Matangkad ang lalaki at mukhang masiyahin. Malamang ang lalaking yun ay si Adrian. Hinawakan ni Avery ang kamay ni Adrian at naglakad palapit kay Elliot. “Adrian, ito ang kuya mo, si Elliot.” Sabi ni Avery kay Adrian. Nang makita ni Adrian na nakakunot ang noo ni Elliot, medyo natakot siya, “Hello, Ku—”“Wag mong ituloy! Hindi mo ako kuya!” Sabay tingin ng masama kay Avery, “Mag usap tayo sa taas!” Alam ni Avery na magagalit si Elliot sa pagdala niya kay Adrian ng walang pasabi. “Wag kang matakot, mukha lang siyang nakakatakot, pero mabait siya.” Pagkalma ni Avery kay Adrian bago siya umakyat. “Makinig ka muna sa akin, Elliot.” Lumapit si Avery kay Elliot at sinubukan niyang magpaliwanag. “Pinag isipan ko ‘tong mabuti. Dito ang pinaka ligtas na lugar kung saan pwedeng magtago si Adrian dahil walang pwedeng makapasok dito, diba?” Nagulat si Elliot.“Alam kong ayaw mo sakanya, pero kapag pumayag kang tumira siya dito, pwede kang tumira sa bahay ko.” Mukhang sobrang pinag
Sobrang nakaka pangilabot! Wala siyang ideya tungkol sa bagay na ito. Hindi siya sigurado kung alam ng Mommy niya ang tungkol dito. ‘Ano kayang mararamdaman niya sa oras na malaman niya na ang paborito niyanng anak ay hindi niya pala tunay na anak?’ Sa pagkakaalala niya, may sakit si Elliot noon, at pagkalipas ng ilang taon, umuwi nalang ito ng magaling na. Hindi kaya ipinalit nila ang totoong Elliot noong mga panahon na yun? Ibig sabihin… alam ni Elliot ang tungkol dito?Pero mukhang wala itong planong maglantad at gusto talaga nitong panindigan ang pagiging ‘Elliot Foster’. ‘Aha! Sinasabi ko na nga ba! Ginagamit niya lang ang mga Foster!’‘Hindi ko maiisip kung gaano kalaking kasiraan para kay Elliot sa oras na malaman ng lahat na nagpapanggap lang siya!’Pero kung ilalantad niya ito, pati siya ay madadamay din kaya ang pwede niyang gawin ngayon ay hayaan itong magpanggap na ‘Elliot’ at gamitin yun upang mahawakan ito sa leeg! Pag uwi ni Henry, plinano niya kaagad
“Nagugutom ka na ba, Adrian?” Kumuha si Mrs. Scarlet ng saging at ibinigay kay Adrian. “Ito oh, kumain ka muna. Wag kang matakot, hindi ka naman papaalisin ni Master Elliot n=kahit na galit siya.” Kinuha ni Adrian ang saging at takot na takot na sumagot, “Nakakatakot siya. Masama rin ba siya kay Avery?” Natawa si Mrs. Scarlet. “Hindi ah. Kaya nga sila ikakasal eh.” Yumuko si Adrian at kinain ang saging. “Diba sabi sayo ni Avery na tawagin mo siyang kuya, kaya mamaya tawagin mo siyang kuha ha.” Gusto ring tulungan ni Mrs. Scarlet na magkaayos sina Adrian at Elliot.“Ayaw niya naman eh.” “Subukan mo lang. Naniniwala ako na matatanggap ka rin niya at magiging sobrang bait siya sayo.” Sige na, kainin mo na yan. Lilinisin ko lang ang kwarto mo.” Pagkaalis ni Mrs. Scarlet, tinignan ni Adrian ang paligid niya. Inisip niya kung doon na ba siya titira. Noong gabing yun, inempake ni Avery ang mga gamit ni Elliot para doon muna ito sa bahay niya tumuloy Sigurado siya na hindi
Nagulat si Hayden sa naging sagot ni Avery. Kahit na matalino siyang bata, may mga bagay pa rin siyang hindi maintindihan at isa dun ang tungkol sa pagmamahal. Pero dahil sinabi na ng Mommy niya na mahal talaga nito si Elliot, ano pa nga bang magagawa niya, diba?“Okay, sige!” Sigaw ni Hayden, sabay tingin kay Elliot, bago siya tumakbo sa loob ng kwarto niya. Doon lang napansin ni Avery sina Elliot at Layla. “Hindi mo ba siya nabigla?” Nahihiyang tanong ni Elliot, “Ang ibig kong sabihin… hindi kaya lalong lumayo ang loob niya sa akin?”Aminado naman si Avery na nabigla niya rin talaga si Hayden pero doon din naman sila pupunta kaya mas minabuti niya ng ipaliwanag dito hanggang maaga.“Baka nga nabigla ko siya… Pero para sa akin, mas mabuti ng nakakausap natin siya ng paisa-isa, kaysa naman yung magugulat nalang siya sa mga desisyon natin.”“Daddy, pwede mo ba akong ibaba? Kakausapin ko lang si Hayden.” Hindi naman tumanggi si Elliot at ibinaba si Layla. “Mamaya na sigur
"Ahh!" Napakunot-noo si Layla dahil sa mga kalokohan nilang lovey-dovey. Binitawan niya ang kamay ni Avery at sabay takbo pababa.Alas nuwebe ng gabing iyon, lumabas si Avery sa kwarto ng mga bata at bumalik sa master bedroom.Napatingin si Elliot sa kanya habang karga si Robert. "Paano nangyari?""I apologized to him and told him to do his best without letting it get to his head. Ang sabi lang niya, 'Okay'." Isang ngiti ang pinakawalan ni Avery. "Hindi siya galit gaya ng inaakala ko.""Mabuting bagay iyan." Nakahinga ng maluwag si Elliot. "Let Robert sleep with us tonight! Gusto kong maranasan kung paano matulog kasama ang isang bata sa gabi."Bata pa si Robert at kamukha niya, kaya parang may hawak siyang miniature version ng sarili niya nang buhatin niya si Robert.Ang kanyang pag-ibig bilang ama ay umusbong sa kanyang puso.Gusto niyang dalhin ang sanggol sa kanyang mga kamay sa lahat ng oras, sa halip na sa gabi lamang."Sigurado ka ba?" Tinaas ni Avery ang kanyang kilay.
Binuksan ito ni Avery at nakitang naglalaman ito ng magandang pulang damit.Ito ay ang damit pang- tanggapan.Ngumiti si Mrs. Cooper at sinabing, "Akala ko ito ang damit- pangkasal!""Ang damit pangkasal ay hindi gagawin nang mabilis." Inilabas ni Avery ang damit at inilagay sa katawan niya. "Susubukan ko.""Dapat. May oras pa para gumawa ng mga pagbabago kung hindi ito akma," sabi ni Mrs. Cooper. "Hindi mo ba naisip na mabilis lang lumipas ang oras? Dalawang linggo na lang ikakasal ka na."Ngumiti si Avery at sinabing, "Pakiramdam ko, bumagal talaga ang oras! I was hoping na pakasalan siya ng mas maaga.""Hahaha! Malaki na ang improve ng relasyon mo sa kanya simula nung lumipat siya.""Yeah. Iyon lang ang nagpapakita kung gaano kahalaga ang pakikipag- usap." Kinuha ni Avery ang damit at naglakad patungo sa kwarto.Malamang na napakasakit para sa kanila noong Memorial Day, kaya naman lalo pa nilang pinahahalagahan ang isa't isa simula noong araw na iyon.Alas diyes ng umaga, m
Ang tanong na iyon ay nagulat kay Henry!Hindi niya pinansin ang isang napakahalagang tanong.Kung peke ang Elliot na iyon, nasaan ang totoong Elliot?!Hangga't maaari nilang mahanap ang tunay na Elliot, magiging madali para sa kanila na harapin ang pekeng isa!"Maaari tayong gumastos ng kaunting pera upang malaman ang higit pa tungkol sa lalaking iyon," sabi ni Cole. "Maraming katulong sa bahay ni Elliot at kailangan lang nating suhulan ang isa sa kanila.""Ipaubaya ko na sayo yan. Makikipagkita ako kay Nathan.""Bakit kailangan mo pa siyang makilala?""Makakabuti sa atin kung kakampi natin siya," sabi ni Henry. "Masyadong makapangyarihan si Elliot. Mas malaki ang tsansa nating manalo kung may ibang tao na tutulong sa atin.""Bakit siya sasali sa amin kung siya ang biological father ni Elliot?""Nakalimutan mo bang may humiling akong bumugbog sa kanya ilang araw na ang nakakaraan? Ipinasabi ko sa kanila na ginawa ito sa utos ni Elliot, kaya malamang galit na galit siya kay El
Nang gabing iyon sa Central University, dumating si Avery para sunduin si Hayden mula sa paaralan.Nagkaroon siya ng isang mahalagang pagsusulit kaninang umaga, at umaasa siya na hindi niya gagawing ganoon kalaki ang kanyang resulta at tanggapin ito nang mahinahon kahit na nakuha niya ang unang pwesto."Kumusta ka sa pagsusulit, Hayden?" Sabay na lumabas ng classroom sina Daniel at Hayden.Bukod sa pagiging best buddies, sila rin ang top scorers sa klase.Si Hayden ay nasiyahan sa kanyang mga pagsisikap ngunit sumagot sa medyo katamtamang paraan, " Abangan natin ang score bukas!""Okay! Maganda yata ang ginawa ko." Nagtaas ng kilay si Daniel. " Alam kong gusto mo ring pumunta, kaya kung tatanungin mo nang mabuti, maaari kong isaalang- alang na ibigay ang aking puwesto sa iyo. Pero baka hindi pumayag ang tatay ko."" Aasa ako sa aking kakayahang makuha ang puwesto. I don't need you to give it to me."" Pero hindi ka kasing galing ko! Baka maging mabuting magkaibigan tayo, pero yun