“Medyo gabi na noon... katulad ng oras na ito! Lumubog ang araw noon at lalong dumilim ang kalangitan... Tumawid kami noon sa isang ilog at sinabi sa akin ng tatay ko na doon kami magtatayo ng camp. Pagkatapos naming maisaayos ang lahat, pumunta kami sa ilog para kumuha ng tubig para sa susunod na araw... Pagkarating namin sa ilog, doon namin siya nakita!” Nakatitig ang lahat sa Master of the Desert habang nagpapatuloy siya, "Si Capra Nanny ay umiinom ng tubig sa tabi ng ilog at kahit na hindi ko makita ng maayos ang kanyang mukha sa ilalim ng liwanag ng buwan, naaalala ko na siya ay may mahabang dila at ang kanyang buhok ay mahaba at magulo.” "Napahinto kami at itinaas ng matandang babae ang kanyang ulo at nakipag-eye contact sa amin. Saglit lang iyon, pero nakita kong berde ang mga mata niya! Sa kabutihang palad, mabuti na lang at natangay ako ang tatay ko sa tamang oras habang sumisigaw siya, 'Huwag kang tumingin sa kanya, Billy! Tumalikod ka!’” “Pagkasabi niya nito ay agad na
Nagulat ang lahat nang marinig nila kaya nagsimula silang magtipon sa paligid ng mga sumisigaw na babae, "Ano ang nangyari?!" Gayunpaman, nalinaw ang katanungan na iyon nang tumingin sila sa direksyon kung saan nakatingin ang mga sumisigaw na babe. Nakahiga sa dune ang dalawang bangkay! Sa ilalim ng liwanag ng buwan, ang mga bangkay ay parang sinipsip ang kanilang mga dugo hanggang sa matuyo ang katawan nila na ang kanilang mga balat ay nakakakapit ng mahigpit sa kanilang mga buto. "Sila... Sila Minnie at Juan!" sigaw ng isang tao mula sa loob ng search party nang makilala nito ang damit na suot ng mga bangkay. "Paano nangyari ito...? Kalahating oras pa lang ang nakalipas!" sabi ni Professor Yale. Maraming mga karanasan si Professor Yale kaya hindi siya makapaniwala sa lahat ng mga nangyayari. Tumaas ang mga balahibo niya nang makita niya ang dalawang bangkay! "... Si... Si Capra Nanny... Nandito na siya!" nauutal na sinabi ng Master of the Desert nang mapalunok siya sa tak
Tulang ng unang sinabi ng Master of the Desert, ang halimaw ay halos bulletproof dahil matigas ang balat na ito. "Ano?!" natulala si Wynn nang makita niya ito. Kahit na hindi ito nasaktan ng bala, nagalit pa rin ang halimaw sa atake ni Wynn! Mabilis itong lumapit sa kanya at tumayo sa kanyang bago nito hinawakan si Wynn sa kanyang kwelyo at inihagis siya sa hangin! Sa isang saglit, bumagsak ang katawan ni Wynn sa buhangin. Pagkaraan ng ilang sandali, bigla na lamang siyang sumuka ng dugo! “Na-napakalakas!” nauutal na sinabi ni Propesor Yale nang bigla siyang namutla sa takot habang inaakay ang kanyang grupo ng mga researcher patungo sa likuran. Bumagsak na si Wynn kaya humarap muli ang halimaw kay Gerald, siya nga naman ang unang target ng halimaw. Tumingin ito sa kanya at naramdaman niya kung gaano kalakas at kabangis si Gerald. Nang sumugod ito sa kanya, pinalipad siya ni Gerald gamit ang isang malakas na sipa! Makapal ang balat ng halimaw ngunit si Gerald ay isang semi-
Pagkatapos niyang tumakbo ng matagal, nakarating na rin sa wakas si Gerald sa Thousand Sand Ridge. Pagdating niya doon, mabilis niyang nalaman kung bakit ganoon ang pangalan ng lugar. Hindi bababa sa ilang libong sand dunes ang nagsasapawan sa isa't isa kaya ito ang dahilan kung bakit ganito ang tawag sa lugar na ito. Gayunpaman, sinuri niya ang paligid ng ilang beses ngunit hindi pa rin niya mahanap ang sinaunang balon na binanggit ng Master of the Desert. Pagkatapos maglakad-lakad ng kaunti, bigla siyang nakaamoy ng kakaibang amoy na nag-udyok sa kanya na tumingin sa ibaba. Nakita niya sa kanyang paanan ang isang pool ng dugo! Sinuri niya ito at nakita niyang may bakas ng dark green ang dugo. Sapat na iyon para masabi na mula sa halimaw ang dugo na iyon. Hindi nag-react si Capra Nanny kahit na hinagis sa kanya ni Gerald ang Dawnbreaker, ngunit sigurado si Gerald na matagumpay niyang nasugatan ang halimaw at ito ang dahilan kung bakit nasaktan ito. Kahit malakas pa ang depen
“Kasinungalingan! Hindi ako pwedeng magkamali!" Sabi ni Giya habang lalong humigpit ang pagkakakapit niya kay Gerald habang pinupunasan ang kanyang mga luha sa mukha gamit. “Miss, ang pangalan ko ay Xadrian... hindi ko alam kung sino itong Gerald na tinutukoy mo! Siya ba ang taong nagbuhay sayo noon tulad ng binanggit mo...? Kamukha ko ba siya?" Walang emosyon na tinanong ni Gerald Matagal na sinanay ni Gerald ang kanyang sarili para matutunan ang kanyang poker face dahil ginagawa na niya ito mula noong una niyang nakasalubong si Giya noong araw na iyon. Nakita ni Giya ang walang emosyon na mukha ni Gerald kaya dahan-dahan niyang naramdaman na talagang hindi pamilyar sa kanya ang kakaibang lalaki. At saka, iba ang boses nito kay Gerald. Medyo payat, tahimik, at maganda ang balat ng Gerald na nakilala ni Giya. Kahawig ni Gerald ang taong ito, ngunit siya ay mas matipuno, mas malakas, at medyo maitim kaysa kay Gerald. Gayunpaman, may dalawang tao ba sa mundong ito na magkamuk
"Malalaman natin ito kung itutulak natin ito pabukas, hindi ba?" Sabi ni Meredith. “Oo nga. Umatras kayo ng kaunti kapag ginawa ko ito!" Sabi ni Gerald sabay tango. Base sa maraming mga istorya na narinig ng kanyang lolo mula sa iba't ibang panig ng mundo, madalas na matatagpuan ang mga kayamanan sa mga nakatagong lugar na binabantayan ng mga kakaibang hayop o halimaw. Ang imahe ng araw mismo ay natuklasan ng mga ninuno ng kanyang pamilya sa loob ng isang kweba na matatagpuan sa masukal na kagubatan. Binantayan ito noon ng isang malaking puting unggoy na kumakain ng tao at marami sa kanyang mga ninuno ang namatay bago sila naging matagumpay na makuha ang imahe ng araw. Dahil nandito na rin si Gerald, pwede na rin siyang pumasok at tingnan. Sinabihan ni Gerald ang mga babae na umatras kanina dahil sa sobrang bigat ng gate na gawa sa bato at alam niyang kailangan niyang gamitin ang kanyang inner strength para mabuksan ito. Natatakot siya na baka masaktan sila kung masyado silan
Pumunta si Gerald doon para tingnan ito at napansin niya na kakaiba talaga ang mga paintings na ito. Sa nakikita niya, pinapakita ng mural ang mga taong naninirahan dito noon at ang kanilang mga buhay. Gayunpaman, ang mga paintings ng tao ay kakaiba ang itsura. Parang may kwento na sinasabi ang mural. Sinuri nila ito ng maigi at parang ikinuwento nila ang mga bagay na nakatago sa loob ng stone room. Nagtanong si Gerald nang makita niyang sinusuri rin ni Giya ang mural, "Naiintindihan mo ba kung ano ang sinasabi ng mural, Giya?" “…A-ano? Tina... tinawag mo ba ako ngayon lang?" tanong ni Giya nang bigla siyang natauhan habang nakatitig siy kay Gerald na may blangko na emosyon sa mukha nito. “…Oo naman! Hindi naman ako nagkamali ng pangalan mo, di ba? Ayan ang tawag ng ibang tao sayo sa pagkakaalam ko!" “…Ta-tama ka... Ang pangalan ko ay Giya...” sabi ni Giya nang maramdaman niyang nanginginig ang kanyang puso. Iniwasan niya ang pakiramdam na ito at sinabi, “...Naiintindihan
Binalot ng alikabok sa mukha ni Gerald kaya parehong naglakad si Meredith at Giya papunta sa kanya nang mawala na ang alikabok, bago sila sumulip din sa loob ng kahon. Sa loob, nakita nila na natatakpan ng alikabok ang isang mahaba na espada. Kahit na makapal ang alikabok, hindi iyon sapat para itago ang makinang na espada. Sa katunayan, napakakinang nito na naramdaman nilang tatlo na ang mga taong nakakita nito mula sa malayo ay kikilabutan sa kanilang mga gulugod kapag nakita nila ang ningning ng espada. "...Kahit na libu-libong taong gulang na ang espada, mukhang matalas pa rin ito!" sabi ni Meredith habang pilit niyang binubuhat ang espada. Hindi interesado si Giya sa espada kaya bumalik na lang siya para tingnan ang mga mural. “Ma-mabigat…!” Sabi ni Meredith habang patuloy niyang sinusubukang iangat ang espada. Nararamdaman niya na parang nakadikit sa ilalim ng kahon ng bato ang espada. "Susubukan ko!" sabi ni Gerald habang kinukuha niya ang espada. Gumamit siya ng kaun