Kabanata 1053
Nanginginig si Elliot sa sobrang ginaw.

“Elliot, sa susunod, pwede bang wag mo ng pahirapan ulit ang sarili mo?” Hindi na mabilang ni Avery ang pagkakataon na sinabotahe ni Elliot ang sarili nito. “Ikaw man o ako ang may kasalanan, wag mo ng uulitin ‘to.”

Sobrang lalim ng bawat paghinga ni Elliot.

Kaya lalong nag alala si Avery na baka lumala lang ang lagnat nito kung hindi ito makakainom kaagad ng gamot.

“Elliot, kukuha langa ko ng gamot.” Sinubukan ni Avery na itulak palayo si Elliot, pero hindi ito pumapayag.

“Elliot, gusto mo bang mamatay?”

Ayaw naman sanang sumigaw ni Avery, pero kailangan niya talagang ikuha ito ng gamot.

Medyo niluwagan ni Elliot ang pagkakayakap kay Avery, pero hindi niya pa rin ito binitawatawan kaya umupo si Avery.

“...Mhm.. gusto ko ng mamatay.”

Gising si Elliot, pero nagdidiliryo ito sa sobrang taas ng lagnat nito.

“Hindi kita pwedeng hayaang mamatay!” Naiinis na sagot ni Avery. “Kapag namatay ka, paano nalang kami ng mga bata?”

“Ipapaman
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP