Pagdating pa lang niya sa lobby ng hotel, tila nawalan ng balanse ang isang babae na nagkataon lang na tumatakbo papunta sa kanyang direksyon nang ma-sprain ang kanyang ankle! Bago pa man matumba sa lupa ang babae, mabilis siyang nakuha ni Gerald. “Diyos ko! Muntikan na ako! Sa-salamat, pogi!” nagpasalamat ang dalaga na agad niyang inayos ang magulo niyang buhok matapos siyang tulungang tumayo ni Gerald. Gayunpaman, tiningnan niya ang binatang nasa harapan niya at hindi niya maiwasang maramdaman na medyo kakaiba ang pakiramdam ng lalaking nagligtas sa kanya mula sa isang masakit na pagkabagsak. Ang kanyang mukha ay misteryoso dahil sa kanyang maskara at nakadagdag pa dito ang kanyang cap, ngunit ang kanyang tingin ay parang pamilyar ngunit kakaiba sa parehong oras. Nakadagdag pa ang pagiging misteryoso niya dahil isang tango lang ang isinagot ng binata sa halip na magsalita. Habang iniisip ng babae kung nakita na ba niya ito noon, si Gerald mismo ay hindi maiwasang titigan
Nanliit ang mga mata ni Gerald habang pinagmamasdan mula ulo hanggang paa ang binata na dahan-dahang umiiwas at pagkatapos ay sumigaw siya, “Hoy ikaw! Tumigil ka dyan!” Kinilabutan ang buong katawan ng binatang pulubi sa sobrang takot nang marinig niya ito. Naluluha siya habang ibinababa ang kanyang tingin bago siya nagmakaawa, “Y-yes…? Parang awa mo na, sir... Pwede mo ba akong bigyan ng pera para makabili ako ng pagkain...? Nakikiusap ako sayo…” “…Yoel?” sabi ni Gerald sa malambing na pamamaraan. Nang marinig ang pangalang iyon, nanginig ng sobra ang katawan ng pulubi habang itinataas niya ang kanyang ulo. Sa sandaling tumingin si Yoel sa mga mata ni Gerald, nagsimulang manginig ang kanyang mga labi. “G-Gerald?” tanong ni Yoel nang maramdaman niya ang pagpatak ng kanyang mga luha sa kanyang pisngi. Hinubad ni Gerald ang kanyang maskara at hindi makapaniwala sa kanyang nakita, agad na kumapit si Gerald sa balikat ni Yoel at sumagot, “Oo! Oo, ako ito, Yoel!" “Brother! Buhay
Sa kabilang banda, si Quest ay sinabihan na manatili sa Salford Province kasama si Master Jenkinson pagkatapos ng buong operasyon ng pamilyang Schuyler. Kung tutuusin, napagtanto ni Gerald na hindi na siya kailangang sundan ni Quest hanggang sa Mayberry City. Bilang karagdagan, dahil nakauwi ng ligtas at maayos si Quest, alam ni Gerald na makakakuha siya ng kanlungan sa Salford Province kung saan pwede siyang umatras kung sakaling magkagulo ang mga sitwasyon. Sa katunayan, ito na lang ang nag-iisang tirahan niya. Kung sakaling dumating ang panahon na malaman nilang nakikipagsabwatan sa kanya ang pamilyang Westley, alam ni Gerald na wala na siyang ibang masisilungan kapag nahuli na siya ng pamilyang Moldell. Kung tutuusin, nakapatay siya ng apat na miyembro ng pamilyang Moldell sa Salford Province. Sigurado siyang hindi siya madaling papatayin ng pamilyang Moldell, ngunit hindi niya maikakaila na napakalakas ng kanilang pamilya. Alam na alam ni Gerald na hindi dapat siya umatake
Sa pagkakataong ito, hindi lamang tatayo doon ang lalaki. Nang malapit na sila, agad na hinawakan ng lalaki sa leeg ang dalawang lalaki na nasa harapan niya bago niya binaluktot ang kanilang mga pulso. Makalipas ang ilang segundo, tumalsik ang mga dugo ng dalawang lalaki nang marinig nilang bumiyak ang kanilang mga leeg. Sa oras na iyon, namatay agad sila na parang kandilang pinatay ang apoy. Kasunod nito, inulit niya ang parehong proseso sa iba pa niyang mga umatake. Pinabagsak niya silang lahat nang may matinding accuracy at skill. “S-sino ka...” nauutal na sinabi ni Jett. Ang taong ito ay napakalakas. Ang kanyang mga pamamaraan ay kasinghusay ng kanyang nakakatakot na brutal na pamamaraan. Bukod kay Kort, hindi pa nakita ni Jett ang sinumang may ganoong kapangyarihan. Naisip niya na ang lalaking nakatayo sa kanyang harapan ngayon ay isang master na mas malakas pa kaysa sa kanyang ama. Alam niyang iyon ang dahilan kung bakit gulat na gulat siya habang patuloy ang pagtitig
Kinabukasan sa mansion ng pamilyang Crawford sa Northbay, tumakbo ang isang butler habang sumisigaw, “Sir! May magandang balita ako!" Sa oras na iyon, nagbabasa si Dylan sa kanyang loob ng kanyang study room. Pinahintulutan niya ang kanyang butlee na makapasok at pagkatapos ay ibinaba ni Dylan ang kanyang salamin bago napakunot at sinabing, “Sabihin mo…” "Ito ay tungkol kay Kort Moldell! Habang ginagawa nina Kort at Jett ang lahat ng kanilang makakaya para labanan ang aming pamilya sa nakalipas na anim na buwan, nakatanggap kami ng balita mula sa isang mapagkakatiwalaang source na nawawala si Jett!” "Ano? Nawawala si Jett?" sabi ni Dylan nang tumayo siya. Si Jett ang pangatlong anak ni Kort na unti-unting nabuo ang pagiging makapangyarihan niya sa nakalipas na anim na buwan. Isa siyang sakit sa ulo at sinasadya niyang magdulot ng gulo para sa pamilyang Crawford tuwing makakahanap siya ng pagkakataon. Kahit na nakita lamang siya ni Dylan bilang isang peste na hindi kailangang
Ang bus ay kasalukuyang naglalakbay sa isang kalsada na napapalibutan ng mga bundok at bukod sa kotse na ito, ang kalsada ay walang laman. Kahit saang direksyon na tumingin, mga bundok lamang ang nakikita. "Alam mo, nabalitaan ko na maraming roberies ang nangyayari sa kalsadang ito!" sabi ng isang matabang binata na halatang nanlulumo sa buong biyahe. Nagpatuloy siya nang makita niyang nakatingin na ang iba sa kanya, “Nasa balita yan noon! Isang grupo ng mga magnanakaw ang sumakay ng isang bus sa mismong kalsadang ito, at pagkatapos nila sa kanilang pagnanakaw, pinatay nila ang lahat ng nasa bus!” “Imposible! Medyo alerto ako sa mga ganitong balita... Bakit hindi ko ito nakita noon?" Kinakabahan na tinanong ng isang middle-aged na babae. “Well, nawala agad ang balita hindi nagtagal matapos itong ilabas sa publiko! Kung tutuusin, ang pagkalat ng mga balitang tulad nito nang biglaan ay madaling magsimula ng isang panic!" paliwanag ng matabang lalaki. “Hah. Kahit na umatake man
"Nagsasabi ako ng totoo!" dagdag ng dalaga habang unti-unti siyang sumisimangot. “Hoy, taba! Hayaan mo na lang! Maganda nga naman siya! Kung talagang pursigido ka, dito! Kumuha ka na lang ng three dollars sa akin!" alok ng isa sa mga pasahero habang tumatawa. "Totoo ba ito?! Hindi ko inakala na may ganyang babae! Gustong kumain pero ayaw magbayad ng tatlong dolyar!" ngumisi ang matabang lalaki. Nang marinig iyon, lalo pang sumimangot ang dalaga. Kaagad pagkatapos nito, isang panandaliang kabangisan ang sumilay sa kanyang mga mata habang sinasabi niya, "Kung talagang gusto mo ang pera ko, sumama ka sa akin kapag bababa ako ng bus mamaya. Kung tatanggapin mo ang dare ko na ito, kalimutan mo na ang tatlong dolyar, bibigyan kita ng three thousand dollars kung gusto mo! Anong masasabi mo?" malamig na tinanong ng dalaga. "Bakit hindi? Iksw mismo ang nagsabi na bibigyan mo ako ng three thousand dollars! Hindi pa huli ang lahat para bawiin ang pahayag na iyon!" sagot ng matabang lala
Gayunpaman, agad niyang binawi ang kanyang tingin. Ang magandang babae naman ay tumingin lamang sa matabang lalaki bago niya sinabing, “Kung gusto mong mabuhay, buhatin mo ang bagahe ko at sumunod ka sa akin. Gawin mo ito ng maayos at bibigyan kita ng one hundred thousand dollars kapag tapos na tayo!" Habang pinagmamasdan ang matabang lalaki na tahimik na tumango dahil sa takot, tumingin siya sa gilid at nakita niya ang tatlo pang lalaking bumaba ng bus kanina. Pinanood niya silang maglakad sa kabilang direksyon at hindi niya maiwasang mapakunot. 'Ang lalaking iyon na nakasuot ng itim na trench coat ay napaka-misteryoso...' naisip niya ng babae sa kanyang sarili. Kahit pa ganoon, hindi naman nangingialam ang lalaking iyon sa kanya kaya hindi talaga siya mahalaga sa kanya. May sarili siyang mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin sa oras na ito. Pagkatapos ay nag-squat siya at sinimulang tanggalin ang lahat ng mga communication devices sa limang bangkay. Pagkatapos niyang gaw