Mabilis na tumalikod si Lillian at ang kaniyang mga kasama nang makita nila ang pagbabago sa itsura ni Darryl, at kaagad na nanginig sa kanilang nakita. Isa pang team ng mga explorer na binubuo ng 15 na kalalakihan ang lumapit sa kanila nang walang pagaalinlangan. Naging malakas ang bawat isa sa mga ito na kung saan nasa level five Martial Saint ang pinakamahina nilang miyembro habang nasa Level two Martial King naman ang pinakamalakas na miyembro ng grupong ito. Nakasuot ang mga lalaki ng full body armor at mga gas helmet na mas naging advanced kaysa sa mga suot na helmet nina Lillian at ng kaniyang mga kasama.“Tut-tut.” Kasalukuyan nang magkaharap sa mga sandaling ito ang dalawang grupo, tiningnan nang maigi ng kalbong lider ng kabilang grupo si Otis at ang mga kasama nito bago titigan nang husto si Lillian. Kaagad na nahumaling ang kaniyang mga kasama at maging ang lider ng grupo nang makita nila si Lillian. Kasalukuyan pang basa ng pawis ang noo ni Lillian matapos ng naging laban
Agad na napatingin sina Earle at ang kaniyang mga tauhan kay Darryl. Mabilis na naglakad si Earle palapit kay Darryl para tingnan ito nang paulit ulit bago magtanong ng, “Alam mo kung saan matatagpuan ang mga Black Sand Python?”“Mukhang matagal tagal na rito ang batang ito kung titingnan ang damit niyang gawa sa balat ng hayop at ang mgapeklat sa kaniyang mukha,” Isip ni Earle.Nagisip si Darryl ng isang sandali bago nakangiting sabihin na. “Oo.” Maaari nga na masyadong malakas si Earle at ang kaniyang mga kasama para sa mata ng iba, pero sa totoo lang ay hindi ito naging banta para kay Darryl, pero kinakailangan niya pa ring sumakay sa mga ito kung ayaw niyang makilala siya ng iba.“Magaling!” Dito an napangiti ang mukha ni Earle bago nanlalamig na sabihing, “Dalhin mo kami roon.” At pagkatapos ay agad siyang tumingin kay Lillian para sabihing, “Halika rito, ganda. Huwag na huwag kang tatanggi sa akin. Maiksi lang ang pasensya ko kaya kung ako sa iyo ay susunod na ako kung ayaw mo
Hindi naman itinago ni Lillian ang pagkainis sa kaniyang mga mata habang nagsasalita. Sinadya nitong ilayo ang kaniyang sarili sa katabi niyang si Darryl habang tumitindi ang pandidiri na kaniyang nararamdaman dito. Pero sa kasamaang palad ay nalanghap niya ang hamog habang lumalayo kay Darryl.“Buwisit!” Napamura na lang sa kaniyang loob si Darryl matapos mapuno sa pagmamatigas ni Lillian. Gusto lang naman niyang protektahan ni Lillian sa hamog kaya niya ito pinayayakap sa loob ng kaniyang barrier, pero malinaw pa rin nitong ipinakita na hindi niya ito naaappreciate.“Hayop kang bata ka!” Nakabalik na rin sa realidad ang isipan ni Earle at ng kaniyang mga kasama matapos nitong makita ang napakagandang tanawin sa kanilang harapan, galit na sumigaw ang mga ito kay Darryl ng, “Nasaan na ang mga Black Sand Pythons?”“Hindi mo naman siguro kami lolokohin, hindi ba?”“Halata naman na walang kahit na isang pugad ng Black Sand Python dito hindi ba.” Dito na dahan dahang pinaligiran ng mga
Habang naooverwhelm sa dami ng mga tanong sa kaniyang isipan, nagtanong na rin si Lillian, “Kung ganoon ay mayroon ka bang gamot para rito?” Nilagay niya ang kaniyang kamay sa kaniyang noo. Nagsisimula na siyang mahilo sa mga sandaling ito at habang mas parami nang parami ang kaniyang nalalanghap ay mas pahina nang pahina ang kaniyang pakiramdam.“Ako—” Sasagutin na sana siya ni Darryl sa pamamagitan ng pagsasabi na mayroon siyang gamot para rito pero hindi pa niya natatapos ang kaniyang sinasabi nang bigla siyang mabulaga sa nagpapanic na si Lilliang yumakap sa kaniyang mga bisig.“Namiss kita, Papa. Namiss po talaga kita,” Sabi ng nagpapanic na si Lillian kahit na nakatulala ang akniyang mga mata.Nagulat si Darryl sa ginawang ito ni Lillian pero kaagad siyang nagising sa katotohanan at Tama nga si Darryl. Hindi naging maganda ang nakaraan ni Lillian. Napilitan siyang umalis sa kaniyang tirahan nang dahil sa digmaang nagalang ilang libong taon na walang kinahinatnan kasama ng ka
Napasinghal na lang ang hindi makapaniwalang si Lillian sa mga sandaling ito. “Mukha bang pinagsisisihan ko ang pagsama sa isang manyak na katulad mo?” Habang iniisip ang bagay na ito, nakarinig si Lillian ng nagbubuzz na ingay sa kaniyang likuran. Mabilis na napaharap sa kaniyang likuran si Lillian at kaagad na napuno ng takot nang makita niya ang pinagmumulan ng ingay. Isang pugad ng mga bubuyog ang biglang lumabas mula sa napakaraming bulaklak na naglalaman ng mga bubuyog na kasing laki ng kamao na mayroon ang isang pangkaraniwang tao. Nanlalamig na nagliwanag ang katawan ng mga bubuyog na siguradong makakapagpanginig sa sinumang makakakita sa mga ito. Siguradong magiging mahirap maimagine kung gaano kasakit ang matusok ng kahit isa sa mga bubuyog na ito.Nang marinig ni Darryl ang mga natatakot na sigaw ni Lillian, napatigil siya sa kaniyang paglalakad at tumingin kay Lillian para ipakita ang nanloloko niyang mga ngiti.Nang makita niya ang paglipad sa paligid ng mga bubuyog sa p
Habang napapakagat sa kaniyang mga labi, mukhang nagpapanic si Lillian habang sinasabi na, “Sige, sasabihin ko na ito, okay? Kuya, Mabait kong kuya, Napakabait kong kuya…” Naging kasing pula ng mansanas ang kaniyang mukha nang sabihin niya ang mga salitang iyon.“Magaling.” Tawa ng nakangising si Darryl bago pumitas ng isang bulaklak na hindi kalayuan mula sa kaniya na kaniyang ginamit pangbato sa mga bubuyog.Kaagad na lumipad palayo ang mga bubuyog nang makita ng mga ito ang bulaklak habang nagpapanic na nagbubuzz sa paligid.Walang kahit na anong epekto ang ibinatong bulaklak ni Darryl sa mga bubuyog.Ang tunay na tumakot sa mga ito ay ang naging presensya ni Darryl, pero kinailangan pa rin niyang gumawa ng isang decoy pera hindi siya magawang makilala ni Lillian.Nagulat nang husto si Lillian nang makita niya kung gaano karelax si Darryl nang gawin niya ito. Gaano ba karaming lihim mayroon ang isang lalaking nakaalam sa lugar na ito na para bang sarili niyang tirahan? Kaagad n
Pero kasalukuyan nang nasa limit ang kaniyang internal energy habang sinusubukang protektahan ang kaniyang katawan mula sa nakalalasong hamog. Siguradong mamamatay siya sa sandaling tanggihan niya ang inaalok na suhestiyon ni Darryl. Nanginig ang buong katawan ni Lillian nang maisip niya ang tungkol sa pagkamatay at pagkaagnas ng kaniyang katawan sa lugar na ito nang dahil sa tapang ng nakalalasong hamog sa paligid, kahit nagawa niyang magmatigas, wala pa rin siyang nagawa kundi tanggapin ang katotohanan. Nagdadalawang isip itong kumagat sa kaniyang mga labi habang naglalakad papunta kay Darryl para makishare sa suot nitong balat ng hayop.“Napakabango pala nito,” isip ni Darryl habang inaatake ng matamis na amoy ni Lillian ang kaniyang pangamoy na halos makapagpabangag sa kaniyang isipan. Naglibot ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa katabi niyang si Lillian. Inaamin niya sa kaniyang sarili na malapit nang maging perpekto ang hubog ng katawan nito kaya kaagad na naging kakaiba
Matagal nang may nararamdaman si Otis kay Lillian. Kaya agad nitong naisip na si Darryl ang may gawa nito sa kanilang lider matapos ng hindi nila pagkakaunawaan nito noon. Dito an biglang sumabog ang galit ni Otis habang naiisip ng iba pang mga miyembro ng grupo ang bagay na naiisip ng kanilang kasamang si Otis, dito na nagsisugod ang mga miyembro ng Blood Thorn Mercenary Team kay Darryl.Nanatili namang nasa postura si Darryl habang nanlolokong tumitingin kay Lillian nang nakangiti. “Mukhang hindi naging maganda ang ginawang panghuhusga ng mga kasama mo sa akin, maganda kong kapatid. Maaari mo bang ipaliwanag sa kanila ang lahat?”“Ano! Ang lakas ng loob ng hayo na itong tawagin ang aming lider bilang kaniyang kapatid ha?” Dito na mas nabulag sa kaniyang galit si Otis habang mas mabilis na tumatakbo papunta kay Darryl.“Tigil!” Hihiwain na sana ng hawak na espada ni Otis si Darryl nang bigla siyang pigilan ni Lillian, “Tama na, naiintindihan mo?”Agad na tumigil si Otis at ang kan