Si Gerald ang nagsalita, ngumisi siya at kumuha ng tinidor. Nang makita niya ang plake, pinikit ni Gerald ang kanyang mga mata ng isang segundo bago niya pinitik ang kanyang pulso. Makalipas ang ilang segundo, wala na ang tinidor sa kamay ni Gerald at maririnig na ang tunog ng kaluskos! Nang tumingala ang mga manonood, ang tinidor bumaon sa isa sa maraming basag na piraso ng plake at ito ay nahulog na sa lupa kasama ng anumang natitirang piraso ng sirang plake. Maya-maya pa ay sumunod ang isang kalabog habang ang mga piraso ng plake ay nabasag sa lupa, kitang-kita ng limang mga boss ang nabasag na plake habang sila ay lumulunok. “…A-ano…?” Binalot sila ng takot at pagkabigla, at naramdaman ng mga kanina pang naninigarilyo na lumuwag ang pagkakahawak nila sa kanilang mga sigarilyo. “S-sino nga ba talaga ang taong iyon…?” “Hindi ba… hindi ba imposible iyon…? Ibig kong sabihin, paano magkakaroon ng ganoong kalakas na puwersa ang isang tao para basagin ang isang plaka mula s
Ayon kay Tyson, madalas na matatagpuan si Sven sa pinakamalaking underground casino sa Heavenly City. Dahil doon, pinangunahan ni Gerald ang kanyang mga tauhan papunta sa casino na iyon. Nang makarating sila doon, agad na nagsimulang magsugal si Gerald sa isang table para hindi maghinala ang mga tao. Gayunpaman, hindi niya inakala na nanalo siya ng mahigit na sampung rounds. Nakuha niya ang atensyon ng bangker. Lihim na pinaalam ng banker sa isang subordinate ang tungkol sa insidente at ang isang subordinate ay palihim na pumunta sa opisina. Pagdating sa loob, ang subordinate ay tumayo sa harap ng isang taong nakaupo sa upuan ng boss at sinabing, “Boss Sven! May isang tao doon na nanalo ng maraming pera at nagdala pa siya ng ilang mga subordinates! Mukhang maangas ang itsura niya!" Noong panahong iyon, ang matipunong lalaki na may nakakatakot na peklat sa kanyang mukha ay nagpapakinis ng kanyang katana. Pagkatapos magsalita ng kanyang subordinate, agad niyang hiniwa ang isa
"Madali nating malulutas ang sitwasyong ito. Sa nakikita ko, kailangang buhay rin ang kapalit ng isang buhay. May itatanong ako sayo. May nadakip ka bang tao na ang pangalan ay Drake Jay? Kung meron, nasaan siya?" tanong ni Gerald. “Pu-pumunta ka dito para iligtas siya... Oo, hawak ko siya! Pakakawalan ko siya ngayon pero kailangan mong mangako na palalayain mo rin ako kapag nakalaya na siya!" sabi agad ni Sven. "Sa tingin mo ba nasa posisyon ka para humingi ng demand? Tumigil ka sa kalokohan mo at palayain mo siya ngayon din!" Sabi ni Gerald habang hinihigpitan ang diin ng palad niya sa leeg ni Sven. “Na-nakakulong siya sa ilalim ng casino na ito sa isang preso! Uutusan ko ang isang subordinate ko na palayain siya ngayon kung gusto mo!" Sa kabutihang palad, si Sven ay isang prangka na tao at hindi nagtagal ay sinundan ni Whistler ang subbordinate pababa sa cellar ng casino. Pagkatapos ay dinala niya si Drake patungo kay Gerald. Si Drake ay nasa kakila-kilabot na kalagayan,
Samantala, pauwi na si Gerald at ang kanyang mga tauhan nang biglang napansin ni Gerald ang isang grupo ng mga sasakyan na nakaparada sa harap mismo ng kanilang manor. "Sino kaya ang mga taong iyon..." nalilitong sinabi ni Whistler. "Sa nakikita ko, mukhang si Quest iyon, ang young master ng Westley family. Siguro meron siyang balita tungkol sa bagay na matagal ko nang pinapahanap sa kanya,” sagot ni Gerald habang nakangiti. Inimbita niya si Quest sa kanyang mansyon, saglit na nag-excuse si Gerald na dalhin si Drake sa isa pang kwarto para malagyan siya ng maayos na bandage sa kanyang mga sugat. Nang matapos iyon, pumunta siya sa sala kung saan nakaupo si Quest na matiyagang naghihintay habang may hawak siyang dokumento at humihigop ng tsaa. Ang magalang na pag-uugali ni Quest ay malinaw na nagmula sa kanyang paggalang kay Gerald. Kung tutuusin, imposible para sa isang mayamang tagapagmana na tulad niya na kumilos ng magalang sa sinuman noon. Kung tutuusin, malaki ang respeto
Inikot lamang ni Gerald ang kanyang mga mata kay Quest matapos marinig ang sinabi nito, "Sigurado akong eksperto ka para makuha ang loob ng isang babae... Sayo ko na ipagkakatiwala ang gawain na ito. Okay ba iyon?” Mabilis na ikinaway ang kanyang mga kamay at sinabi ni Quest, "Hindi ko ito kaya dahil kilala niya ako! Kilalang-kilala ng pamilyang Westley ang pamilyang Yowell alam mo ba? Hindi lamang affection ang kailangan nating gawin para gumana ang plano natin. Basta maging malapit lang tayo sa kanya. Kaya naman nag-suggest si lolo na humanap ka ng angkop na mapagkakatiwalaang tao para sa gawaing ito bukod sa akin. Kung tutuusin, kailangan nating kumilos nang mabilis bago siya mahulog sa kamay ng iba dahil si Tulip ay hinahabol ng napakaraming tao ngayon.” "Si Tulip ay kasalukuyang isang freshman sa Heavenly City University. Kapag handa na ang tao natin, tutulungan kitang ipasok siya sa university na nagpapanggap bilang isang lecturer." "Pero sino ang sapat na angkop para sa ga
Hindi nakakapagtaka kung bakit niya ginawa iyon. Kung tutuusin, parehong gwapo at flawless ang pananamit ni Gerald. Hindi mahirap makita kung bakit hinahangaan siya ng mga babae. Habang tumatango si Gerald sa kanya, nahulaan niya na ang kanyang bagong kasamahan na babae ay kamakailan lang nagtapos sa university. Napansin naman agad ni Quinlan ang labis na paghanga ni Marjorie kay Gerald. Nang makita iyon, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaunting selos. Kung tutuusin, pareho sila ni Gerald na mga bagong dating na may parehong trabaho at parehong specialization. Sa parehong oras pa sila dumating! Sa napakaraming pagkakatulad sa pagitan nila, hindi maiwasan ni Quinlan na makaramdam ng konting kompetisyon sa kanya. Gayunpaman, hindi man lang siya binigyan ni Marjorie ng pagkakataong makuha ang atensyon niya. Lalo pa siyang nalungkot at nainis nang makitang mabait siya kay Gerald lamang. Sa kabila nito, napansin kaagad ni Gerald ang mood ng lalaki. Dahil doon ay sumunod na lan
Lalong nainggit ang mga babae nang malaman nilang may kinalaman si Quinlan sa limang malakas na pamilya. "Bakit hindi ka na lang magtrabaho sa grupo nila?" tanong ng isa pang kasamahan. “Haha! Ayaw kong magtrabaho sa Talgo Town ngayon dahil sa lahat ng kaguluhan na ginawa ng bagong tatag na Royal Dragon Group. Ang limang pwersa ay sumusunod sa grupong iyon ngayon, alam mo ba? Maliban doon, sinabi ng tatay ko na mas mainam nang magtrabaho ako para sa sarili ko,” sagot ni Quinlan habang umiiling na may mapait na ngiti sa kanyang labi. Napangiti si Marjorie nang marinig iyon. Nakita niya na napaka-steady at mature na ni Quinlan! “May punto ang tatay mo, Mr. Yoxon. Kung tutuusin, bata ka pa kaya who knows? Baka makagawa ka ng sarili mong daan sa mundong ito sa pagiging mas adventurous at paghahanapbuhay mo dito!" nakangiting sinabi ni Marjorie habang papalapit siya kay Quinlan. "Oo nga!" Papalapit na ngayon ang mga babae kay Quinlan habang idinetalye niya ang mga insidente na n
Tumingala si Gerald at nakita niya ang iba pang workmate niya na mga babae. Nakasalubong niya ang mga ito habang naghahanap sila ng mauupuan kaya ngumiti lang si Gerald sabay tango habang nakatingin sa kanila. Gayunpaman, walang kahit sino sa kanila ang ngumiti pabalik. Sa katunayan, napahawak lamang ng mga babae ang kanilang mga bibig at natutuwang sinabi, "Nakakagulat! Wala ka talagang alam, ano? Bakit mo naisipan mong kumain dito kaysa sa ibang lugar?" Pagkasabi niya nito, tumalikod na lang sila at umalis. Makalipas ang ilang segundo, nagsalita ang isa sa mga kasamahan, “Huh? Hoy, tumingin ka doon! Sila Mr. Yoxon at Miss Swift ang mga iyon! Hello!" Mabilis na nagbago ang kanilang ugali sa sandaling nakita nila si Quinlan, nakangiti sila ikinakaway ang kanilang mga kamay sa kanya. “Nagkataon na nandito kami! Bakit hindi kayo umupo sa tabi namin? Kung alam ko lang na dito kayo kakain, siguradong iniimbitahan ko kayong lahat!" sabi ni Quinlan habang nakangiti. "Okay lang