"Agad-agad?" tanong ni Gerald. Umubo si Whistler bago siya tumahimik ng panandalian at sinabi, "Ang may-ari ng factory ay matagal nang hina-harass ng mga lokal dito... Hindi na siya makatiis. Talagang handa siyang ibenta ang factory sa mababang presyo! Dahil dito, meron pa tayong natirang pera sa ngayon. Oo nga pala, dapat ba nating palitan ang pangalan ng kumpanya dahil hindi na siya ang may-ari nito?" tanong ni Whistler. "Hmm... Magandang ipangalan ito na Royal Dragon!" kaswal na sinabi ni Gerald. “Oh? Royal Dragon Inc? O di kaya, Royal Dragon Group? Anuman ang magiging pangalan nito, napakaganda ng pangalan binigay mo para dito! Malakas ang dating nito. Aayusin ko na agad ang iba pang mga papeles! Isa pa, bago ako umalis, pinagsama-sama namin ng aking mga kapatid ang aming pera para bilhin ang asyenda na dating tinitirhan ng dating may-ari ng factory! Pwede kang tumira doon sa susunod!" nakangiting sinabi ni Whistler. "Gusto ko lang maging sigurado na hindi mo siya pinilit n
“E-excuse me...? Pauwiin sila…?” nagtatakang tinanong ni Sherman. "Hindi pa ba nilinaw ni sir ang sarili niya?!" Galit na sumigaw si Whistler. “Ma-malakas at malinaw niya itong sinabi! Iuuwi ko na sila kaagad, master!" sagot ni Sherman habang paulit-ulit na tumango sa sobrang takot. Nang marinig iyon, agad na nagsimulang yumuko ang mga katulong kay Gerald habang isa-isa silang nagpasalamat sa kanya. "Sige, sige na, huwag na kayong magsalita pa... Malaya na kayong lahat na bumalik sa inyong mga tahanan ngayon!" sabi ni Gerald habang nakangiti. Naranasan mismo ni Gerald kung ano ang pakiramdam ng taong napilitang umalis sa kanyang sariling tahanan, kaya hindi niya hahayaan ang mga babaeng ito na patuloy na dumaan sa parehong kalungkutan at hirap na naranasan niya. Para sa kanya, sapat na silang nagdusa pagkatapos nilang maranasan ang kahihiyan na mabili bilang mga utusan. At saka, hindi naman talaga siya dominanteng tao noong umpisa pa lang. Maya-maya pa ay umalis na ang kara
"Hindi ka... gusto mo ang master natin?" dagdag ni Lucy nang nakatikom ang bibig niya habang tumatawa. “Tigilan mo na ang kalokohan mo, Lucy... Wala... Wala akong ibang kamag-anak! Pero aaminin ko na nakaramdam ako ng security sa unang pagkakataon na tumingin ako kay master... Ito ang dahilan kung bakit pinili kong manatili dito. Kung gusto ko man siya, paano na ang isang tulad ko ay magiging kwalipikado pqra mahulog sa isang tulad ni master?!” sagot ni Yukie habang namumula. “Speaking of which, Lucy... Naalala ko na mas gusto mong bumalik sa hometown mo kaysa sa akin! Bakit hindi ka umalis noon?" dagdag ni Yukie. “Naramdaman ko lang na ang master ay isang mabuting tao na hindi tayo aabusuhin tulad ng mga nauna nating master... dumagdag pa ang katotohanan na iginagalang niya tayo, kaya naramdaman ko na obligado akong manatili at magtrabaho para sa kanya! Mayroon akong pangalawang dahilan para manatili... Natatandaan mo ba si Tyson? Sinabi niya sa akin na susunduin niya ako noong
“Tyson!” muling sumigar si Lucy at lumingon naman si Whistler kay Gerald. "Kilala mo ba siya, sir?" tanong ni Whistler. Mabilis na sumagot sa kanya si Gerald, “Oo naman! Hindi kami biological na magkapatid, pero tinatrato ko siya na totoong kapatid ko!" “…Huh? Iligtas mo pala siya, sir! Kailangan mo siyang iligtas dahil may kasanayan ka sa gamot!" sigaw ni Lucy habang umiiyak. Narinig ni Gerald ang kanyang kahilingan at hindi niya napigilan na maalala ang binanggit ni Lucy na may kakilala siyang isang tao na nagngangalang Tyson noon. Hindi niya inakala na ang Tyson na tinutukoy ni Lucy ay ang parehong Tyson na itinuturing niyang kapatid! Kung alam lang ni Gerald na ito ang katotohanan, pinapunta na sana niya ang ilan sa kanyang mga tauhan para hanapin siya noon pa man. Hindi siguro mangyayari ito kung nangyari lang iyon. "Bigyan mo siya ng space, Lucy... Hindi mo ba narinig na tinatrato ni master si Tyson na parang totoo niyang kapatid?" kinumbinsi sya ni Yukie habang hinih
Gayunpaman, nagsimulang matakot ang pamilyang Crawford na malalaman ng publiko ang tungkol sa insidente na nangyari noong niligtas ni Drake at Tyson duo si Gerald. Dahil dito, binigyan nila ng pera ang magkapatid at sinabihan silang umalis sa pamilyang Crawford. Walang problema ang Drake at Tyson duo tungkol doon at binalak sana nilang bumalik sa mercenary base sa ibang bansa, ngunit may nasagap silang balita tungkol sa insidente na sinapit nila Gerald at Zack sa Merry City nang gabing iyon. Nagmadali silang sumugod sa Salford Province nang malaman nilang nawala si Gerald para lihim na imbestigahan ang insidente. Gayunpaman, wala silang nakuha na anumang leads o clues kahit na lumipas ang tatlong buwan. Sa oras na iyon, napansin ng pamilyang Schuyler ang kanilang aktibidad. Dahil alam nila iyon, alam nilang dalawa na wala silang ibang pagpipilian kundi itigil muna ang kanilang imbestigasyon sa ngayon. Pagkatapos ng ilang pagpaplano, nagpasya silang umalis sa Salford Province at p
“Sa tingin ko hindi pa rin sapat ang nabili kong shirt para sayo, sir… Bakit hindi natin ihinto ang sasakyan at kumuha tayo ng bago at mas magandang shirt?” nakangiting tinanong ni Yukie. Kasalukuyan siyang nakaupo sa tabi ni Gerald habang papunta sa gathering ang kanilang grupo sa loob ng kanilang mga sasakyan. “Okay naman ang itsura nito...” sagot ni Gerald habang nakatingin sa shirt niya na may pilit na ngiti. Dumungaw sa bintana si Gerald habang papalapit ang mga sasakyan sa isang commercial building. Nagtaka siya dahil ang unang taong nakita niya ay isang medyo pamilyar na mukha. "May problema ba, sir?" tanong ni Yukie. “Kung hindi ako niloloko ng mga mata ko, parang nandito ang dati kong kaklase... O isang tao na kamukha niya. Ihinto ang mga sasakyan dito. Papasok ako sa building na iyon,” utos ni Gerald. Mabilis na huminto sa gitna ng kalsada ang lahat ng sasakyang nang marinig nila ang utos ni Gerald. Kahit na nakaharang ito sa mga kotse sa main road, hindi nangah
Napansin ni Gerald na narito ang mga kliyente ni Harper, kaya sinenyasan niya ito gamit ang kanyang ulo patungo sa dalawang bagong dating na mga tao. Nagbibigay ng senyales na asikasuhin muna ang kanyang trabaho. Ngunit nang tumalikod si Gerald, nagulat siya nang mapagtanto niya kung sino ang lalaki at babae na iyon. Ang mga taong ito ay walang iba kundi si Raquel at ang boyfriend niya na si Jefferson! Noong nasa mahirap na sitwasyon pa siya mahigit kalahating taon ang nakalipas, naalala niya kung paano siya pinahiya ni Raquel noong nagtatrabaho pa siya sa construction zone. “D*mn! Ikaw ba talaga yan Gerald?" Sigaw ni Raquel habang naka-cross arms siya at makikita ang pilit na ngiti sa kanyang mukha. “Oh? Kilala mo ba si Chairman Quelch at Chairman Brown, Gerald? Haha! Si Chairman Brown ang manager sa isang malaking kumpanya dito! Meron siyang kasalukuyan na negotiation sa isang project!" paliwanag ni Harper. “Oo, kilala ko sila,” sagot ni Gerald sabay tango. “Humph! Nagp
Sa oras na iyon, nakarating na sina Raquel at Jefferson sa entrance ng commercial building. Totoo nga na ipinarada ni Jefferson ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada. Gayunpaman, isang grupo ng mga sasakyan ang nakaparada sa gitna mismo ng kalsada! Tama nga sila na nakaharang ang kotse ni Jefferson sa kalsada dahil nakaparada siya sa nag-iisang lane na hindi nahaharangan ng grupo ng mga sasakyan! “Hoy! Kitang-kita naman na hindi kami ang may kasalanan dito! Tingnan mo! May grupo ng mga kotse ang nakaharang sa halos buong kalsada! Bakit kami lang ang inuutuaan mong ilipat ang sasakyan?” sinigawan ni Raquel ang staff sa sobrang galit. “Hah! Tingnan mo ang tatak ng sasakyan kumpara sa mga grupo ng kotse! Sa tingin ko dayo ka dito dahil hindi mo alam ang mga patakaran dito. Makinig ka ngayon, ilipat mo agad ang iyong sasakyan. Huwag mo akong sisihin kung may mangyari man sayo dahil sigurado ako na ang iyong Boss Gram o kung ano pa man ang kanyang pangalan ay hindi makakayanan n