Kabanata 924
Nanliit ang mga mata ni Gerald habang pinagmamasdan mula ulo hanggang paa ang binata na dahan-dahang umiiwas at pagkatapos ay sumigaw siya, “Hoy ikaw! Tumigil ka dyan!”

Kinilabutan ang buong katawan ng binatang pulubi sa sobrang takot nang marinig niya ito. Naluluha siya habang ibinababa ang kanyang tingin bago siya nagmakaawa, “Y-yes…? Parang awa mo na, sir... Pwede mo ba akong bigyan ng pera para makabili ako ng pagkain...? Nakikiusap ako sayo…”

“…Yoel?” sabi ni Gerald sa malambing na pamamaraan.

Nang marinig ang pangalang iyon, nanginig ng sobra ang katawan ng pulubi habang itinataas niya ang kanyang ulo. Sa sandaling tumingin si Yoel sa mga mata ni Gerald, nagsimulang manginig ang kanyang mga labi.

“G-Gerald?” tanong ni Yoel nang maramdaman niya ang pagpatak ng kanyang mga luha sa kanyang pisngi.

Hinubad ni Gerald ang kanyang maskara at hindi makapaniwala sa kanyang nakita, agad na kumapit si Gerald sa balikat ni Yoel at sumagot, “Oo! Oo, ako ito, Yoel!"

“Brother! Buhay
Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo