Kabanata 285
Padabog na binalibag ni Avery ang pintuan niya at naglock sa loob ng kwarto.

Agad namang dinala ni Mike si Shea pabalik kay Elliot.

“Hoy! Foster!” Gusto sanang ipagtanggol ni Mike si Avery.

Pero tinignan siya ni Elliot ng may mga nanlilisik na mga mata. “Tumahimik ka.”

Napalunok nalang si Mike. Hinawakan ni Elliot si Shea at lumabas na ang mga ito ng mansyon.

Nang maramdaman ni Elliot na umaabon, pinatong niya ang jacket na suot niya sa ulo ni Shea.

Pagkasakay nila sa sasakyan, nakatingin si Shea sa mansyon nila Avery.

Sinuotan siya ni Elliot ng seatbelt at sinabi, “Shea, wag mo na silang tignan.”

“Kuya… sorry…” Hindi na napigilan ni Shea na umiyak.

“Shea, wala kang ginawang mali. Hindi galit sayo si kuya. Okay?” Pinunasan ni Elliot ang luha ng kapatid habang pinapatahan ito.

Pero lalo lang itong umiyak, “Kuya, sasabihin ko na po ang totoo… Ako talaga ang may kasalanan. Natatakot kasi ako sa surgery kaya tumakas ako. Nagmakaawa ako kay Hayden na itakas niya ako…”

Mata
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP