sumugod dito. Alam kong gusto mong magpaliwanag pero anong ginawa niya? Pinatigil ka niya diba? Sa tingin ko nga masyado ka pang mabait eh! Kung ako yun, baka hindi lang si Shea ang nasabihan kong baliw! Baka sinumpa ko na ang buong angkan niya!” Pampalubag loob ni Mike. Medyo nagulat si Avery sa mga sinabi ni Mike.Pati si Laura ay hindi rin napigilang makisawsaw, “Avery, galit ka lang. Kung nagiisip talaga siya, alam niyang hindi mo yun sinasadya.”“Wala akong pakielam sa iisipin ni Elliot, ang inaalala ko ay baka damdamin yun ni Shea.” Huminga ng malalim si Avery at malungkot na napayuko. “Hindi naman galit sayo si Shea. Diba nga siya pa mismo ang nagsabing baliw siya.” Pagpapatuloy ni Mike.
“Oo Shea! Tita ka!” Kinikilig na sabi ng yaya ni Shea. “Pero sa tingin ko hindi pa alam ng kuya mo kasi hindi ko rin naman sigurado kung talaga bang anak ng kuya mo si Hayden.”“Eh parang ayaw niya naman kay kuya.” Malungkot na sagot ni Shea. “Eh kasi may girlfriend ang kuya mo! O siya, wag na nga nating pag’usapan ‘to! Baka may makarinig sa atin.”Hindi interesado si Shea sa mga kumplikadong bagay kaya muli niyang tinignan ang painting na binigay sakanya ni Hayden. Noong weekend ng linggong yun, pumunta sina Tammy at Avery sa mall para mag shopping. “Kapag nagging okay ang lahat, baka kina Jun ako mag celebrate ng New Year.” Halata sa boses ni Tammy na nininerbyos siya. “Nabalitan ko na pinagusapan daw ng mga daddy namin ang tungkol sa kasal namin.”“Oh, hindi ba magandang balita yun? Medyo matagal na din naman kayo, sa tingin ko tama lang na ikasal na kayo.” Nakangiting sagot ni Avery. “Pero ang bata bata pa namin! Gusto pa naming mag’enjoy!” Hinila ni tammy si Avery papu
Nagpatuloy si Avery sa pagbabasa ng magazine, na para bang wala siyang naririnig, hanggang sa may biglang umagaw nito sakanya.“Okay ka lang ba dito?” Hinila ni Tammy si Avery at naiinis na nagpatuloy, “Haay… pag minamalas nga naman! Dito pa tayo nakakita ng pangit.”Sinadya ni Tammy na lakasan ang boses niya para marinig ni Zoe.“Ano ka ba, mall ‘to kaya kahit sino pwedeng pumasok.” Sgaot ni Avery.“Kaya nga hindi na tayo babalik dito kahit kailan! Tara, umalis na nga tayo.” Hinila ni Tammy si Avery pero hindi pa man din sila nakakalayo ay pumiglas ito. “Bakit ba ang duwag mo?” Nagulat si Tammy sa sinabi ni Avery. ‘Kung hindi ka duwag, bakit tayo umalis? Natatakot ka kay Zoe? Eh di dapat siya ang umalis.’ Isip ni Avery.Kumuha si Tammy ng kahit anong damit na madampot niya at nagbayad sa cashier. Pagkatapos, muli niyang hinila si Avery.“Nakakaganda ba yung pagsswipe ng card ng ibang tao? Eew… para sa akin kasi sobrang nakakahiya yung wala ka naman palang pambili tapos asa ka
“Basta ako masaya ako sa lahat ng mga naging ex ko kasi kaibigan ko pa rin sila!” Hindi alam ni Avery kung paano siya sasagot. “Avery, malay mo ikasal talaga sila. Balita ko gustong gusto daw ni Rosalie si Zoe. Isa pa, iniisip nga namin ni Jun na kapag naging successful ang sunod na surgery ni Shea next yearm baka talagang pakasalan na ni Elliot si Zoe.”“Sana maging masaya sila.” Kalmadong sagot ni Avery.“Alam mo, ang sinasabi ko lang naman ay kailangan mo na ring mag move on! Ang bata bata mo pa at kaya pa namang alagaan ng mommy mo ang kambal. At kapag nasa school sila, hindi mo naman sila kailangang bantayan kaya ienjoy mo ang buhay mo!” “Nag eenjoy naman ako ah!” Nakangiting sagot ni Avery. “Naawa ka ba sa akin? Pwede ba! Kailan pa naging ilegal ang pagiging single?”“Sa totoo lang, alam kong hindi ka masaya.” Biglang naging seryoso ang tono ng boses ni Tammy. “Itigil mo na ang pag ooverthink. Sa tingin ko Tammy masyado ka lang maraming oras kaya kung anu-ano ang mga n
Hindi namalayan ni Avery na napatulala na siya sa picture. Bakit ba sobrang apektado pa rin siya pagdating kay Elliot. Oo nasasaktan siya pero may balak ba siyang batiin ito? Wala.“Hoy Avery, ano bang iniisip mo jan? Inaaway ako ng mga anak mo oh! Tulungan mo kaya ako!” Lumapit si Mike kay Avery para hinalin ito at saka siya nagtago sa likuran nito.Dahil dun, biglang nahimasmasan si Avery. “Hayden, diba sabi mo gusto mong lumipat ng school. Ano ng desisyon mo?”Sobrang biglaan ng tanong ni Avery kaya natahimik ang lahat. “Mommy, magiging parehas na kami ng preschool ni Hayden?” Excited na tanong ni Layla. “Hindi na mag ppreschool si Hayden, sa elementary school na siya.” Paliwanag ni Avery at tumungo naman si Hayden bilang sagot. Kahit na mas naging okay na ang relasyon nila ni Shea nitong mga nakaraang araw, konektado pa rin ito kay Elliot at hindi nagbabago ang galit niya para kay Elliot kaya sa tingin niya ang pinaka magandang paraan para makaiwas siya rito ay ang uma
Kinabukasan, may isang package na dumating sa Starry River Villa. Ilagay ito ni Laura sa lamesa. Nang makita ng mga mata ang makapal na yelo sa labas, nagpumilit ang mga ito na mag’laro. Binuksan lang ni Laura ang pintuan para mabantayan niya pa rin ang mga ito.Hindi nagtagal ay lumabas si Aver, na nakasuot ng pajama, mula sakanyang kwarto. Sa sobrang lamig sa sala, napabalik siya sakanyang kwarto [ara kumuha ng coat. “Avery, may package ka nga pala jan sa lamesa.” Habang nagluluto, sumilip si Laura kay Avery.“Oh… wala naman akong inorder! Nang kunin ni Avery ang package, pinakiramdaman niya ito. “Anong laman nito?”“Parang sweater eh kasi ang lambot.” Sagot ni Laura. Palagay niya rin ay sweater nga ang laman ng package.. Kumuha siya ng gunting para mabuksa ito. Hindi siya pwedeng magkamali… yun ang… sweater na binigay niya noon kay Elliot… at ngayong binabalik na nito ito, simbolo na ba ‘to na tapos na talaga ang lahat sakanila?Gusto sanang itapon ni Avery ang sweate
Kinuha ni Avery ang phone mula kay Layla at nang makita niya ang pangalan ni Wesley sa screen, hindi siya nagdalawnag isip na sagutin ito. “Avery, Happy New Year!” Masayang bati ni Wesley mula sa kabilang linya.Natawa si Avery, “Happy New Year’s Eve, Wesley! Bukas na ako mag lolong message sayo.”“Hahaha! Ikaw talaga! Nag dinner na ba kayo? Mamaya pa sana kita tatawagan, pero may maganda kasi akong balita at hindi na ako makapag pigil.” Huminto ng sandali si Wesley bago ito magpatuloy, “Nakakaupo na raw si Eric. Mukhang maganda ang naging recovery niya.“Edi maganda kung ganun!” Masayang sagot ni Avery. “Avery, gusto kang pasalamatan ni Eric at ng pamilya niya. Ang sabi nila gusto ka raw nilang bisitahn.” “Hindi na kailangan. Ako nalang ang pupunta sakanya. Sa ngayon, kailangan niya munang mag focus sakanyang rehab.”“Gusto ka nilang bayaran… Tinatanong nila ako kung magkano daw, ang sabi ko ikaw na ang makikipag-usap sakanila.”Hindi kaagad nakasagot si Avery. “Tinutulung