Kinabukasan sa mansion ng pamilyang Crawford sa Northbay, tumakbo ang isang butler habang sumisigaw, “Sir! May magandang balita ako!" Sa oras na iyon, nagbabasa si Dylan sa kanyang loob ng kanyang study room. Pinahintulutan niya ang kanyang butlee na makapasok at pagkatapos ay ibinaba ni Dylan ang kanyang salamin bago napakunot at sinabing, “Sabihin mo…” "Ito ay tungkol kay Kort Moldell! Habang ginagawa nina Kort at Jett ang lahat ng kanilang makakaya para labanan ang aming pamilya sa nakalipas na anim na buwan, nakatanggap kami ng balita mula sa isang mapagkakatiwalaang source na nawawala si Jett!” "Ano? Nawawala si Jett?" sabi ni Dylan nang tumayo siya. Si Jett ang pangatlong anak ni Kort na unti-unting nabuo ang pagiging makapangyarihan niya sa nakalipas na anim na buwan. Isa siyang sakit sa ulo at sinasadya niyang magdulot ng gulo para sa pamilyang Crawford tuwing makakahanap siya ng pagkakataon. Kahit na nakita lamang siya ni Dylan bilang isang peste na hindi kailangang
Ang bus ay kasalukuyang naglalakbay sa isang kalsada na napapalibutan ng mga bundok at bukod sa kotse na ito, ang kalsada ay walang laman. Kahit saang direksyon na tumingin, mga bundok lamang ang nakikita. "Alam mo, nabalitaan ko na maraming roberies ang nangyayari sa kalsadang ito!" sabi ng isang matabang binata na halatang nanlulumo sa buong biyahe. Nagpatuloy siya nang makita niyang nakatingin na ang iba sa kanya, “Nasa balita yan noon! Isang grupo ng mga magnanakaw ang sumakay ng isang bus sa mismong kalsadang ito, at pagkatapos nila sa kanilang pagnanakaw, pinatay nila ang lahat ng nasa bus!” “Imposible! Medyo alerto ako sa mga ganitong balita... Bakit hindi ko ito nakita noon?" Kinakabahan na tinanong ng isang middle-aged na babae. “Well, nawala agad ang balita hindi nagtagal matapos itong ilabas sa publiko! Kung tutuusin, ang pagkalat ng mga balitang tulad nito nang biglaan ay madaling magsimula ng isang panic!" paliwanag ng matabang lalaki. “Hah. Kahit na umatake man
"Nagsasabi ako ng totoo!" dagdag ng dalaga habang unti-unti siyang sumisimangot. “Hoy, taba! Hayaan mo na lang! Maganda nga naman siya! Kung talagang pursigido ka, dito! Kumuha ka na lang ng three dollars sa akin!" alok ng isa sa mga pasahero habang tumatawa. "Totoo ba ito?! Hindi ko inakala na may ganyang babae! Gustong kumain pero ayaw magbayad ng tatlong dolyar!" ngumisi ang matabang lalaki. Nang marinig iyon, lalo pang sumimangot ang dalaga. Kaagad pagkatapos nito, isang panandaliang kabangisan ang sumilay sa kanyang mga mata habang sinasabi niya, "Kung talagang gusto mo ang pera ko, sumama ka sa akin kapag bababa ako ng bus mamaya. Kung tatanggapin mo ang dare ko na ito, kalimutan mo na ang tatlong dolyar, bibigyan kita ng three thousand dollars kung gusto mo! Anong masasabi mo?" malamig na tinanong ng dalaga. "Bakit hindi? Iksw mismo ang nagsabi na bibigyan mo ako ng three thousand dollars! Hindi pa huli ang lahat para bawiin ang pahayag na iyon!" sagot ng matabang lala
Gayunpaman, agad niyang binawi ang kanyang tingin. Ang magandang babae naman ay tumingin lamang sa matabang lalaki bago niya sinabing, “Kung gusto mong mabuhay, buhatin mo ang bagahe ko at sumunod ka sa akin. Gawin mo ito ng maayos at bibigyan kita ng one hundred thousand dollars kapag tapos na tayo!" Habang pinagmamasdan ang matabang lalaki na tahimik na tumango dahil sa takot, tumingin siya sa gilid at nakita niya ang tatlo pang lalaking bumaba ng bus kanina. Pinanood niya silang maglakad sa kabilang direksyon at hindi niya maiwasang mapakunot. 'Ang lalaking iyon na nakasuot ng itim na trench coat ay napaka-misteryoso...' naisip niya ng babae sa kanyang sarili. Kahit pa ganoon, hindi naman nangingialam ang lalaking iyon sa kanya kaya hindi talaga siya mahalaga sa kanya. May sarili siyang mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin sa oras na ito. Pagkatapos ay nag-squat siya at sinimulang tanggalin ang lahat ng mga communication devices sa limang bangkay. Pagkatapos niyang gaw
Makalipas ang isang oras nang tuluyang lumabas mula sa valley si Gerald. Si Gerald ay nakalabas ng buhay dahil ang suot niyang trench coat ay sadyang idinisenyo para protektahan siya mula sa mga lamok doon. Habang mabilis niyang isinuot ang ilang ordinaryong damit, naalala niya ang huling miserableng mga sandali ni Jett nang mabagal siyang namatay ilang minuto lang ang nakalipas. Ang kanyang paghihiganti niya ay nakatulong para makaramdam ng kasiyahan si Gerald pagkatapos ng mahabang panahon. Pagkatapos ng lahat, kahit na matunton ng mga tauhan ni Kort ang kanyang anak hanggang sa bulubunduking lugar, siurado si Gerald na ang Wild Miasma Valley ang huling lugar na maiisip nilang hanapin. Kung masusunod ang kanyang plano, sigurado na magpapatuloy si Kort sa paghahanap kay Jett sa loob ng matagal na panahon. Sa panahong iyon, magkakaroon ng pagkakataon ang pamilya ni Gerald na pansamantalang makapagpahinga. Gayunpaman, kailangang humanap agad ng ibang lugar na mapupuntahan si G
Tumango si Gerald habang sinasabi iyon. "…Diyos ko. Buti na lang at hindi tayo pumasok, kuya! Narinig ko noon na inuubos ng mga lamok na iyon ang balat ng kanilang biktima hanggang sa wala nang matira dito! Mas mabuti pang magpabaril na lang tayo ng mga bala kaysa maramdaman natin ang mga makamandag na pag-atake ng lamok!” takot na takot na sinabi ng matabang lalaki. “Dapat naisip mo iyon habang tumatakbo ka papalapit sa akin kanina. Hindi ba parang pinapahiwatig mo na wala kang pakialam namamatay ka ng kasama mo noong umpisa pa lang?" sagot ni Gerald habang pilit na nakangiti. Hindi naisip ng matabang lalaki na makaramdam ng pagkakasala dahil siya ay takot na takot kung nasaan siya ngayon. Si Gerald naman ngayon ay kinakalkula ang pagkakataon na mabuhay siya kung susubukan niyang labanan ang mga lalaking iyon. Sa huli, sigurado siyang babarilin siya ng mga lalaki mula sa malayo sa sandaling makita siya. Posible pa rin na magtago siya sa puntong iyon, ngunit sa huli ay masasak
Naging sensitibo ang dalaga sa tuwing hinahawakan siya ng mga lalaki dahil sa environment na kinalakihan niya. Hindi pa sapat ang salitang sensitibo sa pagkakataon na ito. Sa halip, mas katulad ito ng pagkasuklam. Hindi mapigilan ng babae na mandiri kapag kailangan niyang harapin ang mga bagay na may kinalaman sa relasyon sa pagitan ng mga lalaki at babae. Kung minsan ay nandidiri pa siya sa presensya ng mga lalaki. Kaya medyo nakonsensya nang sabihin niyang mamamatay sila nang magkakasama kanina. Hindi inasahan ni Gerald na ang isang malamig at walang malasakit na babae ay tututol sa ganoong paraan. "Tingnan mo, sinusubukan ko lang iligtas ang iyong buhay dito. Kung hindi namin gagamutin ang iyong mga sugat ngayon, kakagatin ka nito pabalik kapag tatakas tayo mamaya. Kailangan mo ba talaga na ako ang magsasabi sayo kung ano ang mangyayari kapag nakuha ka nila?" pangungumbinsi ni Gerald. "…Ikaw…" Napahinto ang dalaga nang marinig niya iyon. Kitang-kita ang internal strug
“Saan…saan ka pupunta?” medyo nag-aalangan na tinanong ng dalaga habang nakatingin kay Gerald. "Hindi ko rin alam! Kapag nakarating na ako sa Salford Province, malamang na magpapatuloy ako sa aking destinasyon hanggang sa maabot ko ang dulo ng mundo!” nakangiting sinabi ni Gerald habang pinapaandar ang makina ng off-road vehicle na sinasakyan niya. Halata nanab na siya ang pumatay sa lahat ng mga tauhan ni Hansel noong gabi. Dahil din doon, hindi niya na kayang magtagal pa dito ng ilang sandali. "Bago ka umalis, sabihin mo sa akin ang pangalan mo! Ako si Rainey Levington!" Sabi ni Rainey habang namumula ang maganda niyang mukha. Sa katunayan, ito ang unang pagkakataon sa buhay niya na naging intimate siya sa isang lalaki. Para sa kanya, ibang-iba si Gerald sa lahat ng mga lalaking nakilala niya noon. Sinabi nga naman sa kanya ni Gerald na hindi siya magkakaroon ng anumang maruming intensyon sa kanya at nakita ni Rainey sa kanyang mga mata na hindi siya nagsisinungaling. “Ah