‘Si Daryl ay sinapian ng Supreme Devilish Lord sa loob ng maraming taon, at ang lord na ito ay ginagamit ang katawan ng lolo mo para subukan ang kanyang resurrection! Ang cycle na ito ay paulit-ulit sa loob ng maraming taon, at ang Supreme Devilish Lord ay nakakuha na ng maraming tao na Yin physiques ngunit buti na lang ay nabigo siya! Sa sobrang dami ng mga nakuha niyang tao, naalerto ang Soluna Deus Sect, o Sun League kung tawagin mo ang mga ito, at sinusubukan nila ang lahat para mapalabas ang Supreme Devilish Lord!' 'Para mapigilan ang pagsisikap ng Supreme Devilish Lord, kinikidnap pa nila ang mga taong may Yin physique! Nakikita mo na ba ang buong larawan ngayon, bata?’ paliwanag ni Finnley. ‘…’Yan pala ang katotohanan... Pero kamusta naman si Mila?’ tanong ni Gerald. ‘Okay lang siya, pero depende pa ito kung mapapatay natin siya ngayon!’ sagot ng isa sa mga babaeng nakasuot ng puti. Gumaan ang pakiramdam niya nang marinig ito... Lumalabas na ang Sun League ay hindi mga k
Galit na pinapanood ni Daryl ang kanyang itim na air blade na tuluyang mawala, bago siya sumigaw ng malakas, "Na-Napakalakas...!" Hindi nakagalaw si Daryl dahil sa sobrang galit, kaya sinamantala ni Gerald ang pagkakataong sumigaw, "Atake...!" Kasunod ito ay isang naglalagablab na liwanag ang nagliwanag sa buong kalangitan...! Sumabog ang energy sa lahat ng direksyon at ang devilish formation ni Daryl ay naging alikabok sa loob ng ilang segundo! "Hindi pwede…!" Sigaw ng hirap na hirap na si Daryl nang masira ang ang lupa sa ilalim niya at ang mga ulap ng alikabok sa buong lugar! Siya ay isang kaguluhan na nagkatawang-tao... ngunit ilang sandali pa, ang paligid ay tumahimik. Si Gerald ay sumuka ng maraming dugo, at nanlamig ang kanyang katawan hanggang sa mawalan na siya ng malay... Mabilis na lumipas ang tatlong taon.Ang Mayberry Commercial Street ay naging masigla gaya ng dati... "Darling, araw ng kasal ng kapatid mo... Hindi ba dapat mas maaga tayong pumunta doon? Dapat
Alas nuebe ng gabi sa dormitoryo ng mga lalaki sa university campus.“Gerald, puwede bang bumaba ka sa dormitory 101 sa first floor at kunin mo ang laptop ko?” Isang lalaking blondie ang buhok na nanggaling sa kabilang kwarto ang biglang nagbukas ng pinto ng kwarto ni Gerald, saka ito naglalag ng isang dolyar sa sahig at dire-diretsong tumalikod at naglakad papalayo. “Tsaka pakikuhanan mo nadin ako ng bote ng mineral water sa supermarket sa baba!”Muling humarap ang lalaking blondie ang buhok at naglaglag ng tatlong dolyar sa sahig—dalawang dolyar para sa bote ng tubig at isang dolyar na bayad para sa kanyang iniutos.“Hoy Blondie! Bakit ba laging inuutusan ng mga tao sa dormitory ninyo si Gerald na parang isang katulong? Bakit ba napaka-bully ninyo?”Galit na tinanong ng mga nakatira sa domitoryo kung nasaan si Gerald dahil hindi na nila ito matiis.“Hahaha! Diyan sa dormitory niyo nakatira si Gerald pero di niyo parin siya naiintindihan? Kapag binigyan niyo ng pera yan, kahit
Lumalabas nagsinungaling sa kanya ang kanyang nakakatandang kapatid at mga magulang nang sinabi nila sa kanya na nagtatrabaho sila sa ibang bansa.Pagkatapos nito, agad tumawag si Gerald sa kanyang mga magulang. Nagalit sila ng malaman nila na sinabi sa kanya ng kanyang ate ang tungkol sa kanilang kayamanan nang walang pahintulot ngunit makalipas ang ilang sandali, napagpasyahan nilang humingi na lamang ng tawad kay Gerald.Sinabi kay Gerald ng kanyang ama na napilitan siya kundi gawin ito dahil gusto niyang palakihin siya na mapagkumbaba. Pagkatapos nito, maraming ipinaliwanag sa kanya ang kanyang ama!Pagkatapos ay nag-withdraw si Gerald ng isang daang libong dolyar mula sa bangko bago siya mamili kasama ang ilan sa mga black bank card na ipinadala sa kanya ng kanyang kapatid.Sa katunayan, hindi pa rin lubos na kumbinsido si Gerald. Panaginip lang ba ang lahat ng ito?Labis ang pagkasabik ni Gerald sa mga oras na ito.“Hahaha. Xavia kung hindi ka nakipaghiwalay sakin, mabibil
“Gerald, bakit ka ba nagpapanggap na mayaman?” Pakutyang tanong ni Xavia.Subalit, nagulat si Rachel pagkatapos ilapag ni Gerald ang black gold card sa counter.Ang Universal Global Supreme Shopper’s Card para sa mga luxury store ay para laman sa mga pinakamayayaman at pinakamakapangyarihan na pamilya sa mundo.Walang duda na ang nagmamay-ari ng black gold card ay totoong mayaman at makapangyarihan.Sa kabilang dako, agad na dinala ni Wendy ang card reader papunta sa counter.Pagkatapos nito, inilagay ni Gerald ang kanyang birthday bilang passcode sa card reader at natapos ng maayos ang transaksyon.Maayos na natapos ang transaksyon!“Diyos ko po!”Nabigla ang lahat sa mga pangyayari.“Diyos ko. Talaga bang binili ng binatang ‘yon ang Hermes collector’s edition bag na may halagang fifty-five thousand dollars?“Talaga bang isang mapagkumbabang second-generation rich kid ang binatanbg ‘yon?”Napatitig ang lahat kay Gerald.Sa mga sandaling iyon, kahit si Yuri ay hindi makapaniwala at na
Ngunit hindi is Gerald ang taong pumasok sa pintuan.“Danny! Anong ginagawa mo dito?”Nagbago ang ekspresyon ni Naomi sa sandaling makita niya si Danny.Sila ay magkaklase at dating naging malapit sa kanila si Naomi.Subalit napagalaman ni Naomi ng umaga din iyon ang ginawa ni Danny kay Gerald. Kaya nagalit si Naomi kay Danny.Sa di inaasahang pangyayari, sobrang kapal ng pamumukha ng lalaking iyon at nagawa niya parin na magpunta dito kahit na inaway niya ito. “Galit ka padin ba Naomi? Nakikipagbiruan lang ako kay Gerald kagabi. Sino nagakalang dadalhin niya talaga yung kahon kay Yuri?”Sagot ni Danny habang nakangiti.Kasama niya ang ilan sa kanyang mga kasama sa dormitoryo at lahat sila ay may dalang mga regalo.Napaka yaman din ng pamilya ni Naomi at maraming beses na sinubukan ni Naomi na tulungan si Gerald. Subalit, lagi itong tinatanggihan ni Gerald.Matagal ng magkakilala si Danny at Naomi, simula pa noong nasa high school sila. “Naomi, siya ba si Gerald na gusto m
Agad na naglakad palabas si Gerald.Sa mga sandaling iyon, si Naomi at ang namumuno sa dormitoryo ni Gerald na si Harper ay agad na humabol kay Gerald.“Anong ginagawa mo? Wala naman ako sinabi na hindi ko nagustuhan ang regalo mo,” Dali-daling sinabi ni Naomi.Nagsalita din si Harper sa mga sandaling iyon. “’Wag ka muna umalis Gerald. Kumain ka muna bago umalis. Kung aalis ka na ngayon, wala nadin kaming gagawin dito.” Ngumiti si Gerald bago sumagot, “Mag-enjoy lang kayo dito. May kailangan pa talaga ako gawin ngayon pero sana maniwala kayo na hindi ako yung tipo ng tao na bibili ng isang pekeng bagay!”Hindi alam ni Gerald kung papaniwalaan siya ng kanyang mga kaibigan.Habang iniisip niya ang mga ito, walang ibang magawa si Gerald kundi sisihin ang kayang kapatid dahil sa binigay nitong card na may minimum spending amount na limamput-limang libong dolyar.Kahit na patuloy na nakiusap sina Harper at Naomi kay Gerald, nagpasya padin si Gerald na umalis.“Umalis na ba talaga y
Sa mga sandali ding iyon, sa pinaka-magarang silid sa manor, isang lalaking may edad na may kamangha-manghang aura ang nakikihalubilo sa isang grupo ng mga negosyante.Siya ang may-ari ng Wayfair Mountain Entertainment sa Mayberry Commercial Street at ito ang dahilan kung bakit siya ang naging pinakamayaman sa Mayberry City.Subalit, nagulat ang lahat sa mga sandaling iyon.Ito ay dahil sa sandaling sagutin ni Mr. Lyle ang telepono, napatayo siya sa pagkagulat bago siya agad-agad na tumakbo palabas ng silid.“Anong nangyari kay Mr. Lyle?”Hindi maintindihan ng lahat ang mga pangyayari.Sa may front desk, hindi pa nakakapasok si Sebastian sa kanyang kwarto ng makita si Gerald na muling pumasok sa manor. Hindi niya mapigilan na gumawa ng aksyon para paalisin si Gerald.“Miss Jane, bakit hindi ka tumawag ng security? Wala ng ibang paraan para mapaalis ang ganitong klaseng tao!”Ngumisi si Sebastian kay Gerald.Tumango si Jane bago nag tawag ng ilang security guard.“Teka!”Sa mga sandalin