Oo nga no… Paano nga magiging anak ni Nathan ang uncle ko? Ay Elliot pala…” Tinignang maigi ni Cole ang picture. Medyo malabo ito dahil screenshot lang ito mula sa surveillance footage noong nakipag kita ito kay Henry. “Dad, hindi mo ba napansin na parang kahawig ni Elliot si Nathan?” Binigay ni Cole ang picture ni Nathan kay Henry. “Hindi naman talaga sila magkamukha, pero may hawig sila kung titignan mong mabuti.”Tinitigan ni Henry ang picture ni Nathan at natigilan siya. Hindi niya nakita ang pagkakahawig nito kay Elliot noon, pero ngayong sinabi ito ni Cole, kitang kita niya nga! “Diba ang sabi ni Nathan ay may magaling siyang anak na kilala sa Aryadelle? Isa pa, tugmang tugma kay Elliot ang lahat ng mga niyayabang niya! Nagtatakang sabi ni Cole. “Tignan mo, sa lahat ng nan diyan, si Elliot lang ang may hawig sakanya.”Hindi makapaniwala si Henry sa napansin ni Cole. Kahit kailan, walang narinig na tsismis si Henry na hindi isang Foster si Elliot. Isa pa, mahal na maha
Alam ni Avery na hindi pa natutulog si Elliot. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kama, at ang iniisip niya ay kapag hindi ito nagsalita ay hahayaan niya lang ito at matutulog nalang siya sa tabi nito. Pero pagkaupong-pagkaupo niya palang ay halatang galit na galit itong nagsalita, “Lumabas ka!” “Ayoko.” Nagpatuloy si Avery sa paghiga. Pagkatapos, bigla niyang niayakap si Avery. Hindi yun inaasahan ni Elliot, kaya biglang nanigas ang kanyang buong katawan. “Elliot, sorry na. Alam ko naman na nagkamali ako.” Hinalikan ni Avery ang batok ni Elliot at malambing na nagpatuloy, “Nakita ko yung light show at yung singsing…” Kumalma na si Elliot kanina, pero nang marinig niya ang sinabi ni Avery, nainis nanaman siya. “Bitawan mo nga ako!” Nagulat si Avery noong una, pero muli niyang niyakao ng mahigpit si Elliot. “Elliot, alam ko namang mahal mo ako, at mahal na mahal din kita. Mula umpisa, ikaw lang ang taong minahal ko. Kung alam ko lang na magpopropose ka pala kanina,
Nanginginig si Elliot sa sobrang ginaw. “Elliot, sa susunod, pwede bang wag mo ng pahirapan ulit ang sarili mo?” Hindi na mabilang ni Avery ang pagkakataon na sinabotahe ni Elliot ang sarili nito. “Ikaw man o ako ang may kasalanan, wag mo ng uulitin ‘to.”Sobrang lalim ng bawat paghinga ni Elliot. Kaya lalong nag alala si Avery na baka lumala lang ang lagnat nito kung hindi ito makakainom kaagad ng gamot. “Elliot, kukuha langa ko ng gamot.” Sinubukan ni Avery na itulak palayo si Elliot, pero hindi ito pumapayag.“Elliot, gusto mo bang mamatay?”Ayaw naman sanang sumigaw ni Avery, pero kailangan niya talagang ikuha ito ng gamot. Medyo niluwagan ni Elliot ang pagkakayakap kay Avery, pero hindi niya pa rin ito binitawatawan kaya umupo si Avery. “...Mhm.. gusto ko ng mamatay.” Gising si Elliot, pero nagdidiliryo ito sa sobrang taas ng lagnat nito. “Hindi kita pwedeng hayaang mamatay!” Naiinis na sagot ni Avery. “Kapag namatay ka, paano nalang kami ng mga bata?” “Ipapaman
Ang buong akala ng bodyguard ay nagkamali lang ito ng dinig. “Asawa? Sinong asawa mo?” Nagtatakang tanong ng bodyguard. Rinig na rinig ni Elliot ang boses nito mula sa kabilang linya. “Sino pa ba bukod kay Elliot? Ikakasal na rin naman kami.”“Oh! Hindi pa kayo kasal pero asawa na ang tawag mo sakanya?” Tukso ng bodyguard. “Sige, alagaan mo na sya. Ako ng bahala kay Adrian.” Kung wala lang siguro si Elliot sa tabi niya, baka nakiusap siya sa bodyguard na makausap si Adrian kahit sandali. Tumingin si Avery kay Elliot, pero bigla itong tumalikod sakanya. Kaya inilapag niya ang kanyang phone sa side table, at niyakap ito. “Kamusta na ang pakiramdam mo?” Malambing na tanong ni Avery, sabay kapa sa noo ni Elliot.Bigla nanamang naalala ni Elliot ang nangyari kahapon, kaya inalis niya ang kamay ni Avery. “Sorry na nga, diba? Alam ko naman na nagkamali ako.” Niyakap ni Avery ng mas mahigpit si Elliot at malambing na nagtanong. “Nagugutom ka ba? Ikukuha kita ng pagkain.”“Ba
“Nahanap mo ba si Shea?”“Sige, kung ayaw mong patayin ko si Adrian, ang pamilya niya nalang.” Hindi nakasagot si Avery. Bakit kailangan niyang pumatay? “Mataas pa rin ang lagnat mo kaya magpahinga ka muna. Wag ka na masyadong mag alala sakanya. Ibibilin ko sa bodyguard na bantayan siya ng maigi para hindi makalapit sakanya si Nathan. Pag usapan nalang ulit natin ‘to kapag magaling ka na.” “Hindi matatapos ang problema, kung tatakbuhan natin ‘to palagi, Avery. Hindi kami pwedeng sabay na mabuhay.” “Bakit? Wala namang gagawing masama sayo si Adrian. Wala siyang pinagkaiba kay Shea—mas mahina pa nga sila kaysa sa mga ordinaryong tao. Kaya mo bang patayin si Shea?” Hindi maintindihan ni Avery si Elliot. “Patay na si Shea kaya wag na natin siyang idamay sa usapan.” Galit na sagot ni Elliot.“Anong ginawang masama sayo ni Adrian? Bakit hindi mo nalang siya hayaang mabuhay?” Alam mi Avery na hahraapin at haharapin nila nio Elliot ang problemang ‘to, pero hindi niya inasahan na
Sa ospital, sobrang lungkot ni Adrian na hindi siya binisita ni Avery.Sinubukan siyang aliwin ng bodyguard gamit ang mga mobile game, pero nakatulala lang siya. Hindi nagtagal, biglang nagbukas ang pintuan at pumasok si Avery. Hindi makapaniwala si Adrian dahil ang sinabi sakanya kanina ng bodyguard ay hindi ito makakapunta! “Kamusta ka na, Adrian?” Tanong ni Avery habang nalalakad papalapit sakanya. Dali-dali namang tumayo ang bodyguard. “Miss Tate? Akala ko ba, aalagaan mo ang asawa mo ngayon?” Nahihiyang tanong ng bodyguard. “Bakit ka nandito? Okay na ba ang asawa mo? O nag away kayo?” “Ang dami mo naman masyadong tanong.” Hindi maintindihan ni Avery kung bakit napapalibutan siya ng mga sobrang tsismosong tao kagaya nalang ng bodyguard niya at ni Mike! Siguro dahil mahaba ang pasensya niya? Hinawakan ni Adrian ang kamay niya at masayang sinabi, “Mas mabuti na ang pakiramdam ko. Gusto ko ng umalis!” “Sigurado ka?” Tinignan ni Avery ang swero ni Adrian at hindi pa
Matangkad ang lalaki at mukhang masiyahin. Malamang ang lalaking yun ay si Adrian. Hinawakan ni Avery ang kamay ni Adrian at naglakad palapit kay Elliot. “Adrian, ito ang kuya mo, si Elliot.” Sabi ni Avery kay Adrian. Nang makita ni Adrian na nakakunot ang noo ni Elliot, medyo natakot siya, “Hello, Ku—”“Wag mong ituloy! Hindi mo ako kuya!” Sabay tingin ng masama kay Avery, “Mag usap tayo sa taas!” Alam ni Avery na magagalit si Elliot sa pagdala niya kay Adrian ng walang pasabi. “Wag kang matakot, mukha lang siyang nakakatakot, pero mabait siya.” Pagkalma ni Avery kay Adrian bago siya umakyat. “Makinig ka muna sa akin, Elliot.” Lumapit si Avery kay Elliot at sinubukan niyang magpaliwanag. “Pinag isipan ko ‘tong mabuti. Dito ang pinaka ligtas na lugar kung saan pwedeng magtago si Adrian dahil walang pwedeng makapasok dito, diba?” Nagulat si Elliot.“Alam kong ayaw mo sakanya, pero kapag pumayag kang tumira siya dito, pwede kang tumira sa bahay ko.” Mukhang sobrang pinag
Sobrang nakaka pangilabot! Wala siyang ideya tungkol sa bagay na ito. Hindi siya sigurado kung alam ng Mommy niya ang tungkol dito. ‘Ano kayang mararamdaman niya sa oras na malaman niya na ang paborito niyanng anak ay hindi niya pala tunay na anak?’ Sa pagkakaalala niya, may sakit si Elliot noon, at pagkalipas ng ilang taon, umuwi nalang ito ng magaling na. Hindi kaya ipinalit nila ang totoong Elliot noong mga panahon na yun? Ibig sabihin… alam ni Elliot ang tungkol dito?Pero mukhang wala itong planong maglantad at gusto talaga nitong panindigan ang pagiging ‘Elliot Foster’. ‘Aha! Sinasabi ko na nga ba! Ginagamit niya lang ang mga Foster!’‘Hindi ko maiisip kung gaano kalaking kasiraan para kay Elliot sa oras na malaman ng lahat na nagpapanggap lang siya!’Pero kung ilalantad niya ito, pati siya ay madadamay din kaya ang pwede niyang gawin ngayon ay hayaan itong magpanggap na ‘Elliot’ at gamitin yun upang mahawakan ito sa leeg! Pag uwi ni Henry, plinano niya kaagad