Kabanata 1057
Matangkad ang lalaki at mukhang masiyahin. Malamang ang lalaking yun ay si Adrian.

Hinawakan ni Avery ang kamay ni Adrian at naglakad palapit kay Elliot.

“Adrian, ito ang kuya mo, si Elliot.” Sabi ni Avery kay Adrian.

Nang makita ni Adrian na nakakunot ang noo ni Elliot, medyo natakot siya, “Hello, Ku—”

“Wag mong ituloy! Hindi mo ako kuya!” Sabay tingin ng masama kay Avery, “Mag usap tayo sa taas!”

Alam ni Avery na magagalit si Elliot sa pagdala niya kay Adrian ng walang pasabi.

“Wag kang matakot, mukha lang siyang nakakatakot, pero mabait siya.” Pagkalma ni Avery kay Adrian bago siya umakyat.

“Makinig ka muna sa akin, Elliot.” Lumapit si Avery kay Elliot at sinubukan niyang magpaliwanag. “Pinag isipan ko ‘tong mabuti. Dito ang pinaka ligtas na lugar kung saan pwedeng magtago si Adrian dahil walang pwedeng makapasok dito, diba?”

Nagulat si Elliot.

“Alam kong ayaw mo sakanya, pero kapag pumayag kang tumira siya dito, pwede kang tumira sa bahay ko.” Mukhang sobrang pinag
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP