Napansin ni Gerald na narito ang mga kliyente ni Harper, kaya sinenyasan niya ito gamit ang kanyang ulo patungo sa dalawang bagong dating na mga tao. Nagbibigay ng senyales na asikasuhin muna ang kanyang trabaho. Ngunit nang tumalikod si Gerald, nagulat siya nang mapagtanto niya kung sino ang lalaki at babae na iyon. Ang mga taong ito ay walang iba kundi si Raquel at ang boyfriend niya na si Jefferson! Noong nasa mahirap na sitwasyon pa siya mahigit kalahating taon ang nakalipas, naalala niya kung paano siya pinahiya ni Raquel noong nagtatrabaho pa siya sa construction zone. “D*mn! Ikaw ba talaga yan Gerald?" Sigaw ni Raquel habang naka-cross arms siya at makikita ang pilit na ngiti sa kanyang mukha. “Oh? Kilala mo ba si Chairman Quelch at Chairman Brown, Gerald? Haha! Si Chairman Brown ang manager sa isang malaking kumpanya dito! Meron siyang kasalukuyan na negotiation sa isang project!" paliwanag ni Harper. “Oo, kilala ko sila,” sagot ni Gerald sabay tango. “Humph! Nagp
Sa oras na iyon, nakarating na sina Raquel at Jefferson sa entrance ng commercial building. Totoo nga na ipinarada ni Jefferson ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada. Gayunpaman, isang grupo ng mga sasakyan ang nakaparada sa gitna mismo ng kalsada! Tama nga sila na nakaharang ang kotse ni Jefferson sa kalsada dahil nakaparada siya sa nag-iisang lane na hindi nahaharangan ng grupo ng mga sasakyan! “Hoy! Kitang-kita naman na hindi kami ang may kasalanan dito! Tingnan mo! May grupo ng mga kotse ang nakaharang sa halos buong kalsada! Bakit kami lang ang inuutuaan mong ilipat ang sasakyan?” sinigawan ni Raquel ang staff sa sobrang galit. “Hah! Tingnan mo ang tatak ng sasakyan kumpara sa mga grupo ng kotse! Sa tingin ko dayo ka dito dahil hindi mo alam ang mga patakaran dito. Makinig ka ngayon, ilipat mo agad ang iyong sasakyan. Huwag mo akong sisihin kung may mangyari man sayo dahil sigurado ako na ang iyong Boss Gram o kung ano pa man ang kanyang pangalan ay hindi makakayanan n
Kasalukuyan na nagaganap ang gathering sa sa pinakamalaking hotel manor sa Talgo Town. Napuno ng hindi bababa sa isang libong tao ang dumalo dahil dinala ng limang nangungunang grupo sa Talgo town ay ang kanilang mga tauhan. Napuno ang buong venue hanggang sa bawat sulok nito. Kasabay nito, isang mataas na entablado ang hinahanda sa loob ng manor. Nang maayos na ang lahat, ilang upuan ang inilagay sa mataas na entablado at doon uupo ang mga pinuno. “Ikaw ay isang matalino at maparaan na tao, Diego! Hindi ko inakala na gagamitin mo ang kapangyarihan ng civil at militar para ipakita kung gaano tayo kalakas sa baguhang Royal Dragon Group na iyon! Haha! Para kang pumatay ng dalawang ibon gamit ang isang bato!" “Tama ka! Pero inaalala ko lang kung walang magbabago ngayong nakuha na ng Royal Dragon Group ang pharmaceutical company na dating pangunahing pinagmumulan ng kita natin. Nabalitaan ko rin na ang boss ng Royal Dragon Group ay isang binata. Sa tingin niya ba ay makukuha niya
Hindi inasahan ni Diego at ng iba pang mga boss na hindi aatras sa laban ang mga mula sa Royal Dragon Group. Sa katunqyan, si Gerald at ang kanyang mga tauhan ay mukhang mataas ang kumpyansa sa buong pangyayari. Nang mapansin nila iyon, napagtanto ni Diego at ng mga boss lalo lang silang mahihirapang panatilihin ang kumpanya ni Gerald sa hinaharap kung hindi nila ipapakita ang kanilang kapangyarihan. Hindi nagtagal, nagsimula na ang civil at militar gathering at dinala sa loob ng isang malaking lugar na hinanda sa gitna. Pinili ng limang grupo ang kanilang pinakamakapangyarihang mga subordinates para makilahok sa kompetisyon. Pinili ni si Whistler at ang ilan pa niyang malalakas na mga tauhan para lumahok sa kompetisyon. Ang mga napili ni Gerald ay sumailalim sa personal special training ng kasama niya. Dahil doon, mas pinalakas ang kanyang pwersa kumpara dati. Sa pagsisimula pa lang ng kompetisyon, nagulat ang lahat nang makitang nilang umatake agad ang mga tauhan ni Gerald.
Si Gerald ang nagsalita, ngumisi siya at kumuha ng tinidor. Nang makita niya ang plake, pinikit ni Gerald ang kanyang mga mata ng isang segundo bago niya pinitik ang kanyang pulso. Makalipas ang ilang segundo, wala na ang tinidor sa kamay ni Gerald at maririnig na ang tunog ng kaluskos! Nang tumingala ang mga manonood, ang tinidor bumaon sa isa sa maraming basag na piraso ng plake at ito ay nahulog na sa lupa kasama ng anumang natitirang piraso ng sirang plake. Maya-maya pa ay sumunod ang isang kalabog habang ang mga piraso ng plake ay nabasag sa lupa, kitang-kita ng limang mga boss ang nabasag na plake habang sila ay lumulunok. “…A-ano…?” Binalot sila ng takot at pagkabigla, at naramdaman ng mga kanina pang naninigarilyo na lumuwag ang pagkakahawak nila sa kanilang mga sigarilyo. “S-sino nga ba talaga ang taong iyon…?” “Hindi ba… hindi ba imposible iyon…? Ibig kong sabihin, paano magkakaroon ng ganoong kalakas na puwersa ang isang tao para basagin ang isang plaka mula s
Ayon kay Tyson, madalas na matatagpuan si Sven sa pinakamalaking underground casino sa Heavenly City. Dahil doon, pinangunahan ni Gerald ang kanyang mga tauhan papunta sa casino na iyon. Nang makarating sila doon, agad na nagsimulang magsugal si Gerald sa isang table para hindi maghinala ang mga tao. Gayunpaman, hindi niya inakala na nanalo siya ng mahigit na sampung rounds. Nakuha niya ang atensyon ng bangker. Lihim na pinaalam ng banker sa isang subordinate ang tungkol sa insidente at ang isang subordinate ay palihim na pumunta sa opisina. Pagdating sa loob, ang subordinate ay tumayo sa harap ng isang taong nakaupo sa upuan ng boss at sinabing, “Boss Sven! May isang tao doon na nanalo ng maraming pera at nagdala pa siya ng ilang mga subordinates! Mukhang maangas ang itsura niya!" Noong panahong iyon, ang matipunong lalaki na may nakakatakot na peklat sa kanyang mukha ay nagpapakinis ng kanyang katana. Pagkatapos magsalita ng kanyang subordinate, agad niyang hiniwa ang isa
"Madali nating malulutas ang sitwasyong ito. Sa nakikita ko, kailangang buhay rin ang kapalit ng isang buhay. May itatanong ako sayo. May nadakip ka bang tao na ang pangalan ay Drake Jay? Kung meron, nasaan siya?" tanong ni Gerald. “Pu-pumunta ka dito para iligtas siya... Oo, hawak ko siya! Pakakawalan ko siya ngayon pero kailangan mong mangako na palalayain mo rin ako kapag nakalaya na siya!" sabi agad ni Sven. "Sa tingin mo ba nasa posisyon ka para humingi ng demand? Tumigil ka sa kalokohan mo at palayain mo siya ngayon din!" Sabi ni Gerald habang hinihigpitan ang diin ng palad niya sa leeg ni Sven. “Na-nakakulong siya sa ilalim ng casino na ito sa isang preso! Uutusan ko ang isang subordinate ko na palayain siya ngayon kung gusto mo!" Sa kabutihang palad, si Sven ay isang prangka na tao at hindi nagtagal ay sinundan ni Whistler ang subbordinate pababa sa cellar ng casino. Pagkatapos ay dinala niya si Drake patungo kay Gerald. Si Drake ay nasa kakila-kilabot na kalagayan,
Samantala, pauwi na si Gerald at ang kanyang mga tauhan nang biglang napansin ni Gerald ang isang grupo ng mga sasakyan na nakaparada sa harap mismo ng kanilang manor. "Sino kaya ang mga taong iyon..." nalilitong sinabi ni Whistler. "Sa nakikita ko, mukhang si Quest iyon, ang young master ng Westley family. Siguro meron siyang balita tungkol sa bagay na matagal ko nang pinapahanap sa kanya,” sagot ni Gerald habang nakangiti. Inimbita niya si Quest sa kanyang mansyon, saglit na nag-excuse si Gerald na dalhin si Drake sa isa pang kwarto para malagyan siya ng maayos na bandage sa kanyang mga sugat. Nang matapos iyon, pumunta siya sa sala kung saan nakaupo si Quest na matiyagang naghihintay habang may hawak siyang dokumento at humihigop ng tsaa. Ang magalang na pag-uugali ni Quest ay malinaw na nagmula sa kanyang paggalang kay Gerald. Kung tutuusin, imposible para sa isang mayamang tagapagmana na tulad niya na kumilos ng magalang sa sinuman noon. Kung tutuusin, malaki ang respeto