Habang inihahanda ng butler ang sasakyan, si Mindy mismo ay nakatayo na sa harap ng mga taong natira sa mansyon ng pamilyang Schuyler. “Excuse me, pero may nakita ka bang nakasuot ng maskara? Ganito siya katangkad at meron siyang seryosong burn mark sa mga mata niya kapag nakababa ang maskara niya…" tanong ng isang babae sa isang random na naglalakad lamang habang inaangat niya ang kanyang kamay sa ulo niya para gayahin kung gaano katangkad si Sanderson. "... Hindi, hindi ko siya nakita...?" sagot ng naguguluhan na lalaki. "Pero bakit ganun? Sinabi niya sa amin na darating siya para hanapin kami pero hindi niya ito ginawa! Wala rin siya sa Yorknorth Mountain! Saan kaya siya pumunta...? Sinubukan ko pang tawagan si Stella pero hindi ko rin siya makontak! Pumunta ako sa bahay niya pero parang lumipat na siya... Sino sa tingin mo ang makakapagsabi sa akin kung saan pumunta si Sanderson...?" tanong ni Mindy. Ang mismong dumadaan lamang ay nabigla dahil siya ang tinanong ng babaeng
Unti-unting nawalan ng malay si Mindy habang naririnig sa di kalayuan ang mahinang wangwang ng ambulansya. “…San…derson…” Samantala, isang binata na nakaupo sa loob ng isang express train ang biglang napahawak sa kanyang dibdib habang siya ay nanginginig. “Anong problema?” tanong ng isang babaeng nakaupo malapit sa kanya dahil sa pag-aalala. "... Wala ito. Bigla lang sumikip ang puso ko... Wala na ang pakiramdam na ito ngayon. Nakakapagtaka...” sagot ng lalaki na may mapait na ngiti sa kanyang labi. Napalingon siya sa dalaga bago niya sinabing, “Oo nga pala, kunin mo ito. Sa sandaling tumira ka sa Mayberry at makakuha ng trabaho doon kasama ang bank card na ito, magiging madali ang natitirang bahagi ng buhay mo!” Habang sinasabi niya iyon, inabot niya ang isang bank card sa dalaga. “Hindi ko ito kayang tanggapin, Gerald! Magiging maayos ang buhay ko kapag nakakuha ako ng trabaho! Pero ikaw, sigurado na mas nangangailangan ka ng pera kaysa sa akin!" sagot ng dalaga sabay
Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa Mayberry Station. Palihim na pinasok ni Gerald ang bank card sa bulsa ni Naomi at pagkatapos ay nagpara siya ng taxi para sa kanya. Hindi siya nag-aalala na hindi ito magagamit ni Naomi dahil alam na niya kung ano ang password, kahit noong nasa university pa sila. Ang password nito ay ang kanyang birthday. "Hindi ka ba sasama sa amin, Gerald?" tanong ni Naomi habang binababa ang bintana ng taksi. “Magpapatuloy na ako mula dito! Bye, Naomi!" sagot ni Gerald sabay kaway habang nagsisimula nang magmaneho ang taksi. Inilabas ni Naomi ang kanyang ulo sa bintana at pagkatapos ay sumigaw siya, “Gerald, please! Wala akong pakialam kung magkakaroon tayo ng maraming pera o hindi! Magsama na lang tayo at magpakasal! Magkasama tayong maghahanap ng trabaho sa Mayberry city at pagkatapos nito, masusuportahan natin ang ating sarili nang maayos sa future! Sigurado ako! Kung hindi mo gusto sa Mayberry, e di... E di, manirahan na lang tayo sa probinsya! Ma
Pagdating pa lang niya sa lobby ng hotel, tila nawalan ng balanse ang isang babae na nagkataon lang na tumatakbo papunta sa kanyang direksyon nang ma-sprain ang kanyang ankle! Bago pa man matumba sa lupa ang babae, mabilis siyang nakuha ni Gerald. “Diyos ko! Muntikan na ako! Sa-salamat, pogi!” nagpasalamat ang dalaga na agad niyang inayos ang magulo niyang buhok matapos siyang tulungang tumayo ni Gerald. Gayunpaman, tiningnan niya ang binatang nasa harapan niya at hindi niya maiwasang maramdaman na medyo kakaiba ang pakiramdam ng lalaking nagligtas sa kanya mula sa isang masakit na pagkabagsak. Ang kanyang mukha ay misteryoso dahil sa kanyang maskara at nakadagdag pa dito ang kanyang cap, ngunit ang kanyang tingin ay parang pamilyar ngunit kakaiba sa parehong oras. Nakadagdag pa ang pagiging misteryoso niya dahil isang tango lang ang isinagot ng binata sa halip na magsalita. Habang iniisip ng babae kung nakita na ba niya ito noon, si Gerald mismo ay hindi maiwasang titigan
Nanliit ang mga mata ni Gerald habang pinagmamasdan mula ulo hanggang paa ang binata na dahan-dahang umiiwas at pagkatapos ay sumigaw siya, “Hoy ikaw! Tumigil ka dyan!” Kinilabutan ang buong katawan ng binatang pulubi sa sobrang takot nang marinig niya ito. Naluluha siya habang ibinababa ang kanyang tingin bago siya nagmakaawa, “Y-yes…? Parang awa mo na, sir... Pwede mo ba akong bigyan ng pera para makabili ako ng pagkain...? Nakikiusap ako sayo…” “…Yoel?” sabi ni Gerald sa malambing na pamamaraan. Nang marinig ang pangalang iyon, nanginig ng sobra ang katawan ng pulubi habang itinataas niya ang kanyang ulo. Sa sandaling tumingin si Yoel sa mga mata ni Gerald, nagsimulang manginig ang kanyang mga labi. “G-Gerald?” tanong ni Yoel nang maramdaman niya ang pagpatak ng kanyang mga luha sa kanyang pisngi. Hinubad ni Gerald ang kanyang maskara at hindi makapaniwala sa kanyang nakita, agad na kumapit si Gerald sa balikat ni Yoel at sumagot, “Oo! Oo, ako ito, Yoel!" “Brother! Buhay
Sa kabilang banda, si Quest ay sinabihan na manatili sa Salford Province kasama si Master Jenkinson pagkatapos ng buong operasyon ng pamilyang Schuyler. Kung tutuusin, napagtanto ni Gerald na hindi na siya kailangang sundan ni Quest hanggang sa Mayberry City. Bilang karagdagan, dahil nakauwi ng ligtas at maayos si Quest, alam ni Gerald na makakakuha siya ng kanlungan sa Salford Province kung saan pwede siyang umatras kung sakaling magkagulo ang mga sitwasyon. Sa katunayan, ito na lang ang nag-iisang tirahan niya. Kung sakaling dumating ang panahon na malaman nilang nakikipagsabwatan sa kanya ang pamilyang Westley, alam ni Gerald na wala na siyang ibang masisilungan kapag nahuli na siya ng pamilyang Moldell. Kung tutuusin, nakapatay siya ng apat na miyembro ng pamilyang Moldell sa Salford Province. Sigurado siyang hindi siya madaling papatayin ng pamilyang Moldell, ngunit hindi niya maikakaila na napakalakas ng kanilang pamilya. Alam na alam ni Gerald na hindi dapat siya umatake
Sa pagkakataong ito, hindi lamang tatayo doon ang lalaki. Nang malapit na sila, agad na hinawakan ng lalaki sa leeg ang dalawang lalaki na nasa harapan niya bago niya binaluktot ang kanilang mga pulso. Makalipas ang ilang segundo, tumalsik ang mga dugo ng dalawang lalaki nang marinig nilang bumiyak ang kanilang mga leeg. Sa oras na iyon, namatay agad sila na parang kandilang pinatay ang apoy. Kasunod nito, inulit niya ang parehong proseso sa iba pa niyang mga umatake. Pinabagsak niya silang lahat nang may matinding accuracy at skill. “S-sino ka...” nauutal na sinabi ni Jett. Ang taong ito ay napakalakas. Ang kanyang mga pamamaraan ay kasinghusay ng kanyang nakakatakot na brutal na pamamaraan. Bukod kay Kort, hindi pa nakita ni Jett ang sinumang may ganoong kapangyarihan. Naisip niya na ang lalaking nakatayo sa kanyang harapan ngayon ay isang master na mas malakas pa kaysa sa kanyang ama. Alam niyang iyon ang dahilan kung bakit gulat na gulat siya habang patuloy ang pagtitig
Kinabukasan sa mansion ng pamilyang Crawford sa Northbay, tumakbo ang isang butler habang sumisigaw, “Sir! May magandang balita ako!" Sa oras na iyon, nagbabasa si Dylan sa kanyang loob ng kanyang study room. Pinahintulutan niya ang kanyang butlee na makapasok at pagkatapos ay ibinaba ni Dylan ang kanyang salamin bago napakunot at sinabing, “Sabihin mo…” "Ito ay tungkol kay Kort Moldell! Habang ginagawa nina Kort at Jett ang lahat ng kanilang makakaya para labanan ang aming pamilya sa nakalipas na anim na buwan, nakatanggap kami ng balita mula sa isang mapagkakatiwalaang source na nawawala si Jett!” "Ano? Nawawala si Jett?" sabi ni Dylan nang tumayo siya. Si Jett ang pangatlong anak ni Kort na unti-unting nabuo ang pagiging makapangyarihan niya sa nakalipas na anim na buwan. Isa siyang sakit sa ulo at sinasadya niyang magdulot ng gulo para sa pamilyang Crawford tuwing makakahanap siya ng pagkakataon. Kahit na nakita lamang siya ni Dylan bilang isang peste na hindi kailangang