Kabanata 1048
“Nasaan ang regalo ko?”

Mahina lang ang boses ni Elliot, pero natakot si Avery.

“Bakit ka nagsinungaling sa akin?”

Hindi naman masama ang loob niya na inasikaso nito si Adrian sa ospital, nasaktan lang siya na kinailabngan pa nitong magsinungaling sakanya.

“Sorry, Elliot.” Huminga ng malalim si Avery at muli, sinubukan niyang hawakan si Elliot. “Pumasok na tayo. Baka magkasakit ka.”

Pero hinawi ulit ni Elliot ang kamay ni Avery.

“Nasaan yung lalaking yun? Bakit ka pa pumunta dito? Mas kailangan ka niya diba? Dun ka nalang!”

“Hinintay ko lang siya na makatulog.” Takot na takot si Avery habang nagpapaliwanag kay Elliot. “Uminom siya ng isang bote ng antihypertensive drugs. Muntik na siyang mamatay. Kung hindi ako dumating, baka natuluyan na siya.”

“Mas maganda nga kung natuluyan siya eh!” Galit na galit si Elliot noong oras na yun kaya hindi niya na nabantayan ang mga nasabi niya. “Gusto mo, ako pa ang pumatay sakanya eh!”

“Elliot!” Sigaw ni Avery. “Alam kong galit ka! A
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP