Bakit naka off ang phone ni Avery? Nadeadbatt ba siya?Ang sabi niya kukunin niya lang ang regalo na binili niya para sa akin? Magdadalawang oras na, bakit hindi pa rin siya bumabalik?Noong hindi talaga makontak ni Elliot si Avery, sinubukan niyang tawagan ang bodyguard nito. Sumagot naman ito kaagad. “Hindi ko po narinig na nag ring ang phone ni Miss Tate! Nandito po kami sa ospital ngayon, pero wag po kayong mag alala kasi wala naman siyang sakit. May pasyente lang siya na inadmit.” “Sino?” Nagtatakang tanong ni Elliot. Hindi alam ng bodyguard kung paano siya sasagot. “Hindi ko po pwedeng sabihin, pero lalaki.”“Kahit na hindi mo sabihin sa akin, malalaman at malalaman ko rin kung sino yan.” Naiinis na sagot ni Elliot. “Sino?” Napalunok ang bodyguard sa sobrang takot at pautal-utal na sumagot, “Ti..tinawag niyang A-Adrian White yung pasyente.” Nang marinig ni Elliot ang pangalan ni Adrian, biglang nagbago ang mood niya. Kinancel ni Avery ang date nila para puntahan si
Binitawan siya ni Adrian pero walang tigil pa rin ito sa pag iyak. Dahil dun, sobrang naawa si Avery kaya kinuha niya ang kanyang bag para sana tawagan si Elliot.Noong bubuksan niya na ito, doon niya lang nalaman na na-deadbatt na pala siya. “Pahiram ako ng phone mo.” Sabi ni Avery sa bodyguard. Agad-agad namang inunlock ng bodyguiard ang phone nito at dinial ang number ni Elliot. Iniisip niya kung paano niya maipapaliwanag kay Elliot ang nangyari. Alam niyang masasaktan ito kapag hindi siya dumating sa date nila, pero ayaw niya rin namang mag sinungaling dito. Nag ring lang ng nag ring ang phone ni Elliot, pero hindi ito sumagot, kaya binalik niya ito kaagad sa bodyguard. “Pwede ka bang manghiram ng charger sa nurse? Na deadbatt kasi ang phone ko.” “Sige.” Pagkaalis ng bodyguard, ngumiti si Avery kay Adrian, “Hindi kita iiwanan hanggang sa bumuti ang pakiramdam mo. Sige, magpahinga ka muna. Nandito langa ko.” Once Adrian was asleep, she would immediately go to look f
“Nasaan ang regalo ko?” Mahina lang ang boses ni Elliot, pero natakot si Avery. “Bakit ka nagsinungaling sa akin?” Hindi naman masama ang loob niya na inasikaso nito si Adrian sa ospital, nasaktan lang siya na kinailabngan pa nitong magsinungaling sakanya. “Sorry, Elliot.” Huminga ng malalim si Avery at muli, sinubukan niyang hawakan si Elliot. “Pumasok na tayo. Baka magkasakit ka.”Pero hinawi ulit ni Elliot ang kamay ni Avery. “Nasaan yung lalaking yun? Bakit ka pa pumunta dito? Mas kailangan ka niya diba? Dun ka nalang!” “Hinintay ko lang siya na makatulog.” Takot na takot si Avery habang nagpapaliwanag kay Elliot. “Uminom siya ng isang bote ng antihypertensive drugs. Muntik na siyang mamatay. Kung hindi ako dumating, baka natuluyan na siya.” “Mas maganda nga kung natuluyan siya eh!” Galit na galit si Elliot noong oras na yun kaya hindi niya na nabantayan ang mga nasabi niya. “Gusto mo, ako pa ang pumatay sakanya eh!” “Elliot!” Sigaw ni Avery. “Alam kong galit ka! A
“Ayokong pumasok. Dito lang ako. Maghihintay ako kung gaano siya katagal na naghintay sa akin.” Humahagulgol na sagot ni Avery. Nakita ng server kung gaano kapayat si Avery kaya dali-dali siyang nagpatawag ng mga mag seset up ng payong para hindi ito magkasakit. Pagkatapos, nagpakuha rin siya ng makapal na kumot at ipinatong sa balikat ni Avery. “Miss Tate, nakapag sabi na po ako sa loob na iserve sainyo ang pagkain. Sa tingin ko, mas magandang puntahan mo kaagad si Mr. Foster pagkatapos mong kumain, kaysa maghintay ka dito sa wala.” Hindi nagtagal, dumating ang mga pagkain. Nang makita niya ang mga pagkaing hinanda ni Elliot, lalo niuya itong naintindihan. Ang buong akala niya ay ordinaryong date lang talaga ang gagawin nila, pero hindi pala! May pa light show, pa performance, at sobrang sasarap na pagkain, paano naging ordinaryong date lang ito? “Miss Tate, buksan niyo po.” Tinuro ng server ang pang limang course. Tumambad kay Avery ang isang dessert na hugis lily. Sa
Medyo nag alangan si Mrs. Scarlet noong una, pero bandang huli ay binigay niya rin ang susi kay Avery. Kung hindi lang ikakasal ang dalawa, hinding hindi siya makikielam dahil bilang katulong ni Elliot, wala siya sa lugar para gawin yun. Kapag nalintikan siya, siguradong hindi magdadalawang isip si Elliot na tanggalin siya sa trabaho! Pero para kay Avery, na magiging misis nito, kampante siya. Pagkabigay ni Mrs. Scarlet ng susi kay Avery, nag aalala niyang sinabi, “Avery, maligo ka kaya muna? Baka magkasakit ka. Ikukuha kita ng damit.” Pero parang walang narinig si Avery. Nakatitig lang siya sa pintuan ni Elliot sa second floor at hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito sa oras na bigla siyang pumasok sa kwarto nito. Kasalukuyan pa ring nasa bahay na nirerentahan nina Henry at Cole ang dalawa matapos bilhin ni Nathan ang property na tinitignan nila. Ilang araw ng nag hahanap si Cole ng malilipatan, pero wala siyang nagugustuhan. Si Henry naman ay walang inte
Oo nga no… Paano nga magiging anak ni Nathan ang uncle ko? Ay Elliot pala…” Tinignang maigi ni Cole ang picture. Medyo malabo ito dahil screenshot lang ito mula sa surveillance footage noong nakipag kita ito kay Henry. “Dad, hindi mo ba napansin na parang kahawig ni Elliot si Nathan?” Binigay ni Cole ang picture ni Nathan kay Henry. “Hindi naman talaga sila magkamukha, pero may hawig sila kung titignan mong mabuti.”Tinitigan ni Henry ang picture ni Nathan at natigilan siya. Hindi niya nakita ang pagkakahawig nito kay Elliot noon, pero ngayong sinabi ito ni Cole, kitang kita niya nga! “Diba ang sabi ni Nathan ay may magaling siyang anak na kilala sa Aryadelle? Isa pa, tugmang tugma kay Elliot ang lahat ng mga niyayabang niya! Nagtatakang sabi ni Cole. “Tignan mo, sa lahat ng nan diyan, si Elliot lang ang may hawig sakanya.”Hindi makapaniwala si Henry sa napansin ni Cole. Kahit kailan, walang narinig na tsismis si Henry na hindi isang Foster si Elliot. Isa pa, mahal na maha
Alam ni Avery na hindi pa natutulog si Elliot. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kama, at ang iniisip niya ay kapag hindi ito nagsalita ay hahayaan niya lang ito at matutulog nalang siya sa tabi nito. Pero pagkaupong-pagkaupo niya palang ay halatang galit na galit itong nagsalita, “Lumabas ka!” “Ayoko.” Nagpatuloy si Avery sa paghiga. Pagkatapos, bigla niyang niayakap si Avery. Hindi yun inaasahan ni Elliot, kaya biglang nanigas ang kanyang buong katawan. “Elliot, sorry na. Alam ko naman na nagkamali ako.” Hinalikan ni Avery ang batok ni Elliot at malambing na nagpatuloy, “Nakita ko yung light show at yung singsing…” Kumalma na si Elliot kanina, pero nang marinig niya ang sinabi ni Avery, nainis nanaman siya. “Bitawan mo nga ako!” Nagulat si Avery noong una, pero muli niyang niyakao ng mahigpit si Elliot. “Elliot, alam ko namang mahal mo ako, at mahal na mahal din kita. Mula umpisa, ikaw lang ang taong minahal ko. Kung alam ko lang na magpopropose ka pala kanina,
Nanginginig si Elliot sa sobrang ginaw. “Elliot, sa susunod, pwede bang wag mo ng pahirapan ulit ang sarili mo?” Hindi na mabilang ni Avery ang pagkakataon na sinabotahe ni Elliot ang sarili nito. “Ikaw man o ako ang may kasalanan, wag mo ng uulitin ‘to.”Sobrang lalim ng bawat paghinga ni Elliot. Kaya lalong nag alala si Avery na baka lumala lang ang lagnat nito kung hindi ito makakainom kaagad ng gamot. “Elliot, kukuha langa ko ng gamot.” Sinubukan ni Avery na itulak palayo si Elliot, pero hindi ito pumapayag.“Elliot, gusto mo bang mamatay?”Ayaw naman sanang sumigaw ni Avery, pero kailangan niya talagang ikuha ito ng gamot. Medyo niluwagan ni Elliot ang pagkakayakap kay Avery, pero hindi niya pa rin ito binitawatawan kaya umupo si Avery. “...Mhm.. gusto ko ng mamatay.” Gising si Elliot, pero nagdidiliryo ito sa sobrang taas ng lagnat nito. “Hindi kita pwedeng hayaang mamatay!” Naiinis na sagot ni Avery. “Kapag namatay ka, paano nalang kami ng mga bata?” “Ipapaman