Makalipas ang isang oras nang tuluyang lumabas mula sa valley si Gerald. Si Gerald ay nakalabas ng buhay dahil ang suot niyang trench coat ay sadyang idinisenyo para protektahan siya mula sa mga lamok doon. Habang mabilis niyang isinuot ang ilang ordinaryong damit, naalala niya ang huling miserableng mga sandali ni Jett nang mabagal siyang namatay ilang minuto lang ang nakalipas. Ang kanyang paghihiganti niya ay nakatulong para makaramdam ng kasiyahan si Gerald pagkatapos ng mahabang panahon. Pagkatapos ng lahat, kahit na matunton ng mga tauhan ni Kort ang kanyang anak hanggang sa bulubunduking lugar, siurado si Gerald na ang Wild Miasma Valley ang huling lugar na maiisip nilang hanapin. Kung masusunod ang kanyang plano, sigurado na magpapatuloy si Kort sa paghahanap kay Jett sa loob ng matagal na panahon. Sa panahong iyon, magkakaroon ng pagkakataon ang pamilya ni Gerald na pansamantalang makapagpahinga. Gayunpaman, kailangang humanap agad ng ibang lugar na mapupuntahan si G
Tumango si Gerald habang sinasabi iyon. "…Diyos ko. Buti na lang at hindi tayo pumasok, kuya! Narinig ko noon na inuubos ng mga lamok na iyon ang balat ng kanilang biktima hanggang sa wala nang matira dito! Mas mabuti pang magpabaril na lang tayo ng mga bala kaysa maramdaman natin ang mga makamandag na pag-atake ng lamok!” takot na takot na sinabi ng matabang lalaki. “Dapat naisip mo iyon habang tumatakbo ka papalapit sa akin kanina. Hindi ba parang pinapahiwatig mo na wala kang pakialam namamatay ka ng kasama mo noong umpisa pa lang?" sagot ni Gerald habang pilit na nakangiti. Hindi naisip ng matabang lalaki na makaramdam ng pagkakasala dahil siya ay takot na takot kung nasaan siya ngayon. Si Gerald naman ngayon ay kinakalkula ang pagkakataon na mabuhay siya kung susubukan niyang labanan ang mga lalaking iyon. Sa huli, sigurado siyang babarilin siya ng mga lalaki mula sa malayo sa sandaling makita siya. Posible pa rin na magtago siya sa puntong iyon, ngunit sa huli ay masasak
Naging sensitibo ang dalaga sa tuwing hinahawakan siya ng mga lalaki dahil sa environment na kinalakihan niya. Hindi pa sapat ang salitang sensitibo sa pagkakataon na ito. Sa halip, mas katulad ito ng pagkasuklam. Hindi mapigilan ng babae na mandiri kapag kailangan niyang harapin ang mga bagay na may kinalaman sa relasyon sa pagitan ng mga lalaki at babae. Kung minsan ay nandidiri pa siya sa presensya ng mga lalaki. Kaya medyo nakonsensya nang sabihin niyang mamamatay sila nang magkakasama kanina. Hindi inasahan ni Gerald na ang isang malamig at walang malasakit na babae ay tututol sa ganoong paraan. "Tingnan mo, sinusubukan ko lang iligtas ang iyong buhay dito. Kung hindi namin gagamutin ang iyong mga sugat ngayon, kakagatin ka nito pabalik kapag tatakas tayo mamaya. Kailangan mo ba talaga na ako ang magsasabi sayo kung ano ang mangyayari kapag nakuha ka nila?" pangungumbinsi ni Gerald. "…Ikaw…" Napahinto ang dalaga nang marinig niya iyon. Kitang-kita ang internal strug
“Saan…saan ka pupunta?” medyo nag-aalangan na tinanong ng dalaga habang nakatingin kay Gerald. "Hindi ko rin alam! Kapag nakarating na ako sa Salford Province, malamang na magpapatuloy ako sa aking destinasyon hanggang sa maabot ko ang dulo ng mundo!” nakangiting sinabi ni Gerald habang pinapaandar ang makina ng off-road vehicle na sinasakyan niya. Halata nanab na siya ang pumatay sa lahat ng mga tauhan ni Hansel noong gabi. Dahil din doon, hindi niya na kayang magtagal pa dito ng ilang sandali. "Bago ka umalis, sabihin mo sa akin ang pangalan mo! Ako si Rainey Levington!" Sabi ni Rainey habang namumula ang maganda niyang mukha. Sa katunayan, ito ang unang pagkakataon sa buhay niya na naging intimate siya sa isang lalaki. Para sa kanya, ibang-iba si Gerald sa lahat ng mga lalaking nakilala niya noon. Sinabi nga naman sa kanya ni Gerald na hindi siya magkakaroon ng anumang maruming intensyon sa kanya at nakita ni Rainey sa kanyang mga mata na hindi siya nagsisinungaling. “Ah
“…Teka lang, may kweba doon! Bakit hindi natin subukang magtago doon, boss? Sinabi na namin na hindi ka namin iiwan dito para mamatay ng mag-isa!" sabi ng isa pang lalaki habang ang iba ay sabay-sabay na tumango. Alam ng leader na ang iba ay hindi makikinig sa kanya hinayaan na lamang niya sila na dalhin ang kanyang sugatang katawan papunta sa kweba. “…Huh? Ako lang ba, o parang may nakatira dito…?” gulat na sinabi ng isa sa mga lalaki nang makita ang mga marka ng isang campfire. “Tama ka... Regardless, huwag muna nating alalahanin iyon. Dapat magfocus muna tayo sa pagbalot ng mga sugat ni boss." “Mas mabuting dumugo siya ng kaunti sa mga ganitong sitwasyon. Mas mabilis siyang mamamatay kung lalagyan mo ng bandage ang mga sugat niya ngayon,” sabi ng isang boses. Gulat na gulat ang lahat nang marinig ang komentong iyon kaya mabilis nilang itinaas ng lahat ang kanilang mga baril para tutukan ang binata na biglang nagsalita. Nakatayo si Gerald sa pasukan ng kweba at diretso si
“Hmm? Isang backpacker? Hoy, umalis ka na kung alam mo kung ano ang mabuti para sayo. Kung hindi, magsasayang lang ako ng bala sayo!" sabi ni Leopold habang nakatutok ang baril sa gilid ng ulo ni Gerald. Lumingon lang si Gerald para tumingin ng diretso sa mga mata ni Leopold. "Anong tinitingin mo diyan?" galit na sinabi ni Leopold. "Alam mo, matagal na akong pagala-gala sa mundong ito pero walang sinuman ang talagang naglakas ng loob na tumutok ng baril sa aking noo noon!" natatawang sinabi ni Gerald. "Gusto mo talagang mamatay? Bahala ka!" sabi ni Leopold habang ginagalaw ang daliri niya para hilahin ang trigger. Gayunpaman, huli na bago niya mamalayan ang biglang alingawngaw ang isang kalansing ng metal sa buong kweba. Ilang segundo lamang ay napagtanto ni Leopold na wala na sa kanyang kamay ang baril at doon rin niya nalaman na gumawa siya ng malaking pagkakamali. Nagsimulang tumulo ang malamig na pawis sa noo ni Leopold, habang si Whistler at ang kanyang mga tauhan ay
“Nakakamangha! Napakahusay at napakalakas mo, mahusay ka pa pagdating sa gamot! Sobra talaga akong humahanga sayo!” magalang na sinabi ni Whistler Umiling lamang si Gerald sa katahimikan. Nagpatuloy pa si Whistler pagkatapos makipagpalitan ng tingin sa kanyang mga tauhan, "Iniisip ko kung may magagawa ba kami ng aking mga tauhan para sayo sa mga susunod mong gawain, sir? Dahil iniligtas mo ang aming buhay, handa kaming sundan ka at gawin ang lahat ng makakaya namin para sayo!" Hindi lamang niya ito sinabi para pasayahin si Gerald. Buong puso ang kanilang pasasalamat. Kung tutuusin, ganoon din ang mararamdaman ng sinuman pagkatapos na silang maligtas sa mahirap na sitwasyon. Naging makabuluhan ang kanilang sinabi dahil malinaw na alam ni Gerald kung gaano pinahahalagahan ni Whistler at ng kanyang mga tauhan ang kanilang kapatiran. Bilang karagdagan, wala rin silang iba pang pupuntahan ngayon. Alam nilang lahat na magiging maganda ang kanilang kinabukasan sa pamamagitan ng pagsu
"Agad-agad?" tanong ni Gerald. Umubo si Whistler bago siya tumahimik ng panandalian at sinabi, "Ang may-ari ng factory ay matagal nang hina-harass ng mga lokal dito... Hindi na siya makatiis. Talagang handa siyang ibenta ang factory sa mababang presyo! Dahil dito, meron pa tayong natirang pera sa ngayon. Oo nga pala, dapat ba nating palitan ang pangalan ng kumpanya dahil hindi na siya ang may-ari nito?" tanong ni Whistler. "Hmm... Magandang ipangalan ito na Royal Dragon!" kaswal na sinabi ni Gerald. “Oh? Royal Dragon Inc? O di kaya, Royal Dragon Group? Anuman ang magiging pangalan nito, napakaganda ng pangalan binigay mo para dito! Malakas ang dating nito. Aayusin ko na agad ang iba pang mga papeles! Isa pa, bago ako umalis, pinagsama-sama namin ng aking mga kapatid ang aming pera para bilhin ang asyenda na dating tinitirhan ng dating may-ari ng factory! Pwede kang tumira doon sa susunod!" nakangiting sinabi ni Whistler. "Gusto ko lang maging sigurado na hindi mo siya pinilit n