Pumunta si Gerald doon para tingnan ito at napansin niya na kakaiba talaga ang mga paintings na ito. Sa nakikita niya, pinapakita ng mural ang mga taong naninirahan dito noon at ang kanilang mga buhay. Gayunpaman, ang mga paintings ng tao ay kakaiba ang itsura. Parang may kwento na sinasabi ang mural. Sinuri nila ito ng maigi at parang ikinuwento nila ang mga bagay na nakatago sa loob ng stone room. Nagtanong si Gerald nang makita niyang sinusuri rin ni Giya ang mural, "Naiintindihan mo ba kung ano ang sinasabi ng mural, Giya?" “…A-ano? Tina... tinawag mo ba ako ngayon lang?" tanong ni Giya nang bigla siyang natauhan habang nakatitig siy kay Gerald na may blangko na emosyon sa mukha nito. “…Oo naman! Hindi naman ako nagkamali ng pangalan mo, di ba? Ayan ang tawag ng ibang tao sayo sa pagkakaalam ko!" “…Ta-tama ka... Ang pangalan ko ay Giya...” sabi ni Giya nang maramdaman niyang nanginginig ang kanyang puso. Iniwasan niya ang pakiramdam na ito at sinabi, “...Naiintindihan
Binalot ng alikabok sa mukha ni Gerald kaya parehong naglakad si Meredith at Giya papunta sa kanya nang mawala na ang alikabok, bago sila sumulip din sa loob ng kahon. Sa loob, nakita nila na natatakpan ng alikabok ang isang mahaba na espada. Kahit na makapal ang alikabok, hindi iyon sapat para itago ang makinang na espada. Sa katunayan, napakakinang nito na naramdaman nilang tatlo na ang mga taong nakakita nito mula sa malayo ay kikilabutan sa kanilang mga gulugod kapag nakita nila ang ningning ng espada. "...Kahit na libu-libong taong gulang na ang espada, mukhang matalas pa rin ito!" sabi ni Meredith habang pilit niyang binubuhat ang espada. Hindi interesado si Giya sa espada kaya bumalik na lang siya para tingnan ang mga mural. “Ma-mabigat…!” Sabi ni Meredith habang patuloy niyang sinusubukang iangat ang espada. Nararamdaman niya na parang nakadikit sa ilalim ng kahon ng bato ang espada. "Susubukan ko!" sabi ni Gerald habang kinukuha niya ang espada. Gumamit siya ng kaun
Gabi na nang makalabas silang tatlo sa sinaunang balon at mataas na ang buwan sa langit. Pinangunahan ni Gerald ang dalawang babae papunta sa sira-sirang gusali. Pagdating nila doon, nakita nila na magkakasama na muli ang mga tao. Nakita nila si Propesor Yale at ang iba pang mga researchers. Huli na nang mapagtanto nila na hindi nipa mahahabol si Gerald. Bukod sa dalawang namatay, ang tanging malubhang sugatan ay si Wynn at meron siyang malubhang lagnat pagkatapos nito. Kahit na maayos ang kalagayan ng lahat ng tao, silang lahat ay pare-parehong nakakaramdam ng pagkabalisa dahil sa takot sa mga naging kaganapan ngayong gabi. Dahil nandito na si Gerald, sa wakas ay makakapagpahinga na silang lahat pagkatapos ng pinagdaanan nila ngayon. Habang nagpapahinga ang iba, nanatili namang gising si Gerald. Sinisindihan niya ang apoy at binantayan niya ang iba habang tinitiyak na paminsan-minsan ay naghahagis ng kahoy na panggatong sa apoy. Sina Meredith at Giya naman ay gising din. Nam
“Ituturing ko na ‘Oo’ ang katahimikan mo! Susubukan ko na siyang mapa-sakin mula bukas!" sabi ni Meredith. “...Fine,” malambing na sinabi ni Giya. Huminga siya ng malalim at muli niyang ipinaalala sa kanyang sarili na si Gerald ang taong mahal niya. Ano naman kung kamukha niya si Xadrian? Hindi pa rin siya si Gerald kahit na ibaliktad pa ang mundo. Kung gusto talaga ni Meredith si Xadrian, alam ni Giya na wala siyang karapatan na pigilan siya na ituloy ang bagay na magpapasaya sa kanya. ‘Hindi ka pwedeng maging selfish, Giya!’ Sinusubukan ni Giya na aliwin ang kanyang sarili. Ang dalawang babae ay hindi nakatulog ng kahit isang beses sa gabing iyon dahil abala sila sa kanilang sariling mga alalahanin. Kinaumagahan, nag-iimpake na ang lahat at naghahanda na silang umalis nang biglang lumapit si Meredith kay Gerald at sinabing, “Nauuhaw ka ba, Xadrian? May dala akong tubig kung gusto mo ito!" Nang marinig iyon, patagilid na tumingin si Gerald kay Giya at bigla niyang napans
Hindi lang mula sa kahit sinong grupo ang mga katawan na ito. Ang mga bangkay ay mga kapatid niya mula sa Soul Palace! Naging mabigat ang pakiramdam ni Gerald nang makita niya ang pamilyar na itsura ng helicopter. Matapos niyang makumpirma ang kanyang speculation, hindi naiwasan ni Gerald na mabalisa sa pangyayaring ito. Kung tutuusin, ang mga mula sa Soul Palace ay mahalagang bahagi din ng pamilyang Crawford! Napansin niya na pumunta ang mga ito sa disyerto para hanapin siya. Alam na alam ni Gerald na ang mga helicopter mula sa Soul Place ay idinisenyo para maging halos imposible na bumagsak ito ng madalian. Sinuri niya ang spot kung saan maraming natapong gasolina na dahilan para maging maitim ang buhangin, ngunit naging malinaw sa kanya na ito ang salarin kung bakit bumagsak ang buong helicopter. Gayunpaman, sino kaya ang pumatay sa kanila? Matapos suriing mabuti ang bawat isa sa apat na bangkay, sa wakas ay nakakita si Gerald ng clue sa mga ito. Ang isa sa mga taong ito
Kabisado na ni Gerald ang mapa.Kaya hindi magiging mahirap para kay Gerald na hanapin ang eternal coffin.Malakas ang kutob ni Gerald na may mas malaking sikreto na nakatago tungkol sa eternal coffin.Ang mundong ito ay hindi kasing simple ng inaakala niya.Naramdaman ni Gerald na kakaiba ang lahat lalo na pagkatapos niyang makita ang mga mural na iyon.Paano niya ito mailalarawan?Para bang may dalawang kamay na pasikretong minamanipula ang lahat sa dilim.Napakadelikado na ng nangyari sa disyerto at magiging mas delikado kapag nakapunta siya sa labas ng disyerto.Syempre, hindi isinapuso ni Gerald ang ilan sa mga halimaw na nakatagpo niya.Habang papalapit na ang gabi, narating na ni Gerald ang pinaka-malayong bahagi ng outlands.Nakarating siya sa isang lugar na tinatawag na Ullerwood.Hindi kulay dilaw ang buhangin dito ngunit sa halip, ito ay napuno ng itim na buhangin.Bukod pa dito, ang hangin ay napakalakas dito na kaya nitong tangayin ang isang tao.'Kakaiba ito.
“Napakatalino at mahusay ka talagang magsalita, pero tingnan natin kung gaano pa katagal na kaya mong magpatuloy sa ganyan! Papatayin na kita ngayon!"Kumunot ang mga talukap ni Christopher bago siya sumugod para salakayin si Gerald.Gustong ipagtanggol ni Gerald ang kanyang sarili at iwasan ang pag-atake ni Christopher, ngunit wala siyang kalaban-laban kay Christopher.Tinamaan si Gerald ng suntok ni Christopher at sumuka siya ng dugo sa isang iglap.“Hindi mo maiiwasan ang mga atake ko! Bibigyan kita ng huling pagkakataon ngayon. Ililigtas ko ang buhay mo kung sasabihin mo sa akin ang totoo!" Malamig na sinabi ni Christopher.“Hahaha! Mr. Moldell, akala mo ba tatlong taong gulang na bata ako na napakadali mong malilinlang?" Sabi ni Gerald habang pinupunasan ang dugo sa gilid ng kanyang bibig niya."Sa tingin ko gusto mo na talagang mamatay!"Galit na galit si Christopher kaya itinaas niya ang kanyang palad nang kumilox siya at ang buong katawan ni Gerald ay tumalsik sa hangin
Hahabulin na sana ni Christopher si Gerald.Nang nasa kalagitnaan na siya nang bigla na naman siyang huminto sa kinatatayuan niya.Hinawakan ni Christopher ang kanyang pisngi na nakalmot at makikita ang nakakatakot na ekspresyon sa kanyang mukha.“Pinapayuhan na kita ngayon, bata. Mas mabuting lumabas ka sa kweba at sumunod ka sa akin. Kung hindi, hindi ka makakatakas ng buhay kahit ibigay mo pa ang lahat ng lakas mo!" sumigaw ng malakas si Christopher habang nakatayo sa entrance ng kweba.Hindi nagtagal, maririnig ang mahinang boses mula sa loob ng kweba, “Tanda! Mas mabuti pang mamatay ako ngayon kaysa patayin mo sa labas!"Kumunot ang noo ni Christopher. “P*tang ina mo ka! Huwag mo akong sisihin na hindi kita binalaan na mamamatay ka sa loob!"Talagang magiging delikado kung papasok siya sa loob ng kweba. Isa na siyang great master at masasabing hindi siya mapapatumba sa mundong ito. Gayunpaman, hindi napigilan ni Christopher na maramdaman ang matinding takot nang maisip niya